ROHAN'S POV: TAHIMIK ako pagbalik ng mansion. Kahit naging maayos naman ang hearing at tuluyan nang makukulong si Fatima, hindi pa rin ako mapalagay. Hindi kasi mawala-wala sa isipan ko ang lalakeng nakita ko kanina sa parking ng korte. Pakiramdam ko ay may connection ako sa kanya. The way kung paano siya tumitig sa akin ay tila napakalalim ng mga iyon at may ibang kahulugan ang pagngisi nito sa akin. Pero kahit anong isip ko, hindi ko naman maalala kung kakilala ko ba ito. "Ayos ka lang, Rohan?" pabulong tanong ni Kuya Noah na mapansin ako. Saka ko lang napansin na nakauwi na pala kami ng Madrigal's compound. Pilit akong ngumiti dito na nakatitig sa akin at tila binabasa ang tumatakbo sa isipan ko. "Ayos lang ako, Kuya. May naisip lang. Pero wala 'to." Sagot ko. "Sigurado ka? Baka

