Kabanata 10

2185 Words
Kabanata 10 Gusto Kinabukasan, tinanghali ako ng gising. Ginulo-gulo ko ng bahagya ang magulo kong buhok nang malaman ang oras. Bumangon ako at kaagad na pumasok sa banyo upang maghilamos at mag-toothbrush. Wala naman akong trabaho ngayon pero gusto ko pa rin na maaga akong nagigising upang magawa rito sa bahay. Napangiwi naman ako nang maramdaman ko ang masakit na parte ng katawan ko. Sinuri ko ang sarili ko at nalamang may kaunting galos ako sa braso, tuhod, siko at medyo sumasakit ang likod ko. Naalala ko rin ang pangyayari kung saan iniligtas ako ni Eli at ang paghalik niya sa noo ko. Hindi naman pwedeng panaginip lang iyon dahil may mga galos ako. Paano naman kaya niya nalamang naroon ako? Sinundan niya ba ako? Napabilis ang pagtutuyo ko sa buong mukha ko nang bigla akong makarinig ng kalampag ng mga kagamitan mula sa kusina. Lumabas ako ng banyo upang malaman kung ano iyon. Agad na nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ko si Eli na magulo ang buhok at nakakunot ang noo habang pinupulot ang kung ano sa sahig. Hinagod niya ng daliri ang buhok niya bago tumayo. Ipinatong niya iyong stainless na sulyaw sa lamesang nasa harap niya. Mukhang iyon ang nahulog kanina. Teka, ano bang ginagawa ng isang 'to? Pinagmasdan ko ang itsura niya. Suot-suot niya ang isa sa mga damit na binili namin kahapon sa bayan. Isang gray na t-shirt at itim na short. Tamang tama lang sa kaniyang katawan ang mga damit na iyon. Medyo basa pa ang buhok niya dahil bagsak iyon at mukhang hindi pa nasusuklay. Mula sa kinatatayuan ko'y naamoy ko ang pinaghalong shampoo at mabangong sabon sa kaniya. Gumagalaw ang mga ugat niya braso't kamay habang naghihiwa siya ng kung ano sa may lamesa. Ano kayang lulutuin niya? At teka, nasaan kaya si, Lola? Muntik na akong mapatalon sa kinatatayuan ko nang mag-angat siya ng tingin at makita niya ako. Nakatayo at nakatitig sa kaniya. Hindi ko alam kung napansin niya ba iyon dahil bigla siyang ngumisi! Napalunok ako bago siya tinaasan ng kilay. Lumapit ako at sinulyapan ang nasa lamesa. Iyong ginagayat niya. Tumikhim muna ako. "A-anong ginagawa mo? Magluluto ka?" Parang gusto kong sampalin ang sarili ko dahil walang kwentang tanong na iyon na lumabas sa bibig ko. Ano ba, Era? Obvious naman na magluluto siya! At tsaka bakit ba kailangan mong mautal, ha? A smile flashed on his red thin lips. Tumango siya bago nilingon ang lutuan sa likod. Binuklat niya iyong kalderong nakasalang doon bago ibinalik ang atensiyon sa akin. "Malapit nang maluto.. Uh, are you hungry?" Napakurap-kurap ako nang mapagtanto kung ano ang nasa likuran niya. Nanlaki ang mata ko sa gulat. Walang ibang pwedeng paglutuan dito kundi iyong kalang de uling namin. Paano niya natutunang gamitin iyon? At kailan?! Wala sa itsura niya na marunong siyang gumamit noon! Naaalala ko pa kung gaano siya kainosento noong tinanong niya sa 'kin kung ano iyong tabo at lugaw. Hays. Umiling ako. "Paano ka n-natuto niyan?" He licked his lower lip at inayos ang paraan ng pagtayo niya. Nang itaas niya nang kaunti ang isang braso niya upang hawiin ang buhok niya'y napansin ko ang bakas ng uling roon. "Lola Tilda taught me how. Hindi pala madaling gawin ito. Pero nag-enjoy naman akong magluto rito." humalakhak siya. Ngunit hindi ako nadala sa pagtawa niya. Nagseryoso ang mukha ko at nilapitan siya nang nakahalukipkip pa rin. "Nagpaturo ka? Bakit? Hindi ka dapat kumikilos dito sa bahay. Hindi ko alam kung anong naisipan ni Lola at hinayaan ka niyang magluto." napailing-iling ako. Hindi ko na pala kailangang itanong kung nasaan si Lola. Malamang nasa palengke na 'yon at nagtitinda. Kinalas ko ang pagkahalukipkip at iritang hinimas ang sentido ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at naabutan ko siyang nangingiting nakatitig sa akin. "Ayos lang ako, Era. Ayos na ayos na ako." he smirked. Kumunot naman ang noo ko. Hindi kumbinsido sa sinabi niya. "No. Alis diyan. Ako na ang gagawa diyan. Wala naman akong gagawin ngayon." giit ko at sinubukang lumapit sa kaniya upang palitan siya sa pwesto ngunit masyadong siyang mabigat para maitulak ko siya. Napairap ako dahil sa pagmamatigas niya. "Sige na, Eli. Magpahinga ka na lang. Ako na rito." Imbes na sundin ang sinasabi ko'y umiling siya. Napalunok ako nang tingnan niya ako mula hanggang paa bago magsalita. "You're the one who need to rest. How are you feeling, by the way? May masakit pa ba sa 'yo? Hindi ka dapat nagpupunta doon sa batuhan kapag gabi.. Delikado roon, ah." bakas ang pag-aalala sa tono ng pagsasalita niya. I was stunned. Oh right, I remember what happened last night! Iniligtas niya ako mula sa pagkakalunod. Bahgyang uminit ang pisngi ko nang maalala ko iyong ginawa niyang paghalik sa noo ko. Bakit niya ginawa 'yon? Sino siya para halikan ako? Nakakapagtaka lang din kung bakit siya naroon? Sinundan niya ba ako? Hindi naman pwedeng alam niya ang papunta roon dahil hindi ko naman siya naipapasyal sa buong Isla. Ang tanging napupuntahan palang naming dalawa ay ang laot at bayan. Naningkit ang mata ko. "Sinundan mo ba ako?" Mabilis naman siyang tumango na ikinagulat ko. "Bakit? Umalis ako nang bahay at sinugurado kong tulog na kayo ni Lola.." He raised a brow and look at me intently. Napaiwas ako nang tingin dahil masyadong matalas ang titig niya sa akin at hindi ko gusto ang pagkabog ng dibdib ko dahil sa pagtitig niya sa akin! Ano ba itong nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw? This is so weird! Hindi naman ganito noon! "Kung hindi kita sinundan.. Baka kung napaano kana. Sa susunod sasamahan kita." My eyes widened. "Why? You don't need to! Gano'n talaga ang ginagawa ko kapag magulo ang utak ko at kailangan kong mag-isip. Lumalabas ako at naglalakad-lakad.." nakagat ko ang ibabang labi ko nang makita kong nagseryoso ang mukha niya. Umigting ang panga niya bago nagsalita. "Kahit pa. Basta sasamahan kita. Alam mo ba nag-alala sa 'yo nang husto si Lola Tilda? Mabuti nalang daw at sinundan kita. Nagbilin siya sa 'kin bago siya umalis na bantayan kita. At tsaka ano ba'ng gumugulo sa 'yo?" Napaikot ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Malamang mag-aalala sa 'kin si Lola. Pero madalas namang mangyari iyon! Ilang beses ko nang naranasang madulas kung saan-saan dito sa Isla mula pagkabata ko. Iyong kagabi lang siguro ang pinaka-malala. Hindi ko naman kasi alam na may malaking bato sa ilalim noon. At kung bakit naman kasi nadulas ako. Tss. "Luto na. Sit there. I'll prepare our breakfast.." he smiled sweetly before turning his back to me. Paulit-ulit akong napalunok habang pinagmamasdan ko ang bawat kilos niya. Kung gumalaw siya rito sa kusina'y para bang ang tagal niya nang nakatira rito. Sa sobrang tangkad niya'y parang hindi siya nababagay sa maliit na bahay na ito. Kung hindi siguro ako ang nakakita sa kaniya sa dalampasigan ay iisipin kong wala siyang amnesia. Napaubo ako nang wala sa oras nang bigla niyang akong hinarap. Masyado ko kasing sinasaulo ang bawat parte ng katawan niya at mukhang napansin niya iyon. Wala sa sariling napainom ako ng tubig na nakahanda sa lamesa dahil pagngisi niya. Nakakainis. Kung makangisi siya, parang nakakasar na nakaka.. Ewan! Pwede nang magluto ng kahit ano sa pisngi ko dahil sa pag-iinit noon! "Huwag mo akong titigan.. N-naiilang ako." masungit na sambit ko sa kaniya. Humalakhak naman ito habang inihahanda ang pagkain sa lamesa. "Stop staring at me too." ngumisi siya. "H-hindi naman kita tinititigan!" pagsisinungaling ko. "Huwag ka ngang mag-ilusyon." The side of his lips rose up when he saw my reaction. Napailing-iling siya habang naglalagay ng kanin sa plato ko. Napatingin naman ako roon at sa isang bowl ng ulam na niluto niya. Mukha iyong tortang gulay na hindi ko alam. Ngayon lang ako nakakita noon. Narinig ko ang pagtawa niya kaya nag-angat ako ng tingin. "This is vegetable patty. Wala lang carrots dahil wala akong makita sa storage niyo." sabi niya habang nilalagyan no'n ang plato ko. Pinukol ko roon ang buong atensiyon ko. Iniisip kung ano ba ang maaring lasa no'n. "I can't believe you know how to cook. Mukha ka kasing mayamang taga-Maynila na walang ibang alam gawin kung hindi matulog, kumain--" "Iyan ba ang tingin mo sa akin?" putol niya sa sinasabi ko. Hinila niya ang upuan sa harap ko at umupo siya roon. "Well, you're wrong." Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong wrong doon? Paano mo nasabi? Bakit, may naaalala kana ba, ha?" Umiling siya at sumandok ng kanin. "Wala. Pero sa tingin ko naman ay hindi ako ganoon. Tingnan mo, nakapag-luto ako." "Tss.." umirap ako. "Wala daw. Pero may sinabi siya kagabi na hindi ko alam.." mapanuya kong sabi. Kumunot naman ang noo niya. "What are you talking about, Era?" I pursed my lips dahil sa naging tanong niya. What I am talking about daw? Wow, mukhang kinalimutan niya na iyong sinabi niya kay Sela kagabi, ah? "May iba ka pa palang naaalala pero hindi mo sinabi sa 'kin! Tss..." marahas kong isinubo ang pagkain nang hindi siya tinititigan. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako. Bakit nga ba, Era? Dahil lang ba sa hindi niya sinabi sa 'yo na may iba pa siyang naaalala bukod sa kasal? Ano naman 'yon sa 'yo, ha? Ano? "Kumain na muna tayo. Huwag kang sumigaw sa harap ng pagkain..." umayos siya ng upo at mataman akong tinitigan. "Right, Doctor Guevarra came here to see me. Pinatingnan na rin kita." ngumiti siya at nagsimula nang kumain. Nanlaki ang mata ko at mabilis na nilunok ang pagkain sa bibig ko. "Ano? Bakit mo naman ginawa 'yon? Baka mas lumaki pa ang utang ko roon dahil sa ginawa mo. Dapat ginising mo ako. Nakakainis ka naman." "No. We talked about that, Era. Sorry nga pala kung nagkautang ka sa kaniya dahil sa akin. Nagbigay nga pala siya ng gamot sa akin at gamot para sa pananakit ng katawan mo. Take it after eating." Padarag ko binitawan ang kuryertos at kunot noo siyang tinitigan. "Alam mo, Eli.. Minsan hindi kita maintindihan. Sino ba talaga sa atin ang may sakit dito? 'Di ba ikaw? Bakit ako itong iniintindi mo? Sabihin mo nga sa akin iyong totoo, may naalala kana ba, ha? Ano iyong sinabi mo kagabi kay Sela tungkol sa isang babae at engagement party, ha? May naalala kana ano? Kaya nagiging mabait kana dahil aalis--" "Wala pa akong naalala bukod sa sinabi ko sa kaibigan mo." seryosong sagot niya. "Kung gano'n bakit ganito?" mariing tanong ko. "Anong ibig mong sabihin?" inosente niyang tanong. "I don't understand, Era. Bakit ba ang sungit mo?" Napairap ako at hindi nag-abala pang sagutin ang tanong niya. Bagsak ang mga balikat kong ipinagpatuloy ang pagkain. Nawalan na ako ng gana ngunit kabastusan ang pag-alis sa hapagkainan nang hindi inuubos ang pagkain. Naiinis ako dahil napaka-inosente ni Eli! Walang imik akong tumayo dala ang pinggan ko at tinungo ang lababo para sana hugasan iyong pinagkainan ko. Bago ko pa makuha ang sponge ay nakahuha na iyon ni Eli. "Ano ba?" "Ako na ang gagawa nito." ngumiti siya sa akin ngunit tanging pagsimangot lang ang ginawa ko. Padarag kong inilapag ang plato ko sa gilid ng lababo at hindi na nakipagtalo pa sa kaniya. Umalis ako roon at hinayaan siyang gawin ang gusto niya. Nagpupuyos ako sa iritasyon na tinungo ang kwarto ko. Maliligo nalang ako. Baka sakaling matanggal ang inis sa katawan ko. "Era! Tara swimiming tayo! Isama mo si Eli! Magluluto si Mama ng meryenda para sa atin." ang laki ng ngiti ni Sela nang pumasok siya sa bahay. Kakatapos ko lang maligo at narito ako ngayon sa kwarto ko at pinagkakaabalahang tirintasin ang mahaba kong buhok sa harap ng isang maliit na salamin. Nakakatambay lang ako rito sa kwarto ko kapag umaga. Kapag gabi kasi'y si Eli ang narito. Oh, speaking of that guy.. Ano kayang ginagawa niya? "Sela naman.. Tirik ang araw, oh." pagdadahilan ko. Hindi na naman gano'n kasakit ang katawan ko dahil sa ininom kong gamot kanina ngunit parang tinatamad ata akong kumilos ngayon. Parang gusto ko nalang matulog buong araw kaysa makipag-usap sa kahit sino. "Gaga! Kailan ka pa naging concern sa balat mo, ha? E, hindi kana naman nangingitim! Kung may dapat na sumilong rito at umiwas sa araw ay kami ni Ophelia iyon." Tanghaling tapat at narito ngayon si Sela, nag-aaya na lumangoy. Hindi naman talaga ako takot sa sikat ng araw dahil kahit anong bilad ko'y hindi ako mabilis na mangitim. Samantalang si Sela at ang iba pa rito'y mabilis mangitim ang balat. Karamihan sa mga nakatira rito ay moreno't morena. Ako lang ata ang naiiba rito. May ilan ngang kapitbahay namin ang naiingit sa akin. Kahit daw nagingisda ako at walang ginagamit na lotion ay maputi pa rin ako. Siguro'y ganito rin ang mga magulang ko. "E, 'di huwag kang magbilad sa araw." biro ko. Sinipat ko ang sarili ko sa salamin at bahagyang ngumiti. Nang balingan ko si Sela'y nanlilisik ang mga mata nito sa akin. "Ikaw.. Umamin ka, nagpapaganda para kay Eli, ano?" tukso niya. Ngumisi siya at namaywang sa harap ko. Pinandilatan ko siya at tinaasan ng isang kilay. "Pinagsasabi mo, Sela?" Humalakhak ito at nagpatuloy pa sa pang-aasar na mas lalo kong ikinairita. Seriously, hindi ko alam kung anong bagay ang pinagbasehan niya para sabihin iyon. Inaamin ko naman na g'wapo ang lalaking iyon! Pero, what the hell? Hindi ako magpapaganda para sa kaniya 'no! Kahit gusto ko siya hindi ako magpapaganda para sa kaniya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD