Jade's POV
Nasa sala kaming tatlo nila Fin at kaliwa dito sa rest house nila Veron habang nasa kusina naman ang apat at hindi namin alam kung ano nangyayari sa kanila don dahil nakakarinig kami ng tawa pero hindi kami nag-aksaya na puntahan sila. Busy kami sa panonood ng basketball.
"Grabe fan na fan talaga ako ng KillVey." sabi ni Fin nung ipakita sa screen kung paano bigyan ni Avey ang coach ng team ni Kill na star player ng basketball ng towel.
"Halata nga eh." sabi ni kaliwa.
"Sobrang dami na natin kaliwa. Sa larangan ng basketball, ang dami nila." sabi ni Fin. Nakikinig lang ako sa kanilang dalawa habang nanonood ng tv.
"Oo yung isa dyan malapit na." sabi ni kaliwa. Tumingin naman ako sa kanya. Nasa gitna namin sya ni Fin.
"Sino?" takang tanong ni Fin. Pati ako nagtataka kung sino tinutukoy nya.
"Nandyan lang yan, sa tabi tabi." nagkatinginan kami ni Fin na nagtataka kay kaliwa.
"Hoy mga mahal na hari, luto na po ang almusal." sabay kaming napatingin na tatlo kay Gia.
"Buti naman! kanina pa ako gutom." naunang tumayo si kaliwa. Sumunod naman kami ni Fin.
"Hanep ah?" mataray na sabi ni Gia at naunang bumalik sa kusina.
"Alam mo, naisip ko dati. Kayo ni Gia ang madalas na magkaalitan, iniisip ko na baka kayo ang magkatuluyan." biglang sabi ni Fin na pinandirian ng sobra ni kaliwa. Natawa naman ako sa itsura nya.
"Yuck, Fin! pinagsasabi mo?"
"Gago ka, purkit close na close lang yung dalawa." sabi ko. Si kaliwa at Gia kasi ang mas close dahil laging inaasar ni kaliwa si Gia. Ako naman, madalas kong kasama si Fin sa mga kalokohan pero minsan si Veron kapag nadedemonyo nya ako.
"Wala lang." nakangiting sabi ni Fin.
"Bwisit ka. Tigilan mo nga kakaisip ng mga ganyan. Kinikilabutan ako sayo." natawa naman kami ni Fin.
"Ang tagal ninyo naman." sabi ni Veron.
"Ito kasi si Fin. May sinabing kalaswaan." sabi ko. Umupo ako sa tabi ni Paris dahil yun lang ang bakante. Nasa right side ko si Fin.
"Kayo talaga." sabi ni Gia.
"Lah parang sya hindi ganon." sabi ni kaliwa.
"Nasa harap ng pagkain. Tumigil." sabi ni Nissan kaya tumigil na kaming lahat.
Kahit na may kasama na kaming iba which is si Paris. Hindi pa din mawala wala sa hapagkainan namin ang kulitan. Hindi lang ako masyado nagkukulit dahil nahihiya ako kay Paris. Mamaya pag-isipan pa ako nito ng kung ano.
Sunod sunod ang subo ko ng kanin dahil kanina pa talaga ako gutom. Medyo nabibilaukan ako na kinuha ang baso na may tubig kaso kamay ni Paris ang nahawakan ko.
"Akin 'to." walang emosyon na sabi nya at ininom ang tubig.
Hindi ako makapag-sorry dahil may laman ang ibibig ko. Baka matalsikan ko sya, hindi pa naman sila Fin ito. Hinanap ko ang baso ko pero naalala ko wala pala akong basong kinuha. Napahampas ako sa dibdib ko dahil nasasamid na ako.
Kinalbit ko si Fin para painumin nya ako.
"Kape 'to." sabi nya na medyo natatawa dahil nga nabibilaukan na ako. Taena nito nagawa pa akong tawanan, gusto ata ako nitong mamatay eh.
"Paris, painumin mo muna si Jade ng tubig. Puro kape yung samin eh." sabi ni Gia.
Hinampas hampas ko ang dibdib ko dahil talagang hindi na ako makahinga. Tumayo na ako at kumuha ng baso pero kasamaang palad wala ng baso.
"Gago tulungan ninyo si Jade, mamamatay na." rinig kong sabi ni kaliwa.
Napatingin ako kay Paris na tumayo dala ang baso. Lumapit sya sakin at inabot ang baso. Hindi na ako nagdalawang isip pa at kinuha yon tsaka inubos ang laman ng baso.
Tila ako nakahinga nung mahimasmasan ako.
"Tila kasi gago, akala mo naman kasi parang hindi kumain ng isang taon." sabi ni Gia.
Napasimangot ako sa kanya. "Gutom ako."
"PG." sabay sabay na sabi nilang apat. Natawa tuloy si Nissan. Inirapan ko sila.
"Salamat." sabi ko kay Paris. Nakatingin lang sya sakin na inabot ang basong binigay ko sa kanya. Nagtataka ako kung bakit ganon sya makatingin sakin. May dumi ba ako sa mukha?
Pasimple ko tuloy hinawakan ang mukha ko kung may dumi pero umalis din sa harapan ko si Paris at bumalik sa lamesa. Nagtataka ako sa kanya.
Pagkatapos naming kumain, nagpahinga muna kaming lahat. Si Paris ang kasama ko sa kwarto dahil sabi nila, close daw kami ni Paris. Close ba yung hindi kami nag-uusap? mas close pa nga sila ni Nissan kaysa sakin.
Nahiga ako sa kama habang si Paris ay inaayos ang gamit nya. Mamaya ko na aayusin yung sakin.
Tumingin ako sa kanya. Nakatalikod sya sakin kaya naman malaya ko sya natitignan kahit likod nya lang nakikita ko. Kahit nakatalikod ang taong ito, sexy pa din eh. Swerte ng lalaking makakarelasyon nito. Laging may pagkain kasama.
Natawa ako ng mahina dahil sa naisip ko. Ginawa ko namang pagkain si Paris. Paano, tignan mo lang ang sarap na eh. Makinis, maputi, sexy tapos dyosa pa. Kahit sino mapapanganga sa kanya at pagpapantasyahan sya.
Pero nawala din ang ngiti ko nang mapansin na tila ako manyak sa iniisip ko. Bigla kasing pumasok sa isip ko ang walang saplot na katawan ni Paris.
"s**t!" sabi ko dahil ayaw mawala sa isip ko ang imahe na yon.
Napatingin tuloy sakin si Paris kaya tumalikod ako ng higa sa kanya. Nakakahiya! isipin non minamanyak ko sya.
Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Nagising na lang ulit ako nung kakain na naman kami. Nagtataka ako na sa labas kami kakain tapos mga nakabikini na silang lahat. Halatang nag-enjoy na nung natutulog ako.
Hinanap ng mga mata ko naman si Paris. Napakunot ang noo nang makitang naka-rash guard sya sa itaas tapos bikini underwear.
"Weird 'di ba?" napatingin ako kay Veron. Nasa tabi ko na pala sya dala ang mga iihawin na barbecue. "Akala ko magtwo-two piece din sya pero nagulat na lang kami naka-rash guard sya."
"Weird nga. Baka ayaw nya lang ipakita ang sexy nyang katawan?" sabi ko. Napatingin naman sakin si Veron na may halong kahulugan. "What?"
"Nothing. Nakita mo na ba syang naka-tshirt o sando man lang? kada nakikita ko kasi sya naka-long sleeve sya palagi. Naisip ko na baka may tinatago sya."
Napaisip naman ako kung nakita ko na nga bang naka-tshirt lang si Paris.
"Tshirt nakita ko na sya pero one time lang." yun yung pangalawang beses na pumunta ako sa school na pinaghihila nila ako ni Chelsea.
"Long sleeve ang school uniform ng school ni Tita 'di ba?"
"Oo. Pero wala naman akong nakita sa mga braso nya." sabi ko.
"Baka sa likuran nya o sa harapan nya?" napatingin ako kay Veron. "Like tattoo?"
Nakitbitbalikat ako. "Hayaan na natin. Hindi natin sya masyadong close para tanungin sya ng ganon."
Nagsimula na kaming lumapit sa mga kasamahan namin.
"Ang hirap nga nya maging ka-close." medyo mahinang sabi nya dahil palapit kami sa mga kasamahan namin. "Kay Nissan lang sya close."
"Ewan ko ba kasi kay Mama." sabi ko. Natawa na lamang si Veron dahil nakalapit na kami sa mga kasamahan namin.
"Bakit hindi ka pa nagpapalit?" tanong ni Fin. Naka-jeans pa din kasi ako.
"Maya na, gutom na ako eh." kumuha ako ng paper plate at naupo sa tabi ni Paris. Sinasadya yata nilang wag tumabi kay Paris.
"PG talaga." sabay sabay na sabi na naman nila.
Sinamangutan ko lang sila at kumuha ng pagkain. Habang kumakain kami, nagpla-plano kami ng gagawin namin ngayon.
"Boy hunting!" suggest ni Veron habang nakataas pa ang dalawang kamay.
"Kayo na lang." mabilis na sabi ni kaliw at Fin.
"Ay oo nga pala iba pala gusto ninyo."
"Lol, bakit pa ako maghahanap ng iba kung nandito si maid?" sabi ni kaliwa.
"May Nurse Rose na ako kaya hindi na ako maghahanap ng iba." sabi ni Fin.
"Kayo ba, kayo ba?" pang-asar ko. Sinamaan nya ako ng tingin na ikatawa lang namin.
"Wala naman kayo kung makaangkin ka dyan." sabi ni Gia.
"Heh! magiging kami din non!" confidence na sabi nya.
"Sige good luck." sabi ko. Kung kanina ako ang nakasimangot, si Fin na ngayon.
"Are you guys lesbian?" tanong bigla ni Paris.
"Sila lang dalawa." sabi ni Gia. "Hindi mo ba alam na girlfriend ni Nissan si kaliwa?"
"Alam ko lang na may girlfriend si Nissan pero hindi ko alam na girlfriend nya si Left." sabi ni Paris. "Hindi halata na lesbian kayo."
"Pati din naman ikaw." nakangiting sabi ni Fin.
"Huh?" napatanga ata ako sa sinabi ni Fin.
"Alam mo, Jade, sating lima. Ikaw ang pinaka-slow sa lahat." sabi ni kaliwa na ikasimangot ko. "Aray! maid! masakit yon ah." napangisi naman ako dahil kinurot sya ni Nissan.
"Lesbian ka rin ba, Paris?" tanong ni Veron.
"Yes." walang paligoy ligoy na sagot ni Paris. Napanganga naman ako.
"Anong itsura yan Jade?" tanong ni Gia.
Umiling iling ako at umayos.
"Nagulat lang ako." sagot ko at nagpatuloy sa pagkain.
Alam kong lesbian ang mga kaibigan nya pero hindi ko inaasahan na isa din pala sya. Sabagay, lahat ba naman ng mga kaibigan nya lesbian, sinong hindi mahahawa? Si Fin nga nahawa ni kaliwa.
"So kayong tatlo straight?" tanong ni Paris. Mukhang nakakausap na nga talaga nila Veron si Paris.
"Yup kaya magbo-boy hunting kami mamaya." sabi ni Veron na taas baba ang mga kilay nya.
"Gia, maghanap ka na ng gwapo huh?" pang-asar ni kaliwa. Binato tuloy sya ng kanin ni Gia.
"Gia! sayang yun!" sabi ni Fin.
"Edi damputin mo." irap ni Gia.
"Ayoko, madumi na eh." umiling naman si Gia.
"Hayaan mo, lapitin naman ng gwapo si Jade kaya irerekomenda namin sya." natatawang biro ni Veron.
"Bwisit kayo." natawa na lang kami sa pagkapikon ni Gia.
"Lapitin ka pala bakit hanggang ngayon single ka?" tanong ni Paris. Tumigil ako sa pagtawa.
"Eh kasi choosy yan." singit ni Fin.
"Hindi kaya. Puro pakama lang naman hanap nila eh." sabi ko at kumain.
"Sa inyong lima, sino sa inyo ang hindi na virgin?" biglang tanong ni Nissan na ikaubo naming lima.
"Anong klaseng tanong yan maid?" tanong ni kaliwa.
"Sino nga?" pangungulit ni Nissan.
"Hindi mo na kailangan pang malaman yon." sabi ulit ni kaliwa at nagpatuloy sa pagkain.
Wala naman umimik saming apat.
"Left." banta ni Nissan.
"Baka lahat sila hindi na virgin." sabi ni Paris. Hindi kami umimik ulit lima. "Seryoso kayo?"
"Ohmygosh. Hindi ka na virgin pero hindi mo man lang ako pinagbibigyan!" maktol ni Nissan na ikatawa naming apat.
Hindi ko alam na may pagkamanyak din pala itong si Nissan. Akala ko mahinhin sya pero nung simula nung nakakapagsalita na sya. Isa rin syang kalog, lagi nya din kaasaran si kaliwa.
"Gosh maid virgin pa ako! sinabi ko na sayo after graduation, pwede na." sabi ni kaliwa na may pamumula ang mukha.
"Mahina ka Nissan." sabi ni Fin.
"Tsaka isa sa rule namin magkakaibigan ang manatiling virging hangga't hindi pa nakaka-graduate." sabi Veron.
"Pero yung isa dyan." natatawang sabi ko. Hindi naman nakaimik yung isa at nakayuko na lamang.
"Sino?" takang tanong ni Nissan pero hindi namin sya sinagot.
Nagpatuloy na lang ulit kami sa pagkain na may kulitan pa rin. Pagkatapos namin kumain bumalik ako sa room namin ni Paris para magpalit ng damit. Two piece black bikini ang sinuot ko at kinuha ko ang floral beach robe tsaka isinuot.
Lumabas ako room at pinuntahan sila sa labas na nagsisimula na maglaro sa dagat. Si Nissan at si Paris lang ang natira sa lamesa kanina.
"Doon lang ako." paalam ko sa kanila nang mapadaan ako sa kanila. Tumango na nakangiti sakin si Nissan habang tinignan naman ako mula ulo hanggang paa ni Paris.
Nailang ako sa ginawa nya kaya minadali ko ang paglalakad ko papunta kanila kaliwa na naghahabulan at naglulunuran sa dagat.
Tinanggal ko ang robe sa katawan ko at inilapag sa tabi na alam kong walang kukuha non. Naglakad ako papunta sa dagat na may humarang saking lalaki.
"Hi." nakangiting bati nya. Naka-shades sya pero makikita pa din sa itsura nya ang pagkagwapo.
"Hi." hindi ko alam kung ngiwi o ngiti ang ginawa ko dahil nagulat ako sa pagharang nya.
"I'm Jade." nakalahad ang kamay nya sa harapan namin. Wow, parehas pa kami ng pangalan.
"Well, my name is Jade." nakangiting tinanggap ko naman ang kamay nya. Not bad. Gwapo naman at may abs pa.
"Wow really? hindi mo ba naisip na baka itinadhana tayo?" sabi nya.
Wala na bang bago? narinig ko na yan eh. Gusto ko sanang sabihin kaso wag na.
Nginitian ko lang sya tapos tumingin sa kamay naming hawak nya pa din.
"Oops. Natuwa lang." nakangiting sabi nya. Ngumiti lang ako sa kanya. "So.."
"Jade." sabay kami napatingin ni tokayo sa tumawag sakin. Sakin kasi si Paris ang tumawag eh.
"Sino samin, Miss?" nakangiting sabi ni tokayo. Halatang nagandahan at nasexyhan kay Paris kahit na naka-rash guard itong si Paris. Kita naman ang maputi at mahaba nyang legs. Napatingin nga don si tokayo eh.
Tinaasan lang sya ng tingin ni Paris at hinawakan ang kamay ko sabay hila sakin papunta kanila kaliwa. Hindi naman nakaimik si tokayo na nakatanaw lang samin.
"Wait! hindi mo na kailangan pang hilain ako." sabi ko dahil medyo nasasaktan ako sa paghila nya. Ang hilig nya akong hilain.
Binatawan naman nya din ako. Nasa bewang na namin ang tubig dagat nang bitawan nya ako.
"Hoy saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya nung bigla na lang lumangoy palayo. Hindi nya ako pinansin. "Grabe yon. Sana hindi na lang nya ako hinila kay tokayo."
"Jade!" tumingin ako sa gawi ni Gia.
Naglakad ako palapit sa kanila pero muli kong nilingon ang pinanggalingan ni Paris. Malayo layo na din ang nalangoy nya.
"Baka matunaw Jade!" sigaw ni kaliwa. Nagtawanan naman yung tatlo. Sinamangutan ko sila.
"Lapitin talaga ng gwapo itong si Jade, tapos hindi man lang kami dinadamay." sabi ni Veron.
"May abs ah Jade." taas baba ang mga kilay na sabi ni Fin. Lahat kaming mahilig sa mga may abs kaya swerte ni kaliwa na may abs si Nissan.
"Pero may abs din si Paris." sabi ni kaliwa. Kumunot ang noo ko kung paano nya nalaman na may abs nga si Paris pero nagtaka ako kung bakit napasok sa usapan si Paris.
"Paano mo nalaman?" tanong ko. Ngumiti naman na makahulugan si kaliwa. Lalo tuloy ako nagtataka sa kanya.
"Interesado?" nakangising sabi nya. Kumunot ang noo ko. "Nakita ni maid si Paris na nakahubad at may abs din daw si Paris."
"Kaya sobrang hot talaga tignan ni Paris." sabi ni Fin. "Siguro kung nauna ko lang sya nakilala kaysa kay Nurse Rose, popormahan ko sya. Pero may abs din naman si Nurse Rose kaya hindi bale na lang."
"Weh nakita mo na ba syang nakahubad?" nagsaboy ng tubig si Gia kay Fin.
"Oo." namumula ang mukha ni Fin kaya naman pinagsasaboy namin sya ng tubig. Tawang tawa kami dahil nakakainom sya ng tubig.
"Oo nga pala, si Ms. Dani may abs?" tanong ko. Naalala ko may nangyari sa kanila.
"Grabe pinaalala pa yung taong wala naman na." sabi ni kaliwa. "Pero may abs nga?" kita mo ito.
"Wala." sabi ni Fin na para bang wala na para sa kanya si Ms. Dani. Mukhang malaki epekto ni Nurse Rose sa kanya.
"Oh? sayang. Doon ka na lang talaga kay Nurse Rose. Bukod na nandyan, yummy pa." binirong siniko ni Veron si Fin na ikamula naman ng mukha ni Fin kaya naman nilunod sya ni kaliwa.
Tawang tawa kaming lahat sa pinaggagawa namin. Nagawi ang tingin ko kay Paris na pabalik sa lupa. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya lalo na nung inalis nya ang rash guard nya. Napanganga ako dahil lalong uminit ang panahon dahil sa kanya. Naka-two piece bikini na sya. Kaya pala naka-rash guard sya kanina dahil may tattoo nga sya. Nasa likuran nya ang malaking tattoo na red rose na may ahas na nakapalibot. Sumakop sa buong likod nya ang tattoo nya.
"Wow. Ang laking tattoo non." rinig kong sabi ni Gia.
"Jade, tumutulo na laway mo." napahawak ako sa bibig ko dahil sa sinabi ni kaliwa.
"Wala naman ah!" sabi ko pero tinawanan nya lang ako. Inirapan ko sya at muling tinignan si Paris na ngayon ay kausap na ni Nissan.
"Mukhang nagdadalawang isip na ako kung si Nurse Rose ba o si Paris." tumingin ako kay Fin.
"Siraulo. Doon ka na lang kay Nurse Rose. Kay Jade na si Paris." sabi ni kaliwa.
"Anong..." pinagsasabi nito?
"Palapit na sila, tumigil kayo." sabi ni Veron kaya naman napatingin kaming lahat sa dalawang palapit samin.
Para silang model na naglalakad samin.
"Laway mo, kaliwa." ngayon sya naman ang biniro ni Gia. Natawa kami nang hampasin sya ni kaliwa.
Tumingin ako kay Paris na nakalapit na ngayon samin. Tumingin ako sa bewang nya paitaas sa malulusog nyang dibdib. Napalunok ako. Umangat ang tingin ko sa mukha nyang mataray na nakatingin sakin. Napaiwas ako ng tingin.
"Do-doon muna ako." sabi ko sa kanila na hindi lumilingon at lumangoy sa kanila.
Kailangan kong magpalamig.
---------------------------