Denver's POV Kakauwi ko lang mula sa trabaho ngayon dahil may biglaang urgent meeting ang naganap kaya umalis ako nong hapon. Pero nagtagal din ako sa loob ng kompanya dahil may nakalimutan akong tapusin kahapon kaya ginawa ko na lang ngayon. Padabog akong umupo dito sa couch ng aking sala atsaka tinaggal ang aking suot na necktie. Napatingin ako sa buong bahay dahil sobrang dilim dito ngayon, natutulog na siguro yung mga tao. Napabuga ako ng hangin atsaka inihilot ang aking sentido dahil medyo sumakit ang ulo ko sa dami ng aking iniisip. Napatingala naman ako sa grand staircase, sana natutulog na ngayon si Parise. It's not good for her health and for the baby to let her stay awake until this time. Pinilit kong tumayo dahil ayokong matulog sa sala, dapat sa kwarto namin ni Sasha ako m

