CAPITOLO DIACIANNOVE - MISSING IN ACTION Nami's POV SIMULA nang malaman ko ang bagay na iyon mula kina Luther at Nyzil hindi ko na maiwasang mag alala kina Vhan. "Nami, nag away ba kayo ni Grace?" napatingin naman ako kay Dave. "Huh, wala. Bakit?" pagtanong ko sa kaniya. Nagkibit balikat naman siya bago pa nagsalitang muli. "Hindi kasi kayo masyadong nagpapansinan" bulalas pa niya at nagsimula nang mag ayos nang mga gamit niya kaya tahimik na pinagtuonan ko lang nang pansin ang pag aayos nang mga gamit ko. Kailangan kong kumilos kaagad. Nang mag alas sais na ay magkasabay na kaming bumaba ni Dave papuntang lobby. Kaagad na bumungad sa amin ang grupo nila Vhan. "Okay guys, say present if your name is called. Okay? Wala nang aangal" wika pa ni Cyril. Isa isa niyang tinawag ang

