Kabanata 23 Friend "Era, s-sigurado ka na ba talaga? Hindi ka na mapipigilan? Alam mo naman siguro kung ano ang buhay do'n. 'di ba? Ibang-iba rito sa Isla... at sa buong Está Caliente." Napabuntong hininga ako at napatitig ng matagal sa mga damit ko na isa-isa kong inilalagay sa maliit na bag. Kaunti lamang ang dadalhin ko dahil mahirap bumiyahe kapag maraming dala. At tsaka isa pa, wala akong maleta. Hindi ko rin alam kung magtatagal ba ako doon. This decision was one of the hardest decisions I have ever made in my entire life. I grew up here in this place, far from the city. I will definitely innovate and not be able to keep up with the flow of life there. Natatakot din ako dahil hindi pa ako nakakapunta ro'n at wala akong kahit na sinong kakilala. Pero bahala na. Ilang gabi ko ring

