CAPITOLO UNDICI - VIDEO Xyra's POV TATLONG araw palang ang nakalilipas simula nang mamatay si Miss Quarez pero para bang walang nangyari nang gabing iyon dahil bumalik lang ang lahat sa normal. Kanina ko pa hinahanap si Hanneh pero ni hindi ko man lang siya mahanap. Hanggang sa tumunog na ang bell hudyat na magsisimula na ang ikatlong subject sa umaga. "Okay class, may iaanunsyo ako sa inyo " bago pa man natapos ni sir EN ang pagsasalita ay naagaw ang aming atensyon nang bumukas ang pinto at nagulat naman ako nang makita si Hanneh. "Miss Rodriguez, masyado ka atang maaga para sa subject ko, don't you think? Take your seat" wika pa ni sir EN. Sumundo naman si Hanneh at tahimik lang na naupo sa inuukupahan niyang bangko. "Now, tungkol sa iaanunsyo ko. Magkakaroon ang school nang

