Kabanata 12
Work
Lumilipad ang utak ko sa napag-usapan namin nila Miss Darcy kanina sa kabilang Isla. Kanina pa nakauwi sina Sela at Ophelia simula nang makabalik kami rito ngunit ako'y naririto pa rin sa dalampasigan. Ala sais na ng hapon at tahimik akong nakaupo, nakatingin sa hilera ng mga bangkang naka-daong. Iniisip ko na naman 'yung kwento sa akin ni Lola noon. Nalulungkot ako sa tuwing naaalala iyong malungkot na mga mata ni Lola habang pinipigilan niya ang sarili niyang hindi maiyak dahil sa pagkaka-diskubre niya sa akin.
Ayaw naman talaga niyang i-paalam sa akin ang pangyayaring iyon ngunit pinilit ko siya. Nasa tamang pag-iisip na ako nang malaman ko ang buong katotohonan kung bakit wala akong Mama at Papa. Kung bakit sina Sela, Ophelia, Kiel, Thadeo at ang mga kaklase ko ay mayroong mga magulang at ako ay wala.
Palagi akong uhaw sa pagmamahal ng ama't ina simula pa noon. Inggit ang kauna-unahang bagay na naramdaman ko noong pumasok ako sa skwelahan at makita ang mga kaklase ko, kasama ang mga magulang nila. But Lola Tilda filled those emptyness in me. Kung wala siya, wala rin ako.
Pinalis ko ang mga luhang dumaloy na pala sa magkabila kong pisngi. Sinikop ko ang mahaba kong buhok at nagpasiyang tumayo na. Kinuha ko ang bag ko at isinukbit iyon sa balikat ko. Pinagpagan ko muna ang pwetan ko bago ako naglakad. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo nang tuluyan sa dalampasigan ay narinig ko na ang pangalan ko.
"Hey! Era!" bati ng isang pamilyar na lalaki.
Naglalakad ito papalapit sa akin hawak-hawak ang isang bagay na sa tingin ko'y digital camera. Nililipad ng hangin ang kulay brown niyang buhok. Nakasuot siya ng printed na polo, gray short, flipflops at straw hat.
Kumunot ang noo ko nang makalapit siya sa akin at ngumiti. Ito ang pangalawang beses na nakita ko siya. Hindi na kami ni Lola nagtitinda sa palengke kaya iniisip kung ano ang sadya niya sa akin.
"Hindi na kami magtitinda ni Lola sa palengke." sambit ko.
Tumawa ito at umuling. Sa pagtawa at pagngiti niya'y lumilitaw ang malalim niyang dimples. "I know. Pero hindi ako nagpunta rito para roon."
"E, ano pala? Ano'ng sadya mo?" nagkibit ako ng balikat.
The side of his pinkish lips rose up. Inayos niya ang buhok niyang ginugulo ng hangin at pinanatili ang kamay roon. "I wanted to see you."
Namilog ang mga mata ko at parang hindi ako kaagad nakalagalaw dahil sa sinabi niya. Pinanatili ko ang kulay kape kong mga mata sa kaniyang mukha. Hinihintay kong bawiin niya ang sinabi niya dahil hindi nakakatuwang biro iyon. Anong sinasabi ng isang 'to? Close ba kami? Oo, gwapo siya pero hindi kami close.
Kumunot ang noo ko nang tumawa siya. Parang may namumuong iritasyon sa aking kaibuturan dahil bigla siyang ngumisi. I was about to say something when he suddenly grabbed my hand and put something on it. I was stunned.
Isinarado niya ang palad ko upang ikulong ang bagay na iyon doon. Agad ko namang binawi ang kamay ko sa kaniya upang tingnan kung ano'ng inilagay niya sa kamay ko.
Nagsalubong ang mga kilay ko. Nagtatanong ang mga ko habang nakakatitig sa isang pilak na porselas at may ilang berdeng bato na palawit. "Aanhin ko ito? At bakit mo ibinibigay sa akin ito?"
"I found it on the shore. Akala ko sa 'yo 'yan. Pagkaalis mo kasi roon sa pwesto mo kanina nakita ko 'yan." he explained.
Tinaasan ko siya ng kilay at binalikan ulit ang isang bagay na nasa palad ko. Hindi ako naniniwala. Mukhang bago pa ang bracelet na ito. Paanong magkakaroon ako ng ganitong klasing alahas? This looks expensive!
Kung titingnan ako, mukha akong mahirap. Bakit naman niya iisiping sa akin ang porselas na ito gayong mukha itong mamahalin? Sa itsura ng lalaking ito mukha siyang mayamang bakasyonista. Imposibleng hindi niya nawari ang halaga ng porselas na ito.
"Hindi sa akin ito." sabi ko habang umiiling. Tinangka kong ibalik iyon sa kaniya ngunit mukhang wala siyang balak na kunin iyon sa akin.
"Just keep it even if it's not yours." ngumiti siya. Aapila na sana ako ngunit muli siyang nagsalita. "It's an emerald stoned silver bracelet. Bagay iyan sa 'yo."
Bago pa ako makapagsalita ay isang mainit na kamay na ang humawak sa baywang ko. Sa sobrang pagkabigla ko sa galit na mukha ni Eli ay hindi na ako nakapagsalita. Hinila niya ako papalapit sa kaniya at sinuri ng tingin ang lalaking nasa harapan ko.
"Who's he?" iritableng tanong niya.
Hindi ako nakasagot kaagad. Hindi naman kami close nitong si Zach kaya hindi ko alam kung dapat ko pa ba siyang ipakilala kay Eli. At isa pa, hindi ko talaga maintindihan si Zach kung bakit kinakausap niya ako ngayon at may ibinigay pa siyang bracelet sa akin.
"I'm Zachariah," ngumiti ito kay Eli at naglahad ng kamay. Ngunit nang mapagtanto niyang walang balak si Eli na tanggapin ang kamay niya'y binawi niya na iyon.
Naiilang kong nginitian si Zach. Hindi kami close pero hindi naman tama iyong ginawang pagsusuplado ni Eli sa kaniya. Ano bang problema nitong si Eli? Bakit siya iritado?
"Kaibigan mo ba siya?" tanong ulit niya.
Tinitigan ko si Zach at pansamantalang na-blanko ang utak ko. Nang makabawi ako'y nag-a-alangan akong tumango. Baka kung hindi ko sasabihing kaibigan ko si Zach ay isipin niyang nakikipag-usap ako sa kung sino.
Tumango si Eli at tumikhim. "I'm Eli. Nice meeting you, p're."
Umaliwalas ang mukha ni Zach nang marinig ang sinabi ni Eli. Ngumiti siya at inayos ang kaniyang buhok. "Great! You are actually looks familiar, p're. I think I've seen you somewhere in Manila months ago... I'm not so sure..." tumawa si Zach upang pagaainin ang aura ng paligid. Bumaling si Zach sa akin nang may pagtatanong sa mga mata. "Taga rito ba talaga kayo?"
Nanuyo ang lalamunan ko ngunit pinilit ko pa rin namang sumagot. "O-oo. Pasensiya na, Zach... Pero mauuna na kami."
Hinila ko na si Eli paalis roon. Hindi ko alam ngunit para akong pinagpapawisan ng malamig dahil kanilang interaksiyon namin ni Zach. Hindi ba dapat hindi kami umalis doon? Hindi ba dapat mas kinausap pa namin si Zach dahil mukhang namumukhaan niya si Eli? Hindi ba dapat... Ano ba'ng problema mo, Era?
Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama ko. I'm wearing a pink pajama and a white spaghetti strap. Kakatapos ko lang maligo at kumain. Si Lola ay mukhang lumabas upang maka-chikahan ng kaunti si Aling Susing. Si Eli.. Hindi ko alam... Hindi na kami nag imikan pagkadating dito sa bahay. Hindi siya nagsalita kaya hindi na rin ako umimik. Mukha siyang galit sa akin.
Kanina pagka-uwi namin ay agad akong sinalubong ni Lola ng mainit na yakap. Pinilit niya akong i-kwento ang naging karanasan ko sa Hotel. Sinabi ko na ayos naman naman at mukhang mababait ang mga empleyado roon. Nabanggit ko sa kaniya iyong tungkol sa naging usapan namin ni Miss Darcy. Akala ko'y malulungkot siya ngunit nagulat ako nang makitang masaya siya sa sinabi ko. Ang sabi niya'y malakas daw ang kutob niya na buhay pa ang tunay ko mga magulang. Sa tingin ko rin. Ngunit wala pa akong planong harapin o hanapin sila. Hindi ko alam kung... paano sisimulan.
Napabalikawas ako ng bangon nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at makitang pumasok si Eli. Agad kong hinagilap ang mga buhok ko at inilagay iyon sa unahan. What? Concervative lang, Era? Samantalang grabe ka kung makatitig sa katawan niya. Ugh!
"Uh.. M-matutulog kana?" wala sa sariling tanong ko. Umalis ako sa kama at tumayo. Hinihintay ang sagot niya. "Si Lola?"
"Nasa labas. Hindi pa ako matutulog." bumuntong hininga siya at humakbang papalapit sa kama. Umisod naman ako upang makadaan siya ng maayos. His large frame looks misplaced inside my room. Hindi rin bagay sa kaniya ang kwarto ko dahil pambabae ang lahat ng gamit rito. Ayoko naman ilipat ang gamit ko sa kwarto ni Lola dahil bukod sa sikip na roon ay alam kong... Aalis rin naman si Eli rito.
Napalunok ako nang maalala iyong singsing na nakuha ko sa dalampasigan kasama niya. Nakatago iyon dito sa kwarto ko, nasa drawer lang iyon. Mukhang hindi naman siya mahilig makialam ng gamit kaya hindi niya pa iyon nakikita. At kung makita niya kaya iyon, may maaalala ba siya? Hindi ko alam.
Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa mga pinaggagawa ko. Pakiramdam ko'y inilalayo ko siya sa katotohanan. Pakiramdam ko ang selfish ko. Hindi naman ako ganito. Parang ngayon lang. Nakakainis.
"S-sige. Lalabas na ako kung gano'n." sabi ko. "Magpahinga kana..."
His jaw clenched. He didn't talk. Nakakatitig lang siya sa akin na para bang binabasa ang nasa isip ko. Sa kaba ko'y tumango na lamang ako at tinalikuran siya. Ambang lalabas na ako ng kwarto ko ngunit nagulat ako ng mahuli niya ang kamay ko. Napasinghap ako nang hilahin niya ako at lumapat ang pang-upo ko sa kama, kaharap siya.
His dark eyes didn't left mine. He is looking at me intently! Noong una palang naman ay hindi ko na kayang salubungin ang madilim niyang mga mata. Wala akong nagawa kundi mag-iwas ng tingin.
"I-inaantok na ako, Eli. May.. s-sasabihin ka ba?" kabado ako, hindi makatingin sa kaniya ng diretso.
Bakit ba kasi nakatitig lang siya sa akin? Kung gusto niya akong kausapin e, 'di magsalita siya!
"Let's talk.. saglit lang." mariing sambit niya.
Walang nagawa ang mga mata ko kundi salubungin ang sa kaniya nang hawakan niya ang baba ko at i-angat iyon.
"A-ano namang pag-uusapan natin?" kinagat ko ang ibabang labi ko.
His jaw clenched again. "About... What happened earlier."
Halata ang pagka-irita sa mga mata niya. Hindi man salubong ang mga kilay niya'y madilim naman ang titig niya sa akin. Bakit? Dahil ba hinila ko na siya paalis kanina? Dahil ba hindi niya nakausap ng maayos si Zach? Hindi ko alam. Pero kung iyon nga ang dahilan... Dapat akong humingi ng tawad.
Nag-iwas ako ng tingin. "Sorry... Hinayaan dapat kitang makausap si Zach. Hayaan mo, pag-nakita ko ulit siya itatanong ko ang--"
"I don't care about what he said." he pursed his lips. "The most important thing I to know is.. Kung ano siya sa buhay mo, Era."
"A-ano?" hindi makapaniwalang sambit ko.
Kunot noo kong siyang tinitigan. Naroon pa rin ang pagka-irita sa mga mata niya. Hindi ko siya maintindihan.
"Who's he? Is he really your friend? Nakita kong may binigay siya sa 'yo kanina. Imposibleng kaibigan mo lang siya." iritado pa rin.
Parang gusto kong matawa sa itsura ni Eli ngayon. Ang dilim ng mga mata niya ngunit ang pait naman ng tono ng pananalita niya. What? Is he jealous? Why then? Bakit siya magseselos?
Hindi ko maiwasang hindi mapangisi. "Bakit mo ba tinatanong? I thought you're going to scold me."
"Why would I?" his brows shot up.
"Uhm.." I licked my lower lip. "Dahil hinila na kita roon paalis?"
He shook his head. "Mabuti nga at ginawa mo iyon."
"Eli I don't understand you. You should scold me because I dragged you away. Mukhang namumukhaan ka ni Zach. Kung hinayaan ko kayong makapag-usap baka... May dumagdag sa mga alaala mo. Baka makatulong siya." mapait kong sambit.
Napasinghap ako ng kuhanin ni Eli ang dalawang kamay ko at ipinatong iyon sa mga hita ko. Para akong kinikiliti sa posisyon naming dalawa. Kailan pa kami naging ganito kalapit? Ngayon lang! Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o ano. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ang pait at tamis ay naghahalo sa loob ko.
"Era, I don't care about my memories anymore. I don't want to remember..." seryosong sabi niya nang hindi inaalis ang mata sa akin.
Mas lalo pang gumulo ang nararamdaman ko nang marinig ang mga sinabi niya. Paulit-ulit akong napalunok at hindi mahanap ang mga salitang dapat na sabihin. At kung mahanap ko man ang tamang salita parang gusto ko na lamang itikom ang bibig ko at sumang-ayon sa sinabi ni Eli kahit na hindi iyon ang dapat kong gawin. Ugh!
Pinilit kong ngumiti at tinapangan ang sarili. Sinalubong ko ang madilim niyang mga mata. "Eli, mali ang gusto mo. Kailangan mong bumalik sa kung ano ka talaga dati. Paano kung may nangangailangan pala sa 'yo sa lugar na pinanggalingan mo? Paano kung... may nagmamahal pala sa 'yo at matagal na siyang n-nangungulila sa 'yo?"
Hindi na nagawa pang dugtungan ni Eli ang sinabi ko. Lumunok lamang siya at tinitigan ako na para bang hindi alam o hindi sigurado sa kaniyang sagot sa tanong ko. Napabuntong hininga ako. I know.
"Haaay. Ang daming customer sa Sea Side. I'm really tired! Haggard na ako." reklamo ni Sela sabay upo sa katabi kong upuan at inilapag ang tray niya.
Iilan lang kaming Crew rito sa quarter dahil hindi naman pwedeng sabay-sabay na mag-lunch break ang lahat ng empleyado. Tatlong araw matapos ang training program hinati na kaming mga newly hired at in-asign sa iba't ibang parte ng Hotel. Sa loob ng isang linggo'y anim na araw kaming may pasok. Isang araw lang ang day-off. Pinili ko ang linggo. Kapag linggo kasi'y marami ang tindahan sa tiangge. Parang bulante. Maraming murang paninda sa bayan tuwing linggo. Makakasimba rin ako at makakapaglaba.
"Kumain kana. Twenty minutes lang ang break natin. Matagal ka pa namang mag-retouch." sambit ko. Inubos ko ang pagkain ko at ininom ang tubig na dala ko rin.
Tuwing lunch break, kami ang kumukuha ng pagkaing kakainin namin. Pero hindi namin pwedeng kunin sa kitchen iyong mamahalin. 'Yung pagkaing i-diniscuss lang sa orientation ang p'wede. Tungkol naman sa rice, pwede hanggang dalawa o apat ang maging extra rice ng aming meal. Dahil sa tindi ng trabaho rito sa Hotel, nakaka-dalawang extra rice ata ako. Good thing, hindi ako tabain.
Si Ophelia ay nauna nang mag-break sa amin kanina. Nang makabalik siya sa trabaho'y ako naman ang pumalit sa kaniya.
Kaming tatlo nila sa Sela ay sa Sea Side Restaurant naka-assign simula opening hanggang tanghali. Sa hapon ay sa mismong Hotel naman kami du-duty o kaya'y sa Dinner Crave. May Restaurant din kasi sa loob mismong Hotel at medyo expensive ang mga pagkain at ang mga taong kumakain doon. Parang mga VIP at private na tao. Iyong palaging naka formal attire. Kung papipiliin nga ako'y mas gusto kong sa Sea Side nalang dumuty o kaya naman ay sa Dinner Crave. Naiilang kasi akong mag-serve sa harap ng mga makapanyarihang tao.
"Good afternoon, Sir! Table for one or two po?" nakangiti kong tanong sa isang lalaking kakapasok pa lamang sa dito sa Dinner Crave. He was just wearing a casual summer clothes.
Alas kwatro na ng hapon kaya naman dito na kami naka-duty ni Ophelia sa Dinner Crave. Si Sela'y hindi namin alam kung bakit napahiwalay sa amin at doon pinaduty sa Hotel. Kanina kinausap iyon ni Ma'am Carol at pinaki-usapan kung pwede raw ba iyong dumuty sa loob ng Hotel at mag over time. Nagustuhan siguro ang performance?
Mag-iisang linggo pa lamang kami rito at ang pay day ay kinsenas. Ang sweldo namin ay nakukuha namin sa pamamagitan ng card. Isa-isa kaming binigyan ng gano'n. Ang akala ko noong una'y linggo-han ang sweldo dito kaya agad-agaran ang pagpapatigil ko kay Lola Tilda sa pagtitinda. Hindi ko alam na sa una'y mahihirapan pala ako. Ako nalang ang nagtatrabaho at ang sweldo ko'y kinsenas pa. Mabuti na lamang at kinakaya kong mangisda ng madaling araw paminsan-minsan. Habang hindi pa ako sumu-sweldo'y mas magagastos kami.
"Miss, may available table pa ba rito? Mukhang puno na kasi."
Hindi ko kaagad nasagot ang tanong ng isang kakapasok pa lamang na babae nang biglang dumating ang limang taong naka-business attire rito sa Dinner Crave. Dalawa sa kanila ay babae, tindig pa lamang ng mga ito'y mukhang mamahalin na. Kumikinang ang mga alahas sa kanilang katawan. Nakakasilaw.
Naisip ko tuloy, paano kung ganiyan din si, Eli? Paano kung katulad siya ng mga taong iyon? Paano kung mamahalin rin siya at nakakasilaw? Paano kung marami ring magagandang babae ang umaaligid sa kaniya sa buhay na hindi niya maalala? Gugustuhin pa ba niyang manatili sa lugar na ito at tumira sa isang maliit na bahay kasama kami ni Lola?
"Miss, bingi ka ba? Hindi mo ba narinig iyong sinabi ko? Hey!"
Napapitlag ako nang magbalik ang atensiyon ko sa babaeng kaharap ko. Napalunok ako at hilaw na ngumiti. Nanlilisik ang singkit nitong mga mata sa akin. "S-sorry po.. Ano po ulit?"
Umirap ito at tinaasan ako ng kilay. "Peace of mind, Miss. You're on duty. Hindi ko alam na pwede pala ang tanga rito!"
Nagulat ako sa biglaang pagsigaw niya. Naagaw namin ang atesiyon ng aling empleyado at customer. Nanuyo ang lalamunan ko at binalot ako ng kahihiyan. Hindi ako kaagad nakapagsalita dahil sa dami ng mga matang naka-masid sa akin.
Mabuti na lamang at dumating si Kiel upang tulungan ako sa sitwasyon. Nginitian nito ang babae at bahagyang yumuko upang paggalang.
"Sorry for the inconvinience, Ma'am. Table for one po?"
Marahas na bumuntong hininga ang babae at inayos ang buhok niya. Inirapan muna ako nito bago sumagot. "Yes! Do you have available sits?"
"Yes, this way, Ma'am."
Hindi ko alam kung paano pasasalamatan si Kiel matapos ang araw na iyon. Pagod na pagod akong sumalampak sa upuang nasa Crew Quarter matapos ang trabaho. Out na ang pag-umagang shift at kanina pa dumating ang pang-night shift upang punan ang trabaho.
"Wala ka ata sa sarili mo kanina, Era. Bakit?" tanong sa akin ni Ophelia. Bukod kay Kiel, nakita niya rin iyong nangyari kanina at hanggang ngayon ay dinadalaw pa rin ako ng kahihiyan.
Wala pa si Sela dahil mukhang over time nga. Hindi ko makakalimutan ang nangyari kanina at ang pagpapatawag sa akin ni Ma'am Carol kanina sa office niya. Hindi niya naman ako sinigawan, kinausap lang. Ngunit naroon pa rin ang hiya. Isang linggo pa lamang ako rito at may gano'n na agad na nangyari.
Umiling ako at ngumiti. "Wala naman. Puyat lang."
"Weh? Baka naman nag-away kayo ni, Eli?" taas kilay tanong niya. Kasalukuyan siyang nagsusuklay ng kaniyang itim at maiksing buhok habang nakaharap sa salamin. Pareho kaming hindi na naka-uniporme.
"Totoo, Pheng. Puyat lang talaga ako. Nangisda kasi ako kanina. Walang dahilan para mag-away kami ni Eli."
"Tss. Sabi ko naman kasi sa'yo. Pwede kang humiram sa akin minsan o kaya kay Thadeo. Pwede rin kay Sela."
"May ipon ako. Kapag naubos na iyong pera kong panggastos, magwi-widraw ako."
Nagkibit ng balikat si Ophelia at hinarap ako. "Magaling na naman si Eli, ah? Bakit hindi mo siya i-apply rito? Hiring pa naman daw. Hindi lang ako sigurado kung matatanggap siya dahil wala siyang pagkakakilanlan."
Nanginig ang mga kamay ko dahil sa sinabi ni Ophelia. May punto naman siya ang kaso nga lang. Natatakot ako.. Natatakot akong ma-exposed siya sa maraming tao at mamukhaan siya. Sikat ang Hotel na ito at maraming negosyanteng taga-Maynila ang pumupunta rito. Paano kung may makakilala sa kaniya at sapilitan siyang kunin?
"Oo nga pala. Sa makalawa yata darating na iyong owner nitong Hotel. Huwag kana munang mangisda, Era. Ipahinga mo 'yang katawan mo para may lakas ka sa araw na iyon. Ang sabi sa akin ni Ate Alma, iyong Head Chef, metikuloso at strikto raw ang mag-asawang may ari nitong Hotel kaya maghanda ka. Sulitin mo ang day-off natin bukas."
___________