Chapter 6

2401 Words
Jade's  Nasa gilid lang ako nakatayo at nakasandal sa pader habang pinagmamasdan ko ang mga kasamahan kong nakikipagkwentuhan kay Paris tungkol don sa tattoo nya sa likuran. Tumingin ako kay kaliwa na tumabi sakin at inabutan ako ng beer in can. Kinuha ko naman yon at binuksan. "f**k!" sabi ni Fin. Inimon ko ang beer habang nakatingin sa kanila. "May mga ganon klaseng tao pa rin talaga. Makagawa lang ng masama para lang mapunta sa kanila ang minamahal nila." sabi ni Veron. May dating kasintahan si Paris pero bago naging sila ng babaeng mahal nya, may isang lalaking patay na patay sa babae na naging nobyo ng babae. Dahil hindi tanggap ng lalaki na break na sila at ipinagpalit sa isang babae, which is si Paris ay nagawa nitong saktan si Paris. Pinaghahampas ng lalaki si Paris sa likod dahilan para magpatattoo si Paris para hindi makita ang bakas na peklat na gawa ng lalaki sa kanya. "Anong nangyari sa babae?" tanong ni Gia. "I don't know. Bigla na lang syang naglaho." sagot ni Paris. Naging close na talaga nila Gia itong si Paris. Si kaliwa na lang hindi pa at pati ako. "Parang yung isa dyan." sabi ni Fin. "Wow ah? sino kaya din yung iniwanan din bigla?" komento ni kaliwa na ikatawa nila Gia. Napailing ako nang makitang napasimangot si Fin. Inumpisahan nya eh. "Are you single o not?" tanong ni Gia. "Single." napatingin ako kay kaliwa na sikuhin nya ako. Nagtatakang tinignan ko sya. "Single pa daw." bulong nya sa tainga ko. "What the heck?" mariin na bulong ko sa kanya. Nakangisi lang syang umayos ng tayo. Nawe-weirduhan na talaga ako sa taong ito. "Sino?" tumingin ulit ako sa kanila. "Dali na Paris, sino?" nakangiting tanong ni Nissan. "You don't know her so it's doesn't matter." sabi ni Paris. Ano bang tinanong nila? si kaliwa kasi eh. "Malay mo kilala namin." sabi ni Veron. Nailing si Paris pero hindi nagpapigil ang apat. "Dali na Paris, kanino ka interesado?" tanong ulit ni Nissan. Yun ang tanong nila?  "Fine. Her name is Kris." Bigla kaming napabugha ni kaliwa ng beer ng iniinom namin. Sumakit pa ilong ko dahil umabot pa sa ilong. Maluha luha ako sa nangyari. "Anong nangyari sa inyo?" tanong ni Gia pero walang sumagot samin ni kaliwa. Ang sakit putcha! "Kris ano?" tanong ni Fin na para bang walang paki samin ni kaliwa. "Kris Alfonzo." "What?!" sigaw nila pwera samin ni Nissan. Hindi ako makapaniwala na interesado si Paris kay Kris. Nakakunot ang noo ni Paris habang nakatingin sa mga kaibigan ko. "Paano mo sya nakilala?" tanong ni Fin. "New student sya sa school namin. Why? Do you know her?" Sa pagkakatanda ko, nag-shift si Kris ng Business Ad. Kahit na may course non sa school namin, lumipat pa din sya ng school. Hindi ko alam na sa school ni Mama sya lumipat. "Oo, karibal ni kaliwa yon kay Nissan eh. Tsaka dati namin syang kaklase." sabi ni Fin. Napatingin sa gawa namin si Paris. "Oh.." sabi na lang ni Paris at bumalik ang tingin sa apat. "Karibal ko dati, karibal mo ngayon." sabi ni kaliwa na ikinagulat ko. "Huh? Pinagsasabi mo?" pero hindi nya na ako pinansin. Talagang nawe-weirduhan na ako kay kaliwa. Pagkatapos nilang magkwentuhan, naghanda na sila ng hapunan. Nakigulo si Fin sa kanila kaya kaming dalawa lang ni kaliwa ang nandito sa sala. "Anong gagawin natin bukas?" tanong ko kay kaliwa. "Pupunta tayo sa kabilang isla. Balak nilang pumasok ng kuweba pero syempre hindi ako kasama." natawa ako matatakotin talaga ito sa dilim. "Eh saan ka nyan habang nasa loob kami ng kuweba?" "Kakain. May nagsabi sakin na may masarap na halo-halo doon, so kakain na lang ako. Sama ka?" Napaisip naman ako. Gusto kong pumasok ng kuweba dahil exciting yon kaso nakakatakam din ang halo-halo. "Wag na mag-isip, samahan mo na lang ako. Kakain tayo ng masasarap na dessert nila doon." "Wala ka lang kasama kaya sinasabi mo yan eh." sabi ko. "Buti alam mo." natawa ako sa walang paligoy ligoy nya. Ang honest masyado. "Sumama ka na lang kasi samin." "Ayoko nga." natatawa na lang ako kay kaliwa. Bahala sya mag-isa bukas. Panay ang pangungulit ni Nissan kay kaliwa na sumama saming pumasok sa kuweba pero sandyang matigas ang ulo ni kaliwa, hindi sya sumama samin kaya nakabusangot tuloy si Nissan habang papasok kami sa kuweba. "Hayaan mo muna sya Nissan, araw araw naman kayong magkasama eh." sabi ni Veron. "Girls careful! madulas ang mga bato!" sigaw ni Fin na nauuna samin pumasok ng kuweba kasama ang maggu-guide samin. Tumingin ako sa likuran ko dahil kami ni Paris ang nahuhuli. Nasa itaas sya ng bato. Inangat ko ang kamay ko para tulungan syang makababa. Tinignan nya muna ang kamay ko tapos sa mukha ko. "Baka madulas ka." hindi sya nagsalita pero hinawakan nya naman ang kamay ko na ikinangiti ko. Inalalayan ko syang makababa ng bato. Binuksan ko ang flashlight sa helment na suot ko dahil papasok na kami ng kuweba. Nauna akong humakbang papasok habang inaalalayan ko syang sumunod sakin. "Kuya, baka may ahas dito." rinig kong tanong ni Gia. Mabilis ang kilos ko na inagapan ang pagdulas ni Paris. Mabuti na lang nakahawak ang kamay ko sa kanya kaya naman mabilis ko syang nasalo. "Ayos ka lang ba?" tanong ko. Umangat ang mukha nya at doon ko na-realize kung gaano kami kalapit. Nagkatinginan kami pero agad din syang umayos ng tayo. "Mag..mag-iingat kasi." sabi ko sa kanya. Tinaasan nya ako ng kilay at naunang naglakad. Napailing ako sa kanya. Hindi man lang nagpasalamat. Sumunod ako sa kanila. Palayo kami ng palayo, lalong pahirap nang pahirap ang pagpasok sa kuweba. Nandyan pa na dadapa kami para makalusot. Dadaan kami sa masikip na daan na kailangan pa namin tumagilid para makalusot. Isang oras din kami naglakbay sa kuweba bago nakalabas. Nakakapagod man pero masaya ang nangyari sa tour namin sa kuweba. Magandang experience din yon. Sayang lang hindi nakasama si kaliwa, trip pa naman non ang mga adventure experience. "Hanep, may pambawi." natatawang sabi ni Veron nang makita namin si kaliwa paglabas namin na may dalawang bulaklak at chocolates. Tuwang tuwa naman si Nissan na nilapitan nya ito at nag PDA na silang dalawa. Pagkatapos nilang maglambingan, bumalik kami sa rest house nila Veron. Pinauna ko muna si Paris na maligo. Habang hinihintay sya ay inilipat ko sa laptop ko ang videos namin sa kuweba at nag-post ng ilang pictures namin. Narinig kong bumukas ang pintuan ng banyo kaya napalingon ako sa kanya. Napatanga na naman ako nang makita syang nakatapis lang. Hindi nya ako pinansin at dumiretso sa gamit nya. Halos mahulog ang panga ko nang tumuwad sya. Napaiwas agad ako ng tingin at nagmadaling pumasok sa loob ng banyo. Shit lang! Hindi mawala wala sa utak ko ang nakita ko. Meron naman ako non pero bakit hindi yon mawala wala sa utak ko? Napahilamos ako ng palad ko dahil ramdam ko din ang pamumula ng mukha ko. Mabilis kong tinanggal ang suot ko at nag-shower para naman mahimasmasan ako sa nangyari. Nagtagal ako don na mahigit isang oras dahil hindi madaling kalimutan ang nakita ko. Lumabas lang ako nung marinig ko tinawag ako kaya naman wala akong choice kundi lumabas. "Ang tagal mong maligo ah?" sabi ni Fin. Nakaupo sya sa higaan ko. Wala sa kwarto namin si Paris. "Tumae pa ako eh." kahit hindi naman. "Tagal ah?" "Bakit ba?" tanong ko habang pinupunasan ang buhok ko. Umupo ako sa higaan ni Paris kaharap ni Fin. "Magpapasama ako sayo. Bibili ako ng pasalubong kay Rose." nakangiting sabi nya. "Inlababo ka talaga sa nurse na yon 'no? Rose na lang tawag mo sa kanya eh." lalong ngumiti ang loko. "Oo naman 'no!" halata sa mukha nya ang saya. Last semester hindi ko madalas makita si Fin na ganito kasaya, lagi kasi syang malungkot dahil madalas magkasama sina Ms. Dani at kaliwa dahil sa play tapos hindi pa sya pinapansin ni Ms. Dani. Mabuti na lang itong si Nurse Rose pinapansin si Fin. "Ano na ganap sa inyo?" tanong ko. Sinuklay ko ang buhok ko. "Ayun, madalas pa din ako sungitan pero wag ka! may extra food syang dala para sakin. Sweet 'no?" ngiting ngiting sabi nya. "Masungit ba talaga si Nurse Rose?" tanong ko. "Sakin lang." napakamot sya ng ulo at natawa naman ako. "Mabait sya sa iba pero kapag nasa paligid nya ako? minsan hindi pa ako pinapansin pero madalas ko naman syang nahuhuling nakatingin sakin." Kinuha ko ang unan sa higaan ni Paris at binato sa tagmumukha ni Fin na kilig na kilig. "Hoy!" kahit na nainis sya sa ginaw ako pero halata pa din ang saya nya. "What if..." tumigil ako at pinagmasdan si Fin na halatang hinihintay ang sasabihin ko. "Bumalik si Ms. Dani?" halatang hindi nya inaasahan ang tanong ko. Hindi sya nakasagot agad. Hinintay ko naman syang magsalita kahit na halatang nilulunod na sya sa malalim na pag-iisip. "I don't know." sabi nya at tumigil. Alam kong may sasabihin pa sya kaya naghintay pa ako. "Pero siguro hindi na ako aasa sa kanya, ayokong saktan si Rose." napangiti sya nang banggitin nya ang pangalan ni Rose. "Alam kong gusto nya na din ako. Hindi nya lang sinasabi." nakangiti na ulit sya. Iba talaga ang epekto ni Nurse Rose sa kanya. "Feeling mo lang yon." sabi ko para asarin sya. "Hindi kaya." "At paano mo naman nasabi aber?" "Eh kasi lagi kaming magkasama at hindi sya nagrereklamo doon tapos sa gabi lagi akong nakatambay sa bahay nya. Ipinagluluto nya din ako ng pagkain." "Nakapunta ka na sa bahay nila? tapos gabi gabi pa?" gulat na tanong ko. "Baka naman naka-home run ka na naman." "Baliw hindi. Nanonood lang kami ng tv. Alam mo pa ang masaya don? Nayayakap ko sya!" proud na sabi nya. Napailing ako. "Kaya alam kong gusto nya din ako, ayaw nya lang aminin." "Ewan ko sayo. Tara na, bumili na tayo ng pasalubong para sa Rose mo." lumawak ang ngiti nya dahil sa sinabi ko. Hay tamang tama talaga ang mokong na 'to kay Nurse Rose. Pumunta kami sa mga pamilihan ng mga pasalubong. Ang daming pinagbibili ni Fin halos pagkain ang binili nya tapos bumili din sya ng couple shirt. As if naman sila na. Advance mag-isip. Bumili na din ako ng konting pagkain pero hindi para sa pasalubong, sa huling araw na lang ako bibili kasama ang iba at alam kong bibili pa ulit si Fin ng pasalubong. Wala silang lahat pag-uwi namin ni Fin. Hindi muna namin sila hinanap at isinantabi muna ang mga pinamili namin. Nag-text ako kanila Veron kung nasaan sila. Sabi nya na may pinuntahan din sila pero babalik din kapag magtatanghalian na. Inaasahan nya pang may pagkain na pagbalik nila. Parang baliw, hindi kami marunong magluto ni Fin. Bahala sila dyan. Lumabas ako ng kwarto para sabihan si Fin pero nagulat ako na pagbukas ko ng pinto ay si Paris ang bumungad sakin. "Teka, hindi ka kasama nila Veron?" tanong ko. "Obvious ba?" hinawakan nya ang balikat ko at itinulak ng mahina paalis sa daan. "Sungit." bulong ko. Lumabas na ako ng kwarto at pinuntahan si Fin. "Gago, anong lulutuin natin? itlog?" natawa ako sa sinabi nya. "Alam nilang hindi tayo marunong magluto tapos tayo pa magluluto." "Bili na lang tayo? nakakahiya naman kay Paris kung sya ang magluluto." "Nandito si Paris? hindi yan. Ako kakausap." sabi nya at naunang lumabas. Napataas ang kilay ko na sumunod sa kanya. Nadatnan ko sila na nag-uusap at napapayag ni Fin na magluto si Paris. Wow, sila na close. "Tulungan na kita." pero napatigil din si Fin dahil tumunog ang cellphone nya. Napangiti agad sya nang makita kung sino ang tumatawag. "Jade ikaw na lang tumulong kay Paris, kausapin ko lang si Rose." sabi nya at bumalik sa kwarto nila ni Gia. Tumingin ako kay Paris na pumunta ng kusina. Wala akong choice na sumunod sa kanya. Itinaas nya ang sleeve na suot nya hanggang siko at nilabas ang mga sangkap para sa lulutuin nya. "Anong maitutulong ko?" tanong ko sa kanya at tinignan ang mga sangkap. "Hiwain mo ito. Maliliit lang." sabi nya sabay bigay ng bawang at sibuyas. Kumuha ako ng kutsilyo at sinimulan na hiwain ang sibuyas. Habang tumatagal napapaluha ako sa pinaggagawa ko kaya naman napapatigil ako para punasan ang pisngi ko. Nakakunot ang noong tumingin sakin si Paris. "Ilayo mo kasi ang mukha mo sa sibuyas." sabi nya at nagpatuloy sa pagkatay ng baboy. Ginawa ko naman ang sinasabi nya pero naluluha pa din ako. Binilisan ko na ang pagtapos para matigil na itong paghihirap ko. Hindi muna ako naghiwa ng bawang pagkatapos ko sa sibuyas. "Pahirap kang letche ka." kausap ko don sa sibuyas. Nailing naman si Paris sa ginawa ko. Tinapos ko ang mga pinapagawa ni Paris sakin. Nang wala na akong gagawin ay nagtimpla ako ng juice. Fresh orange juice. Binigyan ko si Paris. Mukhang uhaw sya dahil agad din nyang ininom pero nangasim ang mukha nya. Hindi ko alam kung tatawa ako o mapapangiwi dahil maasim yung ginawa kong juice. "Ang asim." sabi nya. "Hindi naman eh." sabi ko at ininom ang basong ininuman nya. "Sakto lang." "Maasim, dagdagan mo pa ng tubig o asukal." utos nya. Napakamot naman ako ng ulo na sinunod sya. Pagkatapos kong tikman ang juice ay binigyan ko ulit si Paris. Tinikman nya iyon at hindi na nangasim ang mukha nya pero wala syang sinabi at nagpatuloy lang sa pagluluto. Napangiti naman ako. Sumandal ako sa counter at nag-cellphone. Habang nagce-cellphone ako, napatingin ako kay Paris na medyo nakayakap na sakin dahil may kinukuha sya sa gilid ko habang nakatingin sya sa kawali na niluluto nya. Napatingin ako sa inaabot nya, hindi nya ito maabot dahil medyo malayo ito. Nilingon ko sya at saktong napalingon sya sakin. Ang lapit na naman ng mukha namin pero sa pagkakataong ito hindi agad sya lumayo. Nakatingin sya sa mga mata ko at ganon din ako sa kanya. Nalulunod na naman ako sa ocean blue nyang mga mata. Parang nakikita ko sa mga mata nya na nasa gitna ng karagatan. Parang nung una ko syang nakita, hindi ako nakakilos kahit na lumayo na sya sakin at nagpatuloy sa ginagawa nya. Natulala ako. "Oh anong nangyari sayo, Jade?" tanong ni Fin na pumasok ng kusina. "Wala." umayos ako ng tayo. Pasimpleng tumingin ako kay Paris na busy sa pagluluto. Napatingin sya sakin at mabilis naman akong umiwas. ----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD