Chapter 21

1402 Words

"Magandang gabi po," magiliw na bati ni Marco sa mga magulang ni Irish saka nagmano sa mga ito. Nagulat naman sina Mang David at Aling Anita sa ikinilos ng binata. Nagtataka sila kung bakit nagmano ang huli. Tila may ideya na sila na may namamagitan sa kanilang anak at sa amo nito. Nakabusangot ang mukha ni Irish. Naiinis talaga siya sa ginawa ni Marco na pagbibigay ng pera sa mga lasinggero. Magkatabi silang nakaupo ni Marco sa mahabang sopa at hindi siya umiimik. Nakikinig lang siya sa pag-uusap ng tatlo. "O, mabuti at hindi kayo inabangan ng mga lasinggero na nariyan sa labasan," wika ni Mang David kay Marco. Napangiti lang si Marco. Sumabat si Irish. "Naku, Itay, magpapamisa po ako kung may palalampasin sila na dayo rito sa lugar natin. Masyadong sugapa sa alak ang mga iyon. Hayu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD