Kabanata 9

2917 Words
Kabanata 9 Safe "Umuwi na tayo, Eli." nakangiti kong sinalubong si Eli pagkalabas ko ng grocery store dala ang isang malaking supot ng mga pinamili ko. Sinensyasan ko siyang sumunod sa 'kin na mabilis naman niyang sinunod. Habang naglalakad kami papunta sa may paradahan ng trycicle hindi ko maiwasang isipin iyong sinabi ng ni Dr. Guevarra kanina. Gumaan ang loob ko nang makausap ko siya tungkol doon sa hospital bill na Eli na binayaran niya. Hind ko pa rin maiwasang hindi magtaka sa ginawa niya gayong ipinaliwanag na naman niya sa 'kin na palagi niya iyong ginagawa sa mga pasiyente niyang hindi kayang magkabayad agad-agad. Isang bagay lang ang naisip kong dahilan, mayaman siya. Bata pa siyang Doktor at sa tingin ko'y wala pa siyang pamilya kaya wala siyang kailangang gastusan kundi ang sarili niya. Sa tingin ko rin ay bago lang siya rito, isa o dalawang doktor lamang ang napapadestino dito sa lugar namin at noong huling punta ko sa hospital upang ipa-check-up si Lola ay iba doktor na nag-asikaso sa 'min. Napabuntong hininga na lamang ako. Masyado ko na yatang pinanghihimasukan ang buhay ng Doktor na iyon. Matatahimik lang siguro ako kapag nabayaran ko na siya. Balak ko na sanang galawin ang perang ipon ko sa bangko upang bayaran siya ngunit dahil sa sinabi niyang hindi niya naman ako ino-obliga ang nagpapigil sa 'kin. 'Di bale na, malapit na naman akong magtrabaho sa Hotel sa kabilang Isla. Sa unang sweldo ko'y magbabayad kaagad ako ng kalahati. "Hindi na ba sumasakit ang ulo mo, Eli?" naalala ko rin iyong sinabi ng Doktor na iyon. Ang tanga ko, bakit ko nga ba hindi dinala ulit si Eli sa hospital noong mga nakaraang araw na sumasakit ang ulo niya? Nilingon ako ni Eli at nakangiti siyang umiling. "Not anymore. Why?" Pareho kaming nakasakay na sa loob ng trycicle. Magkatabi kami at masyadong masikip itong trycicle kaya naman talagang magkadikit kami. Lalo na ang mga mukha namin. Ipinukol ko ang atensiyon sa harapan nang mapagtanto ang distansiya namin sa isa't-isa. Kahit nasa harapan ang buong atensiyon ko'y nararamdaman ko pa rin ang mga titig niya sa 'kin. Napalunok ako. "N-nakausap ko kasi iyong Doktor na nag-asikaso sa 'yo sa ospital noong gabing iyon sa bayan. May ibibigay raw siyang gamot sa 'yo. Kung gusto mo, dadalhin ulit kita sa ospital bukas..." "H'wag na.. Ayos lang ako, Era." "Sigurado ka ba?" Kumunot naman ang noo ko at nilingon siya. Napasinghap ako nang kamuntikan nang magdikit ang mga ilong namin. "S-sabihin mo lang kaagad sa 'kin kung may masakit sa 'yo ha.." Tumango-tango siya at hinaplos pa ang ulo ko, bagay na ikinabigla ko. "I will, as long as.." Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano?" He smiled and bit his lower lip. "Help me.. Find a job." Agad na gumuhit ng isang linya ang mga kilay ko. Hindi makapaniwala ko siyang tinitigan. Hinawi ko ang kamay niya sa buhok ko bago nagsalita. "Baliw ka ba? Hindi pwede.. Hindi porket hindi na sumasakit 'yang ulo mo ay pwede ka ng mag-trabaho. Wala pang isang linggo simula noong naaksidente ka." mariing sambit ko. Isa lang ang naiisip kong dahilan kung bakit niya nasabi iyon, Sa tingin niya'y pabigat siya sa 'min ni Lola. Kasalanan ko rin naman dahil gano'n ang ipinaramdam ko sa kaniya noong nakaraan. Ngumuso naman siya. "Bakit naman? I want to.. help you, Era.." Humalukipkip ako at irita siyang binalingan. "Hindi na. Baka mapasama pa ang lagay mo. Sa bahay ka lang o kahit saan na malapit sa Isla basta hindi ka pwedeng magbanat ng buto.." "Pero ayos na naman ako. Hindi na sumasakit ang ulo ko." giit niya. Umigting ang panga niya bago sumeryoso ang mukha. He looked at me intently, para bang determinado siya sa sinasabi niya. Napapikit naman ako dahil sa mga sinasabi niya. "Ang tigas ng ulo mo, Eli." may bahid ng inis na sinabi ko. "I just want to help--" "Wala kang maitutulong! Sa bahay ka lang!" sigaw ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang makita ang gulat sa kaniyang mukha. Nagpupuyos ako sa iritasyon nang makababa kami ng trycicle. Nagbayad ako at naglakad na, hindi ko na siya hinintay pa dahil naiirita ako sa kaniya. "Era, I'm sorry.." narinig kong sambit niya mula sa likuran ko. Mahigpit ang pagkaka-labit ko sa dalawang supot na naglalaman ng kurtina at groceries habang seryoso lang sa paglalakad sa buhanginan. Yabag namin at mga alon ang naririnig ko sa paligid ngunit mas nangingibabaw ang boses niya. Natakluban na ng kadiliman ang langit at ang mga taong taga rito ay nasa kani-kanilang bahay na. Nasisinagan kami ng mga ilaw sa kabahayan habang naglalakad kaya nakikita ko ang anino naming dalawa. Doon ko napagtanto kung gaano ako kaliit kumpara sa kaniya. Mukha akong pipitsuging bata kumpara sa laki ng katawan niya. Parang ang laki ng agwat naming dalawa. "Era.. Sorry na.." malambing na sabi niya mula sa likuran. Umirap ako. Salubong ang mga kilay at tuloy-tuloy sa paglalakad. Malalim ang boses niya ngunit masarap iyong pakinggan. "Hindi na ako magtatrabaho.. Sorry na.." "Pansinin mo na ako.. Please." "Hey, Emerald." Napabuntong hininga ako at tumigil sa paglalakad. Kung tutuusin ay napaka-simpleng bagay lang naman ng nasabi niya kanina, hindi ko lang maintindihan ang sarili kung bakit inis na inis ako. Bakit? Masyado na ba akong nag-aalala sa lalaking ito? Kung ganoon nga ay bakit? Ah! Ewan! Ayokong isipin ang dahilan. "Bilisan mong maglakad diyan, siguradong kanina pa tayo hinihintay ni Lola." masungit na sambit ko. Saglit ko siyang sinulyapan bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya. Nagulat ako nang agawin niya iyong mga dala kong supot at sabayan ako sa paglakakad habang diretso ang tingin sa harapan. Hindi ko na nagawang umangal. Walang emosyon ang mukha niya ngunit nang makita ko ang pag-igting ng panga niya mula sa gilid ay napalunok ako. Parang isang sining ang buhok niya kung isayaw ito ng hangin galing sa dagat. Sinikop ko ang sariling buhok nang tangay-tangayin rin iyon ng hangin. Sa sobrang haba ng maalon-alon kong buhok ay yumayakap na ito sa mga braso ko. Kunot noo kong pinagmasdan muli si Eli, mukha siyang isang artistang naghirap. Bitbit niya ang dalawang baldeng walang laman sa kanang kamay at iyong mga pinamili naman namin sa kaliwa. Lalong nahahalata ang mga ugat sa kamay at braso niya sa tuwing ikukuyom niya ang kamao niya. Sa sobrang lapad ng katawan niya'y parang kay dali lang akong ipitin ng mga iyon. Parang gusto ko tuloy hawakan ang... Nakagat ko ang ibabang labi ko nang mapagtanto kung ano ang mga bagay na tumatakbo sa isip ko. Kung hindi ko lang iyon namalayan ay baka tumakbo na maseselang bagay ang mga iniisip ko! Kung bakit naman kasi bigla ko nalang iyon naisip gayong pinagmamasdan ko lang naman ang hubog ng pangangatawan niya? Nag-iwas ang ako ng tingin at pinilit na alisin iyon sa isip ko. Hindi pa ako nakaka-boyfriend ngunit hindi na naman ako bata. May kaunting kaalaman na naman ako sa mga ganoong bagay. Hindi ko pa nga lang nasusubukan. At syempre! Wala akong balak na subukan iyon hangga't hindi pa ako ikinakasal! Ayokong humarap sa altar ng hindi na birhen 'no. Okay, ayoko nang isipan iyon. Kasalanan ito ni Sela! Siya ang madalas magpakilala sa 'kin ng mga lalaking naging manliligaw ko noon. Hindi ko na matandaan kung ilan ang b-in-usted ko, hindi naman gano'n karami. Basta nakalimutan ko na kung ilan. Bukod sa mga lalaking ipinakilala sa 'kin ni Sela ay marami pang ibang nanligaw sa 'kin noon, madalas school mate ko. Wala akong sinagot ni-isa sa kanila dahil wala sa kanila ang tipo ko. Hindi naman sila pangit. Basta ayoko lang sa kanila. Dahil sa pagiging pihikan ko sa lalaki ay naging NBSB ako hanggang ngayon. Tumigil na rin si Sela sa pangbubugaw sa 'kin dahil naubusan na raw siya ng maipapakilala. Mabuti naman, Sela. Pero kahit na gano'n, may iilang lalaki pa rin ang nagpaparamdam sa 'kin. Nawalan lang nitong bakasyon. "Sorry.." tanging salitang lumabas sa bibig ko nang makarating kami sa harap ng bahay. Natigil si Eli sa pagpasok sa bakuran at kunot noo akong binalingan. "Huh?" tumaas ang mga kilay niya. Mukha siyang inosente at wala ideya sa sinasabi ko. "Bakit? Ako dapat ang mag-sorry sa 'yo, Era.." kalmado niyang sabi. Kinagat ko ang ibabang labi ko bago nagsalita. "May kasalanan din ako sa 'yo kaya ako nagso-sorry. Hindi ko dapat ipinaparamdam sa 'yo na pabigat ka sa 'min ni Lola.. Dapat i-trato kita ng tama dahil--" Natigil ako sa pagsasalita nang bigla niyang ilapag ang mga dala niya. Isang ngiti ang sumilay sa kaniyang labi bago siya humakbang papalapit sa 'kin. Napasinghap ako nang bigla niya akong yakapin. "It's fine.. I totally understand you, Era. Don't feel sorry about it." marahan niyang hinaplos ang buhok ko. Gumaan naman ang pakiramdam ko dahil doon. Tanging sinag galing sa buwan ang dahilan kung bakit nakikita namin ang isa't-isa. Ang init na nanggagaling sa katawan niya ay nagdudulot sa 'kin ng kakaibang pakiramdam. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at kahit masyadong kumportable ang mga bisig niya'y parang gusto kong kumawala, sa takot na baka mapansin niya iyon. Sa takot na lumala ang kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko... Ilang beses akong napalunok bago tinapik ang likuran niya. Napayuko ako nang binitawan niya ako. Tikom ang bibig ko at hindi ko mahagilap ang mga salitang dapat na sabihin. Nahihina ang tuhod ko dahil sa pagyakap niya sa 'kin at hindi ko siya magawang tingnan sa mata. What the Era? Yakap lang iyon! "Uhm.." Bago pa ako mapakag-isip ng sasabihin, nagulat ako nang marinig ko ang pangalan ko mula sa likuran ni Eli. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatayo roon si Sela at nakahukipkip. Nanliliit ang mga mata niyang habang nakatuon sa 'min ang buong atensiyon. Naiilang ko siyang nginitian. Oo nga pala, hindi niya pa alam ang tungkol kay Eli. "Jusko, kung hindi pa ako uuwi hindi ko pa malalaman! Paano napunta ang ganitong ka-g'wapong nilalang dito, Era?!" bwelta niya nang makapasok kami sa loob at makaupo. Pati si Lola ay nandito rin at parang walang balak na sumali sa usapan. Pinagdikit ko ang mga labi ko dahil sa naging bungad ni Sela sa 'kin. Nasa sala kami ngayon at katabi ko si Eli na mukhang nagulat sa sinabi ni Sela. Mukha siyang inosente dahil mga mata niyang nagtatanong. Nang sulyapan niya ako'y tipid ko siyang nginitian. "Marselana, kalma lang. Huwag mong sabihing umuwi ka dahil dito?" tinaasan ko siya ng kilay. Nang makausap ko si Aling Shiela ay sinabi niya sa 'kin na inutusan niya si Sela na maghatid ng gulay sa bagsakan. Medyo malayo iyon dito sa Isla kaya hindi na na 'ko magtataka kung dalawa o tatlong araw siyang mawawala. Ang buong akala ko ay naroon lang siya sa taniman nila kaya hindi ko siya nakikita. "Anong kalma ka diyan! Tsaka hindi ako umuwi para lang dito 'no. Pinauwi na ako ni Kuya dahil siya na raw ang bahala sa mga gulay." sagot niya. Bumuntong hininga siya bago sinulyapan saglit si Eli na tahimik lamang sa tabi ko. "Alam na ba nila Ophelia ang tungkol sa kaniya? Paano ba kasi siya napadpad rito? Tapos wala pang maaalala.." "Hindi pa." nagkibit ako ng balikat. "At tsaka iyon din ang iniisip ko, e. Kung paano napunta si Eli rito.." Kumunot ang noo ni Sela. "Eli?" Tipid akong tumango. "Pinangalanan ko siya, Sela. Hindi ko alam kung paano siya tatawagin kung wala siyang pangalan..." "Oh, uminom muna kayo habang nag-uusap.." si Lola. Galing siya sa kusina dala ang isang pitsel ng dalandan juice at tatlong baso. "Nagluto rin ako ng hapunan. Baka gusto mong sumalo sa 'min, Sela?" "Ah, hindi na po, Lola Tilda. Sigurado po akong may luto na sa bahay." sagot nito bago kinuha ang baso at sinalinan iyon. Sumimsim siya sa baso bago ipinukol ang buong atensiyon kay Eli sabay lapag ng baso sa lamesa. "Wala ka ba talagang naaalala, Eli?" Napakunot ang noo ko at ambang pipigilan na si Sela sa pagtatanong ngunit hinakawan ni Eli ang braso ko. Isang tango ang ibinigay niya sa 'kin bago sinagot ang tanong ni Sela. "Mayroon. Pero kaunti lang.." Napatango-tango si Sela at muling sumimsim sa baso. "Ano'ng naaalala mo?" Umiling ako kay Sela. "Sela, hindi siya pwedeng--" "I'm fine, Era.." bulong niya sa 'kin. Ngumiti siya ngunit agad ring nag-seryoso nang balingan niya si Sela. "Engagement party and a woman..." Natapos ang eksenang iyon na puro mga tanong ni Sela tungkol kay Eli ang nangibabaw. Kahit na ilang beses ko na siyang pinaliwanagan tungkol sa kondisyon ni Eli ay patuloy pa rin siya sa pagtatanong. Nagtataka rin ako dahil kahit na nagtatanong ni Sela ay hindi sumasakit ang ulo ni Eli. Wala akong nakikitang bakas na nasasaktan siya. Baka naman talagang maayos na ang lagay niya? Hanggang sa paghiga ko sa kama katabi si Lola, hindi ako magawang hilahin ng antok sa dahil salitang sinabi ni Eli kanina. Engagement party and a woman, huh? Bakit hindi niya iyon sinasabi sa 'kin? May dumagdag pala sa alaala niya.. Noong huling tinanong ko siya'y tanging kasal lang ang sinabi niya sa 'kin. Ngayon may babae nang kasali? Siguro'y talagang may pamilya na siya. May asawa at may anak na rin... Masaya ako ngunit may lungkot. Hindi ko alam kung bakit. Buong gabi akong nakatitig sa bubong at iniisip ang sagot. Panay rin ang buntong hininga ko habang si Lola naman ay mahimbing nang natutulog sa tabi ko. Iniisip ko kung tulog na ba si Eli sa kwarto ko sa mga oras na ito. Ano kayang ginagawa niya? Bumangon ako at hinagod ng daliri ang mahaba kong buhok. Tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa salamin upang sulyapan ang sarili. Tanging liwanang galing sa lampara sa gilid ang nagsisilbing ilaw upang makita ko ang repleksiyon ko sa salamin. My golden brown wavy hair is already reaching my waist because of its length. Ang tagal na noong huling dalaw ko sa pagupitan upang magpabawas ng buhok. Marami kasing nagsasabing mas bagay raw sa 'kin ang mahaba. Pero ang sabi naman ni Lola mas bagay sa 'kin ang maiksi. Ayoko namang magpagupit dahil wavy ang buhok ko at baka bumuhaghag kapag in-iksi-an. Sinulyapan ko si Lola na natutulog bago ako naglakad palabas ng kwarto. Hindi ako makatulog kaya maglalakad-lakad nalang muna ako sa dalampsigan tulad ng parati kong ginagawa. Kinuha ko ang balabal bago sinilip si Eli sa kwarto ko. Mahimbing siyang natutulog kaya naman tumulak na ako palabas. Umihip kaagad ang malamig na simoy ng hangin paglabas ko. Sinikop ko ang buhok ko at inilagay iyon sa balikat ko. Dati'y ginagawa ko lang ito kapag magulo ang isip ko tungkol sa mga tunay kong magulang ngunit ngayon ay nandito dahil magulo ang isip ko at dahil iyon sa isang lalaki. Nakakatawang isipin. Nilalaro ko ang mga buhangin habang nakalupagi ako roon tanaw ang malawak na karagatan. Mga alon at yangitngit ng hinahanging puno ang naririnig ko. Kahit na madilim sa kinalulugaran ko'y hindi ko iyon iniinda. Sanay na naman ako rito. Nang mainip ako sa dalampasigan, naisipan kong magtungo naman sa rock formation sa gilid lang. Mas maganda kasi roon, top view. Pagkapatapos ng rock formation, naroon ang mga naglalakihang bahay at malawak na lupain na pag-aari ng ilang pamilya na mayaman. Hindi ako nagagawi roon dahil pakiramdam ko'y hindi ako nababagay doon. Hinubad ko ang tsinelas ko at ipinuyod ang mahaba kong buhok. Bitbit ang tsinelas ko'y tahimik kong tinahak ang makipot na rock formation patungo sa paborito kong spot. Sinag lang galing sa buwan ang nagsisilbing gabay ko. Napabuntong hininga nang maisip ang cellphone ko. Bakit nga ba hindi ko dinala iyon? E, 'di sana'y maayos kong nakikita ang daan. Ilang distansiya nalang at mararating ko na ang spot na iyon ngunit nagulat ako nang may maapakan akong madulos na bagay na naging dahilan ng pagkakadausdos ko pababa sa gilid ng rock formation. Napahiyaw ako dahil sa sakit nang pagkakatama ng katawan ko sa matigas na bato na aking binagsakan. Sa kabila ng sakit sa nararamdaman ko'y pinilit kong bumangon ngunit napasinghap ako nang biglang umuga ang batong lulan ako at tuloy-tuloy akong mahulog sa tubig. Bumagsak ang katawan ko roon at unti-unti kong naramdaman ang pagyakap ng malamig na tubig sa katawan ko. Iginalaw-galaw ko ang mga paa ko at napagtantong mukhang malalim itong parte ng dagat ang bigsakan ko. Marunong akong lumangoy ngunit dahil sa hapdi na nararamdaman ko sa buong katawan ko'y hindi ko magawang i-galaw ang mga braso ko upang lumangoy at makaahon. Dahil sa pamamanhid ng buong katawan ko'y patuloy ang paglubog ko sa ilalim ng dagat. Kinakapos na rin ako sa hangin at parang gusto ko nang ibuka ang bibig ko. Ngunit bago ko pa iyon magawa, isang tao ang nakita kong lumalangoy patungko sa 'kin. Ang mga mata niya'y mariing nakapukol sa 'kin. Agad niyang niyapos ang baywang ko at lumangoy paahon. Hinahabol ko ang paghinga ko nang makarating kami sa ibabaw at masilayang muli ang madalim na kalangitan. Lumangoy siya patungo sa batuhan kasama ako at maingat akong inihiga roon. Pwesto siya sa may uluhan ko at inilagay sa mga hita niya ang itaas na bahagi ng katawan ko. Ang ulo ko ay nakadikit sa tiyan niya at nakapatong sa ibabaw ng mga hita niya. Basang basa ang damit naming dalawa at tumutulo ang tubig dagat sa mukha ko galing sa kaniya. Nagsandaling makita ko nang maayos ang mukha niya. Napaubo ako ng tubig bago siya niyakap. Nanginginig ang mga kamay ko sa pinagsamang panlalamig at takot. Uminit ang gilid ng mga ko at humalo na ang luha ko sa tubig-alat. Narinig ko ang mahinang pagmumura niya. Nagkatitigan kaming dalawa habang hina-hawi niya ang mga basang buhok na nakadikit sa mukha ko. "Shhh... You are safe now, Era..." napapaos niyang sabi bago ako hinalikan sa noo. Naramdaman ko na lang ang mainit niyang mga braso na unti-unting gumagapos sa akin bago bumagsak ang mga talukap ko. ___________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD