Clarcke Pov
Meoww~~~~ meow~~~
Nagising ako sa gulat ng bigla nalang may tumabi sakin
KyAhhhhh!!!!!! Ahhhh!!!!
Jusqng pusa ka! Magkaka mini heart attack ako sayo!! Shu shu shu.
Tinutulak ko yung pusa pa alis gamit yung gamit na napulot ko sa mesa.
Alis alis!
Nahihirapan akong pa alisin yung pusa buhat ng nakahiga sya sa higaan ko at di ako pinapansin.
Na kkyutan ako sa pusa pero takot ako. Diko alam kung bakit
Pano kaya nakapasok tong pusang to? Tsk nakita kong naka bukas ang bintana ko tsk nakalimutan ko pa lang isara kagabi.
Di na ako humiga ulit buhat ng andun parin ang pusa. Dumeretso na ako sa cr para mag toothbrush at maligo na din hmmm diko alam kong bat naligo na ako alam ko sunday ngayon eh bat ang aga ko?
Mga ilang minuto natapos na din ako at nag hahanap ng masusuot. Tinignan ko yung oras at 5:30 pa lang pala
Naisipan kong mag jogging nalang dahil andun padin yung pusa nakakahiya namang disturbuhin mukhang ang sarap ng tulog eh
Sinigurado ko munang naka lock yung mga pinto bago nag lakad lakad patungong park
Medyo malayo dito pero ayos lang para naman mahaba haba din lalakarin ko.
To: ate yena
Gm. Ate pwede po bang pa asikaso ng license ko?
Para di na po kayo mag abalang ihatid ako tom
Thank you!
Nag ikot muna ako ng ilang beses sa park at naisipang tumambay muna
Hmm mga anong oras kaya pupunta yung mga bruha sa bahay? Alam ko kasing maaga lagi yung si trish
7:30 naisipan ko nang umuwi dahil mainit na din. Naglalakad ako sa gilid ng kalsada ng biglang may bumusina sa likod ko sa sobrang gulat ko bigla akong napa upo sa may damuhan
Bigla akong napatayo ng may narinig akong tumatawa sa likod ko.
Kung pwede lang isumpa tong araw na to sinumpa ko na!
Humarap ako sa kung kanino mang ulupong nanggaling yung pagtawa na yun.
Shutanginaka!!! Alam kong sa itsura ko ngayon umuusok na ilong ko sa inis. Ang sakit kaya sa pwet tsk.
Napatawa pa sya lalo dahil sa sitwasyon ko
Na kinainis ko lalo, mabagal lang pagpapatakbo ng sasakyan nya habang tumatawang nakatingin. Sakin
Tsk kala mo kung sinong gwapo!
Alam kong mas ikakatuwa nya pa pag nagsalita pa ako kaya naisipan kong pumulot ng bato at biglang hinagis sa sasakyan nyat sapol nama’t naging dahilan para mabasag yung bintana ng sasakyan nya!
Napanganga sya habang nakatitig lang sa nabasag, na halata namang di nya inakalang gagawin ko yun.
Dali dali akong tumakbo papunta sa bahay ng makitang parang di pa din sya natinag
Huh! Buti nga sayo yabang yabang eh!
Nang masigurado kong di sya nakasunod sakin pumasok na ako’t deretsong hinubad damit ko
Nakaramdam na kasi ako ng lagkit buhat ng kanina pa basa likod ko at tinatamad pa akong magbihis kaya dumeretso na ako sa kusina para maghanap ng lulutuin alam ko kasi maya maya pupunta na yung mga bruha dito at oo marunong akong magluto sanay na kasi akong iwan ni mam mag isa dito, lalong lalo na pag on duty sya kaya naisipan kong mag aral magluto para makatipid kaka order through online, natuto ako kakanood sa yt manood din kayo kung gusto nyong matuto madali lang naman sya actually.
Naisipan kong magpa music habang nag luluto. gusto ko kasi bawat galaw ko dito sa bahay may naririnig akong music para diko maramdamang nag iisa lang ako tsaka ng pagka bagot na din
Tska nakakawala din talaga ng pagod
Plinay ko yung fav Korean Ost playlist ko ng naka shuffle, mas maganda kasi yung naka shuffle eh nakaka excite lang kasi dimo alam kung anong susunod na song na mag p play hshshs
Habang nagluluto sinasabayan ko yung kanta
Naisipan kong mag luto ng chicken adobo,
ulam namin for lunch. Tsaka naisipan ko ding mag luto ng fried chicken para naman may kasama yung adobo haha choss
Now playing: Love U (by Howl)
Eto one of my fav ost hayst nakakamiss yung boys over flower ang sakit ng kantang to ket diko naman naiintindihan, wala lang ang sakit nya talangang pakinggan
Nasa kalagitnaan ako ng pakikinig ng bigla nalang sumulpot sa harap ko si trish
Gago kanina pa ba kayo? Tanong ko na di pinapahalatang nagulat sa ginagawa nya
Seryoso nakakagulat mukha nya. tinitigan ko nalang sya at inirapan tsk gumising yata ako ngayong araw nato para magulat
Oo, anong drama mo sa buhay at parang ang lungkot ng music mo? Hahaha
Uyyy sarap nyan!
Sagot nya naman habang nakatingin sa niluluto ko
Diko nalang sya pinapansin.
Oo tahimik talaga ako pag may tao sa harap ko kahit tong mga bruhang to kaharap ko ang hirap kasi mag salita lalo na pag si shein kausap mo, pinaglihi yata sa armalite at di napapagod mag salita di ka nya titigilan hanggat alam nyang may sumasagot sa kanya, ganon sya ka lala. Anyways san pala si shein?
Si shein? tanong ko habang tinitimplahan niluluto ko.
Andun sa sala nanonood ng porn HAHAHAHA
Gago! Tsk sira talaga ulo neto may plema
Naisipan naming mag overnight ni shein dito kaso wala kaming dalang damit HAHAHA tsaka may pasok na tayo bukas argh!
Tamo yan ang kakapal mag overnight eh wala man lang ngang dala ket na ano tsk
Hindi pwede. Sagot ko sa kanya nakinalingon nya bigla sakin
Ay grabe sya kala mo naman ibang tao no.
Tsaka hindi din naman talaga kami papayagan kasi may pasok na bukas duh!
Tss diko nalang muna sya pinansin at mas tinuon yung atensyon sa niluluto ko.
Hoii! Sya nga pala sis ang daming gwapings sa school ahhh!!!! Lalong lalo na sa room natin
Omg ready na ako mangbingwit tom ahahahah
Oo nga! Shuta ang daming nag add sakin kanina na mga taga caxtof! Hayss nakikita ko na future bf ko.
Pag sasang ayong sagot naman ni shein na kala mo nakalunok ng mic sa sobrang lakas ng boses. Akalain mo yun abot dito sa kusina boses nya at rinig nya din pinag-uusapan namin tss basta mga marites talaga malakas pandinig.
Eh sayo sis? Kamusta? Panigurado marami na ding nag a add sayo. Tanong ni trish na alam nya namang wala syang makukuhang sagot sakin
Suss eh ket naman maraming nag a add jan walang pake sa mundo yan baka nga abutin ng isang taon bago nya accept-in yung mga yun.
Sabat naman ni shein na nasa may likuran na pala namin.
Tss mga to nag uusap na kala mo wala sa harap nila yung pinag uusapan tss
Alam mo sis di ka talaga magkakabingwit kong papairalin mo yang pagkapabebe mo nako. Sabat naman ni trish tss diko naman kailangan yun sakit lang sa ulo.
Diko naman kailangan ng lalaki! Sakit lang sa ulo yan! Sagot naman ni shein na halatang kabisado nya na lagi kong sinasabi.
Napa ngiti nalang ako sa kakulitan ng mga bruhang kasama ko.
Nang matapos ko na niluluto ko naisipan naming manood muna ng movie dahil maaga pa naman para mag lunch
Ano gusto nyong panoorin? Tanong ko sa kanila na alam ko namang walang kasiguraduhan tong dalawa kung matino o hindi ang isasagot.
Tss nag tinginan naman yung dalawa na parang pareho ang nasa isip nila
mga mukhang to parang gago!
Nanonood naman kami ng ket ano basta wag yung boring. Sagot ni shein
Oo nga. Sagot naman ni trish
Fifty shades of grey nalang!
Tss ilang beses nyo na yan napanood di pa ba kayo nag sasawa?
Hindi no ang gwapo kaya ng asawa ko dun at ang hot pa ugh! Pag tatanggi ni trish tss ka babaeng tao jusq
Tahimik lang akong nanonood habang yung dalawa naman sumisigaw na parang kinikilig.
Buti nalang nasa edad na kami paramanood neto tss daming pangyayari eh
Ugh! Bat ba kasi ayaw ipakita kainis! Biglang reklamo ni trish habang nakatuon sa pinapanood
gano kaya kahaba yan? HAHAHAHA sa tingin mo clarcke?
Iniripan ko nalang si shein aba malay ko ba
Ako daw ba tatanungin? tss
Try mo e search. Bored na sagot ko habang sa tv padin naka tuon ang atensyon
Bigla nya namang kinuha phone ko
Abat gago’t seryoso ba sya? E sesearch nya talaga?
Hoii! Alam ko nasa utak mo! Grabe naman to di naman ako ganon ka desperada para e search no?
Sagot nya na nag titipa pa din sa cellphone ko
Nerereplyan ko lang si tita, mukhang wala kang balak replyan eh!
Hinarap nya naman sakin yung cellphone ko
Ayan te!
-Mam
Hi my blight, just arrive can’t call you rn I’m so tired might sleep na muna.
How are you? Did you already eat? Don’t forget to eat.
I’ll call you when I woke up okay?
—
Glad to know that mam. It’s ok mam, yeah yeah take a rest first
I’m doing fine, I’m with trish and shein rn
Love you!
Reply ni trish kay mam na ginagaya talaga kung pano ako mag reply tsk pero di ako nag a i love you lalong lalo na pag sa message aish!
Ayan okay kana? Tss.
Tumango nalang ako’t nanood nalang.
Mga ilang oras din nakaramdam na kami ng gutom kaya kumain na kami habang di naman natigil kaka dada bibig ni shein tss di siguro to mabubuhay pag nilagay to sa a quite place Ingay eh
Anyways, gusto mo ba sabay na tayo tom? Sunduin ka nalang namin bukas?
Oo para masaya! Pag sasang ayon naman ni shein kay trish
Wag na.
Bored kong sagot sa kanila.
Eh pano yan? Mag co-commute ka tom? Tanong ni trish
Hindi.
Sagot ko ulit
ihahatid ka nalang ni ate yena? Or lilipad ka?
Tss daming tanong!
Pina asikaso ko na driver license ko. Makakapasok ako ng school bukas ng buhay
Inunahan ko na sila dahil alam kong di sila titigil kakatanong hanggat di na kukuntento sa sagot tss
Yun naman pala eh hahaha ingat nalang bukas pa tapangan nalang ng guardian angel HAHAHA
Sagot naman ni shein at pinapakiramdama kong nakikitawa kami, bigo naman sya kaya pinag patuloy nya nalang din ang pagkain.
Natapos kaming kumain at naisipang magkantahan nalang muna nakanta kasi talaga kaming tatlo eh si trish nga lang medyo na sobrahan ng ganda boses nya na pag kumanta sya mas gugustohin mo nalang mag earphones.
Kinang boses yan HAHAHAHA wag mo na pilitin trish nakakasira ng eardrums HAHAHAHA
Oo si shein yan nang rereal talk. Well agree naman ako haha raulong to walang preno bibig
Alam mo trish ikaw nalang taga sayaw pag nakanta ako, gayahin mo yang mga nagsasayaw jan baka matuwa pa kami sayo diba clarcke? HAHAHHAA
Nakikitawa nalang ako sa kahibangan ni shein
Nakakatuwa lang na ket grabe kami mag asaran walang napipikon samin. May mga oras din naman na nag wo walk out si trish dahil sa walang prenong bibig ni shein pero mga ilang minuto din nagpapansinan din kaagad hirap kasing iwasan ni shein eh.
Ano kaya kong same section tayong tatlo? Tanong ni trish, oo nga pala bawat course kasi may tatlong section kaya hindi malabong magkakahiwalay kaming tatlo. well mas okay na din siguro para makapag focus sa isat isa, minsan kasi mga bad influence tong mga to pag ala sa mood makinig sa klase nangdadamay, kakausapin ka talaga hanggang sa mawala na din atensyon mo sa nagtuturong guro sa harapan
Diko alam. Sagot ko naman na ginantihan lang din ng irap ni trish
Gusto mo bang di tayo mag kasama ha?
Oo. Sagot ko ulit habang ini inom yung sobrang yakult na pinang halo sa soju
Alam kong ikakainis nya yung sagot ko kaya mabilis akong nakailag sa binato nyang unan sakin tss ako lang to.
Woah! Mangha manghang sagot naman ni shein na nakatingin sa ginawa ko
Galing! Bilis mo ah! Mangha nya pa ding sabi habang ginagaya kung pano ako umilag kanina. raulo talaga
Binato nya naman bigla kay trish ang isa pang unan na kinabigla namin dahil sa lakas nun na kina tumba ni trish
HAHAHAHHAHAHAA gagu kala ko iilag ka din eh bigat ng kamay ko napalakas tuloy. Tawang tawa na sabi ni shein na kala mo kinatuwa ni trish
Inaka! Ang sakit nun!
Ayan magsisimula nanaman sila di din talaga kasi papatalo tong si trish di yan titigil hanggat di nakakaganti kay shein.
Hinahabol ni trish si shein na mas lalo namang kinatuwa ni shein dahil sa naramadaman nyang pikon na pikon na si trish
Tss napailing nalang ako sa kakulitan ng dalawa. Mga isip bata eh nako
Oh kay shein ako, shein manok ko ngayon sambit ko hahaha wala lang sarap pikonin ni trish eh
Naisipan kong kumanta nalang habang yung dalawa di pa din tumitigil sa pag hahabulan, nakakahilo tignan eh.
Aray! Aray ko! Ouch! Tulong blight! bitaw na trish! Aray buhok ko! Ang sakit! Bitaw na nga diko naman sadya eh kasalanan mo yun dika umilag HAHAHAHAHA
Tss hahaha sisihin daw ba si trish
Aray ko blight tulong! Aray ko sabi!
sigaw na pagmamaka awa ni shein na humihingi din sakin ng tulong. Haha bala ka jan sinimulan mo eh
Tabi! Diko na nakikita kinakanta ko!
Hinayaan ko lang yung dalawa pag eto may iiyak papalabasin ko talaga kaagad
Mga ilang minuto napagod din ang dalawa at naisipang mag inom nalang
tss mga siraulo talaga
Hapon na ng maisipan ng dalawang umuwi, pinipilit nilang dito nalang matulog medyo marami rami din kasi nainom ng dalawa kanina habang nag kakantahan kami.
diko na pinayagang mag overnight dito mahirap na baka kailangan ko pang maglinis pag nagkataong dito sila matutulog tss makalat din kasi yung dalawang yun at tsaka ayuko ng may katabi sa higaan ko.
Nakainom din ako pero di ganon karami sujo lang naman ininum ko na may yakult pero yung dalawa, kung ano ano ang ininum di man lang inisip na may pasok na kami tom mga siraulo
Una na kami blight! Mag isa ka lang jan mag ingat sila sayo!
Sigaw ni trish na halatang may tama na talaga tss makakauwi ba ng buhay tong mga to?
Oo nga hakhak. Sang ayong sagot naman ni shein kay trish
Umuwi na nga kayo. Ingay nyo baka maabutan kayo ng gabi! Sambi ko sa kanila
Ayy grabe shein kinakahiya tayo payag ka nun?
Ayt hindi grabe! Grabe ka blight fo fo!
Tss halatang may tama na talagang mga to ang yayabang uminom.
Pasok kana dun blight mag damit kana baka r**e-in ka nako wala ka pa namang kasama jan ingat sila sayo. Sambit ulit ni shein
Oo nga pala nakalimutan ko ng mag damit naka sports bra lang pala ako buti ayos lang wala namang tao dito sa labas
Sige na magsi uwian na kayong dalawa kakastorbo na kayo ng kapit bahay may mga natutulog na ngayon. Pagpapaalis ko sa dalawa
Bigla namang may dumaan na kotse na mabagal lang pagpapa andar ng walang hiyang tinawag ni trish
Hoy!!
Bigla namang napahinto yung sasakyan at bored lang na nakatingin kay trish
Unti unti kong na mukhaan yung lalaki ng unti unti din syang lumingon sa kung saan ako nakatayo.
Dali dali akong tumalikod ng maalalang sya yung lalaki kanina sa park yung nag mamay ari ng kotse na binasag ko
Hmm bilis napagawa ah mukhang wala ng basag yung bintana nya eh.
Tinignan nya lang si trish at aalis na sana ng
Hoy! Teka! nagmamadali ka ba? Baguhan ka ba dito? Ngayon lang kita nakita ah
Walang hiyang tanong ni tish na kala ko magkakilala lang
Tss. Tipid naman na sagot nung lalaki
Shutacca ka trish oo di yan taga dito sa subdivision namin pa alisin mo na yan baka ako talaga sadya nyan
Di na sya pinansin ng lalaki at tuloy tuloy ng umalis. Nakahinga naman ako ng maluwag
Wala ako sa mood makipag away ngayon eh inang trish to ipapahamak ba naman ako?
Sayang ka!!!
Gagung yun pogi sana kaso ang sungit pwe!
Sigaw ni trish haha siraulo talaga
Umalis na nga kayo
Umuwi na kayo anong oras na! Baka hinahanap na kayo sa bahay nyo wag nyo hinataying kaladkarin ko kayo pauwi
Bigla namang sumakay na yung dalawa sa kotse at kumaway na sakin
Adios! Sabay saludo ni shein
Kumaway nalang din akot pumasok na sa loob
Maliligo pa ako hayst daming lilinisin
Raulong mga yun nakahanap ng katulong!
Dali dali ko nang nilinis mga kalat namin para makaligo na din.
Di pa naman ako nakaramdam ng gutom kaya baka di nalang ako kakain
Naligo na ako’t nagbabad ng mga ilang minuto dahil sa sobrang init
Hmm kung pwede lang dito na matulog eh tinatamad na akong magbihis.
Isang oras na ang nakalipas at naisipan ko ng mag banlaw gusto ko ng matulog eh
Dahil sa tinatamad ako di na ako nag abalang mag suot ng damit o pantulog tanging underwear lang suot ko ngayon, okay lang din mainit naman tsaka mag isa lang din naman ako dito eh wala naman sigurong papasok dito at may gawing masama sakin
Nauuhaw ako kaya naisipan kong bumaba na muna para kumuha ng tubig
Nakaramdam naman ako ng kaba ng marinig na parang may tao sa baba at parang naka bukas yung tv sa sala
Binuksan ko ba yan kanina? Mahinang sambit ko sa sarili, hmm wala akong ma alalang iniwan ko yang nakabukas ah
Tsaka kung magnanakaw man yan so ano yun?trip nya lang manood? Wao ha!
Tsaka ni lock ko pinto kanina bago ako naligo tss
Dahan dahan kung tinahak papuntang sala dahil malakas talaga kutob ko tsaka sure na sure akong ni lock ko yung pinto na ket lamok di makakapasok
Nakarating ako ng sala at tama nga hinala ko
Nakita kong may lalaki??? Lalaking nakaupo sa sofa at nakaharap sa tv na nakatalikod naman sakin wao lang ha feel at home amp
Mukhang di nya pa ako napapansin buhat ng nasa tv atensyon nya
Dahan dahan akong lumapit sabay headlock sa lalaking nakaupo
Napahampas naman sya ng malakas sa sofa dahil sa gulat
Sino ka? Tanong ko sa kanya ng nakayuko dahil sa ngayon ko lang na realize na wala pala akong suot tangina bat ngayon pa!
Kumakaway lang sya na nagpapahiwatig na di nya na kaya at susurrender na sya
Huh lakas ng loob mong mamasok ah!
Diko pa din sya binibitawan dahil alam kong delikado ako sa suot ko ngayon at hanggang ngayon diko pa din nakikita mukha nya dahil sa katawan ko ako nakatingin at nag hahanap ng pwedeng ipangtakip tanginang yan
Sapagkakataong yun mabilis syang kumilos at nagulat ako ng bigla nya nalang ako napaupo sa sofa ng ganon kadali wtf?
Haha.. tawa nya habang umakbay sakin
Tangina! Kilala ko tong boses na to ah
Galing mo na ah, kung di ako nakakilos baka patay na ako ngayon inang yan balak mo ba talaga akong patayin ha?!
Sinasabi ko na nga ba!
Kai??? Wala na akong ibang kilalang ganyan ang boses kundi nag iisa lang haha gagong to kelan pa to nandito?
Dali dali ko naman syang binatukan ng malakas dahilan upanh simagaw nanaman sya
Aray!! Sakit nun ah!
Tangina mo kai! Papatayin mo naman ako sa kaba! Siraulo ka ba? Kala ko kong sino ng magnanakaw kaya pala ganon mo lang ako kabilis napaupo, tangina mo!
Gago pogi ko namang magnanakaw haha tsaka ano ba nanakawin ko dito?
Abat siraulo ba to? Pasalamat sya di sya natuluyan kanina
Pasalamat ka buhay ka pa!
Salamat! Sagot nya naman habang tumatawa
Gago mag damit ka nga ang sagwa tignan!
Ngayon ko lang ulit na alala na wala nga pala akong suot tangina!
Hinubad nya naman bigla suot nyang jacket saka binigay sakin nakaramdam kasi sya na medyo malayo layo pa tatakbuhan ko kasi nasa taas kwarto ko
Sasusunod mag damit ka nga! Pano kung iba yung nandito? Pano kong pinasok ka dito ng kung sino?!
Inis nyang sambit, na naiilang at di pa din makatingin sakin, tss buti nalang mabait tong gagong to concern pa tss
Di na ako naiilang kay kai buhat ng kilala na talaga namin ang isat-isa, kababata ko to eh kasabay ko tong makilala ang mundo, matalik kasing kaibigan ni mam mama nya, medyo mas matanda to sakin ng ilang months tsaka magaling to makipag away sya nga nagturo sakin eh na sobrang nagamit ko para na din sa sarili ko tulad ng kanina sya mismo nagturo nun tinuruan nya ako self defense tsaka para na din kaya ko ng ipagtanggol sarili ko.
Lahat ng mga natutunan nya sa dad nya tinuro nya din sakin haha ganon kami ka close Na halos di na kami nagkakahiwalay noon. Kaya lang lumipat sila ng tirahan sa kabilang subdivision kaya medyo di na din kami nagkikita
Tss kaya ko sarili ko. Sagot ko sa kanya na lalong kinainis nya naman.
Alam ko pero pano kung marami sila?! Babae ka pa din!
Ayan na magsisimula nanaman sya dinaig pa si mam kung mag alala to eh
Mag ingat sila sakin. Sambit ko naman na mas lalong kina inis nya.
Bigla nya naman akong binatukan na alam kong gagawin nya talaga yun at dahil alam ko mabilis akong nakailag pwe! Easy!
Di na ako nakapaghanda ng inulit nya ulit akong batukan nag wagi naman sya ng tinamaan ako.
Sakit nun ah! Napahimas ako bigla sa ulo ko tanginang to bakal ba kamay neto?
Ayan ang yabang kasi! Sambit nya ulit habang dinuduro noo ko.
Normalize makapatay ng tao pag si kai kaharap mo. Kung diko lang to kaibigan kanina pa to nakahilata jan sa sa sahig tss
Pano ka nakapasok?
Pag iiba ko sa topic dahil alam kong di talaga yang titigil kaka sermon sakin
Tinignan ko naman ang pinto at kung pano ko sya iniwan kanina ganon pa din hitsura nya
Nakalock naman ah?
Sakto namang nakatingin pa din ako sa pinto.
Kinuha nya yung pagkakataon para batukan ulit ako na di ako nakailag
Aray! Nakakailan kana ah!
Sumbat ko habang inis na nakatingin sa kanya
Bakit sa pinto lang ba pwede dumaan? Naka lock nga pinto mo pero nakabukas naman bintana nyo! Pati langaw di mahihiyang dumaan jan sa laki ng bintana nyo sinong taong iisiping di pwedeng daanan yan?!
Tss.
Tipid kong sagot dahil tama naman sya useless yung pag lock ko ng pinto kung ganyan lang din naman kalaki’ng nakabukas bintana namin tss
Malay ko ba eh naka sara yan kanina baka tinangay lang ng hangin.
Pagdadahilan ko.
Siguro kong papapiliin ako sa mga kaibigan ko
Mas pipiliin ko to kesa sa dalawang bruha kong kasama kanina.
Wala lang mas comportable kasi akong kasama to eh mas nakikilala ko sarili ko pag sya kasama ko alam ko kasing pag sya yung kasama ko wala na akong iisipin at wala na dapat akong itatago kasi kahit yata sa kasulok sulukan ng buhay ko kilala nya eh.
At aware sya sa ugali ko.
Ang astig naman ng dahilan mo, eh kahit nga kurtina nyo di gumagalaw eh san yung hangin ha?
Tss. Daldal
Akin na to.
Sambit ko sa kanya habang tinitignan ang jacket na pinasuot nya sakin, ang ganda kasi tapos ang laki na ang kinaba naman ay nasa above the knee ko lang, at may naka imprintang lopez K. Sa likod ang panget ng naka imprinta pero ayos na din bagay naman sakin.
Tanong ba yan? Diko pa nga inalok sayo mukhang wala na akong choice. Tss wag yan balik mo sakin yan pag nakapagbihis kana.
Tss damot! Akin na to!
Pamimilit ko sa kanya
Wag nga! Marami akong jacket dun wag yan bago lang yan tsaka dimo ba nakikitang may naka lagay na caxtof academy ha? Para samin lang yang mga varsity sa sports kaya tigil tigilan moko.
Pagpapaliwanag nya na alam kong useless lang din naman. Wala na syang magagawa nasakin na eh kasalanan nya yun pinahiram nya sakin eh
Tinaasan ko lang sya ng kilay na kinainis nya naman haha
Aishhh! Ngayon ko lang nga nasuot yan kukunin mo naman kaagad sakin!
Pagmamaktol nyang sabi.
Akin nalang mas bagay sakin eh!
Di na sya kumontra pa at nanood na lang
Bat ka pala nandito?
Tanong ko sa kanya na tinignan lang ako na parang bored na bored sa tanong ko
Ayaw mo? Sagot nya tss
Kumain kana? Tanong ko ulit sa kanya
Nope. Iling nya namang sagot
Kain muna tayo. Aya ko sa kanya
Tumango naman sya at sumunod sakin papuntang kusina
Tinulungan nya naman akong ihanda pagkain namin at nagsimula ng kumain
Nakatitig lang sya sakin habang kumakain.
Ikaw lang mag isa dito? Bigla nyang tanong na kina tango ko naman
Ikaw nag luto? Tanong nya ulit habang naka taas ang kutsara na may lamang pagkain
Oo, masarap no? Yabang kong tanong sa kanya kasi alam ko namang masarap talaga
Hindi. Sagot nya naman na parang ayaw tanggapin ng kululuwa ko sagot nya
Abat siraulo to ah
Ede wag kang kumain! Akin na nga yan.
Aabutin ko na sana pagkain nya nang bigla nya namang nilayo sakin
Haha to naman di na mabiro. Tss di sya masarap pero okay na din.
Abat! Nakakababa yun ng confidence ah!
Wag ka na nga lang kumain! Manood kana dun!
Seryoso kong sambit sa kanya
Na kinatuwa nya naman tss may ubo talaga utak neto
Ang cute mo padin talaga haha
Inirapan ko nalang sya
Ano ba sadya mo dito? Andito ka ba para bwesitin ako? Kung yun sadya mo umalis kana.
Pagtataboy ko sa kanya tss masama na kung masama. Nangbabadtrip eh
Wala na miss lang kita. Sagot nya sabay ngiti, yung ngiti na ang gwapo tignan?
Yuck cringe! Sigaw ko bigla sa kanya tumawa lang sya at kumain na din
May pasok na bukas. Pambabasag nya sa sobrang tahimik
Oh. Sagot ko naman
Pag uwi mo kwento moko kay tito at tita.
Alam ko kasing matutuwa mga yun eh lalo na pag ako ang topic huh! Lakas ko kaya sa kanila haha
Di naman ako uuwi eh. Dito ako matutulog.
Wao desisyon yan? Sino may sabing papayag ako? Sita ko sa kanya tss lakas maka desisyon ah
Sama ng ugali. Tss
Mahina nyang sambit na rinig na rinig ko naman
Di ako makakauwi, diko dala kotse ko eh nilakad ko lang papunta dito.
Nilakad? Ang layo kaya nang bahay nila papunta dito lakas ng trip
Sige na dito nalang ako tsaka delikado ding mag isa ka dito uunti pa naman nakatira dito.
Pangungulit nya ulit esh tigas talaga neto
Oo uunti palang talaga nakatira dito sa subdivision buhat ng under construction pa ibang naka tayong building.
Tss makakatanggi pa ba ako? Mukhang di na ako mananalo tss
Tumango nalang ako na kinangiti nya naman
Sa sala ka matulog.
Actually tatlo lang room namin dito kami lang naman kasi ni mam dito sa bahay eh
Pero diko na ipapagamit sa kanya yung kwarto mukhang diko pa nalilinisan yun kakawa to pag nagkataon tss anak mayaman pa naman
Tumango nalang sya.
Tinapos na namin kinakain namin dahil 9 pm na din
Napag desisyonan naming sa sala muna tumambay pareho kasi kaming di pa dina dalaw ng antok
Sabay na tayo bukas. Pambabasag nya sa katahimikan
Bat? May dala ka bang gamit? Tanong ko sa kanya na kina iling nya lang
Wala. Uuwi muna ako bukas ng umaga tsaka dadaanan nalang kita dito
Tumango na lang ako wala din kasi akong balita sa license ko mukhang di pa natatapos asikasuhin ni ate yena
Humiga naman sya bigla at ginawang pang unan legs ko.
Sanay na kami sa gantong galawan namin halos kapatid na din kasi turingan naming dalawa
Nakita ko naman na sumobra paa nya sa sofa tss tangkad kasi.
Nakapikit lang si kai habang ang isang kamay nya nakapatonh sa noo
Pagod na pagod yata, sino ba naman kasing may sabi na lakarin nya simula sa kanila papunta dito
dun ka nalang sa kwarto tss pa awa!
Bigla naman syang umupo tsaka ngumiti tss mukhang aso
Una na ako. Sambit nya at umakyat na papuntang kwarto
Matulog kana din may pasok pa bukas. Sambit nya ulit bago pumasok ng kwarto
Mga ilang minuto pa akong tumambay dahil di pa ako dindalaw ng antok
Naisipan kong kumaha na muna ng pantulog sa kwarto at sa cr nalang nagbihis
Mahirap na lalaki pa din naman si kai ket papano
Matapos kong mabihis tumabi na din ako sa kanya. Wala ng malisya samin to dahil pareho kaming comportable sa isat isa.
Matulog kana nung oras na. Mahinang sambit nya.
Tss kala ko tulog na tong kumag na to
Tumalikod nalang ako sa kanya at natulog na din.
Kai Pov
Pass 12 na di pa din ako makatulog dahil siguro sa naninibago ako sa higaan
Buti pa tong kasama ko ang himbing ng tulog
Matagal akong napatitig sa mukha ni blight sarap nya kasing titigan lalo na pag tulog.
Tss ang bait tignan
Kung di ka lang siguro masungit eh baka gaganda ka pa lalo. Tss ganda nga sungit naman.
Naisipan kung kunan sya ng litrato habang mahimbing na natutulog tss pagkakataon ko na to ayaw na ayaw kasi netong kinukuhanan ng litrato eh
E k click ko na sana ng bigla syang gumalaw
Dali dali ko namang tinago cp ko at nag tulog tulogan
Pinakiramdaman ko muna kong gising ba sya bago ko ulit sya tinignan
Nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang nakatalikod na sya sakin. Dali dali kong kinuha cp ko at tinignan ang litrato.
Haysss blurred tuloy likot kasi!
Pag dimo titigan ang litrato di mo aakalaing si blight to kaya naisipan kong gawing lock screen haha cute nya kasi dito tignan alam kong bibigwasan ako neto pag nakita nya to
Di nya din naman to makikilala kaya ayos lang.
Naisipan kong maaga gumising bukas gusto ko kasing pag lutuan sya ket pag fried lang alam ko
At least ket papano marunong akong magluto diba?
Bigla ulit gumalaw si blight at humarap sakin,
Tumagilid nama ako para makaharap ko sya
Sarap talagang titigan, kala mo kong sinong mabait eh
Bata pa lang kami may gusto na ako sa kanya
Kaya lang di pwede haha gusto kong umamin sa kanya noon pero inuunahan ako ng kaba lalo na’t parang kapatid na din turing nya sakin.
Kinumutan ko muna sya bago naisipang matulog, sleep tight my blight