Chapter 22

1056 Words

Alas diyes na ng umaga ay nakahiga pa rin sa kama si Marco. Masakit ang kaniyang ulo dahil hindi siya nakatulog magdamag. Abala siya sa pag-iisip ng paraan kung paano maiaalis sa lugar na iyon si Irish at ang pamilya nito. "D*mn!" mura niya sa isip. Ikinuyom niya ang kaniyang kamao sa labis na galit. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa dalaga na mapanganib ang lugar na tinitirhan nito nang hindi siya nagmumukhang kahina-hinala. Ayaw niyang malaman ng dalaga ang totoong negosyo niya. Hindi muna sa ngayon dahil baka ma-turn off ito sa kaniya at tuluyan na siyang layuan. Ngayon lang siya umibig at nais niyang magkaroon iyon ng katuparan. "Aray!" sigaw niya nang kumirot ang sugat niya sa tagiliran. Tinanggal niya ang suot na puting t-shirt at tiningnan iyon. Para siyang binuhusan ng ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD