CAPITOLO TRENTA - THE ENCOUNTER Miss Ann's POV AKO na ang susunod. Wala nang mas nakakatakot pa sa sitwasyon ko ngayon. Bakit pa humantong ang lahat sa ganito? Kung hindi dahil sa nangyaring iyon hindi sana ito mangyayari sa akin. At isa pa, paano nalaman ng batang iyon ang sikreto? Flashback Halos nangangatog at hindi ako mapakali sa nangyaring sunod sunod na p*****n. Lahat ng nakakaalam sa bagay na iyon ay namamatay. Ayoko na. "Miss Ann" dahan dahan akong napatingin at nakita si Nyzil na nakatayo sa aking harapan. "A-Ayos lang ako. May kailangan ka ba?" pilit kong ngumite sa kaniya pero tila ba huminto ang mundo ko sa sinabi nito. "Ikaw na ang susunod. Kung gusto mong maligtas ang sarili mo, sundin mo lang ang sasabihin ko" anong pinagsasabi niya? S-Siya ba ang pumapatay

