Kasalukuyan akong nakaupo habang nakaharap sa litrato ni Tatay. Malapit nalang at mabubigay ko na rin ang hustisya na hinahangad ko para sa kanya at para rin kay Alice. Wala na silang takas sa ginawa nila sa kanilang dalawa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin matigil sa pagpatak ang mga luha ko. Hindi ko matanggap na nagawa iyon sa akin ni Nathan, pinagkatiwalaan ko siya at inasa ko sa kanya ang lahat na matutulungan niya ako pero kabaliktaran pala. Ang akala ko malalagpasan ko ang problema ko na magkasama kaming dalawa at mayroon akong masasandalan. Napaigtad ako sa aking upuan ng may marinig aking kumatok sa pintuan. Wala naman akong iniexpect na bisita ngayon, pero kaagad kong pinunasan ang aking mga luha at binuksan ang pinto. Tumambad sa akin ang itsura ni Nathan, bigla aking nakaramdam

