Kabanata 20
Cuddle
Halos matawa ako sa kaniyang sinabi. Hindi naman sa ayaw ko, ngunit wala sa itsura niya na mahilig siya sa gano'n. Well, hindi ko pa naman talaga siya gaanong kilala. I fell in love with the man I don't really know.
Akala ko'y nagbibiro lamang si Eli ngunit matapos naming mag-agahan at matapos kong maligo. Inaya niya akong manood ng TV sa sala. Pumayag naman kaagad ako dahil wala naman akong gagawin ngayon. Kanina nakatanggap ako ng text galing kay Sela na hindi naman daw galit si Ma'am Carol sa biglaang pagliban ko sa trabaho. Dahil sa text na iyon na naging palagay na ang loob ko.
Bigla rin sumagi sa isip ko si Lola. Kamusta na kaya siya at ano kayang ginagawa niya ngayon? Nag-text ako sa kaniya kanina at isang beses lamang siyang nagreply sa akin. Sinabi niya rin na huwag ko siyang tawagan at hindi pa rin maayos ang signal. Seriously, nag-aalala ako kay Lola. Nasaang lugar kaya siya sa Cebu kung bakit wala pa rin siyang signal hanggang ngayon. 'Di bale na, hihintayin ko na lamang ang pag-uwi niya mamayang hapon.
"May gusto ka bang kainin? I'll cook."
Ngumiti ako at umiling. May tinapay at juice na sa lamesa habang nanonood kami ng TV. Hindi naman ako gano'n kagutom kaya sapat na ang pagkaing narito. Iniisip ko rin kung may stocks pa ba kami ng pagkain sa kusina.
Tumango siya at muli akong inihilig sa kaniyang dibdib. Kanina pa ganito ang ayos namin at hindi naman ako nagrereklamo. Gusto ko pa nga ito, e. Ngayon lang ako naging komportable ng ganito sa kaniya. Sa ilang linggo naming magka-relasyon ngayon pa lang ako naging masaya ng ganito habang magkasama kami. Palagi kasi akong abala sa trabaho. Palaging wala sa bahay.
Pagkatapos ng nangyari sa amin. Tsaka ko lang napagtanto na masyadong mabilis ang lahat sa pagitan namin. Isang linggo nang dumating siya rito nagkaroon kaagad ako ng gusto sa kaniya at isang sa isang buwan niyang pananatili rito, may nangyari kaagad sa amin. Hindi ko na iyon mababawi pa at ginusto ko rin naman. Kagabi natatakot pa ako pero ngayon, hindi ako nagsisisi. Kaya nga lang, hindi ko alam kung paano sasabihin ang lahat kay Lola.
Pakiramdam ko tuloy ang rupok ko. No matter how many times I remind myself that it is not possible, I am still being violated by my own lust and love for this man. I have driven him away several times but he always says that he will never leave. Somehow, I was encouraged by what he said.
He said he will marry me.
I smiled melancholy at that. Yes, I want him to marry me but I will not allow it right now. Hindi ngayong nabubuhay lamang siya gamit ang isang banyagang pangalan. Hindi ngayon. Kapag bumalik na ang alaala niya at tinanong niya ulit ako, doon lang ako papayag. Ang tanong ay kung tatanungin niya ulit ako kapag tinanggihan ko siya.
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo, Eli? Living in a place like this forever... and with me? You can't really say that." umiling ako, hindi sang-ayon sa kaniyang sinabi kanina lang.
Paano naman siya makukuntento sa ganitong pamumuhay? Masyadong simple at nakakabagot.
"Why not? I'm contented with a place like this as long as you're with me." seryoso niya akong tinitigan. "Why? Are you going to push me again? Sorry, but I'm not really leaving. I like it here. In the place where you are and where I met you. "
"And what about your real life? Hindi pwedeng dito ka lang." sumimangot ako at lumayo sa kaniya.
Tinangka niya akong ibalik sa kaniyang dibdib ngunit umiwas ako. Naiinis sa mga sinasabi niya. Handa na ako. Handa na akong ipaglaban siya ngayon, pero sana, pumayag siyang tulungan ko siya na maibalik ang mga alaala niya. Sana pumayag siya sa gusto ko. Para rin naman ito sa kaniya.
Matapos naming manood at mag-meryenda. Inaya ko naman si Eli na mag-swimming kami sa dagat saglit. Noong una'y ayaw niya pang pumayag dahil baka raw pagod pa ako ngunit kalaunan ay napilit ko rin naman siya.
Sa wala masyadong taong dumadaan namin napilitang mag-tampisaw. Ayoko kasi nang may nakakakita sa amin. Hindi ako masyadong kumportable.
Nagharutan kami ni Eli sa dalampasigan. Maya't-maya ko siyang inaasar na ang pangit niya kaya hinabol niya ako ng hinabol upang yakapin ako o kaya naman ay kilitiin. Tawa ako ng tawa kapag kumukunot ang kaniyang noo dahil sa pang-aasar ko sa kaniya na pangit siya. Hindi naman talaga siya pangit, e. I just want to tease him because his hair is already long and his skin is getting tan too.
Pagkatapos naming mag-langoy at maghabulan sa dagat, inaya ko siyang maupo muna sa may buhanginan. Nakaupo ako at nasa likod ko naman siya, nakaupo rin at nakayakap sa akin. Napalunok ako sa ayos namin. I was only wearing a two-piece bikini while he was topless. Nag-iinit na naman ang pisngi ko. Lalo pa at nararamdaman ko ang ano niya sa may pwetan ko.
I closed my eyes and bit my lower lip when he suddenly moved. He pulled me closer to his body and placed his face on my neck. Napaliyad ako ng patakan niya iyon ng isang maliit at mababaw na halik. Volts of electricity flowed down through my body.
"Eli, tama na 'yan..." saway ko sa kaniya.
He stopped and chuckled. "I love you," he whispered on my ear.
Habang niyayakap niya ako, isang tanong ang pumasok sa isip ko. Hinawakan ko ang braso niya na nakapulupot sa aking baywang bago nagsalita.
"Eli, paano kung nagpakasal nga ako sa 'yo at nagkaroon tayo ng anak? Paano mo kami bubuhayin?"
"Magsisikap ako at magtatrabaho para sa atin."
Kumislot ang puso ko dahil sa sinabi niya. Isang ngiti ang sumilay sa labi ko ngunit agad rin iyong nawala.
I shook my head. "Wala kang katauhan, Eli. Paano ka matatanggap sa pag-aaplyan mong trabaho kung wala kang maipapakitang papeles sa kanila?"
He sighed. "Some work doesn't need papers. P'wede akong mangisda o magtinda rin sa palengke. I can do everything for you."
Tumango ako ngunit hindi ibig sabihin na tinatanggap ko ang sagot niya dahil hindi sapat iyon. Hindi sapat na ganito lamang kami. Hindi pwedeng ganito lang siya. Darating at darating sa puntong kailangan niyang umalis sa lugar na ito at iwan ako.
Nang lumamlam ang init ng araw, inaya ko na si Eli na bumalik sa bahay. Ang bagal ng oras, nakaligo at nakapagpalit na kaming dalawa ngunit hindi pa rin sumasapit ang hapon. Nagpasiya akong malinis na lamang dito sa bahay at tinulungan naman ako ni Eli. Nakasuot ako ng short at loose shirt ngayon. Ayoko ng magdress at baka... may mangyari na naman.
Nagdidilig ako ng halaman habang si Eli naman ay nagsisibak ng kahoy. Nalaman ko kanina na wala na palang stock na pagkain sa kusina kaya naman, naisipan kong mamili kami sa palengke pagkatapos sa gawain. Habang namimili'y naalala ko iyong utang ko kay Doctor Guevarra. Kakalahati nalang iyon at siguradong mababayaran ko na sa susunod kong sweldo. Iniisip ko rin kung pareho ba ng rate ang pagiging waitress at cleaner. Hindi ko iyon naitanong kay Ma'am Carol. Sana parehas lang.
Si Eli ang nagbitbit ng lahat ng mga pinamili namin. Ang ilang mga tao rito ay napapatingin sa kaniya habang naglalakad kami. Syempre, sinong hindi mapapatingin, e, ang gwapo-gwapo nitong boyfriend ko? Ang tikas ng dating kahit naka puting short at itim na t-shirt lang. Kulang nalang mabali ang leeg ng mga tao sa kakalingon sa kaniya.
Napasinghap ako nang ilagay niya ang kamay niya sa baywang ko. Hindi na ako umangal. Napansin kong maya't maya niyang inaayos ang kaniyang buhok. Palagi niyang iyong hinahangod palikod. Mahaba na kasi at tumatakip na sa kaniyang mata.
Tumigil ako sa paglalakad nang makakita ako ng isang barber shop. Nilingon ko si Eli at naabutan ko siyang nagtataka sa biglaang paghinto ko.
"Pagupitan natin ang buhok mo," suhestiyon ko.
Tumaas ang kaniyang kilay at sinulyapan ang lugar na itinuturo ko. Akala ko'y hindi siya papayag ngunit tumango rin naman. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papasok doon.
Nagsilingunan kaagad ang mga tao sa loob sa presensiya namin. Lahat sila ay napabaling kay Eli. Napabuntong hininga naman ako. Mabuti nalang pala at dito kami sa barber shop nagpunta at hindi sa salon. Kung sa salon ko siya dinala, baka mapagod ako kaka-irap.
"Ano sa 'yo, Era?"
Nginitian ko ang may-ari nitong barber shop na medyo kilala na ako madalas siyang bumili sa amin ni Lola noong nagtitindi pa kami rito sa palengke.
"Uhm, pakibawasan lang po ng konti ang buhok niya." sambit ko nang nakaupo na si Eli sa upuan at handa nang gupitan.
"Konti lang ba talaga? Ang gwapo nitong kasama mo, ah. Boyfriend mo ba ito?" usisa ni Mang Romel.
Sinulyapan ako ni Eli sa salamin kaya naman tumango ako kay Mang Romel at ngumiti. Patuloy sa pagsasalita si Mang Romel habang ginugupitan si Eli. Nakaupo na ako sa isang sulok kaya naman hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila.
Halos malaglag ang panga ko nang matapos ang pag-gugupit kay Eli. Lumapit ako sa kaniya habang sinisipat niya ang kaniyang sarili si salamin. Dahil sa pagpapabawas niya ng buhok, mas lalo niyang naging kamukha ang lalaking tinutukoy ni Zach.
"Is my haircut okay? Nagustuhan mo ba?" marahang tanong niya.
Isinarado ko ang bibig kong nakanganga bago tumango. "O-Oo naman! Mas lalo kang gumwapo!" mas lalo mong naging kamukha si Vicenzo Castellon.
Natawa naman si Mang Romel sa naging reaksiyon ko. "Ikaw, Era. Baka gusto mong pagupitan ang buhok mo. Ang haba na masyado, e. Mas lalo kang nagmu-mukhang diyosa."
Sinulyapan ko ang buhok at napagtantong tama nga si Mang Romel. Ang haba na ng buhok ko. Kahit nakatayo ako'y umaabot na ang dulo sa aking balakang. Mabuti na lamang at maganda ang bagsak ng buhok at hindi buhaghag. Kahit hindi ako magsuklay ay ayos pa rin tingnan.Magsasalita na sana ako ngunit nagsalita si Eli.
"I prefer your hair when it's long. Don't cut it."
Nagulat ako sa sinabi niya. Kumunot ang noo ko at medyo natawa habang si Mang Romel naman ay napatango-tango.
"Oo nga. Mas bagay nga sa 'yo ang mahaba, hija. Makinig ka sa nobyo mo!" humalahak ito sa aming dalawa.
Pag-uwi namin sa bahay, dinala niya kaagad ang mga pinamili namin sa kusina. Nagsabi siya na siya na ang bahalang magluto ng hapunan kaya huwag na akong kumilos pa. Pumayag ako at nagpasiyang panoorin na lamang siya sa kaniyang pagluluto. Naghila ako ng upuan at naupo. Napapangiti ako sa bawat kilos niya. Ang gwapo niya kasi lalo kapag nagluluto o nagsisibak ng kahoy.
"Anong kurso ang kinukuha mo ngayon sa kolehiyo, Era?" tanong niya habang naghihiwa ng sibuyas.
Napataas naman ang isang kilay ko. Hindi alam kung bakit bigla niya nalang iyong natanong. "Industrial Techonology. Bakit?"
"Wala naman. Saan mo balak mag-trabaho kapag nakapagtapos kana? Dito rin ba Isla?"
Nagkibit ako ng balikat. "Hindi ko pa alam, e. Gusto ko sanang... Sa Maynila."
Nag-angat ng tingin si Eli. "Maynila?"
"Oo, mas maganda ang mga oportunidad doon at tsaka iyon din ang gusto ni Lola na gawin ko. Ayaw ko nga sana pero iyon talaga ang gusto ni Lola. Pero depende pa rin sa budget."
Tumango siya at hindi na nagtanong pagkatapos. Bumuntong hininga ako at tinitigan ang kilos niya. Parang ang lalim ng iniisip niya at hindi ko iyon magawang basahin. Parang may gumugulo sa kaniya at gusto ko iyong malaman.
Tumikhim ako at umayos ng upo. May isang bagay akong naalala na dapat sabihin sa kaniya at sa tingin ko, pwedeng ngayon ko na sabihin iyon.
"M-May nakuha akong singsing sa dalampasigan." panimula ko.
Tumigil siya sa paggagayat at kunot noong bumaling sa akin. "What about it?"
"Nakuha ko iyon noong araw na nakita kita sa dalampasigan at sa tingin ko ikaw ang may-ari no'n. Nakakahon pa at mukhang kakabili pa lang."
Nag-iwas siya ng tingin at hindi nagsalita. Kumunot naman ang noo ko. Bakit parang wala lang sa kaniya iyong sinabi ko? Bakit parang hindi man lang siya nagulat? Alam niya ba? Nakita niya na?
Muli niya akong binalingan nang bigla akong tumayo. "K-kukunin ko para makita mo."
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad na akong nagtungo sa kwarto ko. Binuksan ko ang drawer at agad na nakita ang kahon. Umupo muna ako sa kama at binuksan iyon. Kinuha ko ang singsing at malungkot na pinagmasdan.
Itinaas ko iyon at itinapat sa malamlam na sinag ng araw na nagmumula sa bintana. My eyes widened when I noticed something strange there. I removed it from the sunlight to check what I had noticed but frowned when it disappeared. Tumayo ako at lumapit sa bintana upang itapat ulit ang singsing. Naisip kong baka lumabas ulit ang mga napansin kong letra kung itatapat ko sa sinag ng araw. Hindi naman ako nagka-mali.
I gasped when a letter came out of it. Letter C...
Ano ang ibig sabihin ng letrang C? Tunay na pangalan kaya ni Eli? O kaya naman, baka pangalan ng babaeng pagbibigyan niya?
Unti-unti akong napabalik ng upo sa kama. Bagsak ang mga balikat.
Vicenzo Castellon.
Posibleng Castellon ang ibig sabihin ng letrang C sa singsing na ito. I wiped away the small tears that flowed into my left eye. I took a deep breath and calmed myself. I put the ring back in the box and stood up. I have to give it back to Eli-- No, to Enzo Castellon.
Ipinakita ko ang singsing kay Eli at hindi niya man lang iyon pinagtuunan ng pansin. Kinailangan ko pang buksan at ipakita sa mukha niya ang itsura para lamang sulyapan niya.
"Ang ganda, 'no? Kanino mo kaya ito dapat ibibigay? Baka future wife--"
"I don't have a fiance,"
Inirapan ko siya. "Hindi ka sure."
He pursed his lips. "Hindi ka rin nakasisiguro na sa akin nga iyan."
"Sigurado akong sa 'yo ito." giit ko. "May letrang C sa loob ng singsing. Wala ka man lang bang naaalala? Sa letrang C?
"Wala," simpleng sabi niya.
Inilapag ko ang singsing sa lamesa at humalukipkip. Habang siya naman ay tinalikuran ako upang intindihin ang niluluto niya.
"Alam mo, Eli, mahal kita." nilingon niya ako. "Pero ako naniniwalang wala kang naaalala na kahit ano. Baka ayaw mo lang sabihin sa akin."
He swallowed hard. "If you love me, why do you always drive me away?"
"Dahil ayokong maging makasarili!"
Tumalim ang kaniyang titig. "Hindi ba't pagiging makasarili na iyang pagdedesisyon mo ng mag-isa? Hindi mo man lang iniisip kung ano ang mararamdaman ko."
"Anong hindi?!" hindi makapaniwala kong tanong.
Bumuntong hininga siya bago ipinatong ang sandok sa lamesa. "Sa tingin ko, hindi mo ako gano'n kamahal--"
"Gago ka ba?" I cut him off. Nanggigil ko siyang inirapan habang siya naman ay nagulat sa biglaang pagmumura ko. "Why would I agree to have s*x with you if I don't love you, huh?!"
"Baka napilitan ka lang--"
"Gago ka kung gano'n!" galit na sigaw ko sa kaniya. Paulit-ulit ko siya iniripan dahil sa iritasyon.
He sighed heavily. "Emerald-"
Hindi ko siya hinintay pang magsalita at mabilis na akong umalis sa kusina. Nag-iinit ang mga mata ko dahil sa nagbabadyang mga luha. Nasasaktan ako. Ipina-ubaya ko na ang sarili ko tapos sasabihin niyang napilitan lang akong ibigay ang sarili ko sa kaniya. First time ko 'yon, e! First time ko 'yon kaya ibibigay ko iyon sa taong mahal ko. Kung sa tingin niya hindi mo siya mahal, sana hindi na lang niya itinuloy. Nakakainis.
Love. My love for him is not strained and shallow. I just don’t know how to show that because of hesitation. I am also new at this point in my life. He was my first. First kiss and the first one made me feel a strange feeling of love. Maybe he can only doubt how I feel about him because of my age.
I'm not a kid anymore. I can handle my feelings. Dati na naman akong nagkagusto sa lalaki noon, ngunit hindi tulad ng pagkagusto ko sa kaniya. My liking for him is scary. I restrain myself because, I am afraid of falling and being hurt in my first time being in a relationship.
But no matter how much I've tried, I still fell. I was hurt because he thought my love for him was superficial. But it hurts me more to think, maybe his is even shallower. I do not know.
I may not be showy but my love for him was deep and wholeheartedly. Hindi ko alam kung gano'n din siya. Palagi niya akong sinasabihan ng matatamis na salita ngunit may pagdududa ako roon.
"Era,"
Napabuntong hininga ako nang marinig ang boses ni Eli sa likuran ko. I licked my lower lip and turned to him. Nakatayo siya at nakatingin ng seryoso sa akin.
"Tapusin mo na ang pagluluto mo roon. Pauwi na si Lola at baka gutom 'yon pag-dating." kalmadong sabi ko. Pilit kong tinatagan ang loob ko. Ayokong umiyak sa harapan niya.
"I'm done cooking." he sighed heavily. "I'm sorry."
"Ayos lang. Kalimutan mo na 'yon. May punto ka naman. Pero gusto ko lang ding malaman mo na first time ko 'yon at hindi ako papayag na gawin 'yon sa lalaking hindi ko mahal." my voice shook a bit so I tried to smile.
"I know. I'm sorry."
Mas lalong umusbong ang lungkot na nararamdaman ko nang biglang lumapit sa Eli sa akin at yakapin ko. He gently stroked my hair. I sighed and suppressed being emotional.
"I will marry you, Era. I'll marry you when you're ready." he whispered.
Umiling ako sa kaniyang dibdib. "No. You will not marry me when I am ready. You will only marry me when your memories came back and I am still the one you love..."
Niyakap niya ako ng mahigpit at narinig ko ang malalim niyang paghinga. Nanatili kami sa ganoong sitwasyon. Hindi ko alam kung gaano katagal kaming magkayakap ngunit bumitaw lamang kami sa isa't-isa nang narinig ko ang sagot niya.
"Alright. Help me bring back my memories. Don't leave my side and don't push me away either. I promise you that you are still the one I love and I will marry someday..." he said happily.
I smiled and nodded. I looked up and gave him a gentle kiss on the lips. He groaned and kissed me back tenderly. Napahawak na ako sa kaniyang leeg dahil sa paghihina ng aking mga tuhod habang naghahalikan kami. Nang maghiwalay ang mga labi namin, hinahabol ko ang hininga ko habang siya naman ay namumungay ang madilim na mga mata.
He licked his lower lip and snaked his arms around my waist. Hahalikan niya pa sana ako ulit ngunit pareho kami napatingin sa may labas nang marinig ang pagbukas no'n.
Kakapasok pa lamang ni Lola Tilda sa bakuran. Mukhang pagod na pagod siya at nanghihina. Napasigaw ako nang bigla na lamang siyang matumba roon.
"Lola!" nag-aalalang sigaw ko.
Lumapit kaming dalawa ni Eli roon at inalalayan si Lola na maglakad papasok sa bahay. Kumuha agad si Eli ng tubig sa kusina habang ako naman ay binabantayan at pinapay-payan si Lola.
Dumating si Eli at ibinigay kay Lola ang isang baso ng tubig. Hinihingal pa rin si Lola matapos niyang maka-inom.
"Lola, ano po ang nangyari? Bakit mukhang pagod na pagod kayo?" puno ng pag-aalalang tanong ko.
Katabi ko si Lola habang si Eli naman ay nasa harapan namin. Nag-aalala rin.
Lola smiled and hugged me. "Wala apo. Napagod lamang ako biyahe. Matagal na rin noong huling lumuwas ako ng Maynila--"
"Maynila? Akala ko po ba sa Cebu kayo pupunta?" takang tanong ko.
Natigilan si Lola ngunit ngumiti rin naman kalaunan. Bagay na mas lalong nagpataka sa akin.
"S-Sa Cebu nga. Ngunit 'yung ibang papeles pala nasa Maynila kaya nagpunta rin ako roon. Grabe ang pagod ko, apo. May niluto na ba kayong hapunan?"
Tumango ako ngunit si Eli ang sumagot. "Mayroon na po. Maghahanda na ako sa kusina."
Tumango rin naman si Lola. "Sige, bihis lang ako sa kwarto pagkatapos kakain na ako ng hapunan. Kumain na ba kayong dalawa?"
Umiling ako. "Hindi pa, Lola. Hihintayin ka na namin ni Eli. Tara na sa kwarto niyo at tutulungan ko kayong magbihis--"
"Hindi na, Apo! Kaya ko na ang sarili ko. Ang mabuti pa'y tulungan mo na lang si Eli sa paghahanda."
Nagsalubong ang kilay ko. "Sigurado ba kayo, La?"
Ngumiti lamang si Lola at tumayo na dala ang kaniyang bag. Nagpaalam siyang papasok na kwarto at hindi na ako nakaangal pa. Napabuntong hininga na lamang ako. Naririnig ko ang tunog ng pinggan at kubyertos sa kusina. Mukhang nag-aayos na si Eli.
Ilang sandali akong napatitig sa nakasaradong pintuan ng kwarto ni Lola bago ako naglakad papunta sa kusina. Parang may kakaiba sa kilos ni Lola, o ako lang iyon?
_____________________