Tulad ng inaasahan ko ay naging usapan sa mga chismis at balita ang tungkol diumano sa pagpapakasal namin ni Rave Santillaña. Dalawang araw na mula noong party pero hanggang ngayon ay mainit pa rin ang balita. Mas pinalala pa ng lalaking iyon ang sitwasyon dahil nang ma-ambush interview siya ay nakangiti pang kinumperma ng gago ang tungkol sa kasal. Nag-aalburuto talaga ako dahil doon kasi wala pa siyang ibinigay sa'kin na singsing tapos kinumperma na niya ang kasal. Ano nalang ang pwede kong ipagyabang kung may magtatanong sa'kin? Iyong ngang ibang artista kahit hindi kinumperma ang engagement pero sinasadyang pinapakunan iyong suot-suot nilang engagement ring tapos ako... balitang-balita na ikakasal na pero wala pa ring engagement ring. Lagot talaga sa'kin ang star boy na ito! Sa

