Pagkatapos kong padedein si baby Brian ay naisipan kong bumaba muna para kumain. Kanina pa kumukulo ang tiyan ko, sina Abegail at ang dalawa kong kapatid naman ay mahimbing ng natutulog. Kanina pa kami dito sa kwarto ay nagkukulong lang. Si Tatay naman hindi ko alam kung nasaan. Nagpaalam siya sa akin kanina na may kukunin lang sa baba pero mahingit tatlong oras na siyang naroon ay hindi pa rin bumabalik. Mag alas sais na ng gabi kaya siguro kumukulo na ang sikmura ko. Ipagluluto ko na din ang mga kapatid ko tsaka pati sina Tita para tayawagin ko nalang sila para kumain. Habang pababa ako ng hagdan ay hinihilot ko ang aking batok, nagsisimula na naman itong mangalay ganoon talaga kapag stress ako. Si Nathan kanina pa tumawag sa akin na nakauwi na raw siya. Himalang hindi siya nagpalaam s

