Late na nang magising si Abegail. Kaya dalidali syang naligo at nag suot NG White na above the knee at off shoulder na damit. Kitang kita ang mapuputi, at mahaba nyang legs sa damit nya NG makatayo sya sa salamin. Naisip nya na masyado atang sexy ang napili nyang dress, papalitan na nya sana pero nang tiningnan ang orasan mag 9:00am na, kaya hindi na sya nagpalit. Na surprise sya NG makababa NG hagdan NG makita ang Mommy at Daddy nya. Pati narin ang Kuya nya at ang fiancee nito. Nagkayakapan at nagkamustahan sila. Umuwi pala silang lahat dahil dito na gaganapin ang kasal NG kanyang Kuya. Labis namang natuwa sa balita SI Abegail dahil hindi nya kasi masisigurado na makakapunta sya kung andoon sa Singapore ang kasal sa dami NG aasikasuhin nya dito sa pilipinas. After nilang mag almusal , nagpaalam SI Abe sa kanila na papasok na muna sa Opisina. Sumama narin sa kanya ang kanyang Daddy para kamustahin na din ang negosyo nya. Sya na ang nagmaneho NG sasakyan. Dumaan muna sila sa isang restaurant bago dumiritsu sa kumpanya. Dahil may kakausaping tao daw ang kanyang Dad. Sumama na din sya para ma meet ito. Nakaupo na ang emeetup nila doon may mga pagkain nadin sa mesa. Nagkabatian na sila, hindi makatingin NG deritsu SI Abegail sa lalaking kinakausap NG Daddy nya.
“Abe siguro naman nagkausap na kayo ni Engineer Ron Emmanuel Gomez kasi ikaw ang nagasikaso NG pinapagawa kung bagong pabrika.”ang tanong sa kanya NG kanyang Daddy
“Oo Dad nakapagusap na po kami ni Engineer Gomez regarding sa pabrika”at nakipaghalikan na nga po ako dyan sa supladoNG yan ang idudugtong nya pa sana, at ngumiti NALANG dito. Inaasahan ni Abe na ngingitian din sya NG lalaki pero hindi iyon nangyari. Pareho NG dati parin ang pakikitungo sa kanya. Just formality lang ang pagbati sa kanya. Parang walang namagitang halik sa kanila kagabi. Busy ito sa pakikipagkuwentuhan sa Daddy nya regarding sa pinapagawa nilang pabrika. Hindi sya nito pinapansin ni tingin nga hindi magawa sa kanya NG lalaki.Hindi NALANG sya nagpaapikto napagdiskitahan nya NALANG ang carbonara na nasa harapan nya. Sunod Sunod ang subo sa bibig nya. Natahimik NALANG sya at mayamaya pa may nagsipagdatingan na mga kalalakihang naka suot NG Uniform ng basketball player mga sampo sila at panglabing isa sa coach nila. Naupo sila malapit sa Mesa nila dalawang table ang inakupa nila. Panay tingin sa kanya NG mga kalalakihang, pangitingiti din ang mga ito. Umayos sya NG upo dahil maikli pala ang dress nya at hindi na rin iyon pinansin pa at ipinagpatuloy ang pagkain NG carbonara. Biglang tumunog ang cellphone NG Daddy nya.Tumayo ito at sinagot lumakad papuntang may banyo. Nagulat pa sya NG tumabi sa kanya SI Emman at bumulong.
“Masarap ba? “(tumingin sa kanya SI Abe)... ang carbonara?”
“Ah Oo... masa...rap ang car...bonara..”sa nagkakautal-utal nitong sagot
“Kung ganyan din lang sana kaikli ang isusuot mong damit, sana nag two piece ka NALANG para saktong sakto ang pagintertain mo sa kanila.”na sinabayan pa NG pagiinsultong tingin sasagutin nya pa sana ito pero nakita na nyang papalapit ang kanyang Daddy sa mesa. Nagpaalam sya ditong sa kotse NALANG ito hintayin, dahil hindi na nya kasi matagalan ang pangiinsulto ni Emman. Pumasok muna sya sa Cr bago pumunta sa Sasakyan. Nagulat sya NG Biglang sumulpot ang dalawang lalaking nakauniform na sa restaurant kanina. Nakipagkilala ito sa kanya at akmang ibibigay na sana sa kanya NG isa ang cellphone nito para hingin ang number nya, ay bigla NALANG may umakbay sa kanya.
“Pare pasinsya na, pero hindi kasi ako pumapayag na ibigay NG girlfriend ko ang number nya sa kung sinu-sino lang at saka grabi kasi ako magselos pare nilulunok ko NG buo” sa siryuso nitong tuno.
Nagkatinginan NALANG ang dalawa at umalis na. Agad tinanggal ni Abe ang nakaakbay na kamay nito sa kanya at dumiritsu na sa sasakyan. Binuksan nya iyon at umupo sa driver seat. Sumunod naman sa kanya ang lalaki. Hindi sya nagsalita at tiningnan lang ang lalaki na nagkakabit na NG seatbelt.
“Ginamit NG Daddy mo ang sasakyan ko may pupuntahan daw, magkita NALANG daw kayo sa Opisina nyo.”
“At ikaw San kita idadrop?”ang tanong nito sa lalaki
“Wag muna akong I drop, buong araw mo akong magiging Bodyguard, dahil ma rerape ka dyan sa suot mo”sa seryuso parin nitong tuno.
“Baliw”
“Oo nabaliw na sayo”ang sagot sa kanya na hindi paring nagbabagong emotion nito.
Napailing NALANG sya at itinuon ang atensyon sa pagmamaneho. Hindi na sila nagkikibuan. Biglang tumunog ang cellphone nya kinuha nya iyon at tiningnan. SI Mang Timyong ang tumatawag sinagot nya iyon kinabit ang headset. Sinabi nito may batang taong ahas na nangagat NG kaklase nito sa paaralan. Nahimatay kaagad ang batang nakagat. Kahit kasi tao na sila ang mga laway parin nila ay may taglay na venom na tulad NG sa ahas. Isinugod daw kaagad ang bata sinabi nito kung saan ospital dinala. Agad na pinuntahan nila iyon. Nang makapasok sa ospital hinanap kaagad nila ang bata. Naabutan nilang nililinisan ang sugat nito pero wala paring malay. Humanap siya NG pang injection na hindi pa nagamit. Ibinigay nya iyon sa lalaki. Agad nya namang nilagyan NG laway at ibinalik sa kanya. Laway din NG taong ahas ang magpapagaling dito. Pero kailangan hindi lalagpas sa 12 oras, kundi mamamatay ang sinumang makagat nila. Hinintay nilang matapos maglinis ang nurse at tsaka nilibang ni Emman ang Mama NG bata. Kunwari magtatanong sya NG direksyon dito. Agad namang kumagat sa pagkukunwari ang Ginang kaya tumayo ito at sinamahan pa sya sa hinahanap nya. Agad naman nyang Binuksan ang gasa sa sugat NG bata at inenject ang laway ni Emman. Sakto lang din na nakaalis sya NG makabalik ang Mama NG bata. Naghintay pa sila NG ilang minuto. Nagising na ang bata at masigla na ito. Umalis na rin sila sa ospital. Nagpasalamat sya kay Emman sa ginawang pagtulong sa kanya. Hindi naman sumagot ang lalaki.
“Dumaan tayo sa site may kukunin akong papers na papipirmahan ko sa Daddy mo”
Hindi na nya ito sinagot at binaybay nilang ang daan papuntang site. Nang makarating sila doon bababa sana sya NG pigilan sya NG lalaki.
“Gusto mo ba talagaNG marape, puro mga lalaki dito rarampa ka? Dito kalang sandali lang naman ako.” Sinabayan pa NG galit na tingin
Kanina pa naiinis itong SI Abe sa kanya. Kinalma nya NALANG ang sarili at nakinig NG musik sa cellphone nya kinabit nya ang head set at ipinikit ang mga mata. Pagdating NG lalaki pinausod sya nito NG upuan sya naman daw ang magmamaneho. Hindi na nakipagtalo SI Abe sa kanya para wala NG gulo. Ikinabit nya NALANG ulit ang headset sa tenga at ipinikit ang mga mata. Hindi nya namalayan nakatulog na pala sya. Mag 4:00 pm na NG makarating sila sa kumpanya ginising sya NG lalaki.Tatayo na sana sya at susunod sa lalaking papa labas NG sasakyan NG may mahulog sa may paanan nya. Ang jacket iyon NG lalaki. Itinakip iyon NG lalaki sa legs nya kanina habang Tulog sya. Napangiti NALANG SI Abe NG maisip na may pagka Gentleman din pla itong ahas na kasama nya. Ibinigay nya iyon sa lalaki bago sila pumasok sa Opisina NG Daddy nya Naupo sya sa gilod NG sofa. Ang lalaki naman dumiritsu sa Daddy nya. May inilabas nga ito mga papers at pinapirmahan. Nagkwentuhan pa sila habang sya lumabas lang muna saglit dahil may naghahanap daw sa kanya. Pinuntahan nya ito sa may Lobby, SI Allan na may dala pang flowers nagpaliwanag ito sa kanya. Na sinadya daw syang halikan talaga ni Cloe wala daw syang alam. Sinabi naman nya na wala namang dapat ipaliwanag ang lalaki dahil hindi naman sila. Niyaya pa sya nitong mag dinner pero dahil pagod na kasi sya tumanggi sya dito. Nagdahilan NALANG syang magdidiner kasi silang maganak kaya next time NALANG. Kaya nagpaalam NALANG ito sa kanya. Pagpasok nya NG Opisina NG Daddy nya andun parin SI Emman. Nagkasalubong ang kilay nito NG makita ang hawak nyang bulaklak. Inilagay ito ni Abe sa mesa. Naupo sya ulit sa mesa at inabala ang sarili sa pag f*******:. Tiningnan nya ang mga picture na tinag sa kanya NG mga ka team nya. Na miss na nya ang pagsama sa kanila. Ngayon andito na ang Daddy nya mukhang makakahawak ulit sya NG scalpel. Nagsasagawa din kasi sya NG mga minor surgery sa midecal mission nila. Tulad NG pagtutuli at ang pagtatahi NG may mga bunging kapansanan. Nagpaalam na din si Emman sa Daddy nya. Pero sa kanya ni hindi nga ito tumingin NG lumabas NG pintuan. Para syang invisible na hindi nakita nang dumaan ito sa kanya.