Chapter 47

2139 Words

THIRD PERSON POV: NAGING mahirap kay Noah na suyuin ang asawa nito. Bukod sa hindi ito pinapansin ni Jenelyn ay hindi rin natutulog ang asawa sa silid nila kapag nandoon na si Noah. Sa mga bata ito tumatabi at kapag tatabihan naman siya ni Noah, umaalis ito. Nauunawaan naman nito ang galit ni Jenelyn. Dahil kahit sinong asawa ay magagalit kapag sila ang nasa sitwasyon nila. Kaya naman kahit hindi ito pinapansin ng asawa, nage-effort pa rin ito para suyuin si Jen. Bumibili ito ng mga paboritong snacks ng asawa at bouquet ng red roses na paborito nitong bulaklak. Pero lahat ng iyon ay nakikita nitong ibinabasura ni Jen. Isang gabi, naabutan ni Delta si Noah na mag-isang umiinom sa mini bar ng kanilang mansion. Nilapitan nito ang kapatid na halatang problemado. "What's up, dude." Anito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD