ROHAN: MAAGA din kaming umalis ni Naya ng rest house. Ilang oras pa kasi ang bibyahein namin. At kung tatanghaliin kami ng balik sa syudad, maiipit kami sa traffic. Hindi ko maitago ang kilig at saya na nadarama ko. Nakayakap ito sa akin dahil sa ducati ko ulit kami sumakay. “Baby?” Nilingon ko ito saglit bago muling bumaling sa harapan. Ipinatong naman nito ang mukha sa balikat ko na mas niyakap pa ako. “Do you think they'll believe us?” nag-aalalang tanong nito. Napahinga ako ng malalim na nahimigan ang pinupunto nito. “I'm hoping, baby. Pero. . . nakahanda naman akong patunayan sa pamilya mo lalo na sa mga kapatid mo na malinis ang intention ko sa'yo,” sagot ko na pilit pinasigla ang tono. Napangiti naman ito na nakamata sa aking sinisilip ang mukha ko. Kapwa kasi kami may

