chapter 16

1099 Words
Hindi sya sumama sa medical mission,pumasok sya sa opisina ng Daddy nya para tulungan ito duon.Alas nuebe na sya ng umaga nakapasok dahil nakipagkwentuhan pa kasi sa Mommy nya.Nang makapasok andoon na sa loob ng opisina si Emman nagkukwentuhan na sila ng Daddy nya.Humalik sya sa pisngi ng Daddy nya at simpleng binati ang lalaki sa harapan nya.Naupo na sya sa mesa sa gilid.Mayamaya pa kumatok ang secretary ng Daddy nya. “Oh bakit Beth may kailangan ka” ang tanong ng Daddy nya ng pagkabukas ni Beth sa pinto. “Ah Sir wala po sa inu, kay Maam Abe po meron, may delivery po para sa inu papasukin ko ba ?”nakatingin sa kanya ang secretary “Ah oo sige” Pinapasok ni Beth ang delivery boy sa magkaibang flower shop.Puro mga red roses in bouquet iyon.Ang gaganda at mukhang fresh na fresh pa. Pinirmahan nya at nagpasalamat dito. Binasa nya ang note kung kanino galing “To the most beautiful women I ever meet,Happy birthday darling Love Allan “ kay allan galing ang maga bulaklak ,hindi maitago ang kilig at ngiti sa kanyang mga labi.Inilagay nya s aflower base ang mga bulaklak.Tumunog ang kanyang cellphone si allan ang tumatawag nagyayang kumain sa labas.Hindi na din sya tumanggi.Nagpaalam sya sa kanyang Daddy .Pumayag naman ito basta nag dinner ay silang magpamilya ang magkakasama sa birthday nya.Hindi manlang sya binati ni Emman na iinis tuloy sya.Nakaupo lang ito na parang walang pakialam sa kanya.Nang makababa nakaabang na si Allan ,kumain nga sila sa restaurant at nagkwentuhan pa ,alas 3 na ng hapon ng maibalik sya sa kompanya.Hindi na sya pumasok pa sa itaas na opisina pumunta nalang sya sa parking lot at sasakay na sana sa kanyang sasakyan .Pero isinara iyon ni .May pupuntahan tayo.Tinanong nya kung saan pero hindi sumagot ang lalaki.Ang sasakyan ni Emman ang ginamit nila pumunta sila sa napakalumang bahay.May nakatira palang tao dun or let we say taong ahas doon,hindi mo kasi iniexpect na may nakatira duon dahil parang hunted house tingnan ng bahay .At parang anytime bibigay na ito dahil sa kalumaan ng mga mwebles na nanduon .Kumatok si Emman.Agad namng may bumukas ng pinto. “Maam Loisa kayo ba yan naku naman”umiyak ito at niyakap sya. Nasa katandaan na ang babae ,puting puti na ang mga buhok nito at payat na din.Ayon kay Emman,Ito daw ang nagalaga at tagapangalaga ng Mama nya mula ng pagkabata hanggang sa nagkaasawa ito.Pinaliwanag ni Emman sa kanya na anak na sya ni Loisa na sinasabi nito.Ang pangalan ng matanda ay Maling.Humingi naman kaagad sa kanya ng paumanhin ang matanda .Tinanong nila kung anu ang apilyedo ng mga magulang nya ,at ayon sa kanya Recente .Kaya ang tunay nya palang pangalan ay Sol Recente.Ipinakita pa sa kanya ng matanda ang mga guhit nya magaling pala itong pintor.May iginuhit syang mga larawan ng dalawang ahas puro mga puti,mahahaba at malalaki,mga magulang nya daw iyon.May iginuhit din syang larawan ng kanyang mga magulang , magkamukha nga sila ng kanyang Mama Loisa, may matatangos at maamo ding mukha ang kanyang ama.Napaiyak sya ng makita ito.Hiningi nya sa matanda ang dalawang painting na iyon.Ibinigay naman sa kanya. Nakipagkwentuhan pa sya kay Aling Maling,ipinakwento nya kung anong ugali ang mga magulang nya at kung anu anu pa.Hinayaan lang silang dalawa ni Emman.May iyakan at tawanan pa silang dalawa.Alas 5:00na ng hapon ng magpaalam sya sa matanda binitbit na ni Emman ang dalawang paintings na hiningi nya dito .Nang sa loob sila ng sasakyan,nagpasalamat sya sa lalaki dahil sa pagdala sa kanya kay Aling Maling.subrang natutuwa talaga sya kasi kahit papano nalaman nya ang buong pahkatao nya at ang mga magulang nya.At may nakikita na syang mukha nila.Lubos talaga ang pasasalamat nya dito. Isang tipid lang na ok ang sagot nya dito.Alam nya na kahit hindi nagsasalita ang lalaki,may malasakit parin itonsa kanya ,at napakalaking regalo ang ginawa nyang ito sa kanya ngayon. “Ito nga pala ang regalo ko sayo, diba birthday mo ngayon” ibinigay sa babae ang maliit na box,maliit iyon halos kalahati lang ng box ng pospuro.Itinigil nya muna ang sasakyan sa gilid ng kalsada “Niloloko mo naman yata ako,anu namang laman nito?” “Buksan mo kasi ng malaman mo “ pagalit pa na sabi sa kanya ng lalaki Binuksan na ni Abegail ang box.Kuwentas pala ang laman noon na may flower na pendant. “Bakit ganito kasi ang box diba dapat sa pahaba na box pag kwentas,” napasmile pa sya “Pareho lang naman yun ah,kasya din naman, Nag pathankyou nalang din sya.Bubuhayin na sana ng lalaki ang makina ng may sunod sunod na bumato sa kanilang sasakyan.Agad syang hinawakan ng lalaki payuko at hinawakan ang ulo nya baka matamaan ng bato.Nang huminto na agad lumabas si Emman para tingnan kung sino ang nambabato,nang makita agad nya itong hinabol.Tinawagan nya si Allan dahil malapit lang ang presinto nya dito.Mabilis namnag nakarating ang pulis.Nacorner nila ni Emman ang nambabato.Mga tambay lang pala sa daan.Pero ng tanungin ni Emman ang isa , hinawakan pa ang leeg nya,nagsabi din ito ng tutuo,maynagutos lang daw na gwapong lalaki sa kanila binigyan sila ng 500 piso para gawin ang pambabato.Pinuntahan sya ni Allan at niyakap ito.Tinanong kung ok lang ba sya .Agad naman syang nagpaok dito.Napakunot tuloy ang nuo ni Emman ng makita silang dalawa.Dinala na ni Allan sa prisento ang mga binatilyo.Hindi naman na nakulong dahil mga minorde edad pa ito. Nang sa loob na sila ng sasakyan ni Emman .Tinanong sya ng lalaki kung bakit nagtawag pa ito ng pulis e andon naman sya,wala ba talagang tiwala sa kanya si Abegail.Pinaliwanag sa kanya ni Abegail na baka daw kasi mga taong ahas yon. At baka masaktan at malunok na naman ni Emman .At ayaw mangyari yon ni Abe kaya tinawagan nya si Allan.Mukhang hindi ata nakumbinsi ang lalaki at hindi parin makausap ng maayos.Hinatid sya nito sa bahay nila.Naghanda ng kaunting salosalo ang pamilya ni Abe sa ika 25th nyang kaarawan .Pati si Emman ay inimbita din ng Daddy nya.Nagblow sya ng cake at nakipaginuman na sa kanila.Nagulat pa sya ng dumating din si Allan at Anabell ang Mommy nya ang nagimbeta sa kanya.Buong gabi ayaw nang humiwalay sa kanya ni Allan,palagi itong nakadikit sa kanya.Nakipaginuman pa sila hanggang lumalim na ang gabi.Hindi nya na nga kayang tumayo dahil sa kalasingan ,akmang kakargahin na sana sya ni Allan pero tinulak sya ni Emman, Sya ang kumarga dito papasok sa kwarto nya.Sumam ang tingin ni Allan kay Emman,kukumprontahin nya pa sana ito,pero hinila na sya ni Anabell para hindi na magkagulo.Niyaya pa sya nitong uminom pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD