ISLA RAE ALONZO "SAAN ho ba tayo pupunta?" Nakasimangot na tanong ko. Hindi kasi ito ang daan patungo sa bahay namin. Iba ang tinatahak niyang daan. Tumingin ako kay Ninong Oliver, nang hindi man lang siya kumibo. Napa-irap nalang ako sa hangin nang makitang nakatutok ang mga mata niya sa tinatahak naming daan. Binaling ko ang tingin sa labas ng bintana. Marami kaming mga nakakasabayan na sasakyan. Binaba ko ang bintana, agad akong napapikit nang makalanghap ng sariwang hangin. Kung kanina mabigat ang aking pakiramdam dahil sa nangyari, ngayon naman ay naibsan at nawala na ang mga bagay na pumupuno sa isip ko sa sobrang sariwa ng hangin na malalanghap ko. "Isla," "Hmm?" I answered without looking at Ninong Oliver. "Do you really like that guy?" Mas lalo akong natahimik. Because, ho

