Nagpaalam si Abe sa Daddy nya kung pwede naba syang bumalik sa mga medical mission.Pinayagan naman sya nito.Kaya kinabukasan nga sumama na sya sa mga team nya. Nalibang nanaman sya sa panggagamot. Halos isang linggong ganon ang daily routin nya. Halos abala nadin ang kanyang Mommy at Kuya at soon to be sister in Law nya sa praparation sa kasal nito.
Ang Daddy nya naman ay naging busy sa kumpanya at farm.
Itinakdang araw ng kasal ng kuya nya.Nakasuot sya ng peach na damit. Sya ang ginawang bridesmaid ng bride dahil hindi nakarating ang bestfriend nito. Marami ang dumalo. Nagkakasiyahan na ang lahat. Abala na din ang bawat isang miyembro ng kanilang pamilya sa pagentertain ng mga bisita. Dumalo din ang kaibigan nitong si Anabell kaya ito ang ini entertain nya.Naging masaya ang bride at groom . Medyu lumalalim na ang gabi nagsipaguwian na din ang mga bisita. Pati si Anabell nagpaalam narin sa kanya. Inihatid nya ito sa may gate.Papasok na sana sya ng may matandang lalaki ang humawak sa kanya.
“Sakim ka ,wala kang puso hinayaan mo ang mga kalahi mung magdusa.Dapat kanang mamatay...mamatay kana” hinigpitan pa ng matanda ang pagkakahawak sa kanya.
Natakot sya sa matanda,kaya pilit nyang inalis ang mga kamay nya dito.
“Umalis kana Mang Cardo.tigilan mo na sya” kinuha ni Emman ang kamay nya sa matanda.
“Ikaw na tagapangalaga nya panu mo nasisikmurang mamatay ang mga kalahi natin para mailigtas lang ang babaeng yan.Dadating ang oras na mamamatay ka din.Mamamatay kayong dalawa tandan mo yan.”sa pasigaw na boses.
Isinara ni Emman ang gate at hinila sya papasok. Nakatayo lang kasi sya at nakikinig sa mga sinasabi ng matanda.
Nang makapasok sila hinarap nya ito .At tinanong kung sino ang matanda at anu ang ibig sabihin ng mga sinasabi nito. Wala syang nakuhang sagot mula dito.Sabi nya lang na wag nang pansinin ang mga sinasabi nito. Hinawakan sya nito sa kamay at dinala sa loob ng bahay. Sinalubong namn sya ng Mommy Amelia nya ng makita sya inupo sya nito sa sofa at nakipagkwentuhan sa kanya. Si Emman naman nakipagusap sa Daddy nya.Hindi na nya namalayan kung kelen umalis si Emman dahil pagkatapus nilang magusap ng Mommy nya pumasok na sya sa kanyang kwarto at nagpalit ng damit at nahiga sa kama.Pinipilit nyang iipikit ang mga mata para sana matulog pero laging bumabalik sa isip nya ang mga sinasabi ng matanda.Paulit ulit iyon. Naguguluhan na sya. Kinabukasan hindi sya sumama sa medical mission. Pumunta sya sa farm .Tatanungin nya si Mang timyong kung anu ang ibig sabihin ng mga sinabi ni Mang Cardo . Maaga palang binaybay na nya papunta doon.Inaasahan nyang may masasagot ni Mang Cardo ang mga tanong nya pero wala syang nakuhang sagot dito. Kung anu anu lang , alam nyang nagsisinungaling lang ito.Naiinis na sya hindi talaga sya matahimik sa mga narinig na iyon .Pinuntahan nya si Emman sa Site pero hindi rin sya kinausap nito. Dumiretsu sya sa kumpanya ng Daddy nya.Pero wala rin syang nakuhang sagot.Alam nya nagsisinungaling lang din ito. Umuwi lang ding bigo si Abegail . Dumaan sya kay Allan sa presinto. Naabutan nya itong nakaharap sa loptop nya nagtanung sya ng aksidenteng sinasabi ng Daddy nya kung may record ito. Icheneck nga ito ng lalaki june 4, 1998 nangyari ang car accident na nasangkutan ng Pamilaya nila. Nagulat pa sya ng nakalagay sa record na namatay ang bunso silang anak na nakapangalang Abegail De Jesus .Nagulat din si Allan sa nakita nya .Paanung may record na ganuon sa presinto nila . Pinakita pa nya ang record sa kanya. Lalong nagulo ang lahat sa nalaman nya.Nagpaalam nalang din sya kay Allan at umuwi na sa kanilang bahay. Hinanap nya ang mga dating Album nila. Pumasok sila ni Aling Baning sa basement para hanapin ito isang malaking box ang nakita nilang dalawa. Sinimulan nang halungkayin ito ni Abe. Sa pinakailalim nakita nya ang Baby picture nya kinuha nya ang dalawang album na iyon at dinala sa kwarto.Inisa isa nya itong binuksan ,at tiningnan maigi bawat pahina. Natapos na nya ng unang album isinunod na nya nag isa. Nakita nya ang mga baby picture nya na nakahubad . Napapangiti nalang sya at ang taon taong birthday nila ng kuya nya.Nagulat sya ng matabig ni Banda ang flowerbase sa mesa .May laman itong tubig kaya nabasa ang ilan sa mga picture .kinuha nya iyon isa isa at pupunasan sana para hindi masira.pero may nakasingit na isa sa likod ng mga picture nahulog iyon.pinulot nya at tiningnan babay picture nya na bagong silang palang may nakadiki pa na pusod nakapatong sya sa tyan ng Mama nya.Tiningnan nyang maigi ang larawan.May nakita syang itim na lunal sa may hita ng bata.Nanlaki ang mga mata nya.Tiningnan nya kung meron nun sa hita nya pero wala syang makita.
Agad syang lumabas ng kwarto.Hinanap nya ang mga magulang nya nakita nya itong nasa dinning table kasama si Emman.Naguusap sila, sigurado syang sya rin ang pinaguusapan ng mga ito. Nang makalapit sya pinakita nya ang litrato, pinaupo sya ng Mama nya para pakalmahin ,hinawakan pa nito ang buhok nya at hinimas himas.
“Dad hindi ba talaga ako ang tunay na Abegail De Jesus.”ang nakatinging tanong nya sa kanyang Daddy.”Habang umiiyak.
“Panahon na siguro para malaman mo ang totoo.Oo hindi ikaw ang anak namin dahil namatay ito nong nagkaaksidente.Sinubukan itong iligtas ni Emman pero dahil sa sakit nito. Inatake parin sya sa sakit nya sa puso, nawala parin sya.Labis kaming nasaktan ng araw na yon.Halos ayaw na naming mabuhay ng Mommy mo. Pero ng ibigay ka samin ni Emman nabuhayan kami. Itinuring ka naming anak naming si Abegail. “
“Emman sino ang tunay kung mga magulang? Gusto ko silang makita.”
“Wala na sila Abe patay na sila.Nang gabing isinilang ka namatay sila sa pagprotekta sayo.”
“Kanino,Bakit?”
“Sa mga kapwa natin”
“Kapwa natin,Linawin mo nga hindi ko maintindihan”.Naguguluhang dagdag na tanong nya.
Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita.”Isa ka sa amin pero mataas kang uri,kulay puti ka pag naging ahas tatagal ang buhay mo ng 5,000 taon o mahigit pa.May kakayahan karing magpalit ng Anyo kahit hindi ka pa nakakain ng tao. Nang gabing namatay ang mga magulang mo ako ang napili nilang tagapagalaga mo.Hindi nila kinaya ang pananakit ng mga kalahi natin. Ayaw ka kasi nila ibigay sa kanila.Kung tutuusin kaya nilang patayin lahat ng mga kalahi natin kung gusto nila dahil malakas at makapangyarihan sila.Pero dahil sa kabutihan nila. Ni isa sa mga yon hindi nila sinaktan hinayaan lang nila na sila ang masaktan.Inilayo ka nila sa mga kalahi natin,dahil ang buhay mo ang magiging kapalit na kabayaran para maging normal kaming tao. Pero sa pangkat ni Mang Timyong na pinamumunuan ng Tatay nya.Tutol sila dito, Ayaw nilang mabuhay sa maikling panahon, ang magkasakit tulad ng sa tao, at ang maging baog,kapalit ng pagiging normal ang hindi pagkakaroon ng anak at yon ang pinakaayaw nina Mang Timyong. Mas gusto pa nilang tumakbo ng buong buhay nila.Nahati ang lahi natin aa dalawang pangkat. Ang sumasangayon at hindi sumasangayon na ialay ka. Nang mga panahong yon magulo din ang isip ko natatakot ako sa responsibilidad na inatang sa akin ng mga magulang mo, dagdag pa ang pagkamuhi ko sa aking ina.Kani ibinigay kita sa magasawang de Jesus para mabigyan ng ng bagong buhay.Pero talagang hindi ko matatakasan ang aking kapalaran.Sa tuwing tatangkain kung wakasan ang aking buhay palaging nadudugtungan iyon ni Mang Timyong.At nahihiya akong humarap sa kanila kaya kahit nasa mga De Jesus ka patuloy kung ginagampanan ang responsibilidad ko sayo. Sa ngayon kakaunti nalang ang bilang ng mga ahas na sa kabilang pangkat dahil taon taon nababawasan sila.”
“Panung nababawasan” Putol nya sa sinasabi ni Emman.
“Dahil sa tuwing pinagtatangkaan nila ang buhay mo hindi naiiwasang napapatay ko sila”
“Ang daming namatay ng dahil sa akin .Bakit hindi nyo nalang ako patayin?
“Huminahon ka Iha”
“Hindi yun maari dahil kung papatayin ka na walang ginagawang ritwal lahat kami mamamatay.”
“E di gawin natin ang ritwal tapos patayin nyo ako”
“Abe maghalos dili ka nga sa sinasabi mo”Ang naiiyak na sabi sa kanya ng Kanyang Mommy
“Sayang lang ang 24na taong pagprotekta namin sayo kung yan lang din ang gusto mong mangyari.
“Paanu yong sa kabilang pangkat ,gusto nilang maging normal ang kanilang buhay...”
“Sa nakikita ko hindi yan ang gusto nilang mangyari ...Gusto kalang nilang patayin na hindi ginagawa ang ritwal.”
“Anu ....?Hindi ko na maintindihan.....”nakatayo na ito habang umiiyak na nakatingin sa tatlo.
“Iha” lalapitan sya nito at akmang yayakapin
“Mom please parang sasabog na ang puso at utak ko sa mga nalaman ko kaya hayaan nyo na muna akong magisa.” Umiwas sya sa kanyang Mommy at tumalikod at umakyat sa hagdan. Pagdating sa kwarto.isinubsub nya ang sarili sa unan at. Umiyak ng umiyak.