NANGINGITI akong sinusubuan ito habang magkatabi kaming nagtatanghalian. I've never imagined na mangyayari ito sa amin ni Naya. Na maging malapit sa isa't-isa. Bukod kasi sa nahihiya akong lapitan siya ay suplada ito. Idagdag pa ang mga barako niyang kapatid na nakapalibot sa kanya. “Anyway, baby.” “Hmm?” Sinalubong ko ang mga mata nitong nakatitig sa akin. Napalunok ako na bumilis ang kabog ng dibdib ko na sumilay ang pilyang ngiti sa mga labi nito. “Mago-overnight naman tayo dito, ‘di ba?” Napainom ako ng juice ko sa naitanong nito. Nangingiti naman itong matamang nakatitig sa akin na tila binabasa nito ang tumatakbo sa isipan ko. “Pero kasi. . . may trabaho na ako bukas sa site eh,” sagot ko. “So what? You're their boss, Rohan. C'mon, gusto kong magpalipas ng gabi dito.” Un

