Feel ko talaga ay naninigas na iyong panga ko sa kakangiti. Ang hirap palang ngumiti habang nagtatagis iyong ngipin mo dahil sa nakakainis na eksena sa harapan mo. Nandito kasi ako ngayon sa set ng teleseryeng pinagbibidahan ni Star boy at ng dikya niya. Kahit anong tanggi ko kasi ay nadaan ako sa kalandian ni Rave. Masisisi niyo ba ako? Sadyang marupok ako pagdating sa advances ng lalaking ito. Ilang beses ko na bang isiniksik sa utak ko na di na ako padadala sa Rave na ito pero tuwing pinapakitaan niya ako ng abs niya ay lintik, nanginginig iyong tuhod ko at lumalambot iyong depensa ko. Dapat talaga ay di na ako nagpunta dito! Kasi naman, bedscene iyong kasalukuyang kinukunan. Kung nakakamatay lang iyong tingin ko ay kanina pa nagkalat dito sa set ang mga bangkay ng mga malalandin

