CAPITOLO NOVE - POISON
Xyra's POV
INILIBOT ko ang aking paningin sa buong gymnasium. This is it, ang aming pinagharapang gawin nang ilang araw. Halos nababalot nang magarbong desinyo at palamuti ang buong gym at ang musikang umaalingawngaw sa paligid ay talagang napakasaya. Nagsisimula na ring mag anonsyo si Miss Eva sa magiging event at ilang sandali pa ay muling nagsimula ang mistulang acquaintance party.
"Guys, walang lalayo. Stay close at least every girls ay may kapartner dapat" pagpapaalala pa nila Webbie sa amin. Ewan ko ba pero palagi kaming ganito masyadong nag-aalala sa bawat isa, hindi na rin namin maiwasan dahil na rin sa mga nangyayari.
"Huwag kang lalayo, kukutusan kita" pagbabanta pa ni Dave.
"Wow naman, Dave. Mahiya ka naman" sabay irap ko sa kaniya. Nang mahanap na namin ang table namin ay kaagad na kaming naupo. Kamasa ko sa iisang table sina Leah, Trever, Hara, Charity, Matthew, at Calo.
Halatang nasisiyahan ang mga tao, may iba na masayang sumasabay sa musika. Nang makita ko ang mistulang DJ ay di nako nagtaka na si Jayash ang kanilang kinuha. Samantala, nang sumapit ang eksatong alas otso nang gabi ay nagkaroon nang Live Band ang extravaganza.
"Oh s**t, Jeemer!"
"Kyaahh!!! Felicilda!"
"Kentz, let's make babies na!"
"Be my date!"
Yan ang mga hiyawan dito sa loob nang gym. Napangiti nalang kami, hindi nga kami nagkamaling pinili siya.
Kanina pa ko nakakaramdam na may nakatingin sa akin. Kaya nang mailibot ko nakita ko sa gilid nang stage si Luther na kinakausap nila Nyzil at Jayash, hindi ko alam pero sa akin ba siya nakatingin? O guni-guni ko lang iyon? Kaya minabuti ko nalang na iripan siya at inilibot pa ang tingin ko.
"I'll get you a drink, may gusto ka bang kainin?" pagtatanong ni Dave.
"Ahh, how sweet my besty" pang-aasar ko.
"Baby, masanay ka na" pagdadrama pa niya, napangiwi naman ako nang halikan niya ang kamay ko.
"Siraulo ka rin no. Che, umalis ka na" pagtataray ko. Napakamanyak talaga nang lalaking iyon. Ganoon rin ang ginawa nila Matthew at nang ibang kalalakihan kaya naiwan kami.
"I guess ayos naman na ang party na ito" pagsimula pa ni Charity.
"Aba syempre dapat lang, pinaghirapan natin to ano" wika pa namin nila Hara. Nang mapansin ko si Miss Quarez na kinakausap ni Nyzil, ilang sandali lang ang itinagal nila at muling bumalik sa table si Moss Quarez hindi kalayuan sa amin. Kasama niya ang iilang guro kalibang na roon sina Miss Eva, Sir Nalson at ang iilan naming subject teachers. Maybe I'm being paranoid again. This is a party, Xyra enjoy. Teka, ang tagal naman ata nila Dave.
At nang mag iba ang musika, naging malumanay ito eksakto rin nang makabalik sina Dave dala dala ang mga pagkain namin.
"Tagal niyo?" ani Leah.
"Hinarang kami nang mga babae kanina" pagrereklamo pa ni Trever. Hahaha, kaya pala.
"Dave, p-pwede ba kitang makapartner?" napangiti ako nang palihim nang may nag aya kay Dave na babae para sumayaw. Napatingin naman siya sa akin nang mailapag niya ang pagkain at inumin namin.
"Hahaha, be a gentleman for a change and accept her offer. Para namang hindi mo gusto" pang aasar ko.
"Sige na, Dave, palusot ka pa" dagdag pa nila Trever at Matthew.
"f**k you both" nakangising wika ni Dave kina Matthew. Nang makaalis si Dave itinuoon ko na lamang ang atensyon ko sa pag inom nang juice at pinapakinggan ang musika. It was love the way you lie, Skylar Grey version. Ang ganda pakinggan, lalong lalo na ang kumakanta kasama ni Jeemer na babae.
"Let's dance?" pag aya pa ni Matthew at Calo kina Charity and Hara. Napangiti naman kami.
"Hahaha, enjoy!" wika namin ni Leah. Aww, napapangiti nalang akong makita ang mga kaibigan at kaklase naming masayang nagsasayawan.
"Ikaw, hindi ka ba sasayaw?" pagtatanong pa ni Trever kay Leah.
"Di ko type e" ani pa ni Leah. Napatanga naman ako nang may kamay na tumigil sa harapan ko. Nang makita kong sino laking pagtataka ko na lamang.
"Care to dance with me, Miss Ramos?" hindi ko mapigilang magtaka, ano na naman bang kailangan nang lalaking ito?
"Tanggapin muna bhes" nakangiting asar pa ni Leah. I once again look at him and God, why does he look so hoy in his tux and well combed hair and his manly perfume is intoxicating the breath out of me. f**k, ano bang pinagsasabi ko? Nakita ko naman siyang napangisi kaya pinagtaasan ko siya nang kilay at napabuntong hininga na lamang na tinanggap ang alok niya.
Nang maglakad kami sa gitna nang dance floor ay hindi ko mapigilang mahiya dahil halos nakatingin sa aming lahat.
"You look beautiful in your dress" wika pa ni Luther. Nginitian ko naman siya.
"Thanks, matanong nga bakit ako? Alam kong napakaraming babaeng nagkakandarapang ayain kang sumayaw" pagtatanong ko. Hindi ko alam pero bigla kong nahabol ang hininga ko nang hawakan niya ako sa aking baywang at mas inilapit sa kaniya.
"Your right about that" nakangisi niyang wika. Tss, kapal nang mukha.
"Oh edi, anong kailangan mo?" pagtatanong ko pa.
"I just want to dance besides it will be a shame not to show your beauty tonight" wika pa niya at marahan akong pinakawalan nang kaniyang bisig at pinaikot papalapit muli sa kaniya.
"Tss, whatever" mataray kong wika sa kaniya. Habang sumasayaw kasabay ang musika ay bigla ko nalang napansin si Miss Quarez na pinagpapawisan at para bang hirap na hirap makahinga.
"What is going on?" pagtanong ko sa sarili ko kaya nang marinig iyon ni Luther ay nakita ko rin ang pag aalala sa kaniyang mga mata.
"Wait here" aniya pero bago pa man siya makaalis ay hinawakan ko siya sa braso.
"No" mariin kong wika at nauna nang lumapit sa kinauupuan ni Miss Quarez.
"Miss Quarez? Anong nangyayari sa iyo?" ani Sir EN.
"What is going on?" sambit pa ni Miss Eva habang tinutulungan si Miss Quarez makahinga.
"Miss Quarez" sunod sunod naming wika pero ganoon na lang ang pagkabigla ko nang magsisigaw si Miss Quarez at namimilipit sa sakit. Bigla na lanang siyang bumagsak sa kaniyang kinauupuan at paulit ulit na nanginginig, nanlilisik ang mga mata na lumuluha.
"Miss Quarez!" sigaw ko. Lalapit pa sana ako nang pigilan ako ni Luther.
"No" mariin niyang pag uutos sa akin at mabilis niyang nilapitan si Miss Quarez na tumigil na sa panginginig at pagsisigaw.
"S-She's dead" nang sabihin iyon ni Miss Eva ay hindi ko alam pero nawalan ako nang lakas halos matumba ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman ko ang paris nang kamay na nakayakap sa aking baywang.
"Ahhh!!"
"Si Miss Quarez!!"
"Kyaahhh!!!"
Halos magkagulo sa loob nang gymnasium dahil sa nangyari pero ni hindi ko magawang makaalis sa kinatatayuan ko.
"Don't give in" nakita ko si Luther na nakatingin sa akin at dahan dahan akong pinapatayo.
"H-Hindi dapat ito.. S-Si Miss Quarez" nanginginig ang aking mga kamay at hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Paano to nangyari?! " asik ni Miss Eva.
"Call an ambulance and the police, now!" pag uutos pa nila Sir Nalson sa mga gurong nasa malapit pero naagaw ang aming atensyon nang may nakitang kapirasong papel sa kamay ni Miss Quarez.
Kinuha ito nila Sir Nalson at Sir EN sa kamay nang walang buhay ni miss Quarez.
"You will atone for your sins"
Mas lalo akong naguluhan sa nakasulat at hindi ko maiwasang matakot dahil nakaukit ang bawat salita sa papel ng kulay pulang tinta na may mga parte rito ang may dugo.
No, hindi 'to totoo. Bakit si Miss Quarez? Sino ang may gawa nito? Bakit?
"Hindi, paano?" napatingin naman ako sa nagsalita. It was Hanneh. Pero hindi ko maiwasang makita ang takot sa mga mata na bumabalot sa kanilang mata. Nakita ko pa ang paulit ulit na pagpapakalma nila Cyril kay Arlyn.
"Hindi, hindi 'to nangyayari?!" at sunod sunod na pagsigaw ang umalingawngaw muli.
NAPUTOL ang mistulang pagsasaya at ilang minuto nang makarating ang mga pulis, naiwan kami sa loob nang gym at walang ni isa man ang pinalabas. Hindi ko pa rin magawang patigilin ang sarili kong manginig sa takot, hinding hindi ko makakalimutan ang itsura ni Miss Quarez na naghihinagpis sa sakit. Hindi ko namalayan na napahawak ako sa braso ni Luther.
Hindi siya nagsalita hinayaan niya lang akong humawak sa kaniya at isinuot niya sa akin ang coat niya.
Iyon ang gabi na hindi hindi ko makakalimutan, akala naming lahat ay magiging maayos ang lahat sa gabing ito pero isang kahindik-hindik ang nangyari. Nang maalala ko na lang bigla ang nakasulat sa papel.
"You will atone for your sins"
Words that left my mind puzzled. The dying scream of Miss Quarez as she cried for air will never left my memory. Akala ko siya ang makakasagot sa mga katanungan namin pero bakit ito ang nangyari?
Someone's POV
HINDI! Ayoko pang mamatay! Bakit ganito? It can't be. Nagsimula na muli ang madugong taon.
Namatay si Miss Quarez dahil hindi niya sinunod ang napagkasunduan. Wala akong kasalanan. Wala akong kinalaman sa nangyari noon. Wala!