"Let's go, bes," aya sa kaniya ni Wilma. Ito na rin ang nagdala ng hindi naman kalakihan na traveling bag niya. "Okay lang ba na sa condo mo ako tumira? Baka nakakaistorbo ako. Nariyan pa naman 'yong kapatid mo." "Ano ka ba naman, Irish! Okay lang 'yon, 'no. Dalawa naman ang kuwarto sa condo. Doon ka matulog sa kuwarto ko." Tumango na lang siya at isinara ang bahay nila. Kanina pa siya nag-aalangan kung tutuloy sa condo ni Wilma. Nahihiya siya lalo na't lalaki iyon na nakatatandang kapatid ng kaibigan niya. "Okay lang ba kung puntahan muna natin si Marco, bes?" tanong niya habang naglalakad sila palabas ng eskinita. Tanaw niya si Mang Erning na naroon sa kalsada at waring siya ang sadya ng matanda. "Oo naman," nakangiting tugon ni Wilma. "Magandang umaga po, Tay Erning," bati ni Iri

