Kabanata 21
Rain
"Please clean this too, Miss. It's still dirty, e. Also change my towel, robe and bedsheet. I have a guest here later so I want my suite to be very clean."
I nodded slightly and smiled at the meticulous customer who was in the suite I was cleaning right now. Namamanhid na ang mga kamay ko sa maghapong paglalampaso ng sahig at nanakit na rin ang likod sa pagbubuhat ng ilang gamit tuwing nag-linis ako. Okay, hindi pala biro ang pagiging cleaner. Simula nang mapalipat ako sa ganito mas dumoble ang pagod ko.
Kung dati, nakaka-ilang cup ako ng rice tuwing lunch break dahil pagod. Ngayon, parang mas tumakaw pa ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. I didn't gain weight before even though I ate a lot, pero ngayon. Napapansin kong nadadagdagan ang kalamnan ko. Hindi rin naman ako mabilis mapagod noon. Pero ngayon, parang palagi kong gustong magpahinga.
"Uy, ayos ka lang, Era? Mukhang pagod na pagod ka." puno sa akin ni Sela. Tulak niya ang push-tray at mukhang papasok siya sa suite na nilabasan ko.
I took a deep breath and wiped the sweat off my forehead before speaking. "Ayos lang ako. Masasanay rin ako sa trabaho ko ngayon."
Kumunot ang noo ni Sela at inilapit pa ang mukha sa akin. "Sigurado ka? E, 'di ba, isang linggo ka na riyan? At tsaka napapasin kong medyo tumataba ka, Era. Nag ba-vitamins ka?"
Hilaw akong ngumiti at umiling. "Bakit naman ako magba-vitamins? Mas lumakas lang talaga akong kumain ngayon dahil naging mas nakakapagod ang trabaho ko."
Umirap si Sela at bahagyang lumayo sa akin. Halata sa mukha niya ang pagka-inis. "Tss! Kung hindi dahil sa bwisit na Dianne na iyon, hindi ka ililipat ni Ma'am Carol! Nakakainis talaga ang bruhildang iyon! Akala naman niya napaka-gwapo nang kupal niyang ex-boyfriend!"
"Sela, mukha namang hindi kasalanan ni Dianne iyon. Baka may natapon sa sahig kaya ako nadapa nang araw na--"
"Nakita ko mismo iyon! Malapit ako sa 'yo nang araw na 'yon, e! Ewan ko ba kasi sa 'yo. Bakit ayaw mong sabihin 'yung napansin ko kay Ma'am Carol o kaya kahit kay Miss Darcy lang?Siguradong tutu--"
I immediately shook my head. "Hindi na. Mas ayos na 'ko rito sa bago kong trabaho. Isang linggo na nang nangyari iyon. Malamang hindi na iyon big-deal. Ayoko na rin munang kausapin si.. Miss Darcy."
"Bakit ba kasi?! Nag-aalala ako sa 'yo sa itsura mo, e. Halatang pagod na pagod ka!"
That's right. The fatigue on my face was obvious. Tumataba nga ako ngunit namumutla naman. Paubos na ang gamot ni Lola at kailangan na ulit bumili. Kakaunti nalang ang pera ko dahil namili ako ng grocery sa bahay tapos nag-abot ulit ako ng kaunti kay Doctor Guevarra. Matagal pa bago ulit ako maka-sweldo kaya naman kahit puyat, sinubukan ko ulit mangisda tuwing madaling araw kahit isang oras lang. Hindi ko iyon ipina-alam kay Lola at Eli dahil alam kong pagbabawalan nila ako.
These past few days, I have been busy with my work especially since the Hotel is flooded with customers. Patapos na kasi ang bakasyon kaya gusto na siguro nilang masulit ang staycation nila. Mas marami ang bellboy at waitress kaysa sa cleaner kaya inaasahan ko na ang pagod. Lalo na noong nagkaroon pa ng party doon, hindi ko na alam kung anong oras akong nakauwi dahil pinag-overtime ako. Pareho lang ang rate ng waitress at cleaner kaya medyo nahihinayang akong napalipat. Pero ayos na rin. Basta hindi ko na ulit makikita ang malditang customer na iyon ay ayos na ako.
Hindi ako sakitin. Lumaki akong mahirap at maagang nagtrabaho kaya sanay na sanay na ang katawan ko sa pagod pero hindi ko maintindihan ang sarili ko. I woke up one morning because I was feeling sick. Wala naman akong natatandaang sirang pagkain na kinain kaya hindi ko alam kung bakit ang sama ng pakiramdam ko at nagsusuka pa. Wala naman akong lagnat.
"Apo, ayos ka lang ba?" puno ng pag-aalala ang mukha ni Lola nang sundan niya ako sa kusina.
Sasagot pa lamang ako ngunit nagulat ako nang dumating rin si Eli sa kusina. Bagong gising at mukhang nag-aalala rin.
Sinubukan kong ngumiti kaya lang, umikot ulit ang sikmura ko at naduwal ulit ako sa lababo. Ang hapdi ng lalamunan at ng tiyan ko. Naramadaman ko na lamang ang paglapit nilang dalawa sa akin at ang paghagod ng kamay ni Lola sa likod ko.
"Are you sick?"
Umiling ako at binanlawan ang bibig ko. Kinuha ko rin kaagad ang isang baso ng tubig kay Eli. Pinangalahatian ko iyon. Malalim ang bawat paghinga ko nang balingan ko silang dalawa."Ayos lang ako, Lola, Eli. Magluluto na ako ng--"
"No. You should rest, Era. Ako na ang maglu-luto." sabat ni Eli sa sinasabi ko.
Ngumuso ako at tinitigan siya.
"Si Eli na, hija. Ang mabuti pa'y magpahinga kana. Jusko anong oras pa lang. Alas kwatro ng madaling araw." hinipo ni Lola ang noo ko at bahagyang kumunot ang noo niya. "Wala ka namang lagnat. Bakit ka nagsusuka?" nagtatakang tanong niya.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.
"B-baka pagod lang po." tanging nasambit ko.
Hindi natanggal ang nanliliit na mga mata ni Lola sa akin bago siya bumaling kay Eli na naghahanda ng lulutuin. Napakunot noo ako. Hindi ko alam kung bakit biglang sumama ang tingin ni Lola sa walang-imik na si Eli.
I was not able to go to work that day because of the extreme vomiting and dizziness I was feeling. I'm too lazy to eat because I'm sure I'll just throw up. Two days passed and I continued to feel this way so the fear gradually formed in my brain. Takot na takot nang biglang sumagi sa isip ko ang nangyari sa amin ni Eli. Kinakabahan ako. Ayokong maging tama ang hinala ko. Hindi pa ako handa. Ngayon ko lang naisip na mali. Mali ang ginawa namin ng gabing iyon. Wala rin akong natatandaang gumamit si Eli ng proteksyon kasi saan naman siya kukuha no'n? Alam kong mabilis lamang bumili ng gano'n pero kung iisipin, bakit naman siya bibili ng gano'n? Depende na lamang kung pinlano namin iyong gawin ngunit hindi. Biglaan lamang iyong nangyari.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang sama ng pakiramdam ko at maya't maya akong tuma-takbo sa banyo. Si Lola at si Eli ay hindi na nagawang alisin pa ang atensiyon sa akin. Bakas sa mukha nila ang sobrang pag-aalala lalong-lalo na ang kay Lola.
I convinced myself that it was just because I was tired that I felt this way but...
"L-Lola... B-Bakit ka po..." unti-unting nanubig ang mga mata ko habang nakalugmok ako rito sa kama sa kwarto namin ni Lola.
Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang paghagulhol habang hindi inaalis ang paningin sa mga bagay na nasa kama. Pregnancy Test...
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Lola. I looked up at her and saw the sadness in her eyes. I thought she would scold me or shout at me but I was surprised when she suddenly hugged me.
"Huwag kang matakot, apo. Nandito lang ako sa tabi mo palagi..." marahang sambit ni Lola habang hinahaplos ang aking buhok.
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Umiyak ako ng umiyak habang nakayakap kay Lola. Natatakot ako. Takot na takot ako at hindi na alam ang gagawin. Sari-saring tanong ang pumapasok sa isip ko sa mga oras na ito.
"L-Lola..." my voice broke.
"Shh. Okay lang, apo. Naiintindihan ka ni Lola. Tumayo kana at subukan ang isa. Hindi tayo makakasiguro kung hindi mo susubukan."
Patuloy pa rin ang iyak ko. "Pero L-Lola... Natatakot po ako. S-Sorry po..."
Ilang sandali pang ang lumipas bago ako nagpasiyang subukan ang pregnancy test. Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak iyon sa loob ng banyo. Naririnig ko ang pag-uusap ni Lola at Eli sa labas habang nasa loob ako. Hindi ko nga lang maintindihan ang pinag-uusapan nila ngunit naririnig ko.
Hindi ko alam kung ilang iyak pa ang nagawa ko sa loob ng banyo matapos malaman ang totoo. Ang katotohanang labis na nagbigay sa akin ng takot. Natatakot ako sa resulta ng ginawa namin. Hindi ko mapigilang hindi mainis sa sarili ko.
Ayaw ko pa sanang lumabas ng banyo ngunit pilit akong kinatok at pinalabas ni Lola. Nanginginig ang mga kamay kong ipinakita sa kanila ang resulta.
"P-Positive...po--"
I could not finish what I was about to say because of a tight hug that Eli had given me. He kissed my forehead but I still continued to cry.
"Shh. Don't cry. Pakakasalan at pananagutan kita, Era."
Noong una, nag-duda ako sa mga sinabi niya. Natakot ako at hindi naniwala. Isang beses kong naisip na ipalaglag ang bata sa sinapupunan ko dahil sa labis na takot. Ngunit naisip ko, ang sarili ko. Ako na ulila at palaging nagtatanong kung bakit wala akong magulang.
"Hindi kana muna magtatrabaho, hija. Maselan ang pagbubuntis mo kaya kailangan mo ng sapat na pahinga. Huwag mo nang isipin ang pera dahil kami na ang bahala ni Eli doon."
Nakangiti akong tumango kay Lola. It's been a week since I found out I was pregnant. Hindi pa malaki ang tiyan ko kaya naman wala pang nakakahalata maliban na lamang sa mga pinagsabihan ni Lola. Gulantang sina Sela at Ophelia nang malaman ang totoo kung bakit hindi ako nakakapasok sa trabaho. Mas lalo siguro silang nagtaka nang magpasa ako ng leave. Sa totoo lang, hindi ko alam kung gugustuhin ko pang bumalik doon. Nahihiya ako sa nangyari.
"Oh my god! Oh my god! Emerald?! Naunahan mo pa ako!" gigil na sabi ni Ophelia.
"Oo nga! Nasaan na ba 'yang si Eliseo at nang makurot ko ang singit! Pambihira naman, unang pasok bata agad!" si Sela.
Mariin akong napapikit dahil bulgar niyang biro. Hindi talaga sila nagkakaiba na dalawa. Pareho silang bulgar magsalita. Mabuti nalang pala at mag-isa lang ako dito sa bahay nang dalawin nila ako. Si Lola, may binibili sa palengke. Habang si Eli naman, nagtatrabaho kay Mang Bernard bilang kargador. Paminsan-minsan rin siyang nangingisda. Kahit nahihirapan siya at hindi sana'y, sinusubukan pa rin niya. Hindi ko maiwasang hindi maawa kay Eli sa puntong iyon.
"Paano 'yan, Era? E, 'di titigil ka muna sa pag-aaral? Isang linggo nalang pasukan na."
Malungkot akong napangiti sa sinabi ni Sela. Dahil sa kapabayaan ko, maraming bagay ang naapektuhan.
"Papasok ako. Pero kapag nahalata at lumaki na ang tiyan ko, baka roon na ako tumigil."
"Gaga ka. Sigurado ka ba?! Maselan daw 'yang pakwan sa tiyan mo, e. Tsaka siguradong hindi papayag si Eli." umiling-iling si Ophelia at humalukipkip.
"Hindi ko alam. Bahala na." nagkibit ako ng balikat.
"Hays. Siguradong magugulat ang mga tao rito." umirap si Sela at humilig sa kahoy na upuan."Iniisip ko rin 'yan. Marami pa namang chismosa rito na masakit mag-salita."
"Aba, kapag naman pinagsalitaan ka ng masakit ng mga 'yan, kalbo ang aabutin sa amin ni Ophelia!"
Natawa ako sa sinabing iyon ni Sela. Nang sumapit ang hapon, nagpaalam silang uuwi na at may trabaho pa raw sila bukas. Nasabi sa akin ni Sela na kinakamusta raw ako ni Miss Darcy. Ang alam kasi ng buong Hotel ay may sakit lamang ako. Sakit na umaabot ng ilang araw. Baka may pagdududa na sila.
"Hello, how are my two babies?"
Tulad ng ilang araw ng pangyayari, umuuwi si Eli nang gabi. Pagod at madungis ang damit. Isang halik sa noo at tiyan ko bago siya dumiretso sa kwarto at sa banyo upang maligo habang si Lola Tilda naman ang madalas na nagluluto. Naawa ako sa kanilang dalawa. Lalo na kay Lola. Ako dapat ang gumagawa ng mga bagay na iyon. Mahina na si Lola ngunit kumikilos pa rin dito sa bahay. Sobra akong nanliliit sa sarili ko.
Hindi ko pa rin maiwasang hindi umiyak sa tuwing iniisip ang kalagayan ko. Nandiyan si Lola, si Eli at ang mga kaibigan ko upang alagaan ako pero hindi ko pa rin matanggap ang lahat. Humingi ng sorry sa akin si Eli dahil sa pagiging pabaya niya ngunit alam kong may kasalanan rin ako kaya hindi ko siya sinisisi. Kasalanan naming dalawa ito.
Ilang araw pa ang lumipas bago ko natanggap ang lahat. Bago ko naging masaya dahil magiging ina na ako.
Tanghaling tapat ngunit umuulan. Nakaupo ako sa sala ngunit nakapatay ang TV. Wala akong ganang kumilos dahil ang bigat ng katawan ko. Kakatapos ko lang din magsuka kaya medyo nanghihina ako. Dumating si Lola galing sa kusina. Ipinatong niya ang mainit na sopas sa lamesa bago naupo sa tabi ko.
"Apo, pampa-init ng tiyan."
Tumango ako at malungkot na tinitigan si Lola. "L-lola... S-sorry..."
Kumunot ang noo ni Lola. "Saan, apo?"
"H-Hindi ko na po m-matutupad ang mga pangarap na sinasabi ko sa inyo... Hindi na ako m-makakapag-aral dahil..."
"Huwag mong sabihin 'yan, apo. Hihinto ka lang saglit pero hindi ka susuko. Maabot mo pa rin ang mga pangarap mo sigurado ako diyan."
Niyakap ako ni Lola at hinagod ng marahan ang aking buhok. Dahil sa pagiging buntis, naging emosyonal na naman ako. Nanatili kaming gano'n ng ilang sandali hanggang sa magsalita si Lola.
"Huwag kang susuko, apo. May kinabukasang naghihintay pa sa 'yo at sa magiging anak niyo ni Eli. May ibibigay rin pala ako sa 'yo."
Nagpunas ako ng luha at napatingin sa sobreng inilagay ni Lola sa kamay ko. Kumunot ang noo ko. "Para saan po ito, Lola?"
"Basahin mo 'yan, kapag wala na ako."
Hindi ko kaagad nakuha ang sinabi ni Lola. Umiling ako at pinagalitan siya. Hindi ko alam kung bakit sinabi iyon ni Lola. Malakas pa siya, iyon ang sabi ng Doktor. Hindi pa siya pwedeng mawala. Marami pang akong pangako sa kaniya.
"I love you," I whispered to Eli.
Pareho kaming nakaupo sa may bakuran, magkatabi. Nakasandal ako sa kaniyang balikat habang nasa baywang ko ang isang kamay niya. Nakatingin kami sa mga bituin. Kanina pa nagpahinga si Lola sa kwarto dahil medyo napagod daw siya. Hindi ako makatulog kaya naman sinamahan ako ni Eli dito sa labas upang magpahangin.
"I love you, two. And I'm sorry..." he sighed heavily.
Nilingon ko siya. "Huwag na natin sisihin ang mga sarili natin, Eli. Mag-isip nalang tayo ng pangalan? Hmm?" ngumiti ako at hinalikan siya sa pisngi.
He sighed again and looked at me with his dark eyes. Hinalakan niya akong marahan sa labi bago siya nagsalita. "I-I am very happy. Magiging tatay na ako at masayang masaya ako sa bagay na iyon. I will work hard for you and for our future child. I will save and buy you a ring. Just wait for those things to happen. I will not leave you. I will love you wholeheartedly..."
I smiled and nodded.
Umuulan. Umuulan na naman. Tulala ako sa sala habang nakamasid sa labas. Pagabi na at isang oras na lamang bago umuwi si Eli galing sa trabaho niya. Tinulungan ko si Lola na magluto kanina sa kusina ng paboritong ulam ni Eli. I want to cook for him. Natatawa ako sa tuwing naaalala ako iyong unang ulam na niluto ko para sa kaniya. Itlog na may kamatis. Simple lang iyon pero andami niyang nakain. Noong nagtatrabaho pa ako, palagi siya ang nagluluto para sa akin. Ngayon ako naman. Pagsisilbihan ko siya tulad ng normal na ginagawa ng isang asawa.
"Ang lakas ng ulan. Baka mamaya pa umuwi si Eliseo, apo. Gusto mo bang mauna na tayong maghapunan?" si Lola na galing sa kusina.
Umiling ako at ngumiti kay Lola. "Una kana, Lola. Gusto ko pong sabay kaming kumain ni Eli.""Sigurado ka ba, apo? Baka magutom ka niyan sa paghihintay sa asawa mo?"
"Hindi po. Busog pa naman ako. Hinhintayin ko na si Eli."
Naghintay ako. Naghintay ako ng naghintay. Naghintay ako sa kaniya kahit bumabagsak na ang mga talukap ng mga mata ko. Tumila na rin ang ulan ngunit hindi pa rin umuuwi si Eli. Malalim na ang gabi at nakaka-ilang tawag na si Lola sa akin upang ayain akong matulog. Hindi ako pumayag. Nanatili akong nakaupo at nakaharap sa nakabukas na pinto.
They said that after the rain a rainbow would appear. But how can that be seen at night? I laughed sarcastically. Not all rain is followed by a rainbow. Because some rain is followed by another rain. This time, a stronger rain poured down from the extremely dark sky. I looked up at the door and recognized the rain that seemed to have no intention of stopping.
Kinabahan ako nang magsimulang bumuhos ang mga luha mula sa mata ko. Where are you, Eli? What time will you go home?
"L-lola... Si E-Eli.. po?"
Nagising ako kinabukasan na namamaga ang mga mata. Malungkot akong tinitigan ni Lola kaya naman.. Alam ko na kung ano ang sagot sa tanong ko.
"L-Lola..." my voice shook. Nagsimula na rin akong maluha.
"Huminahon ka muna, apo. Maaga pa naman. Uuwi na rin iyon mamaya. Ang mabuti pa'y kumain ka muna. Nakatulugan mo na kagabi ang paghihintay kay Eliseo."
Wala akong ganang kumain. Paano ako gaganahan kung hindi pa rin umuuwi si Eli simula kahapon? Baka kung anong nangyari sa kaniya! Dalawang subo pa lamang ang nagagawa ko ngunit umikot na kaagad ang sikmura ako. Inalalayan ako ni Lola sa lababo habang dumuduwal. Binanlawan ko ang labi ko at umiiyak na hinarap si Lola.
Inilagay ko ang kamay ko sa tiyan ko bago nagsalita. "L-Lola... Ipahanap natin si E-Eli... Baka kung ano na po ang..."
"Shh. Huwag ka ng mag-aalala, apo. Ako na ang bahala. Pupunta ako sa barangay. Magpahinga kana lang at--"
Natigil si Lola sa pagsasalita nang biglang tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa. Saglit lamang ang pagtunog no'n kaya siguradong text lang ang dumating. Nanghihina akong lumapit doon pang tingnan ang nagtext.
Nanginig ang mga kamay ko at halos mabitawan ko ang cellphone ko dahil sa mensaheng nabasa ko.
It was from an unknown number...
'It's me, the man you named Eli. I'm fine. Don't look for me anymore because I will never go back there. I remember everything now. I found out that I was rich and I do not know how I endured living in that place with you. I also have a fiance and I'm with her. Do not reply here and forget about me. I will return to my old and real life. Thank you for everything.'
_______________________