Chapter 7

2837 Words
Jade's POV "Ma naman!" reklamo ko habang sinusundan sya papunta sa library. "Ma!" "Nako Jade tigilan mo ako ah! dalian mo at kunin mo na sa bahay ni Paris ang papeles." sabi nya at naupo sa swivel chair nya. "Kailangan ko ngayon yon." "Bakit kasi ako pa? pwede ninyo naman ipadala na lang dito kay Paris o kaya utusan ninyo si Michael." maktol ko. Naman eh ayoko nga muna makita yon dahil nung nagbakasyon kami puro weird ang nangyayari samin. Napapadalas yung paglapit ng mukh namin. Alam ko naman na hindi sadya yon pero nakakailang kaya yon! lalo na hindi ko maiwasan hindi tumingin sa mga mata nya. "Jade dalian mo! dami mong reklamo ah!" sabi nya habang busy sa mga papel na nasa table nya. Padabog na lumabas ako ng library namin at sinabunutan ang buhok ko sa sobrang inis. Bakit kasi ako pa?! Pinuntahan ko si Papa sa kwarto nila ni Mama para hiramin ang susi ng kotse nya. Ayoko kasing bumili ng kotse. Ang mahal. Ginagastusan ko pa ang bahay na pinapagawa ko. Ayoko naman umasa sa parents ko kaya tyaga tyaga muna sa commute kapag hindi nahahatiran ni Papa. Napabuntong hininga ako habang nagdri-drive papunta sa bahay ni Paris. Bakit kasi hindi na lang dalhin ni Paris yung mga papeles ni Mama sa bahay edi sana hindi ko sya makikita. Hindi naman ako lalabas ng kwarto kapag nandyan sya. Ayoko muna syang makita. Bumaba ako sa saksakyan pagkarating ko sa tapat ng bahay nila Paris. Simple lang ang bahay nila Paris pero ang ganda ng pagkadesinyo ng bahay nila. Pumunta ako sa tapat ng gate at nag-doorbell. Ilang segundo lang ay lumabas ang kasambahay nila. "Yes po?" tanong nya. "Nandyan po ba si Paris?" "Sino po sila?" "Jade." nagpaalam ito na papasok lang saglit sa loob. Para siguro sabihin kay Paris na nandito ako. Naghintay ako ng ilang minuto bago bumalik ang kasambahay nila at pinapasok ako. Pinaupo nya ako sa may sala nila. Napatingin naman ako sa kabuoan ng bahay nila. Napakasimple lang din ng loob nila pero modern style. Ang linis tignan. "Juice po ma'am." napaangat ang tingin ko sa kasambahay nila. "Salamat po." sabi ko at tinanggap ang basong juice sa kanya. Uminom lang ako ng konti at iniligay sa coffee table na nasa harapan ko. Napatingin ako sa sapatos ko na natanggal ang sintas. Yumuko ako at tinali ng mabuti ang sintas. Habang tinatali ko ang sintas ay may mapuputing legs ang dumaan sa gilid ko. Nasunod ako ng tingin doon at hindi natuloy ang pagsintas. "Pakipapirmahan ito kay Tita." nagulantang ako nung magsalita si Paris kaya naman umayos ako ng upo. Umupo sya sa harapan ko at nag-cross legs. Pinilit ko naman wag mapatingin doon dahil nakamaikling shorts lang sya at litaw na litaw ang mapuputi at makinis nyang legs. "Lahat yan?" napatanga ako nung makita ang makapal na puro papel. "Paki-check ito kay Tita." at hindi nya ako pinansin. Bigay lang sya ng bigay ng instruction. Grabe ginawa akong messenger nito. "Bakit hindi ka na lang pumunta sa bahay?" putol ko sa sinasabi nya. Tinignan nya ako masungit dahil sa pagputol ko sa pagsasalita nya. Dami nya kasing sinasabi eh pwede naman na pumunta na lang sya sa bahay. Tinignan nya lang ako at hindi man lang nagsalita. Naiilang na naman ako pero hindi ko naman maalis ang tingin ko sa kanya. May part kasi sakin na nakakatuwa syang tignan habang ang sungit ng mukha nya. "Madami pa akong gagawin." sabi nya at inalis ang tingin sakin para kunin ang isa pang makapal na mga papel. "Ito..." blah blah blah. Tsk! sa dinami nyang sinasabi wala akong naintindihan. Kung pumunta na lang kasi sya sa bahay na hindi sya nagsasayang ng laway. Ininom ko ang juice habang nakikinig sa mga pinagsasabi nya. Pinagmasdan ko ang mukha nya. Ang seryoso nya talaga kahit kailan. Hindi ko pa nga sya nakikitang ngumiti o tumawa man lang. Nung bakasyon, sya lang ang bukod tanging hindi tumawa kapag may kalokohan kaming ginagawa. Ang seryoso masyado sa buhay. "Excuse po ma'am." napatigil sa pagdiscuss si Paris nang dumating ang kasambahay nila. "May bisita po kayo, si ma'am Kris po daw." Kris? Napatingin ako kay Paris na umayos ng upo. "Papasukin mo sya." hindi ko alam kung ako lang ba o sadyang mahimig na saya sa boses ni Paris? Sabagay may gusto nga pala si Paris kay Kris. "That's all." sabi ni Paris at inayos ang mga papeles. "Please lahat ng sinabi ko sabihin mo kay Tita." masungit na sabi nya. "Okay." hinahayaan ko lang syang ayusin ang mga papeles dahil baka malito pa si Mama kapag nakialam pa ako. "Jade?" napatingin ako kay Kris. "Hi Kris." nakangiting bati ko sa kanya. "Here." ibinalik ko ang tingin kay Paris. Napangiwi ako sa daming papel na inaabot nya sakin. Kinuha ko sa kanya ang mga yon. Buti na lang pala hindi ako susunod sa yapak nila Mama kundi, mararanasan ko ito. "Need help?" umiling ako kay Kris. "Kaya ko naman. Una na ako." sabi ko. Tumango naman si Kris. Wala na talaga nagbago sa taong ito. Napakaseryoso pa din. Tumingin ako kay Paris. Tumango lang sya sakin kaya naman tumalikod na ako. "Let's go to my room, Kris." hindi na ako lumingon sa kanila. Pero nagtataka ako kung bakit sa kwarto pa ni Paris sila pupunta? Nah hindi ko na problema yon. Ilang araw na nakalipas, pasukan na naman. Tamad na tamad ako habang naglalakad sa pasilyo ng building namin. Ang aga pa ng schedule ko ngayon. Nakakainis. "Good morning Jade!" napatingin ako kay Fin na umakbay sakin. "Ang saya mo ah? excited pumasok? wala naman na si Ms. Dani." sabi ko. "Shh! pinagsasabi mo?" natawa ako. Napatingin sya sa paligid kung may nakarinig sa sinabi ko. "Ang saya mo kasi eh parang natuwa ka pang pasukan na." sabi ko. "Syempre naman 'no." nakangiting sabi nya. Napakunot noo ko. Sobrang saya nga ni Fin ngayon, anong nakain nito at natuwang pumasok ng school lalo na wala na din naman dito si Ms. Dani? "Bakit?" "Eh kasi..." nakahalikgik muna sya bago ipagpatuloy ang sinabi nya. Nawe-weirduhan na ako sa taong ito. "Dito na nagtra-trabaho si Rose." "Weh?! seryoso?" kaya pala sobrang saya ng mokong. "Yup! saya 'no?" nakangiting sabi nya. Napailing ako. "Mamaya nga magsasakit sakitan ako eh para makapunta sa kanya." "Siraulo. Tatakas pa eh." sabi ko pero tinawanan nya lang ako. Masyadong inlababo ang isang 'to. Pumasok kami sa room namin. Nandon na ang tatlo at nagkwe-kwentuhan ng kung ano ano. Nakisali kami ni Fin sa kanila lalo na may ikwe-kwento ang isa. Pinagmasdan ko si Fin habang masayang nagkwe-kwento tungkol kay Nurse Rose. Sobrang saya nya. Halatang inlove na inlove ang taong ito. Ganito minsan si kaliwa kapag kasama si Nissan o naikwe-kwento nya samin si Nissan. Alam kong magkaiba ang saya kapag kasama ang kaibigan at sa taong mahal. Masaya naman ako dahil kahit papaano ay masaya ang dalawang ito. Sana lang magtagal ang sayang yon.  Bumaling ang tingin ko kay Gia. Napabuntong hininga ako. Sana mahanap na din ni Gia ang taong magpapasaya sa kanya. Yung katulad kay Fin at kaliwa. Yung hindi sya sasaktan katulad ng ex nya. Alam kong naiingit din si Gia sa dalawa dahil masaya ang pagsasama ng taong mahal nila. Hindi katulad nung sila pa ng ex nya, puro sakit lang sa ulo ang dinadala ng ex nya sa kanya. Kami naman ni Veron, chill chill lang. Though nagkaroon na ako ng ex. Hindi naman ako nasayahan kasama ang mga yon. Nadala lang ako sa pangangatyaw nila Fin noon kaya naman sinagot ang mga ex ko pero walang nakakatagal sa mga yon ang ugali ko na minsan may sayad sa utak lalo na kapag kasama ko ang mga ito. Ikinahihiya nila ako, kami. Kaya naman nakikipag-break ako sa kanila at payag din naman sila. Well, mas okay dahil wala akong resposibilidad sa kanila tsaka dalasan, katawan lang naman ang habol nila sakin, mga lalaki talaga. Yung iba namansa kanila ay kasikatan ang habol dahil hindi din naman lingid sa school na ito na sikat kaming lima. "Nag-bell na. Umayos na kayo." sabi ni Gia kaya naman inayos namin ang upuan namin na kanina ay nakabilog. Pati ang mga kaklase namin ay umayos na din. Balita kasi namin na ang Spanish Teacher ay terror kaya naman magiging mabait na muna kami. Bumukas ang pinto ng classroom at pumasok ang hindi namin inaasahan na magiging prof. namin sa Spanish. "Beunos diaz." sabi nya at tumayo sa harapan namin. "Ms. Dani?!" gulat na sabi naming lahat. Yung iba pa ay nagtatanong kung kailan pa sya bumalik o akala hindi na sya magtuturo. Napatingin kaming apat kay Fin. Sya agad ang una namin naisip pagkakita kay Ms. Dani. Gosh hindi kami makapaniwala na bumalik sya! "Fin?" nag-aalalang tawag ni kaliwa dahil walang reaction si Fin na nakatingin lang sa harapan. "Oh bakit?" napakunot ang noo namin dahil sa sagot nya. "Hindi ka man lang ba naaapektuhan na bumalik si Ms. Dani?" tanong ni Gia. "Hindi." "Weh?" sabay sabay na sabi namin kaya naman yung ilan naming kaklase napatingin samin. "Ano ba kayo? seryoso ako. Besides, may Rose na ako." nakangiting sabi ni Fin. Pero ang ngiting yon ay hindi katulad kanina. Hindi na namin pa inusisa pa si Fin. Mamaya na lang namin sya kakausapin. Nagsimula na din magkwento si Ms. Dani kung bakit sya bumalik at kung ano nangyari sa kanya. Pagkatapos ay konting discussion about sa Spanish at dinismiss nya kami. "Guys, sumakit tyan ko pupunta lang ako sa clinic para magpahinga." sabi ni Fin pagkalabas ni Ms. Dani. "Tyan mo talaga o puso mo?" sabi ni kaliwa. Siniko naman sya ni Gia dahil alam naman namin kung ano ang nangyayari. "O baka naman pupuntahan mo lang si Nurse Rose ah?" pilyong sabi ni Veron. Bigla naman napangiti si Fin. Napailing naman kami sa kalokohan nya. "Sige na, mukhang si Nurse lang naman ang gagamot sayo." sabi ni kaliwa. "Naman, sya lang naman ang pinakamagaling na nurse sa buong mundo." "Corny mo Fin. Lumayas ka na nga." sabi ko. Natatawang nagpaalam sya. "So anong gagawin natin?" tanong ko pagkaalis ni Fin. May two hours pa kami bago ang sunod na klase namin. "Narinig ko na may practice game ngayon ang baseball girls natin, nood na lang tayo? tutal karamihan na kasali don ay kaklase natin." sabi ni Veron. "Practice game agad sa unang araw ng pasukan?" sabi ni kaliwa. Ako din nagtataka. "Kailangan dahil malapit na din ang Regional Tournament. Kailangan maka-experience ng laban ang mga players dahil kakabuo lang nila." sabi ni Gia. Naalala ko, ngayon lang pala kami nagkaroon ng Baseball team. Hindi naman kasi gaano sikat ang baseball dito sa pilipinas kaya kokonting school lang ang merong baseball team. "At sa pagkarinig ko din, Everest University ang ka-practice game nila ngayon." "Huh? school nila Mama?" ibigsabihin nandito din si Paris? "Oo kaya panoorin natin." sabi ni Gia. Napangiwi naman ako dahil ayokong manood dahil nandon si Paris. "Tara." pang-aaya ni kaliwa. Wala naman akong magawa kundi sumunod sa kanila. Majority wins eh alangan naman pumunta ako sa clinic at samahan si Fin, hindi naman pwedeng tumambay sa clinic at ayoko din naman mag-isa 'no. Habang papunta kami sa bagong field ng school namin, ang baseball field. Nakasalubong namin sina Sean, Ralph at Lyrn. Si Sean na ex ni kaliwa na umaasa pa din magkakabalikan sila ni kaliwa kahit na may girlfriend na si kaliwa, ganon din si Ralph.  Si Lyrn naman kahit na may gusto sya kay kaliwa hindi naman sya gumawa ng moves. Mukhang alam nyang talo talaga sya.  Masyadong mahaba ang buhok ni kaliwa.  Sarap putulin. Walang masyadong taong nanonood sa laban. Sabi ko naman sa inyo, hindi masyadong kilala ang Baseball. Mas pipiliin ng ibang manood ng pratice ng basketball kaysa sa baseball. Tumingin ako sa score board. Nakakatatlong inning na sila. Parehas na may one score ang dalawang team. "Eh?!" nagulantang ako dahil hindi si Paris ang pitcher. Akala ko isa syang pitcher dahil sa pinakita nya noon. "Problema mo dyan Jade?" tanong ni kaliwa pero hindi ko sya pinansin. Pinanood ko si Cess na mag-pitch. Sya ang pitcher ng Everest Uni. Kasali din pala sya sa baseball, at hindi lang sya, halos lahat ng mga kaibigan nya at lahat sila ay nasa lineup. Pwera lang kay Paris dahil hindi ko sya nakikita kahit sa bench. Wala ata sya dito. "Dating naglalaro ka ng baseball 'di ba?" tumingin ako kay Sean. Sumama kasi silang tatlo samin. "Oo." kahit hindi ako tumingin sa gawi ng tatlo ay alam kong napatingin sila sakin.  "Strike! Batter out! Change!" sigaw ng umpire. "Bakit ka tumigil?" tanong ni Sean pero binatukan sya ni kaliwa. "Tigilan mo yan. Tara, doon tayo sa lilim." sabi ni kaliwa at nauna maglakad patungo sa malaking puno sa gilid. Narinig ko pa na sinabi nila Veron na wag akong tanungin tungkol don. Napangiti ako sa kanila. Bago ako sumunod sa kanila ay tumingin ako sa bench ng Everest Uni. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Paris na may suot ng gear. Sya ang catcher? akala ko talaga sya ang pitcher. Sabagay, kailangan rin ng malakas na braso ang catcher para mapasa ang bola sa second base. Naglakad na ako palapit sa mga kasamahan ko habang nakatingin sa field. Si Paris ang batter. Nakaabang lang sya hanggang sa ibato na ng pitcher ng team namin ang bola. Mabilis din ang bato ng pitcher ng team namin pero nagawa pa din tamaan ito ni Paris. Foul nga lang. Bumato ulit ang pitcher ng team namin. Natamaan ulit ni Paris pero papunta naman sa direction ko ang bola. Teka sakin?! "Jade!" "Play ball!" sigaw ng umpire. Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa pitcher ng kalaban namin. Iniisip ko kung anong klaseng pitch ang gagawin nya. Fastball ba o forkball. Inihanda ko ang sarili ko na magsimula na bumwelo ng pitcher. Mahigpit na hinawakan ko ang bat. Kailan kong matamaan ito para makahabol kami. Kahit makapunta man lang ako sa first base. Mabilis na binato ng pitcher ang bola. Inihanda ko ang sarili ko lalo na ang bat. Sa bola lang ako nakatingin. Nanlaki ang mga mata ko na papunta sa ulo ko ang bola. Huli na para makaiwas pa ako. "Jade!" Ang sakit ng ulo ko. Biniyak ang ulo ko sa nangyari. "Ayos ka lang ba?" nag-aalang tanong ni coach. Inilalayan nila akong tumayo. "Ayos naman coach." sabi ko pero masakit yon ah buti na lang pala may helmet ako. May lumapit saking medic at tinignan kung okay lang ba ako. May mga tinanong sya sakin na nasagot ko naman. Like kung kailan birthday ko at saan ako pinanganak. "Kaya mo pa bang maglaro?" tanong ni coach. "Kaya pa po." nag-aalala man pero pinayagan pa din ako ni coach maglaro. Pinalitan nila ang pitcher dahil sa delikado nitong pitch. Kilala ako ang team ng kalaban namin. Madumi talaga silang maglaro pero hindi ko aakalain na aabot sila sa ganito. Nag-pitch na ang kalaban. Mabilis ko naman tinamaan ang bola pero hindi ito gaano kalayo napadpad kaya naman binilisan kong makarating ng first base. Kasabay ko ang pitcher nila sa pagpunta sa base. Nag-slide ako para mabilis na makarating ng base pero sana hindi ko na lang iyon ginawa dahil sa pag-slide ko ay naapakan ako ng pitcher nila. Tila ako nablanko na maramdaman ko ang matinding sakit sa paa ko. "Ahhhh!" "Ohmygosh Jade okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Gia. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko. "Jade. Can you hear me? Jade!" Ipinikit ko ang mga mata ko. "Hindi naman sya natamaan 'di ba?" rinig kong boses ni Cess. "Hey. Open your eyes and look at me, Jade." parang batang sumunod ako sa utos ni Gia. "Breathe. Hindi ka humihinga." Napabugha ako ng malalim na hininga. "Inhale.." sinunod ko ulit si Gia. "Exhale..Inhale...Exhale..." ilang beses kong ginawa yon hanggang sa medyo kumalma ako. "A-a-alis..na-na-na ta-tayo." kahit naman na kumalma ako, kung ang katawan ko ayaw kumalma dahil sa matinding trauma. Mahina pa din ako. "Halika." kinuha ni kaliwa ang kanang kamay ko at iniligay sa balikat nya. Sa kabila ko naman si Gia. "Okay lang ba sya?" rinig kong tanong ni Lyrn. "What's the big deal? hindi sya natamaan." habang naglalakad kami palayo sa kanila ay naririnig pa din namin sila. Pagdating namin sa clinic nandon si Fin na nakahilata sa higaan habang dumadaldal kay Nurse Rose. Pagkakita nya samin ay bigla syang napatayo at lumapit samin. Tinanong kung anong nangyari. "Bakit kasi pumunta pa kayo don?!" sigaw nya. Habang sinesermunan ni Fin yung dalawa ay chinecheck naman ako ni Nurse Rose. Pinagpahinga na muna nya ako pagkatapos i-check habang yung apat ay pinaalis na ni Nurse Rose dahil panggulo lang daw sila kaya naman si Fin ay luging lugi dahil hindi nya makakasama si Nurse Rose. Napailing na lang ako at ipinikit ang mga mata pero mabilis din napadilat dahil naalala ko ang ngiti ng pitcher na nakalaban ko noon. Sinadya talaga nilang sirain ang baseball career ko. ----------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD