Chapter 4

3421 Words
Jade's POV "Break muna!" sabi ni kaliwa. Napatigil kami sa pag-practice ng sayaw. Naupo kaming lahat at uminom ng tubig. Ganito ang ginagawa naming lima kapag bakasyon namin para naman ma-maintain ang body namin. Tsaka susurpresahan daw ni kaliwa si Nissan sa nalalapit nilang monthsary, isa na don ang sasayawan namin si Nissan. Kami ni kaliwa laging nasa likuran nakapwesto habang nasa gitna si Gia at nasa kabila nya naman ang dalawa. Si Gia ang pinakamagaling sumayaw saming lahat. Pero sa ngayon si kaliwa ang nasa gitna para kay Nissan. "Kamusta naman si Nissan sa kompanya nila?" tanong ni Veron. "Ayun, kinakapa pa ang mga gawain doon." sagot ni kaliwa. "Alam naman ninyo yon, ayaw magsalita sa ibang tao. Mabuti na lang unti-unti nakakapagsalita na sya sa harap ng board members nya." "Mabuti naman kung ganon." sabi ni Gia. "Nakangiti na naman ang loko oh." Napatingin kami sa tinutukoy nya. Si Fin na nakangiti sa cellphone nya. Napatingin sya samin at mabilis na itinago ang cellphone nya. "Ano?!" sigaw nya. "Makasigaw, halatang may tinatago." sabi ni kaliwa. "Wa-wala ah!" sabi nya pero namumula ang mukha nya. "Naniniwala kami." sabi ko. "Nai-inlove ka na naman kay Nurse Rose." sabi ni Veron. Nakayukong namumula ang mukha ni Fin. "Nga pala, ano balak ninyo? malapit na mag-second semester." tanong ni Gia.  "Oo nga hindi pa tayo nakakapag-outing." sabi ko. Busy din kasi kaming lima nitong nakaraang araw kaya hindi kami makapagplano kung ano ang gagawin namin. Kung hindi lang kasi sana ako sinasama ni Mama sa school nya. "Sakto ang init ngayon, mag-beach tayo!" suggest ni Fin. "Doon tayo sa pinuntahan natin nakaraan. Ang ganda kasi doon eh." "Kakapunta lang namin doon kahapon eh." sabi ni kaliwa. "Grabe hindi man lang nag-aaya." sabi ko. "Ganon talaga." nakangising sabi nya. "Sa iba na lang tayo." "Saan naman?" tanong ni Veron. "Ah! alam ko na." nakangiting sabi nya na pinagtaka namin. "Pero tayong lima lang ba ang sasama?" tanong ni Fin. "Bakit? balak mo bang yayain si Nurse Kim?" nakangising tukso ni kaliwa. "Uy hindi ah!" mabilis naman na despensa ni Fin. Natawa naman kami sa kanya. Halatang nagsisinungaling eh. "Isasama ko si maid. Kayo?" sabi ni kaliwa at hindi na pinansin si Fin. "Tayo tayo na lang. Hindi na rin naman iba si Nissan satin eh." sabi ni Veron. "Sige, so kailan naman tayo aalis?" tanong ko. "Bukas agad." sabi ni Gia. "Baka hindi pa matuloy kung papatagalin pa natin." Sumang-ayon kaming lahat dahil minsan nadra-drawing ang plano namin. "Edi mamili na tayo ng pagkain natin ngayon." sabi ko. "Good idea! pagod na din ako kakasayaw eh." sabi ni Fin. "Sus! gusto mo lang puntahan si Nurse Rose." pang-asar ni kaliwa. "Hindi ah." agad na sagot ni Fin. Hindi na lang namin pinansin ang pagsisinungaling nya. Nag-ayos na kaming lahat at lumabas ng gym room namin. Wala naman kasing mga gym ang mga bahay nila kaya dito kami palaging nagpra-practice. "Oh hi!" napangiwi ako nung makita si Chelsea. Nandito nga pala sya kasama si Paris dahil may meeting sila ni Mama. "Hi." bati nila Gia. "Pawisan kayo ah?" napatingin sya sa mga katawan namin. Naka-sports bra lang kasi kami tapos shorts.  "Jade, pahiram na lang kami ng damit. Baka matagalan pa mag-ayos ang mga ito kapag uuwi pa kami." sabi ni kaliwa. Sila Gia ang kumausap kay Chelsea. "May mga damit naman kayong naiwan dito." sabi ko. "Chelsea, akala ko ba kukuha ka ng tubig?" napatingin kami sa kaliwa namin. Agad akong napatingin sa porma nya. White long sleeve blouse, ripped jeans and vans shoe. Grabe talaga ang pormahan ng taong ito. Lagi syang nagmumukhang hot at sexy sa mga suot nya, paano pa kaya kung ayos na ayos sya? sigurado akong sobrang ganda nya lalo. "Bilisan mo, may idi-discuss pa si Ma'am Jo." sabi ni Paris at bumalik sa library room. "Mauna na ako sa inyo." nakangiting paalam ni Chelsea at pumunta sa unang palapag ng bahay. "Sungit talaga non. Hindi man lang tayo binati." sabi ni Fin. "Kilala ka ba nya?" pambabara ni kaliwa. Naglakad kaming lahat patungo sa kwarto ko. "Kahit na, si Chelsea nga binati tayo eh." "Ganon ba talaga yon?" tanong ni Veron. Tumango ako. "Oo, lagi nga ako sinusungitan non eh." sabi ko. "Lagi ka nasa school ninyo nitong nakaraang linggo." sabi ni Gia. "Ikaw ang pinaka-busy sating lima." "Ang tanong, may naitulong ka ba sa school ninyo?" napasimangot ako kay kaliwa. "Grabe ka naman sakin. Pero wala." nakangiting sabi ko sa dulo. "Kitams." iling na sabi ni kaliwa. Pumasok kaming lima sa kwarto ko. Agad naman na naghaligap ang apat sa damit na susuotin nila pero patuloy pa din kami sa pagkwentuhan. "Ewan ko ba kay Mama. Sinasama pa nya ako don tapos wala din naman akong gagawin." sabi ko. "Pero buti na lang, sa huling linggo ng semester break ay hindi na ako pupunta pa sa school nila. Naawa na din dahil hindi ko pa nae-enjoy ang semester break." "Fin, bilisan mong maligo ah!" sigaw ni Gia dahil balak nilang maligo. "Hindi ka naman nilalandi ng mga kaibigan nya?" tanong ni kaliwa. "Araw-araw." nakasimangot na sabi ko.  Lalong lalo na yung tatlo. Grabe kung makadikit sakin parang mga linta! Minsan pa nga nakakanakaw sila ng halik sa pisngi ko eh. Si Mama naman tuwang tuwa lang sa pinaggagawa ng tatlo sakin. Hindi man lang ako tinulungan! Hinahayaan nya akong mamanyakan ng mga Student Council nya. Anong klaseng ina yon? Pagkatapos namin magbihis lahat. Pumunta na kami sa mall ni Kuya gamit ang sasakyan ni kaliwa. Nagpla-plano na kami ng gagawin namin sa pupuntahan namin at kung ano ano ang mga dadalhin namin habang nasa byahe kami. Dalawang malaking cart ang kinuha namin pagkarating namin sa supermarket. Naghati kami sa dalawa. Kami ni kaliwa ang magkasama habang yung tatlo naman ang magkasama. Sa junk foods kami pumunta ni kaliwa at kung ano ano ang pinagliligay nyang malalaking chitchirya. "Bakit hindi ka kumukuha?" tanong nya. "Paano pa ako kukuha eh lahat ng klase ng chitchirya kinuha mo." sabi ko. Napatingin sa cart namin. "Oo nga 'no. Lahat kasi masasarap eh." napailing ako. "Bili pala tayo ng mangga. Hindi ko nasabi sa tatlo." naka-assign ang tatlo sa lulutuing pagkain ang bibilhin nila habang mga madaling kainin naman samin ni kaliwa. Sa sobrang dali, puro chitchirya ang nasa cart namin. "Bili tayo ng chocolate at candy." sabi ko. Madami din kaming kinuhang candies at chocolates. Ilang araw din kami sa pupuntahan namin kaya madami kaming bibilhin na pagkain. May sariling bahay sila Veron sa resort na pupuntahan namin at sariling sikap kami doon. Kung baga kami na bahala sa mga kakainin namin. "Bili tayo ng pancakes tapos bread." sabi ni kaliwa. Kumuha pa kami ng isang cart dahil hindi na kasya sa isang cart ang mga pinamili namin. "Malalagot tayo kay Gia nito." natawa kaming parehas. "Hayaan mo sya, hindi naman sya magbabayad nito eh." sabi ko. "Makikinabang din sya dito lalo na sa chocolates." mahilig sa chocolates si Gia. "Pagbabayaran ko talaga sya nito kung hindi lang masarap magluto si Gia eh." sabi ni kaliwa. Si Veron at Gia naman ang taga luto namin sa grupo pero minsan si Gia lang dahil hilig talaga non magluto. Ewan ko nga kung bakit IT kinuha non kung pwede naman sya mag-Culinary. "Ilan kukunin ko kaliwa?" tanong ko kay kaliwa. Nasa harapan ko ang mga bread habang tumitingin tingin naman  sya sa pancakes. "Tatlo. Matatakaw kayo eh." napasimangot ako. Parang sya hindi. "Apat na pala." kitams. Apat ang kinuha kong bread. Lumapit ako kay kaliwa. Napatingin ako sa hawak ni kaliwa. Napangiwi ako nang may maalala ako sa Nutella. Natapunan ko ang white long sleeve polo shirt ni Paris ng Nutella dahil binunggo ako ni Cess. Hindi ko matanto kung galit ba sya sakin nung mga oras na yon dahil wala syang pinapakitang emosyon na nakatingin lang sa namatsahan nyang damit tapos umalis na sya. Panay naman ang panakot nila Cess sakin na lagot daw ako kay Paris pero wala naman ginawa sakin si Paris nung sumunod na araw. "Ayoko nito." sabay balik ni kaliwa ng Nutella. "May panget akong naalala dito." napakunot ang noo ko pero hindi na ako nagtanong pa. Hinanap na namin sila Gia dahil tapos na kaming mamili pero minsan kapag may nadadaanan kaming trip namin ay kinukuha namin. "Si Nissan yon 'di ba?" tanong ko kay kaliwa nung mapansin ko si Nissan kasama nila Fin. "Oo nga 'no? bakit nandito sya?" nakakunot ang noo na tanong ni kaliwa. Agad namin pinuntahan ang apat na masayang nagkwe-kwentuhan. "Maid." tawag ni kaliwa. "Bakit ba maid pa din ang tawag mo kay Nissan?" nakakunot na tanong ko. "Bakit ba? nasanay ako eh." napailing kaming apat. Niyakap ni kaliwa si Nissan at hinalikan pa sa lips ni Nissan. "Hoy PDA." sabi ni Gia. "Ingit ka lang." natawa kami sa sinabi ni kaliwa. "Ano palang ginagawa mo dito?" "Tumatae sya, kaliwa." sabi ni Fin. Sinamaan naman sya ng tingin ni kaliwa pero kami natawa. "Wala na kasi tayong stocks sa bahay kaya namili ako." sagot ni Nissan. Ang ganda talaga ng boses ni Nissan. Sarap pakinggan. "Hindi ka ba busy sa kompanya mo?" nag-aalalang tanong ni kaliwa. Umiling si Nissan. "Nga pala, sasama ka samin bukas. Magbabakasyon tayo sa resort nila Veron. Siguro mga four days tayo doon kaya magpaalam ka kanila Papa na mawawala ka ng ilang araw." "Nasabi nga nila Fin. Nakapagpaalam na din ako at okay naman sa kanila." tumango naman si kaliwa. "Hoy grabe ka naman kayo sa pinamili ninyo!" sabi ni Gia na nakatingin sa dalawang cart namin ni kaliwa. "Ang dami naman nito. Mauubos ba natin ang lahat ng ito?" sabi ni Veron. "Kaya yan! matakaw kayo eh." sabi ni kaliwa. "Nagsalita." sabi ni Veron. Binayaran na namin ang pinamili namin. Kung makareklamo sila Gia na madami yung pinamili namin, eh nakadalawang cart din sila. "May dala ka bang sasakyan?" rinig namin tanong ni kaliwa kay Nissan. Simula nung magkita sila, lagi na silang magkatabi. Yung cart nga na dala dala nya, si Fin na nagtulak. Nilingon namin silang dalawa. Sakto naman na umiling si Nissan. "Paano yan? hindi kasya lahat ng pinamili natin sa sasakyan ni kaliwa." sabi ni Veron. "Grab na lang. Mag-book ka na, Gia." sabi ni Fin. "Saan naman?" tanong ni Gia habang nakatingin sa cellphone nya. "Edi sa bahay ninyo. May van kayo 'di ba?" sabi ko. "Bakit? may van din naman kayo." irap ni Gia. Natawa ako. Pero sa huli ay sa kanila pa din kami pupunta tutal wala naman parents nya doon eh. Sumabay ako kay Gia tapos kay kaliwa na yung dalawa kasama si Nissan. Pagkarating namin sa bahay nila Gia. Dinala na namin sa van ang ibang pagkain habang pinasok muna sa ref. ang mga karne at iba pa. Ni-ready na din namin ang mga dadalhin namin. Pagkatapos namin maihanda ang lahat ay umuwi na kami. Sumabay ako kanila kaliwa dahil madadaanan nila ang bahay namin. "Thank you, bukas ulit." nakangiting sabi ko kay kaliwa. "Magpabili ka na kasi ng sasakyan mo." sabi nya. "Ayoko, nandyan ka naman." natatawang lumabas ako ng sasakyan nya. "Bye Nissan. Ingat kayo." tumango silang dalawa at umalis na. Pumasok naman ako sa bahay. Napatingin ako sa relo ko kung anong oras na, kung bakit nandito pa din sila Paris? "Dito sila kakain." napatingin ako kay Mama. Nagtatanong ang mga mata kong nakatingin sa kanya. "Bakit ba?" minsan talaga ayokong kausapin ang taong ito. Ang ganda ng sagot eh. "Ma, aalis pala ako bukas. Apat na araw akong mawawala. Kasama ko sila kaliwa kaya hindi ninyo kailangan mag-alala sakin." sabi ko. Hindi ko pinansin ang tingin na pinukol ng dalawa sakin. "Saan naman kayo pupunta at ganon katagal kayong mawawala?"  "Secret." baka may sumunod pa. "Next week pasukan na kaya gusto lang namin i-enjoy ang sembreak." sabi ko. "Okay, pero mag-iingat kayo ah?" tumango ako. "Sama mo kaya sila Paris?" "What? No way!" alam nyang ayokong makasama sila Paris tapos pinaglalapit nya kami? dapat pala hindi ko na sya kinausap tungkol sa kanila eh! "Napaghahalataang ayaw mo samin." sabi ni Chelsea. Umiwas ako ng tingin. "Ayaw nya naman talaga sa inyo." natatawang sabi ni Mama. Napaka-supportive talagang Mama nya. "Ayoko din naman sa kanya." tumingin ako kay Paris. Hindi sya nakatingin sakin kundi sa tasang hawak nya. "Buti naman." bulong ko pero sobrang talas ng pandinig ni Mama kaya kung ano na ang pinagsasabi. "Kung ganon, Paris sumama ka bukas kay Jade." "Ma!" nilalayuan ko nga tapos pasasamahin nya si Paris? "Hindi pwede Ma! hindi naman sya kilala nila kaliwa. Mao-op lang sya don at siguradong busy si Paris, 'di ba?" um-oo ka, 'di ba ayaw mo sakin? um-oo ka! "Sa pagkakaalam ko kumuha ng leave si Paris ng isang linggo." sabi ni Chelsea. "Kaya hindi sya busy simula bukas." napangiwi ako. "Yon naman pala. Isama mo sya para naman makapag-relax si Paris. Sobrang dami nyang stress sa school kaya kailangan din nya mag-relax relax. Hayaan mo ako ang kakausap kay Left tugkol sa pagsama ni Paris." Sabi ni Mama. "Ma, nakakahiya kanila kaliwa." Naman oh, lumalayo na nga ako kay Paris, inilalapit naman nila. Ano bang gusto nilang mangyari huh? "Ah basta sasama si Paris." napanganga ako. "Bahala nga kayo dyan." sabi ko na lang at naglakad patungo sa kwarto ko. Medyo nainis ako kay Mama dahil gusto nyang isama ko si Paris. Hindi naman kami non close, sila kaliwa pa kaya? Mabilis kong binuksan ang laptop ko at pumunta sa group chat namin para sabihin sa kanila na pinipilit ni Mama na isama ko si Paris. Pati sila nagulat at nagtataka kung bakit isasama si Paris. Hindi ko alam kaya hindi ko sila masagot. Napabuntong hininga ako na sinabi ni kaliwa na hayaan na lang daw. Tinawag sya ni Mama at nakiusap na isama si Paris, walang nagawa si kaliwa kaya yon. Sasama at sasama samin si Paris. "Ate kakain na!" sigaw ni Michael sa labas ng kwarto. Nagpaalam na muna ako sa kanila tsaka sumunod sa kanya sa dinning area. Tumingin ako sa gawin ng dalawa at naupo sa tabi ni Mama. Nagkwe-kwentuhan lang silang lahat bukod sakin na tahimik lang na kumakain.  "Anong oras kayo aalis?" tanong ni Mama. "Ala singko." simpleng sagot ko na hindi sila nililingon. "Agahan mong pumunta dito Paris para hindi ka maiwanan." sana nga maiwan sya bukas. "Baka nga iwanan pa sya." rinig kong sabi ni Chelsea. Nilingon ko sya at nakangisi sya sakin. "Nako Jade kapag ginawa mo yon, makakatikim ka sakin." sabi ni Mama. "Bakit ba ayaw na ayaw mong nakakasama sila Paris huh?" "May problema ba sa kanila, anak?" tanong ni Papa. "Wala po." sagot ko lang. Uminom ako ng tubig pero muntik ko na mabuga yon dahil nakita ko kung paano landiin ni Paris strawberry na hawak nya. "Ayos ka lang?" tanong ni Mama. Tumango ako at umayos ng upo. "Um..tapos na po akong kumain. Maghahanda pa ako ng gamit para bukas. Excuse me." paalam ko sa kanila at mabilis na umalis ng dinning area. Kinuha ko ang malaking bag ko at niligay ang mga damit na susuotin ko at mga gamit ko. Pagkatapos kong ihanda lahat ng dadalhin ko para sa bakasyon namin, nahiga na ako sa kama ko at nag-cellphone. Nakita ko sa newsfeed ko ang mga iba't ibang klase ng prutas na pwedeng gawing kakaibang klaseng pagkain. Pinanood ko lang yon hanggang sa napunta sa strawberry. Mabilis kong inalis ang video at nag-scroll down na lang ulit. Naalala ko lang kasi yung ginawang pagdila ni Paris sa strawberry kanina. Tsk! makatulog na nga, maaga pa kami aalis bukas. Sana maiwanan yung isa. Pero nagkamali ako dahil pagkagising ko nasa sala na sya at nagkakape. Napatingin ako sa gilid nya. May dala syang hindi kaano kalaking bag. Akala ko sya yung tipong magdadala ng maleta kahit ilang araw lang kami magbabakasyon. Hindi pala. Napatingin ako sa cellphone ko. Sinagot ko ang tawag ni Fin. "OTW na kami." bungad nya. "Saan? sa cr?" biro ko. "Hindi sa batanggas." sabay din nya. "Siraulo." binaba ko na ang tawag at bumalik ako sa kwarto ko tsaka kinuha ang bag ko. Tulog pa sila Mama kaya hindi na ako nakapagpaalam pa sa kanila. Nagsabi na lang ako sa kasambahay namin na sabihin kanila Mama na umalis na ako. "Paris, let's go. Malapit na sila." sabi ko sa kanya na madaanan ko sya sa sala. Sumunod naman sya. Naghintay kami sa tapat ng bahay namin. Tumingin ako sa suot nya. Naka-jacket sya na pula tapos shorts na tinernuhan nya lang ng topsider shoes. Tumingin ako sa ibang direction at hinawakan ang kwelyo ng damit ko. "Ang aga, ang init." sabi ko. Napansin kong napatingin sya sakin pero hindi ko sya nilingon. Dumating sila Fin. Si Gia ang driver habang nasa tabi nya si Fin. Nasa pinakadulo naman si Veron na natutulog. "Tulog agad yan. Hindi pa nga tayo nakakalayo." sabi ko. Sa likuran nila Gia kami puwesto ni Paris. "Hindi pa sya nakakatulog dahil nagkaroon ng problema sa bar nya kanina." sagot ni Gia. "Gusto mo Paris?" pag-aaya ni Fin kay Paris ng pandesal. "Thanks." kumuha naman si Paris. "Hot." "Hot naman talaga." bulong ko lang. "May sinasabi ka?" tanong nya pero umiling lang ako. "Ako din, Fin pahingi." baling ko kay Fin. "Wala na, isa na lang yon." sinamaan ko ng tingin si Fin. "Share na lang kayo." "Hindi, wag na lang." no way na makikipag-share ako sa kanya. Dumating kami sa tapat ng bahay ni kaliwa. Nasa labas na silang dalawa ni Nissan. Napatigil saglit si kaliwa nung makita si Paris. "Nissan?" napatingin kaming lahat kay Paris. Kilala nya si Nissan? "Oh hi Paris. Anong ginagawa mo dito?" nakangiting sabi ni Nissan na may bahid ng pagtataka. "Isinama sya ni Mama satin. Magkakilala kayo?" tanong ko. Pumasok silang dalawa ni kaliwa ng van. Sa likuran namin sila puwesto katabi ni Veron. "Yup, anak sya ni Vice Gremory." sagot ni Nissan. "Oh buti naman at hindi mao-op si Paris satin." sabi ni Gia. "Nandyan naman si Jade kung sakaling hindi sila magkakilala." sabi ni Fin. Ngumiwi ako. "Nakalimutan mo na ba? ayaw makasama ni Jade si Paris." sabi ni kaliwa. Bwisit na kaliwa ito, akala mo wala dito yung pinag uusapan eh. "Huh bakit?" tanong ni Nissan pero walang sumagot sa kanya. "Bakit pala tulog itong si Veron?" imbis na tanong ni kaliwa. "Hindi pa yan natutulog kaya hayaan na lang muna sya." sabi ni Fin. "Okay...maid may saging ka dyan 'di ba?" hindi na lang namin pinansin pa si kaliwa. Kinuha ko ang cellphone ko at isusuot na sana ang earphone ko sa tainga ko nung marinig ko si kaliwa sa likuran. "Veron, may tawag ka, sagutin mo." sumilip naman ako sa kanila. "What the f**k?" sabi ko dahil pinipilit ibigay ni kaliwa ang saging kay Veron. "Sagutin mo." seryoso ang boses ni kaliwa pero nakangiti sya habang nililigay sa tainga ni Veron ang saging. "Hello?" inaantok na sagot naman ni Veron habang nakapikit. Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang pagtawa ko. "Hello?" "Anong ginagawa ninyo?" tanong ni Fin at sumisilip pa sa likuran. "Wala naman." ibinalik ulit ni Veron kay kaliwa yung saging na hindi dumidilat. Natawa naman kami ni kaliwa pero pigil lang dahil baka magising. "Nakuhaan mo ba?" tanong ni kaliwa kay Nissan. "Bad." sabi ni Nissan na umiiling. "Cute naman." "Ay kapal." sabi ko at umayos na ako ng upo. "Natutulog yung tao pinagtri-tripan ninyo." sabi ni Fin. "Mga baliw." Naging tahimik ang van na sumunod na oras. Natutulog na ang tatlo sa likuran pati din si Fin. Kaming tatlo lang nila Gia at Paris ang gising pa. Hindi ako makatulog kahit na pinipilit kong matulog kanina. Tumingin ako kay Paris na busy sa laptop na dala nya. Kahit na magbabakasyon sya, trabaho pa din inaatupag nya. Seryosong seryoso ang mukha nya habang nagtitipa sa keyboard. Kahit saang angolo talaga tignan itong si Paris napaka-hot nya. Kahit nga sa mga porma nya eh. Minsan naisip ko kung hot pa din ba sya kung taong grasa sya? sa tingin ko angat pa din ang kagandahan nya kung mangyari nga yon. Hindi ako nakaiwas ng tingin sa kanya nang tumingin sya sakin. Nagulat ako at hindi ko alam kung saan ako babaling kaya hindi nakaiwas ng tingin. Tinarayan nya ako tsaka bumalik sa laptop ang tingin. Nakahinga ako ng maluwag na wala syang sinabi pero nahiya pa din ako dahil nahuli nya akong nakatingin sa kanya. Dadalasin ko na talagang wag mapatitig sa kanya. Sana nga lang magawa ko. Ang hirap hindi mapatingin sa isang dyosa. --------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD