I was back at my condo by 12 a.m. Silvestre treated me to a decent diner first and then we went home. Nagtanong siya kung bakit miserable niya kong natagpuan kanina. Hindi ko sinabi na buntis ako, tinakwil ako dahil hindi maganda ang performance ko bilang CEO, iyon na lang ang sinabi ko. Chineck niya ang kitchen at refrigerator pagkarating na pagkarating namin sa condo unit ko. Hindi siya mapakali pati ang CR ay in-examine niya. "Hindi ako nagtatago ng lalaki rito, Silvestre. Anong hinahanap mo?" Inosente niya kong nilingon. "What are you saying? Tinitingnan ko ang food at household supplies na kailangan mo para maipag-grocery kita mamaya. Babalik ako bukas ng tanghali para dalhin iyon dito. In the mean time until I get here, I'll have some foods delivered to you para may makain ka."

