Kanina pa ako tinititigan ni Nathan na parang may gusto siyang sabihin sa akin. Ang lalim ng iniisip niya at hindi ko mapuna kung ano iyon. Nandito kami ngayong dalawa at kumain, ang mga kapatid ko naman at si Papa ay nasa kwarto at binabantayan si baby Brian. Si Jenny naman at ang pekeng Doctor na iyon nandoon kay Brent. "Nath, napansin ko lang bakit parang ang lalim ng iniisip mo? May problema ba?" tanong ko sa kanya. Bigla naman siyang umiwas ng tingin sa akin. "W-wala may mga bagay lang akong iniisipsa...sa business ko," aniya sabay ngiti sa akin. "Ay, iyon lang pala akala ko kung ano na. Nag-aalala kasi ako sa iyo dahil kanina kapa hindi kumakain. Ganoon na ba ka lala ang problema mo sa business mo?" sabi ko pa. Hinawakan niya ako sa kamay. Ramdam ko ang lamig ng kanyang palad a

