CHAPTER 4
Five years ago....
IRRATATION AND DISGUST, that’s what I feel when my sister pushed me hard on the carpeted floor.
“A---Ate…” Naiiyak kung tawag sa kanya. Sumakit ang balakang ko ng maramdamang tumama iyon sa isa sa mga silya ko sa kwarto.
Nangapa ako sa dilim habang naririnig ko siyang nagpapadyak.
“Have Mommy gone mad?!” Sigaw niyang tanong sa akin at galit na galit talaga. “Why does she have to shop you a nice dress?! Bulag ka naman at hindi na dapat pang lumabas ng bahay! I should be the one to have those branded shoes and dresses. Ako ang ipakilala ni Papa at hindi ang isang walang kwentang anak na kagaya mo!”
“Y---you can take my new dresses, Ate Amelia.” Nauutal kong saad sa kanya at kinapa ulit ang mesa ko para makatayo. “Hindi ko naman pa po iyon nasusuot.”
She screamed that caught me off guard. Hindi ko mapigilang hindi mapakislot. Dahil nasisigurado kong halos ang buong sakop ng mansiyon ay naririnig ang pagsigaw niya.
“Boba ka ba?! Mom would get mad at me if I take it. May I remind you, Lolita, you are not the heir. Ako ang dapat pinababuran ni Mommy at hindi ikaw!” Natakot ako ng bigla niyang nahablot ang buhok ko at iwinasiwas ng malakas.
Napaiyak ako ng malakas ng ilang ulit kong tinawag ang pangalan niya pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagsabunot sa akin.
“I hate you!” Sigaw niya. “Masiyado kang pa-importante at ma-papel!”
Dumaing ako ng malakas dahil sa sakit. I’m taller than Ate Amelia, that’s what my mother said. But I never took that as advantage to outwit her when it comes to physical strength. Nirerespeto ko siya bilang nakakatanda kong kapatid. Kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kong bakit galit na galit siya sa akin gayong wala naman akong ginagawang ikakagalit niya. Maya maya pa ay may narinig akong mga naglalakihang yapak patungo sa silid ko at alam kong ang mga kasamabahay iyon dito sa mansiyon.
“What the hell are you doing, Amelia?!” Kumukulog na boses iyon ni Papa ng bumukas ang pinto. “Let go of your sister this instant!”
Ramdam ko ang paninigas ng katawan ni Ate at tila parang napapasong binatawan ako.
“Oh my God!” It was Mama. Kaagad kong naramdaman siya sa aking tabi at hinila ako para sa isang mahigpit na yakap.
Pinahid niya ang luha ko at mabilis na inayos ang buhok ko.
“How many times do I have to tell you, Amelia? Hindi mo kailanman dapat pagbuhatan ng kamay ang kapatid mo!” Galit na sigaw sa kanya ni Mama habang hawak ako.
“She’s not my sister!” Sigaw ni Ate pabalik.
Mama sighed heavily. “Wala kang galang!”
Ate Amelia chuckled evilly. “Bakit, mommy? Kailan nga ba mo ako pinagtuunan ng pansin? Simula nang isinilang mo iyang bulag na iyan ay wala ka nang panahon sa akin.”
“How dare you!” Tunog ng isang sampal ang bumalot sa buong silid.
“Ma…” Pigil ko sa kanya ng maabot ko siya.
“Alam mong may kapansanan ang kapatid mo, Amelia. You became so spoiled and rotten untamed. How could you question my love for you when in fact hindi kita pinalaking ganiyan. Wala akong pagkukulang sa iyo bilang ina. Ang kapal ng mukha mong isampal sa mukha ko iyan! Sumusobra ka na talaga!”
Papa heavily sighed. “Tama na iyan, Alexandra. Malapit nang dumating ang bisita natin.” Malamig niyang utos kay Mama. “Let’s settle this later. For now, dress them up and put a f*****g hot compress on Amelia’s swollen face. Hindi siya pwedeng makita ng mga bisitang ganiyan ang mukha! Ayaw kong napapahiya ako sa harap ng bisita natin, nagkakaintindihan ba tayong lahat?!”
Walang kaming nagawa kundi ang manahimik.
Nang marinig ang pag-alis ni Papa ay mabilis na dumulog ulit sa akin si Mama at ang aking Yaya Dalelia.
“This is all your fault!” Pahabol na sigaw ni Ate bago umalis at pabalibag na isinirado ang pinto ng kwarto ko.
“Maayos na ba ang pakiramdam mo, Lo?” Tanong sa akin ni yaya.
Matamis akong ngumiti at tumango kahit hindi ko siya nakikita.
“Ikaw na muna ang bahala kay Lolita, Manang. Pupuntahan ko pa si Amelia at pagsasabihan.” It was Mama.
Agad ko siyang nahawakan. “H---huwag na po, Mama. Baka magalit si Papa at baka masaktan na naman niya kayo.”
Hinaplos niya ang pisngi ko. “Tandaan mo ito, anak. Huwag mong hayaang saktan ka ulit ng Ate mo. Amelia’s behavior is getting out of hand and I don’t know what will I do with her anymore. Masiyado na siyang nabubulag sa galit niya at selos na walang katuturan.”
“Alam niyo naman po na napakaselosang anak si Amelia kahit naman po noong mga bata pa sila.” Yaya Dalelia said.
“Exactly! Pero hindi niya dapat pinagseselosan ang kapatid niya, Manang. Hindi nakakakita si Lolita at hindi siya dapat nakikipagpaligsaan dito.” Mama frustratedly added. “Ilang beses ko nang ipinaunawa iyon sa kanya. She’s turning twenty-five soon and she’s still so spoiled. Hindi ko naman siya pinalaking ganoon.”
Nanlulumo ako habang naririnig ang nasasaktan boses ng aking ina. Despite being a good mother, she was still judged and misinterpreted by her own daughter. Nakakasakit para sa akin ang tinatrato siya ni Ate at Papa ng ganito.
Maya maya pa ay nagpa-alam na si Mama para magbihis na rin. Hindi na ako umapila pa dahil alam kong marami pa siyang gagawin.
I sighed heavily.
“Ang ganda ganda talaga ng alaga ko…” Narinig kong sabi ni Yaya ng matapos niya akong bihisan. Ngumiti ako sa kabila ng kadilimang nakikita.
Masiyadong busy ang buong tauhan sa mansiyon dahil ngayon darating ang panauhin ni Papa. May gaganapin na pagtitipun kasi hinggil sa pakikipag-isang dibdib ni Ate Amelia. At kahit man hindi kami nagkakamabutihan sa isa’t isa ay masaya ako para sa kanya bilang kapatid niya.
Tumaas ang kamay ko at dahan dahan kung inabot ang kamay ni Yaya.
My vision were might be buried underneath the depths of the darkness but I’ve known things. Hindi man ako matatawag na ignorante pero alam kong marami pa akong hindi nalalaman sa mundong ito lalo na at may kapansanan pa ako.
“Yaya, ano po ba ang pakiramdam ng ikakasal? Masaya po ba?” Tanong ko sa kanya.
Narinig ko siyang natawa at napabungisngis. “Hay naku, hija! Hindi ko alam kung kaya ko bang ipaliwanag sa iyo sa pamamagitan ng mga salita ko lamang. Dahil kahit sino naman ay ganoong saya ang mararamdaman kapag ikinakasal lalo na at mahal na mahal mo ang magiging asawa mo!” Mahabang sabi niya sa akin na sinamahan pa ng kirot sa aking tagiliran na animo’y kinikilig.
Natawa ako sa pagiging bibo niya. Mabuti na lang at kahit may edad na si Yaya ay kaya niya pa ring magbiro ng para bang kasing edad ko lang. Nang sa gayun ay hindi ako nahuhuli sa mga nagaganap tungkol sa takbo ng panahon dahil may kasama ako.
Ilang minuto pa ang lumipas ay narinig ko na ang ilang ugong ng sasakyan mula sa labas ng mansiyon at maaring hudyat na iyon na dumating na ang mga bisita ni Papa.
Mabilis kaming pumanaog ni Yaya. She then immediately handed me my white cane and guided me downstairs. Alam kong sa sala ako dadalhin ni Yaya Dalelia dahil doon namin sasalubungin ang mga panauhin. I can’t help to feel the excitement in my heart while hearing everything.
Nang makapanaog kami ay isang haplos ang sumalubong sa akin at sa amoy pa lang ay alam kong si Mama iyon. Binitawan kaagad ako ni Yaya at hinayaan si Mama na lang ang magdala sa akin.
“Are they here already, Mama?” Kabado kong tanong sa kanya.
“Yes, hija.” She answered.
Suddenly, I heard an urgent and angry footsteps nearby.
“Why is she here, Mommy?!” Ate Amelia hissed in anger. Kaagad akong napaatras sa takot.
“Lolita was supposed to lock herself in her room. Mapapahiya tayo kapag nakita nila tayong kasama siya lalo na ako!” She frustratedly added in a restraining voice.
Napayuko ako sa kahihiyan. Kinakabahan ako at bigla ay nanlamig ang aking katawan. I slowly felt the shrinking of my own pity confidence while hearing it from my own sister.
“Quite, Amelia!” Papa snarled at Ate. “Nandito na ang bisita. Stop your bickering or your engagement we’ll be cancelled off. And stop pestering your sister for now! Ako ang nagpalabas sa kanya kaya tumahimik ka at huwag mo akong ipapahiya!” Pigil na saad niya sa malamig na boses.
Agad tumahimik si Ate at narinig ko ang pagbuntong hininga ni Mama. Sa huli ay tumahimik kaming lahat at naghintay sa pagpasok ng mga bisita.
Bigla ay naramdaman ko ang lamig sa paligid. Whoever is coming from our door are wearing an enormous aura and heavily steps. Ilang beses kung pinakinggan ang bawat paglapag ng mga paa sa bawat marmol na kanyang dinadaanan at nang tumigil ang tunog ay muntik na akong atikihin ulit sa kaba.
“Good evening.” Isang nakakikilabot na boses ang umalingangaw sa sala ng mansiyon.
Napapitlag ako ng makaramdam ng malakas na hangin sa aking mukha. Naramdaman kong lumapit ng lalo sa akin si Mama.
“Are you fine, Lo? May masakit ba sa iyo?” Hinaplos niya ang pisngi ko.
Hindi kaagad nakaligtas sa akin ang biglang bulong ni Ate sa hangin. “Papansin talaga.”
I bite my lips to stop myself from quivering. Bumulong ako kay Mama at sinabihan siyang mabuti lang ako.
“Good evening, hijo. Welcome!” Masiglang bati ni Papa sa panauhin.
Akala ko ay babatiin din siya nito pabalik pero wala akong narinig. Bumati din sa kanya si Mama pero katulad din kay Papa ay wala akong narinig.
“My father didn’t come along as you can see, Don Riego. Tanging sa akin na lamang niya pinaako ang pagpunta dito.” Anang saad ng lalaki.
Natawa si Papa. Kahit ni minsan ay hindi ko siya narinig na tumawa ng malakas ng ganito. Importanteng importante nga talaga ang panauhin naming ito.
“Sinasanay ka na nga talaga ng iyong ama para sa pamamahala mo baling araw, hijo. Mabuti iyan nang mas maaga kang matuto sa mga responsibilidad mo.” Sagot ni Papa dito.
Magiliw ang boses ni Papa habang nakikipag-usap sa kanya habang kami ay naghihintay lang kong tatawagin niya.
“By the way, this our daughter…” Naramdaman ko ang pag-alis ni Ate sa tagiliran ko. “My Amelia…”Pakilala niya kay Ate dito. Akala ko ay isusunod ako ni Papa pero wala akong narinig mula sa kanya. Mas lalo ko lang hinigpitan ang hawak sa baston ko at pinilit na hindi umiyak sa harap nilang lahat.
Mas nakakahiya iyon! Baka pagalitan pa ako ni Papa at aawayin na naman ako ni Ate.
“M---mama…” Mahina kong tawag sa ina ko na nasa tabi ko lang.
Umusod din siya papalapit sa akin. “Bakit, hija?” She whispered at me too.
“Babalik na po ako sa kwarto.” Paalam ko sa kanya. Papa won’t notice my presence because I am not needed here in the first place anyway. Kusa lang kasing pinagpipilitan ni Mama ang presensiya ko dito bilang pormalidad na rin. But I know that our guest tonight doesn’t even recognize me.
Hindi ako kilala ng ibang tao bukod sa mga kasambahay dito sa mansiyon. I am a hidden child. Ako ang anak na hindi kayang ipagmalaki ni Papa.
“She will be your bride.” Pahayag ni Papa. “Come, hijo. Let’s take a sit first!”
Napangiti ako sa isipang sa wakas ay ikakasal na ang Ate. Baka kasi kapag kinasal na siya at nagka-anak na ay hindi na siya magagalit sa akin. In my own views, I really have this instinct that marriage will change her relationship with me. Magkakaroon siya ng mga anak at maiintindihan niya ang responsibilidad ng pagiging ina.
At ang responbilidad na iyon ay tutulong para maunawaan niya ang sitwasiyon ko at hindi na ako tuluyang kamuhian pa.
Palihim na tinawag ni Mama si Yaya kaya lumapit ito at inalalayan ako. Pero bago paman kami makatalikod ay nagsalita kaagad ang lalaki.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I don’t like your daughter, Senyor Rafael.” Matabang na saad na ito sa aking kapatid.
Natigil ako at nagulat sa narinig.
Why is he rejecting her?!
“B---but I am the one who was promised to you?!” Saad ni Ate. Nababanaag ko na ang pagkabahala at pagkalito sa kaniyang boses. Unti unti na rin siyang nawawalan ng pasensiya. This is not good!
Papa hissed. “Stay down, Amelia…” He said to Ate. I know it was a warning.
I then heard Papa sighed. “What do you mean by that, hijo? Si Amelia ang anak kung ipinangako sa iyo at alam iyan ng ama mo.”
The man suddenly chuckled. His baritone voice echoed across the living room. Nangatog ang tuhod ko at kaagad akong naalarma.
“Bakit? Si Amelia lang ba ang anak mo, Senyor?” Tanong nito kay Papa na ngayon ay seryoso na ang boses. “Sa pagkakaalam ko ay dalawa ang anak mo. I want to meet your youngest too.” Maawtoridad niyang saad.
Anong ibig niyang sabihin?
Mama gasped. “Oh my…” Parang tila nasisiyahan niyang saad at naramdaman ko ang marahang higit niya sa akin.
“Mama!” Nataranta kong bitiw ng salita ng hinigit niya ako papalapit sa kinanaroroonan nila Papa.
Kinakabahan ako at nabitawan ko nga pa ang baston at lumagapak ito sa marmol na sahig ng mansiyon. Natataranta na ako at nanginginig na naman ang kamay ko.
“Ako na ang kukuha, Lo.” Saad ni Mama sa akin ng akmang yuyuko ako para kunin ang baston ko pero nagsalita ulit ang lalaki.
“Let me, Senyora.” Ani niya kay Mama.
Napasinghap ako ng pakawalan ako ni Mama. Natahimik ang lahat. My heart was beating so damn hard. Hindi ko na halos mapigilan.
Naramdaman ko ang presensiya ng lalaki sa tabi ko at kahit hindi ko siya nakikita, nababanaag ko na malaki ang pangangatawan niya. Nagsimulang magsitayuan ang buhok sa batok ko ng maramdamang yumuko siya para kunin ang baston ko.
“Here you go, Ms. Riego.” He whispered.
Hinawakan niya ang kamay ko na ikinaigtad ko pero marahan niyang naabot muli ako at inilahad sa akin ang baston.
“My Lolita…” A whisper came to my ears. “Sa wakas ay mahahawakan na rin kita.”
What? Am I just hearing things?
His touch makes me feverish all of a sudden. Akala ko ay papakawalan niya ako pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang kapit sa mga kamay ko. His hand is big compared to mine.
“I want her, Senyor.” He declared. “Your youngest is the woman I want to be my wife.”
H