MAGKAHAWAK kamay kaming lumabas ni Naya ng apartment ko. Pinasuotan ko din ito ng jacket ko at ayoko namang mabilad ito sa araw.
“Dito tayo sasakay?” nagtatakang tanong nito na nilapitan namin ang black ducati motor ko na ikinatango kong sinuotan ito ng helmet. “Pero, Rohan. Hindi kasi ako sumasakay sa motor. Ang taas pa naman. Natatakot ako, baka kasi mahulog ako eh.” Saad nito na bakas ang takot sa mukha.
Ngumiti ako na kinuha ang kamay nitong napalunok.
“Hindi kita ipapahamak, hmm? Mas maganda na motor ang gamitin natin. Para hindi tayo maipit sa traffic. Yakapin mo lang ako para hindi ka matakot,” sagot ko na pinipisil-pisil ang kamay nito.
Pilit itong ngumiti na tumangong hindi na sumagot. Pero kita pa rin ang pagkabahala sa mga mata nito. Nagsuot na ako ng helmet at sunglasses bago sumakay ng ducati ko. Inalalayan ko pa itong makaangkas sa akin na kaagad yumakap sa leeg ko.
“Dito ka sa baywang ko kumapit, baby.” Saad ko na dinala ang kamay nito sa baywang ko at doon iniyapos.
Dama kong natigilan pa ito pero yumakap din naman na ipinatong ang mukha sa balikat ko. Pinaandar ko na ang motor na lumabas ng gate. Mabuti na lang at maluwag ang daan at hindi rin masyadong masakit sa balat ang sikat ng araw.
HABANG nasa kahabaan kami ng highway ay unti-unti ding naging palagay ang loob nito. Nakangiti na ito na ninanamnam ang malamig na hangin na sumasalubong sa amin.
Dinala ko ito sa Tagaytay. Malamig kasi ang klima ng panahon dito at maganda din ang tanawin. May resort ang pamilya namin dito na ginawa kong pribado para sa aming pamilya at mga kakilala lang. Hindi ko na rin kasi matutukan kaya minabuti kong gawing bahay bakasyunan na lamang.
Pagdating namin sa resort ay kitang nangawit ito sa pag-upo sa motor. Inalalayan ko itong makababa na napahilot pa sa mga braso.
“Masasanay ka rin,” aniko na inalis ang helmet na suot nito.
Napanguso lang naman ito na naigala ang paningin sa paligid.
“Is this a private resort?” tanong nito na ikinatango kong inakay na itong pumasok.
Napapagala pa ito ng paningin na kita ang kamanghaan sa kanyang mga mata. Malayo kasi ang resort sa mga kabahayan. Tanaw din mula sa terrace ang taal volcano at ang magandang tanawin.
Sinalubong naman kami ng caretaker kong si Manong Mario na siyang namamahala dito.
“Magandang umaga po, Sir Rohan, Ma'am.” Pagbati nito na napayuko pa sa aming dalawa ni Naya.
“Magandang umaga din sa'yo, Manong. Uhm, mago-overnight kami dito ni Naya ha? Ako ng bahala dito,” sagot ko na ikinangiti nito.
“Sige po, Sir Rohan. Enjoy your stay po.” Pamamaalam nito na tinanguhan ko.
Hinila ko si Naya sa may cottage kung saan ang viewdeck ng resort. Napangiti naman ito na hinubad pa ang suot na jacket at ninanamnam ang katamtamang sikat ng araw at ang malamig na simoy ng hangin.
“How is it?” tanong ko na naghanda ng meryenda at juice namin.
“Ang ganda. Simple but relaxing. Ang sarap mag-stay dito. Tahimik at maganda ang paligid.” Sagot nito na naupo na.
“Do you like here?”
“Yeah.”
Napangiti ako na naupo na katabi ito dala ang orange juice at sandwich na ginawa ko.
“Ililibot kita mamaya. May mini vineyard kami d'yan sa likod. May strawberry farm din,” saad ko na iniabot dito ang ginawa kong sandwich.
“Thank you, Rohan.”
Napakindat ako ditong napalapat ng labi na pinamulaan ng pisngi. Kahit wala siyang makeup ngayon at ang simple ng suot niyang damit ko ay napakaganda pa rin nito. Natural na namumula ang rosy cheeks nito maging ang mga labi niyang walang bahid ng lipstick ay natural na mapula at makintab ang itsura. Makinis at maputi ang balat niya kaya kahit walang gamit na kolorete ay labas na labas ang angkin nitong kagandahan.
Habang nagmemeryenda kami ay pinagsasawa namin ang paningin sa tanawin. Kahit paano ay nakahinga kami ng maluwag at narelax ang isipan sa ganda ng tanawin. Idagdag pang tahimik dito at malamig ang sariwang hangin. Ang sarap manatili dito kung wala lang kaming trabahong naghihintay sa Manila.
“B-bakit?” nauutal kong tanong na mapatitig ito sa gilid ng labi ko.
“Uhm, there's something on your lips,” sagot nito na itinuro ang gilid ng labi ko.
Pinahid ko iyon na mahinang ikinatawa nitong napailing.
“Ako na nga,” saad nito na marahang pinahid ng hintuturo ang gilid ng labi kong ikinatigil kong sunod-sunod na napalunok.
Bumilis ang kabog ng dibdib ko na mapatitig ditong sobrang lapit ng mukha sa mukha ko. Napaawang ang labi ko na marahan nitong pinaraanan ng kanyang hinlalaki ang ibabang labi ko na napalunok.
Naipikit ko ang mga mata ko para ma-control ang sariling emosyon. Baka mamaya ay hindi ako makapagtimpi. Ang hirap pa namang magpigil lalo na't solo ko siya.
“N-Naya,” anas ko sa isipan na napadilat ng mga mata na maramdaman ang mga labi niyang lumapat sa aking mga labi!
Nanigas ako na lalong nagkarambola ang pagtibok ng puso ko na napakapit sa baywang nito! Napalunok ako na salitan nitong sinisipsip ng marahan ang nakaawang kong labi habang nakapikit.
“Kiss me back, baby,” anas nito na muling inabot ang mga labi ko.
Napahawak ako sa batok nito na tinugon ang halik nitong napaungol na yumakap sa baywang ko. Hanggang sa ang masuyong halikan namin ay unti-unting lumalim nang lumalim! Hindi ko na rin mapigilang mabuhayan ng init sa katawan na napapahaplos na sa kanyang kalambutan.
“Uhmm. . . R-Rohan,” ungol nito na ikinabitaw namin sa mapusok at malalim na halikan!
Namumungay ang mga mata naming nagkatitigan na may ngiti sa mga labi. Para na naman niya akong hinihipnotismo sa uri ng pagtitig nito sa akin na tila inaakit ako.
“Naya,” mahinang sambit ko na ikinangiti nitong marahang hinaplos ako sa pisngi.
“Ngayon ko lang napansin,” nanunudyong saad nito na may pilyang ngiting naglalaro sa mga labi.
“Ang alin?” nagtatakang tanong ko na ikinapisil pa nito sa ilong ko.
“Ang gwapo mo pala.”
“Fvck.”
Napahagikhik ito na niyakap akong ikinasinghap kong napakapit sa baywang nito.
MATAPOS naming nagmeryenda ay inilibot ko ito sa mini farm namin sa likod ng bahay. Bungalow ang bahay na yari sa magandang uri ng kahoy. May malawak ding terrace sa second floor na masarap pagtambayan lalo na at tanaw ang taal volcano.
Magkahawak kamay kami nito habang namamasyal ng vineyard. May dala pa itong maliit na basket na pinaglalagyan namin ng mga napipitas naming ubas.
“Ahh,” anito na ikinalingon ko ditong naibuka ang bibig na sinubuan ako ng ubas.
Nangingiti akong nginuya iyon na napakindat ditong pinamulaan ng pisngi na nag-iwas ng tingin. Para talaga kaming totoong magkasintahan kung titignan kami ngayon. Magkahawak kamay na naglilibot ng vineyard. Naghaharutan, kulitan, lambingan at subuan.
Sinunod naming dinalaw ang strawberry farm, katabi lang din ng vineyard. Napakagandang tignan ang mga strawberry na hitik ngayon sa bunga. Open kasi dito ang strawberry picking noong bukas pa ang resort. Maging ang ubas ay bukas sa mga magbabakasyon dito. Kaya naman inaalagaang mabuti ng mag-asawang Mario at Marissa ang mini farm namin.
“Hey, Rohan. Come closer. Let's take a picture here,” wika nito na kinalabit pa ako sa tagiliran.
Itinapat nito sa mukha namin ang camera ng cellphone nito na kita ang strawberry farm sa likuran namin. Napaakbay ako dito na naihilig ang ulo sa dibdib ko at matamis kaming ngumiti sa camera bago nito in-click ang shot.
“One more, baby. Ikaw ang humawak ng cellphone. Mas mahaba braso mo eh. Parang ang laki ng mukha ko sa picture,” saad nito na mahinang ikinatawa kong kinuha ang cellphone nito.
Yumakap naman ito sa akin na ikinangiti kong in-click ang shot.
“One more,” ungot pa nito na ikinailing kong yumapos sa baywang nito at mariing hinagkan ito sa noo sabay click sa camera. “Isa pa, baby. Last na ‘to,” muling hirit nito.
Pinagbigyan ko naman itong tumingkayad na hinagkan ako sa pisngi na ikinangiti kong napapikit na ni-click ang shot ng camera. Ngumuso ito na inabot kong mariing hinagkan sa kanyang mga labi at muling ni-click ang camera na ikinahagikhik nito.
“Thank you,” kinikilig nitong saad na nasasabik tinignan ang mga kuha namin.
“OMG! We look cute here, baby!” impit nitong tili na ipinakita sa akin ang kuha naming nakahalik ako sa kanyang noo.
“Ito rin. Oh my gosh! What if I'll share this on my IG story? What do you think, baby?” bulalas nito na tinutukoy ang larawan naming humalik ito sa pisngi ko habang nakapikit ako na may ngiti sa mga labi.
“Ikaw. Baka biglang sumulpot ang mga Kuya mo dito at damputin ako ha?” biro kong ikinangiwi nito.
“Oo nga pala. Hindi ko pa sila nasasabihan about us. Baka nga bigla silang sumulpot dito at masira pa ang date natin. Hmfpt! Bukas na nga lang,” saad nito na bakas ang panghihinayang sa boses.
Inakbayan ko ito na napangusong hinagkan ko sa noo.
“Tara, mamitas na tayo. Matamis ang strawberry namin dito at organic ang gamit na fertilizer. Hindi rin kami gumagamit ng pesticide kaya safe itong kainin ng fresh,” saad ko na inakay na itong mamitas ng mga strawberry.
“Rohan?”
Napalingon ako dito na tinawag ako. Napakamot pa ito sa ulo na tila nag-aalangan ituloy ang itatanong.
“Yes, baby?” untag ko ditong napakurap-kurap at pinamulaan ng mukha.
“Uhm, m-may. . .may dinala ka na ba ditong babae, bukod sa akin?” nahihiyang tanong nito na ikinapilig ko ng ulo.
“Babae?”
“Yup.”
Napangisi ako na ikinataas ng kilay nitong tila nagbabanta ang tinging ginagawad sa akin.
“Meron na, baby. Nagustuhan nga rin niya dito eh.” Sagot ko na ikinalukot ng mukha nito.
“Meron na?” diskumpyadong tanong nito na ikinatango-tango ko.
“Yeah. Si Ate Yumi at si Nanay Mikata. Ilang beses ko na silang dinala dito at gustong-gusto nila ang lugar.” Paglilinaw ko na ikinaaliwalas ng magandang mukha nito at napangiti.
“Oh, si Ate Yumi at soon to be Nanay ko pala.”
“Bakit, sino pa ba sa tingin mo?” tudyo ko ditong napalapat ng labi na nag-iwas ng tingin.
“Wala. That's why I'm asking,” mahinang sagot nito na napanguso.
Nangingiti naman akong nilapitan na ito na inakbayan.
“Ikaw ang una ko. Kung ang tinutukoy mo ay kung may ibang babae na ba akong naka-date.” Saad ko habang marahan kaming naglalakad.
“Hindi ko naman tinatanong,” nakangusong saad nito.
“Talaga? Pero masaya ka namang ikaw ang unang babae sa buhay ko?”
Hindi ito sumagot pero kita sa mga mata nito at sa pagsilay ng matamis na ngiti sa mga labi nito na masaya ito sa nalaman.
HALOS dalawang oras kaming naglibot-libot sa farm bago bumalik ng bahay.
“Nagugutom ka na ba?” tanong ko na dinala sa sink ang mga pinitas naming ubas at strawberry na hinugasan.
Naupo naman ito sa countertop ng lababo na nangingiting pinapanood ako.
“Are you going to cook for me?” tanong nito na napakalambing ng pagkakasabi.
“Oo naman. Pero kung gusto mo, may restaurant naman malapit dito. Pwede tayong kumain do’n,” sagot ko na ikinailing nito.
“Ayoko. Dito na lang tayo. Tulungan kitang magluto.”
Napalingon ako ditong napataas ng kilay na nagtatanong ang mga mata.
“Sigurado ka? You're going to help me?” tudyo ko na napangisi ditong napabusangot.
“Oo na. Hindi ako marunong magluto. But I'm willing to learn naman eh. Kaya turuan mo ako para sa susunod? Ako na ang nagluluto para sa atin,” sagot nito na ikinangiti kong inalalayan itong makababa.
“Sure, baby.”
Nagsaing na muna ako ng kanin sa rice cooker. Matamang lang naman ako nitong pinapanood na kinakabisa ang mga ginagawa ko. Matapos kong makapagsaing ay kumuha ako sa fridge ng buong dressed chicken at patatas. Kumuha rin ako ng pineapple tidbits na nasa cabinet at ilan pang sangkap sa adobo.
“Come closer, baby. Turuan kita kung paano magbalat ng patatas,” saad ko.
Kaagad naman itong lumapit na inabot ang pambalat ng gulay. Itinuro ko dito kung paano iyon gamitin na sinusundan naman nito. Hindi man pulido ang pagbabalat nito sa patatas pero pwede na sa katulad niyang first timer.
Matapos naming magbalat ng patatas at maihanda ang iba pang sangkap ay nagsimula ko ng pinainit ang kawali sa kalan. Nakatayo naman ito sa tabi ko na pinapanood akong maigi.
“Kapag mainit na ang kawali, pwede ka ng maglagay ng mantika, baby. Pero konti lang ha?” saad ko na ikinatango nito.
Naglagay ako ng katamtamang mantika sa kawali. “Paabot ng bawang, baby.”
Kaagad naman nitong inabot ang bawang na ipinalagay ko sa kawali. Napapatili pa ito na tumitilamsik ang mantika no'n.
“Uhmm. . . smells good,” bulalas nito na masamyo ang aroma ng bawang.
“Kapag ganyang golden brown na ang kulay ng bawang, pwede mo ng ilagay ‘yong sibuyas, baby.”
“Sibuyas?”
“Aha. Onions.” Saad ko na nginuso ang sibuyas na hiniwa namin kanina.
“Oh,” singhap nito na kinuha iyon at nilagay sa kawali.
Nangingiti naman akong pinapanood itong hinahalo-halo iyon.
“What next?”
“The chicken,” sagot ko.
Inabot nito ang manok na maingat inilagay sa kawali. Napapatili pa ito na nagugulat sa pagtilamsik ng mantika na ikinatatawa ko sa tabi nito.
“Stop laughing. Kainis 'to. Look oh? Mahapdi,” ingos nito na tinuro pa ang balat nitong namula dahil natalsikan ng mantika.
“Hindi talaga maiwasan ‘yan kapag nagluluto ka, baby.” Sagot ko na dinala sa sink ng lababo ang kamay nito at hinugasan ang parteng natalsikan ng mantika.
Sa puti niyang babae ay namula kaagad ang parteng iyon.
“Ang hirap pala talagang magluto. Ngayon ko lang naisip ‘yon,” nakangusong saad nito na ikinangiti kong niyakap ito sa baywang.
“Pero lahat ng bagay natututunan, baby. Isa pa, lahat naman ng first time, mahirap talaga. Pero d'yan ka matututo. Sipag at tyaga lang ang kailangan mo para mapagtagumpayan ang isang bagay,” saad ko na ipinatong ang mukha sa balikat nito habang nasa harapan kami ng kalan at hinihintay maluto ang manok.
Nang mag-golden brown na ang manok ay ito na ang naglagay sa patatas. Tinuruan ko rin kung paano magtimpla ng ingredients. Hindi naman ito mahirap turuan na nakikinig sa akin at sinusubukan pa. Hanggang sa mailagay na namin lahat ng sangkap at hinintay na lamang na maluto ito.
Napapaungol pa ito na sinasamyo ang usok na nagmumula sa kawali.
“Nakakagutom ang amoy,” bulalas nito na ikinangiti kong hinapit ito sa baywang.
“Nagugutom ka na ba?”
“Uhm.”
Tumango pa ito na ngumuso. Pasado alasdose na rin kasi ng tanghali. Maski ako ay gutom na rin.
“Malapit na ‘yan, come here.” Pabulong saad ko na napapisil sa baba nito.
Nagulat pa ako na tumingkayad itong yumapos sa batok ko at inabot ang mga labi kong ikinapisil ko sa baywang nito. Parang lulukso ang puso ko palabas ng ribcage nito na tumatama na sa mukha ko ang mainit at mabango nitong hininga!
“I'm starving now. Itong labi mo na muna ang papapakin ko,” pilyang bulong nito na muling inabot ang mga labi ko!