chapter15

1764 Words
Nakipagkita si Abegail kay Bryan para kamustahin sila ng kanyang Ina. Pumunta sya sa bahay. Naabutan nyang nagluluto ang maginang jacob at Aling Alicia.Nakipagkwentuhan sya sa kanila.Hinanap nya si Bryan nasa likod daw ito.Pinuntahan nya sa likod.Hindi si Bryan ang nadatnan nya doon.Isang malaking tao,sunog ang balat at may mahahabang balbas.Tinanong nya kung saan si Bryan itinuro nya ito sa loob ng kulungan.Sinabayan pa sya ng lalaki sa pagpasok. “Itim ka rin ba?ang tanong nito mula sa likuran “Ha”ang naitanong nya lang dahil hindi nya ito magets kung tinatanong nito ay ang kulay nya. Makikita naman na puti sya. “Oh Hi Abegail napadalaw ka , na meet mo na pala ang pinsan ko sya si Saad dito muna sya para tulungan akong asikasuhin ang napakaimportanting bagay. Saad sya nga pala si Abegail”Ang papalapit na si Bryan na may hawak pa na ahas. “Hi Saad nice to meet you”itinaas nya ang kamay nya. “Nice to meet you din Abegail, cge maiwan ko na kayo”Tumalikod na sya at lumabas ng kulungan. Hinarap nya si Bryan at nangamusta. “Ok lang naman ,siguro hahanap nalang ako ng tamang pagkakataon,at tamang tyempo para humingi kami ng tawad ni Mama kay kuya Emman.Salamat nga pala at nakita at nalaman naming buhay pa ang kuya ko.Paanu mo nga pala nakilala ang kuya ko”. “Ah si Emman sya kasi ang may hawak ng mga construction matter ni Daddy sya ang kanyang Engineer mula panng magsisimula si Daddy sa mga negosyo na” “Ah.....maiba nga pala ako Abegail praprangkahin na kita ha...Liligawan kita .Ok lang ba?”tumingin sa kanya ang lalaki “Naku Bryan, mukhang mahihirapan ka sa dami kasi ng iniisip at inasisikaso mukhang wala pa sa plano ko ang pagboboyfriend”Ang prangknag sagot nadin sa lalaki “Ok lang maghihintay parin ako kahit matagal pa yon.At sa mga aasikasuhin mo wag kang magalala kasi tutulungan kita”. “Salamat naman at naiintindihan mo ako” Inilagay ni Bryan ang hawak na ahas sa sanga ng puno .At niyaya si Abegail na pumasok na sa loob para makapagmeryenda.Sakto namang pagpasok nila nakahanda na ang kanilang pagkain.Naaliw pa sya sa pagkikwentuhan sa kanila. Dumaan muna sa Mall si Abe bago umuwi,bumili sya dress,at isang pares ng 2 inch na shoes,nagorder din sya ng fried chicken dahil naamoy ng papalabas na sya.Naupo muna sya habang hinihintay ang order.May lumapit na babae at lalaki sa kanya.Hindi pa nga nagsasalita maiyak iyak na ang babae.Nagpakilala ang dalawa na si joel at shane.Sinabi nito na taong ahas din sila pero gusto nilang maging normala na tao ang babae ikakasal daw sya .Paano daw yon pagmagasawa na sya dahil sa gabi nagiging ahas sya baka katakutan daw sya ng tao nyang asawa. Ang isa namay gustong magtrabaho sa araw at gabi dahil nangangarap makapundar ng bahay at sasakyan.Naiyak na sila ng tuloyan habang nagkukwento kay Abegail nakiusap din sila na kung pwed daw gawin ang ritwal para maging normal na sila.Madami pa daw sila na nagaasam noon. Dumating na ang takeout na friedchicken nya.Naawa ng husto si Abegail sa kanila kaya sumama ito.Hihintayin pa sana nya si Emman dahil nagtx ito kanina kung saan sya sinabi nitong nasa mall sya.Pero naisip nya na hadlang pala ang lalaki sa ritwal na gagawin baka magkaproblema pa kaya sumama nalang sya sa dalawa. Kung buhay nya ang kapalit para maging ok na ang lahat handa syang magsakripisyo para sa nakakarami.Alam nyang maiintindihan din sya ni Emman, ni Mang Timyong at ng mga taga farm sa gagawin nya.Nagulat pa sya ng makasakay sa sasakyan may 3 lalaki ang nandon. Hindi nya lang iyun pinansin pa .Nang makababa sila mahigpit na ang hawak sabkanya ng isa.Pinaupo sya sa upuan at tinalian at nagsimula na silang patawatawa. “Hay naku akala ko talaga mahihirapan kami bago ka makuha,pero nagkamali ako, isa ka rin palang malaking tanga” sinabayan pa ng malulutong na halaklak ang nagpakilalang c joel.Pati nadin ang mga kasamahan nito. “Simulan na natin ang ritwal at patayin nyo na ako para matapus na” “Anong ritwal, hindi namin gagawin yon gusto lang namin makita magpalit ka ng anyo,kasi kinakatakutan ka nila,titingnan lang namin kung gaano ka kabangis”tumawa pa ito ng sunod sunod. “Ang mukhang to ang kinakatakutan nila e.....mukhang hindi nga makabasag pinggan e...(sinampal sya sa magkabilang pisngi). Subrang sakit ang naramdaman ni Abegail halos matanggal na ang mukha nya sa lakas ng sampal na iyon.Sinampal sya ng Babae at sinabunutan at dinagdagan pa ng isa ni joel na syang dahilan para dumugo ang baba nya .Naiiyak na sya sa sakit “Anu ba patayin nyo na ako” “Mamaya na nageenjoy pa nga kami e”ang sabi ni shane Nagulat ang lahat ng may bumanga sa pintuan ng lumang gusali.Nawasak iyon at pumasok ang isang sasakyan .Lumabas ang may sakay niyon,si Emman at si Andrew na may hawak pa na bat.Naalarma ang lima nagpalit agad sila ng anyong ahas at sinugod ang dalawa. Puro sila maiitim. Nagsipagtalsikan ang mga ito kapag natatamaan ng bat . Ang isa napuruhan ata ng makatayo tumakbo na .Nang makalapit sa kanya si Andrew nagpatulong syang kalagan ang tali sa kamay nya .Sya na ang nagtanggal ng sa paa nya. May tumalsik na namng isa mukhang napuruhan na naman , sumunod pa ang isa, napaurong na sila.Mabilis silang gumapang palabas,mukhang natakot ata sa dalaw.Hahabulin pa sana sila ni Emman pero niyakap sya ni Abegail para pigilan ito. “Tama na Emman wag mo na sila sundan ayukong may mamatay na naman dahil sa akin ....tama na....” pakiusap nya sa lalaki habang umiiyak.Hindi na nakagalaw pa ang lalaki kaya hinarap nya nalang si Abegail at hinawakan ang mukha nito.May dugo pa ito sa labi, may pasa din sya ,at pulang pula ang mga pisngi nya. “Ang tanga mo naman Abegail bakit ka sumama sa kanila. “Gagawin daw kasi ang ritwal nagmakaawa sila sa akin , sorry..., hindi ko naman alam na nagpapanggap lang sila” “Abe hindi magagawa ang ritwal kung wala ako , dahil walang bisa yun pag hindi tagapangalaga mo ang gagawa ng ritwal.At ito pa nawawala ang libro kung saan nakasulat ang mga sasabihin sa ritwal,at walang nakakaalam kung sino ang kumuha non, kaya imposibleng magagawa ang ritwal.Tingnan mo nga yang mukha mo kung hindi pa kami dumating ni Andrew baka basag na yan” “Sorry hindi ko alam , hindi ka naman kasi nagsabi”Umiyak pa sya ng tudo “E kasi hindi ka nagtanong,dahil ang yabang mo akala mo alam mo na ang lahat, at ito pa Abegail iwasan mo na si Bryan at ang ina nya,hindi mo sila pweding pagkatiwalaan,alam ko nalason na ni Tita Alicia ang utak ni Bryan kaya kahit wala syang kasalanan sa akin,iniiwasan ko parin,kaya ikaw gawin mo din yun. At wag na wag kang magtitiwala kahit kanino.” Hindi na sya sumagot pa sa lalaki dahil tanggap nya namang may kasalanan sya.Hinatid sya ng dalawa sa bahay nya.Agad syang dumiretsu sa kwarto para hindi na makita pa ng kanyang mga magulang ang mukha nya.Ginamot nya nalang ang mukha nya at natulog na .Kinabukasan pumunta sya sa farm para kamustahin sila Mang timyong.Napuna nito ang kaunting pasa sa mukha nya.Tinakpan nya na ng makeup yun pero mukhang kita parin.Andun din pala si Emman .Nakipagkwantuhan pa ito kay Mang Timyong ,sya naman naglibot libot muna sa farm. “Timyong mukhang nagkamali ata ako ng akala na kaunti na ang bilang ng sa kabilang pangkat.Dahil ang mga nagkidnap kagabi ka Abegail ay mga batang ahas halos mga kaedaran nya lang yon” “Hindi naman kasi maiiwasan yon lalo pat baka may nagproprotekta din sa kanila dahil malaya silang nakakapamuhay sa syudad.Kami ngang palaging may namamatay taon taon e marami pa rin sila pa kaya...manganganak at manganganak lang din yun.” “At ito pa timyong nasabi kahapon ni Abegail ng pauwi na kami sa sasakyan na hindi naman talaga sya papatayin ng nagkidnap sa kanya . Titingnan lang daw nila kung gaano daw sya kabangis at bakit kinatatakutan sya, sa palagay ko hawak nila ang aklat ng ritwal na nawawala.” “Emman kaya mas lalo mong ingatan si Abegail,Bantayan at protektahan mo syang mabuti.” “Oo makakaasa ka Timyong.” Nang makarating sa may malaking puno nahiga sya sa duyan na nakasabit duon.Nakakarelax dahil presko ang hangin at tahimik ang lugar.Ipipikit na nya sana ang kanyang mga mata ng may humawak sa mga kamay nya. “Bakit ka andito ,hindi ka dapat nagpupunta dito ,lumayas ka na.Nanganganib ang buhay naming mga itim dahil sayo.”ang sabi ng may hawak sa kanya “Panu naman pong manganganib ang buhay nyo,hindi ko naman kayo inaanu.” “Sa ngayon wala pa pero nakasulat sa aklat na kapag hindi napatay ang makapangyarihang ahas pagkasilang nya dadating ang panahong marami ang mamamatay at papatayin nyang itim at puting ahas,at mangyayari yon” “Cardo.. tama na anung ginagawa mo.... Anu ba, pinapasok ka namin dito sa farm dahil naawa kami sayo sa labas palaboy laboy ka tapus ganyan pa gagawin mo kay Abegail”sabi ni Mang Timyong sa kanya kasama pa si Emman sa tabi nya. “Tutuo yong sinasabi ko ,wala pang nakasulat sa propesiya na hindi nagkakatutuo Timyong..” “Hay naku gusto mo bang palayasin kita dito,halika na nga”hinila nito si Mang Cardo palayo sa kanila “Emman pano kung tutuo ang sinasabi ni Mang Cardo,Ako ang papatay sa inonna mga kalahi ko? “Anu ka ba Abegail wag kang maniniwala dun,pano naman yun mangyayari e ikaw at ang itinuring mong pamilya ang nagproprotekta sa mga kalahi mo,kaya wag mo na masyadong iniisip pa yon.” “E kasi.....”may sasabihin pa sana sya ng putilin ito ng lalaki “Halika na nga at iuuwi na kita” Umuwi na si Abegail at Emman, masyado pang maaga para oras ng uwian nya kaya nagpasya syang dumaan sa simbahan.Nagbiro pa sya kay Emman na baka masunog ang itim na ahas pagmakapasok sa simbahan.Pero inamin ng lalaki na hindi talaga sya pumapasok ng simbahan kailanman.Nang makapasok nagdiretsu si Abegail sa may bakanting upuan sa may harapan .Lumuhud syat nanalangin habang si Emman ay nakaupo lang sa may likurnan nya. “Dyos ko sana po wag magkakatutuo ang mga sinabi ni Mang Cardo, wag sana pong ako ang maging dahilan ng pagkamatay ng mga kalahi ko kayo na po ang bahala sa akin,salamat po”ang taimtim nyang ipinalangin sa Dyos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD