Hindi ko na pinatagal pa ang pagburol kay Tatay at kaagad ko na itong ipinalibing. Kailangan ko itong gawin para makuha ko kaagad ang hustisya sa kanya.Si Abby nagmukmok sa kanyang kwarto at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako kinakausap, hindi rin siya kumakain kaya nag-aalala rin ako para sa kanya. Nabalitaan ko na rin na okay na si Brent, salamat naman sa Diyos kung ganoon. Ano na kaya ang susunod na mangyari pagkatapos nito? Nabalitaan ko rin na magpapakasal na sila ni Jenny, hindi naman gaanong masakit dahol wala ng mas sasakit pa noong mawala si Itay. Hindi ko pa rin makalimutan ang itsura nito ng makita ko siyang nakahandusay sa sahig. Nandito ako ngayon nakaupo sa sofa habang hawak si Baby Brian. Napasakit palang umiiyak na walang boses. Ang sakit sa dibdib gustuhin ko man na

