ROHAN'S POV: LUMIPAS pa ang ilang linggo at may magandang balita kaming natanggap. Iyon ay ang nagising na si Nanay Celia mula sa pagkaka-comatose nito. Ipinagtapat nito ang ginawa sa kanya ni Fatima sa isla. Kaya idinagdag namin ang pagtangkang pagpatay sa kanya ni Fatima sa isinampa naming kaso ni Naya dito. Nakasilid na ito sa kulungan at katulad ng inaasahan namin, nabulag nga ang isang mata nito. Hindi ko pa ito nadadalaw sa kulungan dahil mas priority ko ang alagaan si Naya. Pero ayon sa nahagip kong balita mula sa usap-usapan sa mansion, naghihirap daw ito sa kulungan dahil sa impluwensya ni Kuya Delta at Kuya Haden. Hindi ko pa batid ang buong kwento. Basta ang alam ko lang, pinapahirapan si Fatima sa kulungan ng mga kapwa nito inmate sa utos ng mga kapatid ni Naya. Kasama na ri

