PROLOGUE
Note: Kung alintana man ninyo na may kamalian sa mga pangungusap o spelling pasensiya dahil unedited ito. You have been warned.
PROLOGUE
MATAPOS ang naging bakasyon, muling naibalik ang pagtitipon naming magkaklase. Simula na naman nang bagong taon para sa aming lahat.
Naglalakad ako sa hallway nang mapansin ko at marinig ang walang pakundangang pagbubulungan nang mga estudyante sa paligid. Hindi ko tuloy maiwasang mainis.
"Haayyy" buntong hininga ko nang may pamilyar na boses ang siyang nagsalita sa aking likuran.
"Aga-aga, napakalalim naman ata nang iniisip mo" nakangiting bungad sa akin ni Nami. Napangiti naman ako. Halos bigla akong nabingi nang maghiyawan ang mga kababaihan sa hallway dahil sa biglang pagsulpot ni Nami.
" Girls! Girls! Pasensiya na pero malelate na kami ni Xyra. Mauna na muna kami" natauhan nalang ako nang hawakan ni Nami ang kamay ko at hinila ako papalayo sa mga nagkukumpulang tagahanga niya.
" Tss, believe rin ako sayo no. Dami mong tagahanga" panimula ko at muling naglakad. Medyo malayo layo pa ang center building rito kung saan naroroon ang mga nagbubukod tanging class sa school na ito.
"Oo nga pala, may seating arrangement na nga pala" wika ni Nami na nagpahinto sa akin.
" Ano? Oa ah, first day na first day may ganiyan na" inip kong wika nang makita ang seating arrangement, nawala lang ako sa mood.
" Ano ba yan, bago pa man tayo naging official students nang section S kaagad na tayong binigyan nang requirements ni sir hindi ba" aniko tumango naman si Nami at nagpatuloy kami sa paglalakad. Hindi ko maiwasang mapangiwi nang may iilan hindi scratch that halos lahat nang estudyanteng madaanan namin ay yumuyuko nang bahagya o nagbibigay daan sa amin.
" Masanay kana" wika naman ni Nami.
"Hindi ata ako masasanay. Pareho lang naman tayong mga estudyante at nag-aaral ah. Porket nasa Class S tayo simula nang nasa first year high school tayo ganiyan na trato nila sa atin" aniko.
" Xyra, we belong in a different world for them. Sa kanila, we'll always be the role model of this school at alam mo naman yon diba" pagpapaliwanag ni Nami. Kaya nga naiinis ako sa litseng role na yan e.
Nabigla nalang ako nang akbayan ako nang mokong at nakangisi lang. Aba, aba dumadamoves ah. Nang makarating kami sa mismong building, halos napatanga ako. Makikita mong luma na ito. Even the metal supporting the stairs are all worn out, halatang pininturahan na lamang ito nang bago, hanggang second floor lang ang building na ito di tulad nang iba pero napakalaki nang espasyo nito na tanging nagbubukod tangi sa paaralang ito na nasa open field kaharap mismo nang school field namin. Pero ang umagaw sa atensiyon ko bago kami umakyat ay ang nag iisang napakalaking puno sa may gilid nito.
Nang makarating kami mismo sa harap nang classroom ay bigla akong may naramdamang kakaiba.
"Let's go" nakangiting sambit ni Nami. Tumango lang ako at ipinagbukas niya ako nang pinto. Napatingin ako sa itaas nang pintuan na may nakasabit na Class S.
"I miss you all, people!!" kaagad na masayang bati pa sa amin ni Jossel. Kahit kailan hindi ito nagbabago.
" Bhes! Waahh, I miss you bhes!" sabay na yakap nila Hara at Charity sa akin. Masaya ko naman itong tinugon.
" Akalain mo nga naman, magkaklase na naman tayong lahat. Mag aapat na taon na rin tayo ninyo, nakakasawa na rin ang mga pagmumukha niyo" kaagad kaming napangiti nila Hara at Charity nang marinig ang boses na iyon.
" Hi Ley!" masaya naming bati sa isa't isa. Halos nangingibabaw ang ingay na namumuo sa buong silid. Kahit kailan hinding hindi mababago ang senaryong ito sa amin. May mga grupong nagtatawanan, naghahabulan na tila mga bata kung umasta kung tutuusin nasa hayskul na ang mga ito, may iba na halos naghihiyawan at nagsisisayawan.
"Oo nga pala, katabi mo sina Pauline at Ana. Too bad, nasa kabilang row kami nila Leah, kainis kasi e" inis na bulalas ni Hara. Tumawa nalang ako.
"Wala na tayong magagawa, ibahin mo ang bago nating teacher ngayon" wika ko na pinagsang ayunan naman nila. Kaagad naman akong pumunta sa bangko ko at iniayos na ang mga gamit ko. Napalingon naman ako sa bahagi nila Jossel nang marinig ko ang pinag uusapan nila.
"Alam niyo ba ang nakaraan nang building na ito?" wika ni Jossel.
"Oa mo dai" pagbara pa ni Ana rito. Napatawa nalang ako nang bahagya pero inirapan lamang ito ni Jossel at nagpatuloy, pansin kong naagaw na rin niya ang atensiyon nang iba dahil medyo tumahimik ang paligid.
"Mukha ba akong nag oover react? Narinig at nabasa ko ang tungkol sa nakaraan nang building na ito mismo. This was an old cemetery, this whole school to be exact years ago. And this building of ours right now, was an old hospital building from the world war that said many people have died here" halos kaming mga nakikinig ay nakasalubong ang mga kilay at kunot noong nakikinig sa mga sinasabi ni Jossel.
" Naku, nagpapaniwala ka sa mga ganiyan Jossel" wika nila Vhan.
"Hindi nga! Pati si Dave alam ang tungkol diyan" aniya.
" Our older seniors have said, na may mga gumagala pa daw na espiritu dito mismo sa building na ito na naghahanap nang hustisya at mga espiritung hindi mapakali. Sabi pa nang iba, isinumpa raw ang building na ito sapagkat bawat sasapit ang papalapit na graduwasyon ay mababawasan ang bilang ng mga estudyanteng buhay" halos walang umiimik sa aming lahat nang bumukas ang pinto.
"f**k!"
"Multo!"
"Ahhh!!"
Halos magkandarapa kami sa gulat nang makitang si Gleia lang pala iyon. Halos mapahawak ako sa dibdib ko at nakahinga nang maluwag.
"Aba Dave, tumigil ka sa mga pantasya mo at baka masapak kita" angal ko.
"Ito naman oh. " nakangiwing wika ni Dave.
"Pero hindi ba kayo nagtataka. Kung bakit bawat taon na may napipiling magiging estudyante nang klaseng ito ay hindi na muling nakikita. At kapag sasapit ang graduwasyon, ang bilang nang bawat estudyante ay nababawasan. Hindi ba kayo nakapansin? O nabahala man lang? " dagdag pa ni Hanneh.
"And so the UNINVITED soul is coming" halos tumayo ang mga balahibo ko nang marinig ang sinabing iyon ni Melanie.
Ano bang pinagsasabi niya? Ilang minuto pa ay dunating na rin ang aming guro. Kaagad kaming bumati. Nasa 30's na ata si sir, halos pansin mong napakalinis niyang manamit, sa pormal niyang gupit sa buhok, sa napakaayos niyang postura sa suot na uniporme at sa makintab niyang sapatos.
"Magandang umaga, ako nga pala ang inyong guro simula ngayon hanggang kayo ay magtatapos bilang mga fourth year high school students. Ako si Mr. Nalson Baldez, at gusto kong malaman ninyo na ang silid na ito ay inyong ikalawang tahanan" panimula ni sir. Halos tahimik lang lahat at nakatuon sa kaniya ang buong atensiyon.
"Ngayon, ano ang inyong masasabi o mahihinuha sa salitang tahanan?" putik, oral agad. Sir naman e. Halos walang sumagot.
"Made of four corners? Family? To learn? To educate? To prosper? You have ideas, I know. Let me remind you that this is now your second home. Treat this as you treat your self, your family and your friends. At ayaw na ayaw kong may naririnig na mga usap usapan sa f*******: tungkol sa aking silid" teka, anong meron? Halos nabaling ang atensiyon ko sa mga kaklase ko na nagbulong bulungan.
"Teka, anong meron?" pagtanong ko kay Pauline.
"Hindi mo ba alam, tungkol sa pinost ni Leah. Tungkol sa porket nasa class S tayo at nasa kataas-taasan at maayos ang silid, e wala naman tayong pakialam" oh s**t, halos hindi makatingin si Leah kay sir ngayon, nag-aalala rin ako. Teka, kailan pa naging friend namin si sir sa f*******:?
"May mga kalamay ako kung inyong tinatanong. May mga kaibigan ako sa f*******: na mga guro rin na nakapagsabi. Hindi ba, binibining Freesia" halos napakagat labi ako. Waah, unang araw pa nga ito na ang naabutan namin.
"Opo sir. Pasensiya na po" paghingi nang paumanhin ni Leah. Napatahimik lang kaming lahat.
"Basta't tayo ay nagkakaunawaan na. Anyway, make this school year a memorable for all of you since this will be your last as junior high school"
Someone's POV
HINDI nila alintana ang panganib na bumabalot sa kanila ngayon. Magsisimula ang madugo at karumal-dumal na taon. Sapagkat, kayo ay ang pinili at ang magiging sakripisyo.
"The uninvited, who would it be?"