Nakaupo sina Irish at Marco sa backseat ng mamahaling kotse ng binata. Wala silang imikan habang tinatahak nila ang daan pauwi sa bahay nina Irish. Walang mapaglagyan ang tuwa sa puso ni Marco nang mga sandaling iyon. Sa ilang oras kasi na nakasama niya ang dalaga ay nababasa niya ang kilos nito. May nararamdaman din ito sa kaniya at nahihiya lang itong ipakita iyon. Kaya pagbubutihan niya ang panliligaw dito nang sa ganoon ay hindi na ito makawala pa sa kaniya. Walang imik ang driver ni Marco na si Mang Ben. Nakatutok lang ang paningin nito sa kalsada. Hindi na siya nagtanong pa ng direksiyon pauwi sa tirahan ni Irish dahil kabisadong-kabisado na niya iyon. Katunayan ay hindi lang sampung beses na napuntahan niya ang lugar na iyon kasama ang amo niya na si Marco. Sa likuran ng kotseng m

