ROHAN'S POV: NANGUNOTNOO ako na maramdamang may marahang humahaplos sa pisngi ko. Dama ko ang pangangawit ng leeg at likuran ko sa pagkakaupo ko sa silya habang nakasubsob sa gilid ng anak ko. Naalimpungatan ako na napatuwid ng upo na maalala ang mag-ina ko! "Hi, good morning, Daddy. Nagising ba kita?" malambing pagbati ng asawa ko. Napahilamos ako ng palad sa mukha at napangiting mabungaran ang mag-ina ko. Nakaupo na si Naya habang nakasandal sa kama. Karga nito sa braso si baby at pinapadede. Nakaalalay naman sa kanya si Ate Yumi. Inabot ko ito na hinagkan sa noo at mga labi bago inabot si baby na hinagkan sa ulo. Abala kasi itong dumedede sa ina niya. "Good morning too, baby. Pasensiya ka na. Nakaidlip ako," sagot kong ikinailing nito na nakangiti. "Okay lang 'yon, ano ka ba?

