06

1640 Words
THIRD PERSON POV MAHIGPIT na hinawakan ni Oliver ang manibela. Mas lalo siyang nainis sa nasaksihan. ‘How could she kiss someone in front of him?’ Sa sobrang inis ni Oliver, pinaharurot niya ang sasakyan palayo sa paaralan ng dalaga. Galit siya sa hindi sa hindi maintindihan na dahilan. Dumeretso si Oliver sa condo niya. Oliver's condo is huge and has a walk in cellar, kaya kung gusto niyang uminon hindi niya na kailangan pang lumabas. Agad na tinungga niya ang alak mula sa bote. Hindi na siya gumamit ng baso. Oliver doesn't know what he was doing. Wala siyang gusto sa dalaga ngunit bakit parang nagseselos siya? And he should not like her dahil anak iyon ng kaibigan niya. He can have whoever he wants but not her. Baka mapatay siya ng kaibigan lalo na at malaki ang agwat nilang dalawa. “f**k it!” Ibinalibag ni Oliver ang bote ng alak sa pader. Nagkagutay-gutay iyon. It scattered all over the floor. Lalong nainis si Oliver nang may marinig siyang katok mula sa pintuan. Napahilamos siya sa kanyang mukha bago siya tumayo at tinungo ang pinto. “What the hell, bro? You're f*****g wasted,” agad na bungad ni Orion sa kanya. Nagtataka si Orion sa nakita. His friend is pretty wasted. Sabog ang buhok nito at basa ng wine ang damit. Binuksan ni Oliver nang maluwang ang pintuan. “What are you doing here?” Pasalampak na naupo si Oliver sa sofa habang si Orion naman ay inilibot ang sarili sa loob ng condo ng kaibigan. “What the hell happened?” kunot noo na tanong ni Orion nang makita ang basag na bote. Bumalik siya sa kaibigan, sinuri niya ito at nakita niyang nakapikit ito. Pinagmasdan niya ang kaibigan. Sa tinagal-tagal nilang magkaibigan ay ngayon niya lang ito nakitang ganito. Para itong wala sa sarili, para itong baliw sa kalagayan nito. “Are you still alive, Oli? Bakit ang aga-aga at nag-iinom ka na agad?” “Just leave,” mariing sani nito. Napasandal si Orion sa kinauupuan. “C'mon, I came here to inform you about the bachelor party tonight. Pupunta ka ba?” Nagmulat si Oliver ng mga mata. “No. May babantayan ako.” Natawa nang mahina si Orion. “Babysitter ka na pala ngayon?” Oliver glared at Orion. Hindi nakakatuwa ang biro nito, pero parang ganun na nga ang gagawin niya. Kailangan niyang bantayan si Isla, dahil baka kung saan ito dalhin ng lalaking nakita niya. “Bro, seriously?” “Just leave.” Tumayo si Oliver at hinila ang kaibigan patayo. Ipinagtulakan niya ito palabas. Narinig niya pa ang katok nito mula sa labas ng pinto ngunit hindi niya na ito pinansin. Nilinis niya ang nabasag na bote. Pumasok siya sa banyo at mabilis na naligo. ●●●●● ISLA RAE ALONZO “ANO ‘TO?” tanong ko sa sarili nang matitigan ang binigay ni Ma'am Kanata na papel. Hindi iyon basta papel lang. Para iyong bio-data or something. Binalingan ko si Ana. “Huy, ganito rin ba sa'yo?” Pinakita ko ang papel. Tumango naman si Ana sa akin. “Oo, bakit?” “Para saan ‘to? Kasama ba ‘to sa mga lessons natin?” “Ewan?” Hindi sigurado na sagot ni Ana. I rolled my eyes. Nasayang lang ang laway ko sa pagtatanong. “Ma'am,” I raised my hand. Nag-angat ng tingin si Ma'am Kanata. “Yes, Miss Alonzo?” “Itatanong ko lang po, bakit po kailangan namin na sagutan ‘to? I mean, hindi naman po kami mag-a-apply ng trabaho, sa pagkakaalam ko, at wala rin po tayong subject na ganito.” Natawa si Ma'am Kanata. “That's from another classroom, Miss Alonzo. They need some information from us for their research.” Napataas ang kilay ko. ‘For the research? E hindi naman ‘to questionnaire, para itong bio-data/Resume na kailangan ilagay ang lahat ng info.’ Ang nakakapagtaka pa e pati favorites and hobbies ay kailangan ilagay doon. Napailing na lang ako. Hindi na ako nag-abalang magtanong pa. Siguro trip lang ito ng teacher namin. Matapos ang klase, sabay na rin kami na lumabas ni Ana. Sabay kaming naglalakad, alas cinco na ng hapon at uwian na naman. “May tanong ako, kayo na ba ni Kuya?” Agad akong napabaling sa kanya. “Hindi, noh!” “Sus, deny pa e. Nakita kita kaninang umaga, hinalikan mo siya sa pisngi, at nakita ko rin kung paano kiligin ang kuya ko.” Kinikilig na sabi nito. “Baliw! Wala lang ‘yun. Hindi ako ‘yung humalik sa kuya mo kanina,” feeling ko namula na naman ang pisngi ko. Shucks, napapadalas na ang pamumula nito lalo na kapag kuya niya ang pinag-uusapan namin. “Ano ‘yun, multo? Kung hindi ikaw ang humalik, sino?” “Aba, malay ko!” Pagdedeny ko. Nauna na ako sa paglalakad, hanggang sa marating namin ang gate ng school. “Susunduin ka ba ni Matt?” “Not sure. Sabi kasi niya may importante siyang pupuntahan e.” Biglang nanghinayang ang puso ko sa narinig. Ibig sabihin hindi ko siya makikita ngayon. Sayang. “Oh, nag-text siya, dadaanan niya raw tayo ngayon, malapit lang daw siya.” Biglang umaliwalas ang mukha ko sa narinig. Napakagat-labi ako nang maramdaman na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. “Aminin mo na kasi, bes, na may gusto ka sa kuya ko.” Inirapan ko siya. “Oo na! Matagal na, kaso hindi naman kami bagay.” “Pinagsasabi mo?” Sinimangutan ko siya. “Gwapo siya, pangit ako. Mayaman kayo, mahirap lang kami.” Bigla niya akong binatukan. Sinamaan ko siya ng tingin sa ginawa niya. “Gaga ka! Ano naman ngayon? Ang importante gusto mo si kuya at gusto ka niya.” Sumimangot ako. Alam kong hindi mapanghusga ang pamilya ni Ana, pero takot pa rin ako sa sasabihin ng iba. Isa pa, pinangako ko sa sarili ko na magtatapos muna ako ng pag-aaral bago ang mga bagay bagay na ‘yan. “Tara na?” Napa-angat ang tingin ko. Napangiti agad ako nang makita si Matt sa harapan ko. “An–” nabitin sa ere ang pagtawag ko sa kaibigan nang makitang wala na ito sa tabi ko. “Nasan na ‘yun?” Tumawa si Matt sa akin. “You're so cute, alam mo ba ‘yun?” Nakagat ko ang pang-ilalim kong pisngi. Namumula na naman ang pisngi ko. “Si Ana, nasan na?” Pag-iiba ko sa usapan. “Gaga, nandito na ako!” Napatingin ako sa likuran ni Matt nang marinig ang boses ni Ana. Napairap na lang ako. ‘Gaga talaga! Hindi man lang ako hinintay!’ “Tara na,” aya ko kay Matt. Nauna na ako kay Matt. Hindi pa man ako nakakasakay nang may biglang magbusina sa harapan namin. Napatingin kami pareho sa kotseng nasa harapan namin. “Kilala mo?” Umiling siya. Hinintay ko ang pagbaba ng tao sa loob ng kotse, nalaglag bigla ang panga ko nang makita si Ninong Oliver. Parang tumigil ang mundo ko habang nakatingin sa kanya. Nakasuot siya ng simpleng white shirt at black jeans. Sobrang gwapo at linis niyang tingnan sa suot niya. Naka-top-knot din ang buhok niya, na mas lalong bumagay sa kanya. Naitikom ko ang bibig nang makalapit siya sa amin. “Anong po'ng ginagawa niyo dito?” Imbis na sagutin, hinawakan niya ako sa pulsuhan ko. Napanga-nga ako nang hilain niya ako bigla palapit sa kotse sabay deposit sa akin sa shotgun seat. “Huy, teka lang!” Lalabas na sana ako ngunit napatanga ako nang i-locked niya ang pintuan. Naiinis na binalingan ko si Ninong Oliver nang makapasok siya sa driver seat. “Ano ba! Pababain mo nga ako!” Nanlisik ang mga mata ko nang hindi siya makinig sa akin. Pinaandar niya ang kotse na siyang kinalaki ng mga mata ko. “Ninong, nababaliw ka na ba?!” Galit kong tanong. Iwan ko kung ano ang nangyayari sa kanya! Bigla-bigla na lang siyang susulpot dito at isasakay ako sa pesteng kotse niya. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay. Nagmamadaling binuksan ko ang pinto ng kotse ngunit hindi ko iyon mabuksan. Galit ang mga mata na binalingan ko uli siya. Handa na akong pagsalitaan siya ng kung ano-ano pero napaawang ang labi ko nang makita ang hawak nito. “For you, I'm sorry,” Napakurap-kurap ako sa lambing ng boses nito. Ang kaninang walang emosyon na mga mata ngayon ay napalitan na nang pagsusumamo. “I didn't mean to…. Uhm…” napakamot ito sa ulo. “I'm sorry,” sabi ulit nito. Tinanggap ko ang purple lily na binigay niya sa akin. Napatitig ako sa mga bulaklak. “Peace offering ba ‘to?” kunwari'y inis pa din ako. Sa totoo lang kasi parang lalabas na ang puso ko sa ribcage nito. He chuckled sexily. “I think?” Napawi konti ang inis ko. Purple flower is one of my favorite. And purple color ang pinaka paborito ko sa lahat. Even my bag, shirts, damit pambahay, halos purple ang lahat ng ‘yon. “Thanks. Pwede mo na ba akong palabasin?” Tumawa siya nang mahina. Bumaba siya sa kotse at umikot saka ako pinagbuksan. “Nay, Tay,” agad akong lumapit at nagmano pagkapasok ko sa bahay. Nakasunod sa akin si Ninong Oliver. “O, Oli, nandito ka pala, sabay kayo ng anak ko?” "Napatingin ako kay Ninong Oliver. Ngumiti siya sa akin, kaya't nag-iwas ako ng tingin nang biglang bumilis ang t***k ng puso ko. "Nay, Tay, pasok na po muna ako sa kwarto ko," sabi ko at hindi na hinintay ang sagot nila. Hindi ko na rin tinapunan pa ng tingin si Ninong Oliver, at dumiretso na ako sa kwarto ko. ********** Xoxo ☺️❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD