Kabanata 11
Orientation
"Lola, tama po ba itong ginagawa ko?"
"Oo ganiyan nga, hijo. Ang bilis mong matuto, ah. Mukhang nasasanay kana sa buhay dito." humalakhak si Lola habang gumagawa sila ni Eli ng pamaypay at sumbrero sa may bakuran.
Isang linggo na si Eli rito at sa tingin ko'y tama nga si Lola. Nasasanay na siya buhay dito. Madalas siyang sumama sa akin sa pangingisda kahit na inis na inis ako sa kaniya dahil sa kakulitan niya. Kilala at kasundo na rin niya ang mga tao rito sa Isla. Kahapon ay isama kaming dalawa ni Lola sa pagtitinda sa palengke dahil iyon na ang huling araw ng pagtitinda niya. Nagpaalam na kami kay Aling Betty na titigil na. Malungkot si Aling Betty dahil madalas niyang ka-chismis-an si Lola sa palengke ngunit wala naman siyang magagawa. Tulad nang napag-usapan namin ni Lola, titigil na siya sa pagtitinda kapag magsisimula na ako sa ako sa trabaho ko sa Hotel at ngayong araw iyon.
I was wearing a white plain t-shirt, black pants and a pair of brown strappy sandals . Sukbit ang itim kong bag, lumabas na ako ng bahay. Sa dalampasigan ang hinatayan namin nila Sela. Tulad ng dati, si Mang Samuel ulit ang maghahatid sa aming lahat. Hindi naman iyon libre kaya hindi namin maaabala si Mang Samuel.
Kahit magtatabaho na ako sa Hotel hindi ako nag umalis sa pangkat ng mangingisda. Ipinaalam ko lamang kay Mang Bernard ang tungkol sa bago kong trabaho kaya dadalang na ang pangingisda ko simula sa araw na ito. Ayoko naman kasing tumigil sa pangingisda dahil tuwing umaga hanggang hapon naman ang magiging pasok ko sa Hotel. Iyong pangingisda ay pwede ko pa rin namang gawin kahit sa gabi o madaling araw. Nagawa ko na iyon dati.
"Apo, papasok kana? Mag-iingat ka ha..."
Ngumiti ako at bahagyang tumango. "Oo naman, Lola." lumipat ang atensiyon ko kay Eli at naabutan ko siyang nakatitig sa akin. Bigla tuloy akong na-concious sa itsura ko! Sinuklay ko ang mahaba kong buhok gamit ang mga daliri ko. Medyo basa pa ito dahil kakaligo ko lang at wala naman kaming hair blower. "Uhm.. I-ikaw na bahala kay Lola, Eli..."
"Eli, ihatid mo na si Era sa dalampasigan..."
Napalingon ako nang marinig ang sinabi ni Lola at naabutan ko ang ambang pagtayo ni Eli.
"Ah, naku huwag na Lola!" agap ko. "Ayos lang po ako... Sige na, mauna ako." sabi ko. Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko at nagmamadaling naglakad na.
Hindi pa ako nakakarating sa dalampasigan ay may humawak na sa balikat ko. Napasinghap ako nang mapagtanto kung sino iyon.
Abot abot ang tahip ng puso ko nang makita ko siyang ngumiti.
"Ihahatid na kita..." simpleng sabi niya.
Aangal pa sana ako ngunit nagulat ako nang hagilapin niya ang palapulsuhan ko at igiya ako paalis. Ang lakas na naman ng kabog ng dibidib ko habang pinagmamasdan ang kamay ni Eli na nakahawak sa akin. Nag-angat ako ng tingin at pinagmasdan naman ang mukha niya.
Sa isang linggo niya rito'y masasabi kong may nagbago sa itsura niya. Nangitim ng kaunti ang balat niya at medyo humaba rin ang buhok niya. Kada ihip ng hangin ay natatakpan ang mukha niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagsisibak niya ng kahoy, pag-akyat ng puno o pagbuhat ng balde-baldeng isda na huli ko ang dahilan ng paglaki ng katawan niya. Nakasuot siya ng itim na v-neck shirt, asul na short at tsinelas.
Napalunok ako nang umigiting ang panga niya at humigpit ang pagkakahawak sa akin.
Habang tumatagal ay mas lalo akong nabibighani sa kakisigan niya! Napaiwas ako ng tingin at napayuko dahil sa pag-iinit ng pisngi ko. Palagi nalang ganito.. Hindi ko alam kung nararamdaman ba iyon ni Eli pero mas mabuti nang hindi. Mas mabuti nang hindi niya alam na gusto ko siya. Tutal, sa oras na makaalala siya'y iiwan niya rin naman kami ni Lola. Kaya itong pagka-gusto ko sa kaniya, sasarilinin ko nalang... Mawawala rin ito kapag wala na siya sa lugar na ito. Oo, tama...
"Era! Oh my gosh! Hi, Eli!" sigaw ni Sela sa amin.
Nakatayo siya sa malapit sa bangka ng tatay niya kasama sina Ophelia, Thadeo at Kiel. Katulad ko, naka simpleng shirt at pantalon lang din sila. Maliban nalang kay Sela na mukhang nag-ayos pa ata ng mabuti e, trabaho naman ang ipupunta namin doon. Pagdating namin sa Hotel ay tsaka palang kami magpapalit ng uniporme. Hindi ko alam kung direstso trabaho na ba kami o may orientation pa muna. First time ko kasi. Maliliit na raket lang pinapasok ko dati.
Agad kong kinalas ang kamay ko mula kay Eli at nginitian pabalik ang apat. Napansin ko ang pagngisi ni Sela at Ophelia sa akin nang gawin ko iyon. Nag-init ang pisngi ko. May kutob ba sila?
"Gosh! Excited na ako!" si Ophelia. Magka-holding hands sila ni Thadeo at hindi maitago ang tuwa.
"Aba, Era. Talagang nagpahatid kapa kay Eli kahit malapit lang, huh?" pang-aasar ni Sela.
Hindi ko alam kung talagang may kutob si Sela tungkol sa nararamdaman kong pagkagusto kay Eli. Napagtanto ko lang kasi iyon noong isang gabi matapos niyang mag aya ng swimming. Hindi naman ito ganoon kalalim kaya posibleng mawala.
Napangiwi ako samantalang si Eli naman ay humalakhak. "Utos ni Lola Tilda." sagot niya.
Umirap ako. So, kaya niya lang ako ihahatid dahil inutusan siya? Paano kung hindi siya inutusan ni Lola, ha? Nakakainis. Bumagsak ang balikat ko dahil doon ngunit hindi ko ipinahalata sa kanila ang kabiguan. Baka mamaya asarin na naman ako ni Sela!
"Kamusta, pre? Magaling kana ba?" si Kiel kay Eli. Medyo naging close na naman sila dahil palakaibigan at medyo palabiro naman itong si Kiel.
Lahat kami ay natatawa sa mga jokes niya maliban na lamang kay Sela na ibang alam gawin kundi irapan si Kiel. Pakiramdam ko tuloy may galit sila sa isa't isa.
"Ayos naman ako, Kiel. Magaling na ako ngunit wala pa ring naaalala." sagot ni Eli.
Pagkatapos magkamustahan ay sumakay na kaming lahat sa bangka dahil dumating na ang tatay ni Sela. Gusto pa sanang sumama ni Eli ngunit pinagbawalan ko siya. Walang kasama si Lola Tilda sa bahay.
"Uy, Era. Kamusta si Eli? Wala pa rin bang naaalala?" bulong akin ni Sela.
Kakadaong lang ng aming bangka sa Isla Alvarado at naglalakad na kami ngayon sa paradahan ng trycicle. Pwede naman lakarin ang papunta sa Hotel De Louviere ngunit ayaw yatang magpapawis ng mga kasama ko. Sabagay, medyo sumasakit na ang sikat ng araw sa balat.
Umiling ako. "Wala pa rin."
"E, ano'ng sabi ni Doctor Guevarra? Napunta pa ba iyon sa inyo?" usisa niya. Sumasabay siya sa bawat hakbang ko habang ang iba ay nasa unahan namin.
"Uh, oo noong isang araw. Nagbigay ng gamot at ch-in-eck na rin si Eli. Ang sabi niya hindi raw ganoon kadaling makaalala ang isang taong nakalimot. Taon o buwan ang lilipas bago mabalik ang alaalang nawala..." malungkot akong napangiti.
Iniisip ko palang na magbabago si Eli kapag may naaalala na siya'y nalulungkot na ako. Bakit ba sa kaniya pa ako nagkagusto? Nakakatawang isipin dahil ka-kaunting panahon palang naman siyang nandito ngunit nagustuhan ko na agad siya. Nakakatawa 'di ba? Sana mapigilan ko ito.
Pagdating namin sa Hotel nakangiti kaming sinalubong ng isang pamilyar na babae, si Ma'am Carol. Tulad ng dati ay suot niya ang uniporme niya at maayos na nakapuyod ang inuubang buhok. Naka-make up ito at maayos ang pagkakatinding suot ang itim na stilletos. Mukha siya ang may ari ng buong Hotel dahil sa itsura niya. Hindi ko maiwasang hangaan siya. Sa kabila ng edad niya'y napapanatili pa rin niya ang magandang itsura.
Kinamusta niya kami ng kaunti pagkatapos ay pinapila na ng maayos. Napakunot ang noo ko nang mapansing iilan lang kami ngayon kumapara noong araw ng interview. Kami lang kaya ang natanggap? Kakalahati lamang sa mga tao rito ang kilala ko ang iba ay hindi pamilyar sa akin. Baka taga rito sa Isla Alvarado.
Pinagmasdan ko ang buong Hotel. Halos kami ang mga ilang empleyado pa lamang ang tao. Sa tingin ko'y hindi pa bukas ang Hotel na ito.
"Era, tingnan mo. Si Dianne, nag-apply rin pala siya rito." bulong sa akin ni Sela habang nakapila kami.
Nilingon ko naman ang itinuturo niya. Sa unahan namin ay naroon si Dianne at nakapila rin. Kaklase namin ito noong isang taon at nakakapag taka na gusto niyang magtrabaho rito gayong may kaya naman ang pamilya nila. Parehong propesiyonal ang trabaho ng mga magulang niya. Madalas niya iyong ipagmalaki sa amin noon.
Nagkibit ako ng balikat. "Baka naman may pangangailangan din, Sela." sambit ko. Mahina akong natawa nang makita ang pag-irap ni Sela.
"Malamang break na sila noong boyfriend niyang mayaman kaya nangangailangan na." singit naman ni Ophelia sabay irap din.
Natawa nalang ako sa kanila hanggang sa mag simulang nang magsalita si Ma'am Carol sa unahan.
"Good morning Everyone! Welcome to Hotel De Louviere. Hindi pa ito ang mismong araw ng trabaho niyo. Sa loob ng three days ay magiging under muna kayo ng training program." anunsyo ni Ma'am Carol pagkatapos ay hinagilap niya ang isang tao malapit sa kaniya upang ipakilala. "Ito nga pala ang Head ng Training Program. She's Ma'am Beatrice Alonzo. Siya ang mag-a-assist sa inyo for the mean time. Itu-tour din muna kayo sa buong Hotel though 'yung ibang lugar ay hindi niyo pa pwedeng puntahan dahil under construction pa. Next week darating rito ang President ng Hotel. Kailangan pag dating nila ay maayos niyo nang nagagawa ang trabaho niyo. May ilang training staff pa ang mag-aassist sa inyo rito. Sila na rin ang magbibigay sa inyo ng magiging schedules niyo sa mga susunod na araw.
Pagkatapos ng announcement ni Ma'am Carol. Pinapunta na kami sa Crew Quarter at locker's area. Siyempre, hiwalay ang babae sa lalaki. Namangha ako nang makitang may mga pangalan na namin ang mga locker na naroon. Ibinigay ng isang staff ang susi ng bawat isa at nagulat ko ng makitang nasa locker na uniform na namin pati ang iba ang bagay na kailangan namin.
Nilingon ko ang dalawang kaibigan at pati sila'y namamangha rin.
"Ang cute ng uniform!" maarteng papuri ni Sela habang nakangiting pinagmamasdan ang uniporme.
"Oo nga. Kasyang-kasya ito sa akin!" si Ophelia naman.
Napabuntong hininga nalang ako dahil sa hagikhikan nilang dalawa. Kinuha ko na rin ang uniporme ko sa locker at tinanggal iyon sa plastic. Sa loob ng crew quarter na ito'y may isang bathroom na bihisan. May mga lamesa rin at ilang upuan. Sa gilid may malapad na salamin at sa itaas no'n ay isang bilog na orasan.
Natigil sa pagkukwentuhan ang ilan ng pumasok ang isang Hotel Staff. Inanunsiyo nito na magbihis na kami pagkatapos ay magtungo sa bulwagan para masimulan na ang orientation. Tumango naman kami lahat at nagkaniya-kaniya nang palit ng damit. Hindi naman ako naiilang dahil puro babae naman kaming nandito.
Isang itim na skirt, puting blusa na may ribbon, hairnet, skin tone stockings, brown na apron at itim na heels ang uniform namin. Mukha naman kasing high class itong Hotel De Louviere kaya hindi na nakakapagtaka na ganitong kaganda ang uniform.
"Gosh! Ang sexy mo, Era!" sambit ni Ophelia. Kasalukuyan itong nag-aayos ng make-up habang hawak ang isang maliit na salamin. Ang ilang babae kasi na kasama namin dito ay nasa harap ng malapad na salamin. Pati si Dianne, naroon din at nag re-retouch.
Tumango ako at ngumiti. "Bagay rin naman sa inyo." sambit ko habang ikikulong sa itim na hairnet ang aking buhok. Matapos ko ayusin ang buhok ko ay naupo nalang muna ako sa gilid upang hintayin silang matapos.
"Era bakit nakaupo ka pa diyan? May make up kana." si Sela. Abala ito sa pag aapply ng blush on. Medyo lumuwag na sa harap ng salamin kaya nakakapag ayos na siya roon.
Nagkibit ako ng balikat. "Ayos na itong itsura ko. Nag-pulbo na ako."
Si Ophelia na kaninay naglalagay ng lipstick sa kaniyang labi ay natigilan upang ningunin ako. Tinitingnan kung seryoso ba ako sa sinasabi ko. Napansin ko naman ang panlilisik ng mata ni Sela sa akin. Nagulat ako nang lapitan niya ako at hawakan ang mukha ko.
"Sela alam mo naman na hindi--"
"Pikit." utos niya. Sa isang kamay ay hawak niya ang make up kit niya.
Kahit anong angal ko ay wala akong nagawa. Pumikit ako upang maayos niya malagyan ng make up. Pagharap ko sa salamin ay ngumuso nalang ako. Hindi naman makapal ang make up, tama lang. Nilagyan niya lang ata ako ng blush on, maskara at dinagdagan na rin ang pagkapula ng aking labi.
Sa isang sulok ng mata ko'y napansin ko ang panonood sa amin ni Dianne. Ilang sandali pa'y bumalik na iyong staff kanina at iginiya kami papunta sa bulwagan. Maraming upuan doon at sa harap, naroon ang isang malaking screen projector.
Kumuway sa amin sina Kiel at Thadeo nang mamataan namin sila. Tulad namin, nakasuot na rin sila ng kanilang uniporme. Iba ang disenyo ng kanila kumpara sa amin. Parang hindi pang waiter iyong kanila. Nang makaupo na ang lahat. Pumunta na si Ma'am Carol at Ma'am Beatrice sa unahan. Nagulat ako ng makita rin sa unahan si Miss Darcy. She looks stunning on her business outfit. Ang ilang lalaking crew ay nasa kaniya ang atensiyon.
May ibinigay sa papel sa amin na nasa sampung pahina. Nang magkaroon na ng kopya ang lahat nagsimula na ang discussion. Unang tinalakay ay ang history ng Hotel De Louviere. Sino ang nagmamay ari at sino ang mga namamahala. Nalaman ko na marami pala silang branch sa buong pilipinas. Nasa Maynila ang main. Sunod na tinalakay ay ang tungkol dito sa mismong Hotel na ito. Kung ilan ang rooms, restaurant, pools, bar at kung anu-ano pang establishment na makikita rito. Nalula ako sa lawak nitong Hotel nang ipakita sa screen ang map. Pagkatapos maituro kung saan makikita ang mga establishment sa buong Hotel ay dumako naman ang talakayan sa Rules at Regulations. Natapos ang dicussion sa role namin bilang empleyado.
Nagkaroon ng breaktime, pinadalhan kami ng pagkain sa loob ng crew quarter at tahimik kaming kumain doon. Pagkatapos ng isang oras ay babalik kami sa bulwagan upang ipagpatuloy ang discussion. Dadako naman daw sa magiging schedule namin. Magkakaroon daw kami ng karapatan pumili ng schedule. Pwedeng day o night shift. Pipilin ko na ang day shift dahil hindi ako sanay na mapuyat. Siyam na oras rin ang working hours sa Hotel na ito.
Ala singko y media na ng hapon nang matapos ang orientation. Mabilis kaming bumalik sa crew quarter upang makapagpalit ng damit. Nalaman ko na marami palang crew quarter rito kaya kami-kaming mga bago magkakasama sa isa. Nakahiwalay pala iyong mga dating empleyado kasama ang mga trainor.
Paglabas namin ng Hotel nagulat ako nang makasalubong namin doon si Miss Darcy. Hawak niya ang kaniyang cellphone at mukhang kakatapos lamang makipag-usap doon.
Ngitian ko siya nang magtama ang mga mata namin. Akala ko'y hindi niya kami papansinin ngunit nagulat ako nang lapitan kami nito.
"Hi! Masaya ako natanggap kayo.." nakangiting panimula nito. Pinasadahan niya ng tingin ang dalawa kong kaibigan ngunit nagtagal ang mga mata niya sa akin.
"Salamat Miss Darcy." tanging nasabi ko. Hindi ko alam kung dapat ko pang idugtog na dahil sa kaniya kaya kami natanggap. Naisip ko kasi na baka ibalik niya sa amin ang pasasalamat.
"Thank you, Miss Darcy. Ang ganda niyo po!" biglang sabat ni Sela.
"Oo nga, Ma'am. Makakatrabaho po ba namin kayo rito sa Hotel?" si Ophelia.
Nakangiting tumango si Miss Darcy. "Ofcourse! I'm the General Sales Manager! Excited na ako na maka-trabaho kayo."
"Kami rin, Ma'am!"
"Emerald, right?"
Nagulat ako nang tanungin ni Miss Darcy ang pangalan ako. Dahan-dahan akong tumango. "O-opo." kinakabahan kong sambit. Nakatitig kasi siya sa akin at parang may gusto siyang malaman. What it could be?
She chuckled at my reaction. "Sorry! Kamukha mo kasi iyong kakilala ko sa Manila."
Namilog ang mga mata ko dahil sa gulat. Sina Ophelia at Sela naman ay mukhang naging interesado sa sinabi ni Ma'am Darcy.
"Hala, sino po? Ang swerte niya kung ganoon!" Ophelia chuckled while snaking her hand on my arm. "Maganda pa naman itong si Era, Miss."
Si Sela naman ay ngumisi sa akin sabay baling kay Miss Darcy. "Oo nga, Miss! Sayang nga po at walang kakilalang kamag-anak itong si Era. Matagal ko nang tinatanong kung may pinsang siyang gwapo!"
Tumawa si Miss Darcy ngunit tumigil din. Ipinukol niya ang atensiyon niya sa akin at bahagyang kumunot ang noo. "Wala ka ba talagang kilalang kamag-anak, Era?"
Mabilis akong umiling. Kahit na halughugin ko pa ang utak ko'y wala talaga akong makikilala. Ang sabi sa akin ni Lola ay napakabata ko pa raw noong makuha niya ako sa isang bangkang naka-daong sa dalampasigan. Hindi niya sigurado kung ilang taon na ako ngunit dahil sa malambot na telang naka-balot sa akin katawan, inakala niya na iilang buwan pa lamang akong sanggol.
Hindi ko ma-imagine ang sanggol na ako noon. Masama ang loob ko sa tunay kong mga magulang dahil sa kwnetong iyon ni Lola. Paano nila naatim na ilagay ako sa isang bangka at inaanod sa malawak na karagatan? Hindi man lang ba nila inisip kung anong maaaring kahihinatnan ko kung hindi ako natagpuan ni Lola Tilda? Siguradong patay na ako ngayon kung hindi ako rito sa Isla Lefevre napadpad.
Sobrang laki ng galit ko sa kanila. Ngunit sa pagdaan ng ilang taon, hindi pa man sila lubusang nakakahingi ng tawad sa akin ay napatawad ko na sila. Tinuruan ako ni Lola na kung paano gawin iyon. Kung sakaling buhay pa man sila ngayon, hindi ko alam kung paano sila haharapin. Hindi na ako galit sa kanila ngunit nandito pa rin 'yung tampo at pangungulila...