Sasha's POV Apat na araw... Apat na araw na akong nagkukulong dito sa kwarto sa loob ng guest room. Ayokong lumabas kapag andito si Denver sa bahay. Ayoko ring lumabas kapag alam kong wala sa loob ng kwarto si Parise. Ayokong makita silang dalawa, ni kahit isa sa kanila. Nakaupo ako ngayon sa ibabaw ng kama habang nakatitig sa isang tray ng pagkain sa tapat ko. Si Denver mismo ang naghatid ne'to ngayong umaga. Mula nong nag-away kaming dalawa, araw-araw siyang kumakatok sa labas ng pinto at tuwing umaga rin niya akong dinadalhan ng pagkain. He will knock every first thing in the morning, the time before he leave to work, the night when he arrives home, and the time before he go to sleep. Araw-araw ganon ang ginagawa niya, kumakatok siya at pilit na kinakausap ako ngunit kahit isa

