Chapter 5

1123 Words
"D*mn that man!" gigil na wika ni Giovanni. Galit na galit siya kay Marco. "Akala mo kung sinong magaling." "Gio, stop it!" saway ni Pat nang akmang susundan ng nobyo si Marco. "Oh, sh*t! Don't tell me may nararamdaman ka pa rin sa gag*ng 'yon, Patricia." Napailing si Pat. Hindi naman malakas ang boses ni Giovanni pero pakiramdam niya ay narinig iyon ng ilang bisita dahil napatingin ang mga iyon sa gawi nila. Minsan ay naiinis din siya sa bunganga ng nobyo niya. Walang preno ang bibig niyon at basta na lang nagsasalita nang walang pakundangan. "Watch your language, Gio. Marco and I are done." Pinilit niyang maging mahina ang boses kahit gustong-gusto na niyang sigawan si Giovanni. "Really? Then why do I feel like you want to get back to him? Are you jealous of her new girlfriend?" Natigilan si Pat. Hindi niya kayang magsinungaling sa sarili. Nagseselos siya, naiinggit siya sa bagong nobya ni Marco. Kung puwede niya lang ibalik ang panahon ay gagawin niya. Hindi siya makikipaghiwalay kay Marco at mananatili siya sa tabi nito. Ngayon niya lang napagtanto ang pagkakamali niya noon sa dating nobyo. Tumalikod na lang si Pat at iniwan si Giovanni. Galit siya at gusto niyang mapag-isa. Nagsisisi siya na dumalo pa siya sa birthday party ni mayor. Kung nanatili na lang sana siya sa mansiyon kasama ang kaniyang ama ay hindi niya sana nasaksihan ang masayang mukha ni Marco sa tuwing mapapatingin sa bago nitong nobya. Samantala ay naroon na sa loob ng mansiyon sina Irish at Helena. Proud na proud ang ginang habang nagkukuwento patungkol kay Marco. Kung umasta ito ay tila tunay na anak ang huli. "When his parents died, my husband and I took care of him," patuloy pa ng ginang. "Wala pa naman kaming anak ng tito mo nang mga panahon na 'yon kaya si Marco ang nagsilbing anak namin." Tumango lang si Irish. Ngayon lang niya nalaman na ulilang lubos na ang kaniyang boss. Pero ang ipinagtataka niya ay kung bakit ni minsan ay hindi niya nakita si Marco sa mga political campaign ni Mayor Hizon. Tanging ang asawang si Helena at dalawang anak ng mayor ang nakikita niya tuwing malapit na ang halalan. Lumapit ang ginang sa picture frame na naroon. Dalawang pareha ang naroon. Si Mayor Hizon kasama ang asawa na si Helena at isa pang pareha na sa tingin niya ay mga magulang ni Marco. Kamukhang-kamukha ni Marco ang lalaking katabi ni Mayor Hizon. Pati ang mga mata nito ay walang pinagkaiba sa boss niya. "They are his parents I suppose?" wika niya. "Yup!" "They are too young." "They met an accident when Marco was fifteen years old and—" "Hey," sabat ni Marco na naroon sa bungad ng pinto. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa dalawa na abala sa pag-uusap. "Marami na yata kayong napag-usapan?" Nilapitan niya si Irish. "How do you find my ninang? She's too nosy, right?" Tumawa ito. "Gusto ko lang malaman kung nasa tamang tao ka, Marco," seryosong saad ni Helena saka ngumiti. "I don't want you to repeat the same mistakes when you were with Pat. I can't stand that woman." Lihim na napangiti si Irish. Wala naman siyang pakialam kung nagkaroon ng relasyon sina Marco at Pat. In the first place ay hindi naman niya nobyo si Marco. Narito lamang siya para samahan ang kaniyang boss at sa kasamaang palad ay tila na-set up siya. Mayamaya ay may dumating na kasambahay at kinausap si Helena. Agad namang nagpaalam ang ginang kaya naiwan silang dalawa sa living room. Muli ay nakadama ng pagkailang si Irish. Nakatayo silang dalawa ni Marco, magkaharap sila at tila may nais itong sabihin sa kaniya. "Don't get mad at me, Rish," bulong ni Marco saka hinawakan ang palad ng dalaga. "Alam kong naiilang ka sa mga nangyayari." "I...I had a hunch you did this on purpose," lakas-loob niyang saad sa nanginginig na boses. "Isinama mo ako rito para—" "Are you mad, Rish?" Tumingin siya sa mga mata ng dalaga. "I am sorry." Hindi na makapagsalita si Irish. Ayaw niyang sumbatan si Marco dahil baka magalit ito at tanggalin siya sa trabaho. Nasaksihan niya noon nang tanggalin nito ang dating sekretarya at siya ang ipinalit sa posisyon. Ayaw niyang mangyari iyon sa kaniya. Mahal niya ang trabaho niya dahil iyon bumubuhay sa kaniyang pamilya. "Excuse me, Sir Marco," wika niya. "I need to go to the ladies room." Tumalikod na siya at hindi na hinintay pa na magsalita ang amo. Kanina pa siya naiihi at hindi naman siya makapagpaalam sa asawa ni mayor dahil hindi matapos-tapos ang kuwento nito. Sa tulong ng kasambahay na naroon ay itinuro siya nito sa ladies room. Napahugot siya nang malalim na hininga nang naroon na siya sa harap ng malaking salamin sa loob ng ladies room. Hindi niya kinakaya ang mga nangyayari. Hindi kinumpirma ni Marco sa harap ni mayor at ng asawa nito ang tungkol sa kanila kaya nagkaroon ng konklusyon ang mag-asawa na girlfriend nga siya ni Marco. Lumabas na siya ng ladies room at bumalik sa living room subalit wala roon si Marco. Lalabas na sana siya sa mansiyon nang marinig niya ang ingay ng mga tao sa labas. Sunod-sunod din ang ingay ng putok ng b*ril kaya inatake siya ng takot. Mayamaya ay nawalan ng ilaw sa loob ng mansiyon. Napasandal siya sa konkretong pader malapit sa pintuan. Pigil na pigil niya ang hininga dahil naramdaman niya ang mga yabag na nagmamadaling pumasok sa mansiyon. Nang mawala ang ingay ng mga yabag ay lakas-loob siyang sumilip sa glass door. Maliwanag sa labas at nakikita niya kung paano magkagulo ang mga tao roon. Kaniya-kaniyang takbo ang mga bisita. Napansin din niya ang mga lalaki na naka-mask. Tila may hinahanap ang mga iyon dahil tinitingnan ang bawat tao na makaharap. Ang hawak nilang b*ril ay nakahanda na sakaling makita na ang taong dapat nilang pat*yin. Natutop ni Irish ang sariling bibig nang mapansin niya na sa gilid ng makeshift stage ay abala si Giovanni sa pakikipagsuntukan sa lalaking naka-mask. Agad na naagaw ni Giovanni ang b*ril at pinaputukan ang lalaki sa ulo. Tumimbuwang ang lalaki at umagos ang dugo sa mukha nito. Napapikit si Irish. Hindi niya kaya ang mga nasasaksihan. Dinig niya ang mga sigawan ng mga bisita. Takot na takot ang mga iyon. "Nakita n'yo na ba ang Irish na iyon?" tinig na nagmumula sa hindi kalayuan sa puwesto ni Irish. "Kailangan mailigpit ang babaing iyon ngayong gabi." "Opo, ma'am," tugon naman ng isang boses na tinig lalaki. "Diyos ko po!" sigaw ng utak ni Irish. Mas lalong nadagdagan ang takot niya nang marinig ang boses ng taong nagsambit ng pangalan niya. Parang kilala niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD