Marami na ang bisitang nadatnan ko pagdating ko sa farewell celebration ng teleseryeng Love Thy Enemy na ginanap sa isang sikat na hotel kinagabihan. Napaismid na lang ako ng matuklasan kong sa hotel na pagmamay-ari ng pamilya ni Rave pala ang venue ng party kaya pala malakas ang loob ng isang iyon na um-attend. Siya agad ang hinanap ko pagkadating ko pero di ko siya namataan sa paligid. Kaliwa't kanan ang mga sumalubong sakin upang bumati at magpa-picture. Mabuti na lang at walamg taga media na imbitado sa party kaya panatag akong walang chismoso at chismosang nag-aabang ng balita sa tabi-tabi. "You look more beautiful tonight," nakangiting salubong sa'kin ng katrabaho kong si Cris Davis. Hindi na bago sa'kin ang sinabi niya kasi kahit ako alam ko sa sarili kong araw-araw akong

