chapter14

640 Words
Tanaw mula su puno sa terrace ni Emman si Abe na nakaupo sa kama.Umiiyak ito, ramdam nya na masyado itong nasaktan sa mga nalaman.Gusto nya itong puntahan at yakapin at damayan sana pero baka ipagtabuyan lang sya nito. Kaya nagpasya nalang syang umuwi na.Kinabukasan maaga syang bumalik sa bahay ng mga De Jesus . Sakto namang palabas na ng gate ang sasakyan ni Anegail kaya sinundan nya nalang ito.Pumunta sya sa tabing dagat. Hinubad nya ang flat na sandals na suot nya at tinupi ang kanyang maong na pantalon. Naglakadlakad sya at nang may makitang malaking puno naupo sya sa lilim nito.Nakasunod lang si Emman sa kanya. “Lumabas ka na Ron Emman Gonez alam ko kanina mo pa ako sinusundan.Amoy na amoy ko ang lansa mo. Lumabas nga ito sa pinagtataguan nya. “Grabi ako lang ba ang malansa.Mas malansa ka.” Naupo ito sa tabi nya. “Anu nga pala ang tunay kong pangalan?” “Sol” “Apelyedo” “Wala kang apelyedo” “Anu ba magseryuso ka nga ,panung wala akong apilyedo? “Ang tutuo nyan hindi ko alam.Basta tinawag ka lang na Sol ng Mama mo nung ibinigay ka nya sa akin.Hindi nakikipaghalu ang mga puting ahas sa itim kaya unang bises at huli bises ko lang silang na meet.Si Mang Timyong nalang ang tanungin mo.” “Magkasing Edad lang kayo panu nyang malalaman” “Magkasing edad tingnan mo nga may uban na ang buhok nya at kulobot na ang mukha. “Hoy Emman kung tutuusin matanda ka narin ,lolo ka na din, kung hindi lang sa pagligtas nya ng mga kalahi natin .Hindi tatanda ng ganon yon.Magkasing edad lang kayo tanggapin mo na.” “Oo na matanda na kung matanda e gwapo naman” “Hay naku nagbuhat ng sariling bangko....Emman hindi mo na naman ako kailangang bantayan at protektahan pa.Ikaw na din ang nagsabi na malakas kaming mga puting ahas kaya kaya ko nang protektahan sarili ko.” “Ang yabang” “Hindi ako mayabang.” “Mayabang ka , oo nga malakas ka pero wala kang alam,24 years old ka palang ako 420 years old na kaya kailangan mo pa rin ako” “Bakit kailangan nyong magsinungaling lahat sa akin?Hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa inyo.” “Kailangan dahil wala ka nang magagawa. Parte ng pagproprotekta namin sayo ang pagsisinungaling.Kaya dapat samin ka magtiwala lalo na sa akin.” “Hay naku...nakakatawa lang takot na takot ako sa ahas e ahas din pala ako.Kinatatakutan ko ang sarili ko.” “Abe wala kanang magagawa yan ang katutuhanan” “Sol . Yan na ang itawag mo sa akin dahil patay na ang tunay na Abegail De Jesus.Ang saklap lang wala akong apelyido. “Tara puntahan natin si Timyong sa farm tanungin natin kung anung apelyedo mo.” “Ayoko ...sigurado ako hindi nya din ito alam. Samahan mo nalang ako pumuntang mall, sa palengke sa mga zoo at sa mga amusement park” “Anu ?bata ka ba” “Sige na ....baka kasi maging ahas na ako hindi ko na mapupuntahan pa ang mga yun kakatakutan na ako ng mga tao.”Tumayo na ito at ginila ang lalaki papunta ng sasakyan. “Sasakyan mo nalang gamitin natin.Ipakukuha ko nalang sasakyan ko kay Andrew,” Naglibot sila sa mga Mall, nang makadaan sila sa toy section binilhan sya ni Emman ng laruang ahas para mas lalong mainis sya.Naglibot din sila sa mga palengke,wala din namang binili. Pumunta sila sa isang park at naupo doon.Pinagmasdan nila ang mga batang naglalaro. “Maiba ako Emman bakit ka galit kay Bryan at kay Aling Alicia?”tanong nya sa lalaki. “Wag munang alamin ,ayaw ko namang pang pagusapan pa, kaya tumihimik na na dyan.” Tumahimik nalang din sya ,hindi na nangulit pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD