Napanguso ako nang salubungin ako ng mahigpit na yakap ni Daddy at mariing halik sa ulo. Naglalambing ba ang matandang ito? Di ako sanay na di niya sinisigawan tuwing magkakaharap kami. "Umuwi ka na. Or else, ipapakasal talaga kita kay Rave," seryoso nitong pahayag matapos akong pakawalan. Agad umasim iyong mukha ko dahil sa sinabi niya at pairap kong sinulyapan ang lalaking tinutukoy niya na nasa di kalayuan. Mabilis ding tumuon ulit ang matalim kong titig sa kinaroroonan ni Rave dahil parang tuwang-tuwa pa ang loko habang kausap iyong kapatid kong si Fhel Ashely at pinsan kong si Kylie, ang dalawang presidenti ng fans club niya. Tulala naman iyong kambal kong kapatid na nakatunghay sa bawat galaw ni Rave na para bang first time nilang nakakita ng artista. Para talagang kiti-kiti

