Kai Pov
5:00 am kakagising ko lang, medyo maaga pa pero kelangan ko din talaga gumising ng maaga kasi papanagutan ko yung sinabi ko kagabi haha
Tinignan ko naman katabi ko na mahimbing pa ding natutulog.
Tamo yan pano kung wala kang kasama ngayon?
First day na first day mukhang male late ka ah.
Inayos ko muna ang kumot sa kanya bago naisipang bumaba para maghanda ng almusal namin
Ano ba pweding lutuin dito?
yabang kala mo naman marunong mag luto haha
Tss para kunyari magaling ako eh haha ganon kaya yung mga chef sa tv tinitignan ref nila tapos mag tatanong kung anong pweding lutuin tss.
Naka kita naman ako ng bacon kaya yun nalang ang napag desisyonan kung lutuin tsaka dalawang egg
Hanggang prito lang talaga kaya ko bala na haha
Habang nag luluto, minessage ko muna kuya ko para sunduin ako mamayang 6:00
Ayuko na kasing mag lakad ulit pauwi tsaka kailangan ko din makauwi ng maaga kasi dun na lang ako sa bahay mag sa-shower then susunduin ko pa si blight para sabay na kami papuntang school.
Mga ilang minuto natapos ko na ding lutuin yung bacon, medyo tutong hehe pero ayos na din to di naman masyadong tutong eh
Sinunod ko naman lutuin yung egg, sunny side up gusto ko para sa egg na to, matagal ko na din to ulit gustong gawin, pero kasi ang baba ng pasensya ko pag sunny side up na pinag uusapan diko kasi na p perfect eh laging basag yung yellow kainis.
Sinimulan ko ng biyakin yung itlog at deretsong nilagay sa kawali pero unang subok ko lang basag na agad umay.
Aishhh!! Ang dali dali kasing mabasag may sira yata tong itlog na to eh!
Sinubukan ko ulit mag luto ng pangalawa ngunit bigo nanaman ako aishh! Ayuko na!
So yun nga natapos akong magluto na wala man lang na p perfect aishh!
Okay na yan!!
Baka ito pa makakasira ng araw ko bwesit!
Marami pang kanin na natira kagabi kaya ininit ko nalang dahil di din naman kasi ako marunong mag saing.
Bumalik na ulit ako sa taas para gisingin si blight tss hirap pa naman neto gisingin
Tinignan ko muna kung anong oras na
5:40 Bilis naman ng oras nag luto lang naman ako ah ganon ba ako kabagal?
Dahan dahan kong nilapit mukha ko sa tenga ni blight para isahang gising lang
BLIGHT!!!!!! GUMISING KANA MALELATE NA TAYO!!!
Sigaw ko sa tenga nya na mukhang di tamang desisyon para gawin yun gagi bala na.
Isang malakas na hampas sa batok ang na tamo ko dahil sa ginawa kong pag gising sa kanya oh diba nagising? Effective!
Pero ang sakit nun ah!
Bwakangina moooo!!!!!!
Malakas na sambit nya na mukhang ready na syang pumatay ng tao
Dali dali naman akong tumakbo pa labas ng kwarto at hinawakan ng maigi ang door knob para di nya mabuksan
Gagi maling desisyon nga
BUKSAN MO TO!!!
Sigaw nya sabay pukpok sa pinto.
ISA!
Sorry na!!!! Ang tagal mo kasing magising eh
DALAWA!!
Teka lang eto na
Wag mong pa abutin ng tatlo kai! Makikita mo!
Malakas na sigaw nya ulit.
Gagi aayusin ko na talaga desisyon ko sa buhay
Mukhang kelangan ko pang maghintay hanggang sa kumalma to
Pinipilit nyang buksan ang pinto habang pinupok
Gagi ang lakas naman neto halos nabubuksan nya na
KAI!!!!!
T-teka diko nga sinasadya.
Dapat daw maaga tayo ngayon eh kasi 7:30 may orientation tayo
Pagdadahilan ko na parang wala lang sa kanya
Tinignan ko naman ang oras at mag si 6 na grabe ang bilis naman ng oras
Tsk babaeng to parang lalaki
Pinipilit nya pading buksan ang ang pinto at nakikita ko na itsura nya haha ang panget
Ang panget mo blight! Haha
wag mo akong sagarin kai!!
Galit na sambit nya
Gagi tagal naman ni kuya
Pag ako nakalabas makikita mo!
As if naman makalabas ka hahaha
Pero gagi nakaka ngalay din lakas ng babaeng to
Mapapatay talaga kita!
Sigaw nya ulit.
Pinag luto kaya kita dimo man lang ba ako papasalamatan ha?
Pwes kainin mo yun lahat!!
Ayy gagi galit na galit nga seryosong seryoso mukha
Pano ko yun kakainin eh mukha kang siraulong takas sa mental baka bigla mokong saksakin eh
Nakarinig naman ako ng malakas na busina galing sa labas
Hay salamat, right timing ka talaga kuya tangina tulong!
Di alam ni blight na nag papasundo ako kay kuya kaya na si kuya na yung nasa labas
Patuloy padin sya sa pagsisipa sa pinto habang buong pwersa ko namang hinahawakan ang pinto
Sakto namang nakita ko sa loob na umiilaw phone nya kaya agad ako nakaisip ng paraan paratumigil sya sandali gagi makalabas lang ako Safe na ako
Blight si tita tumatawag!
Alam kong pag si tita tumatawag di nya pinapalipas yun lalong lalo nat nasa malayo si tita ngayon haha
Kaagad naman syang lumingon sakin at tinignan ako ng masama sabay talikod para kunin ang cellphone
Agad naman akong tumakbo pa labas sabay sakay sa kotse ni kuya
Bilisan mo kuya!
Sigaw ko kay kuya na kaagad naman pinatakbo ang kotse haha hays salamat
Bat ka ba nagmamadali? Di tuloy ako nakapag kamusta man lang kay blight.
Wag na kuya bad mood HAHAHAHA
Ano nanaman ba ginawa mo? Kaya pala ang ingay kanina kala ko kung ano na meron sa loob
Wala sinapian
Sagot ko sa kanya sabay tawa
Napailing nalang si kuya sa kagagawan ko
At di na nag salita.
Tsk di ko tuloy na tikman niluto ko
Todo effort pa naman ako dun
Sama talaga ng ugali ng siraulong yun.
Nakarating kami sa bahay at dalidali na akong naligo’t kumain dahil baka ma late na kami 7:20 pa naman nag co close ang gate sa school hays
Nag dadalawang isip ako kung susunduin ko pa ba si blight oh hindi na
Baka kasi wala pa sa wisyo yun eh mahirap na.
Napagdesisyonan ko nalang na hindi na sya sunduin tss kaya nya naman na pumuntang school mag isa hahaha
Kala mo ah haha ayan pairalin mo galit mo
Maghanap ka ng maghahatid sayo sana di ka na makaabot sa gate hahaha
Brix Pov
Kuya!! Wake up!
Aren’t you going to school?
Mom called earlier.
C’mon! I don’t wanna be late!
Kakagising ko lang rinig na rinig ko na agad boses ng kapatid ko na sumisigaw habang walang tigil sa pag kakatok. Tss ang aga pa nga
Kuya! Magpapahatid nalang ba ako kay manong?
Tanong nya ulit.
Argh! Ang kulit! Di ba pwedeng pumunta na sya kung gusto nya ng pumunta tsk
Pero alam kong di ako titigilan neto
Hey kuya seriously? Aren’t you going to school?
Yeah!
Sagot ko naman para matahimik na sya
What? Orientation ngayon and attendance is a must!
Lintik na ayaw talaga tumigil!
Tinignan ko ang oras at 6 am palang tsk aga aga pa nga
Pahatid ka na lang kay manong!
Susunod ako!
Okay sabi mo eh.
Tss ano ba gagawin nya dun ng ganto kaaga? Sya lang yata na e excite pumasok eh tss inaantok pa ako
Hmm maybe 30 mins more sleep muna ako
Nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi.
Sakit ng ulo ko eh aish! Isang bote lang naman ininom ko kagabi lakas na ng tama
Pinagsisihan ko tuloy kung bat pa ako uminom kagabi tsk balak ko lang naman tumambay kasama mga tropa lima pa lang kami kagabi naisipan naming hintayin si kai at dahil ang tagal nya kagabi naisipan naming uminom nalang muna’t hanggang sa ilang oras na ang lumipas walang kai na sumipot kagabi gagong yun
6:30 napag desisyonan ko nalang na pumasok wala din naman kasing gagawin dito sa bahay
Dali dali akong naligo at kumain na din 7:30 kakatapos ko lang at papunta pa lang ako sa school
10 mins din ang byahe pa puntang school
Malelate ako ng 10 mins
Ayos lang pwede namang dumaan sa likod ng school eh
Nasa kalagitnaan ako ng pada drive ng tumatawag si clay
Hey.
Bati ko sa kanya
Gago kanina pa kami nag aabang sayo sa gate anong oras na wala ka bang planong pumasok?
Derederetso nyang sermon sakin tss
Bat ba kasi ang aaga nila mag o orient lang naman eh
Almost there.
Sarado na dre!
Sigaw naman ng isang boses na hatang boses ni adrian
Tss di nyo kasi alam dinadaanan ko
Umuwi kana lang dre sayang lang pagpunta mo di kana din naman makakapasok
Rinig kong boses ni nathan
Hintayin nyo nalang ako.
Pinatay ko na agad at tinuon na ang atensyon sa pag d drive
Nasa harap na ako ng school at mag pa park na sana ng may makita akong babaeng sinisipa ang gate habang sinisigawan ang guard na buksan nya daw haha
What a stupid b***h!
Nag park ako sa lugar kung saan mas makikita ko sya
Di parin kasi tumitigil kaka sipa ng gate
Tsk tsk ket masaktan ka pa jan di ka pagbubuksan ng guard
Buksan mo to!! Wala ako sa mood ngayon pag ako nakapasok makikita mo kuyang guard!!
Abat ang tapang naman haha
Di parin ako bumababa dahil nalilibang ako sa kanya sarap nya kasing tignan eh
Bawal na po ma’am, pero kung may maipapakita ka pong schedule ng bawat subject nyo po may syansang makakapasok ka.
Pagpapaliwanag naman ng guard.
Anong ipapakita ko sayo kung mag o orient palang! Wala pang binibigay saming schedule!
Tapang talaga sumasagot sagot pa tsk tsk
Napapailing nalang ako sa kahibangan nya
Tama nga naman mag o orient palang naman dun pa lang e d discuss magiging sub sched namin
Anong grade na kaya to?
Ay ma’am pasensya na po sumusunod lang po kasi ako sa habilin sakin.
Di na sya pinansin ng guard Na kinatahimik nya din
Kuyang guard please? May tip ka sakin pag binuksan mo po to.
Pagmamakaawa nya kay kuyang guard
Tss kanina parang siraulo tas ngayon babait baitan?
Bawal na po talaga ma’am ako po ang mayayari pag binuosan ko iyan.
Tsk tigas din talaga ng ulo neto
Edewag!! Aish!!!
Galit nyang sagot sa guard habang napaupo sa may gate
Nakita kong mag e 8 na pala kaya napag isipan ko ng bumaba para dun nalang dumaan sa likod
Na kung saan dito din ako dumadaan noon pag late na ako makakapasok
Nakita kong sinusundan ako ng tingin nung babae na kunot na kunot ang noo
Bigla naman syang tumayo sabay tawag kay guard
Hoy! Kuyang guard dalawa na kami oh di mo pa rin ba kami pag bubuksan?
Nagsisimula ng mairita yung guard at lumabas ng guard house na masamang nakatingin sa babae.
Clarcke Pov
Nagkaroon ako ng pag asa ng may makita akong lalaking late na din
Siraulong kay kasi yun tsk kung di ba naman sya nag sabi kagabi na e sasabay nya ako ede sana ket papano naka abot pa ako kanina hayst!
Sinusundan ko ng tingin yung lalaki kasi parang ibang dereksyon kasi pupuntahan nya eh
Tsk di man lang ako tinapunan ng tingin alam nya bang late na kami’t di na makakapasok? Tss parang wala lang sa kanya ah
Bago pa sya makatalikod kinausap ko ulit yung guard
Hoy! Kuyang guard! Dalawa na kami oh dimo pa din ba kami pag bubuksan?!
Alam kong nakakarindi na boses ko dahil kanina pa ako sumisigaw pero hindi ako titigil hanggat di ako nakakapasok!
Para saan pa yung pag gising ng ganon kaaga kung sa bahay lang din naman ulit mahahantungan ko aish! Kasalan mo to kai!!!!
Lumabas naman si kuyang guard na halatang inis na inis na sakin
Magsi uwian nalang kayo. Sasusunod kung ayaw nyong di kayo pinapapasok sa school
Matoto kayong pumunta dito ng maaga! Mga studyanteng to!
Ayy grabe sya.
Natahimik na lang ako at nakita ko namang naglalakad na yung lalaki kanina
Dali dali ko syang sinundan tsk ang la laki ng hakbang
Hoy! Wala ka man lang bang gagawin para makapasok tayo? Alam kong kanina mo pa ako napapansin bat di ka tumulong dun ha? Ket papano naman may kwenta ka
Di nya pa din ako pinapansin at patuloy na naglalakad
Alam mo bang orientation ngayon at kailangan daw nating pumasok lahat?
Sita ko ulit dun sa lalaki’ng wala pa ding imik at patuloy pa din sa pag lalakad
Bingi ba to?
Mahinang sambit ko na tama lang para marinig nya din
Ano ba?!
Napasubsob ako sa likod nya ng bigla nalang syang huminto sa paglalakad
Dika ba napapagod? Manahimik ka nga!
Galit nyang sambit sakin
Luh inaano ba to?
Tabi!
Pagtataboy nya sakin
Bigla naman akong may na alala sa boses nya
Abat! Sya nga! Kala nya makakalimutan ko yung pag tulak nya sakin nung nakaarang araw sa restaurant? Abat siraulo di nya ba ako na mumukhaan? Kala mo kung sino!
Dali dali kong tinanggal bag ko sabay hampas sa kanya sa likod
Bigla naman syang napahinto at galit na humarap sakin.
Magsasalita na sana sya ng inunahan ko na
Ang yabang mo ah! Kala mo nakakalimutan ko na yung ginawa mo sakin sa restaurant ha? Oo ikaw yun di ako nagkakamali kamukhang kamukha mo yung ulupong na tumulak sakin nun! Kapal ng apog mo no?!
Napakunot naman sya ng noo na parang ina alala yung nangyari
Bigla nalang syang tumawa yung tawang nakakaasar? Smirk lang
Ganon ba? Diko ma alala eh. Pero buti nga sayo.
Abat nang gagago ba to?
Hinampas hampas ko ulit sya gamit bag ko na parang wala lang din naman sa kanya na patuloy lang sa paglalakad
Ang yabang mo bwakanginangsheyt ka! Kala mo kung sino ka? Kina angas mo ba yan? Alam mo kanina pa ako mababadtrip at dumagdag ka pa!
Can you shut your f*****g mouth?!
Sigaw nya din sakin na kinabigla ko’t napasubsob ulit sa likod nya
Natahimik naman ako ng bigla syang humarap sakin habang masamang naka tingin
Bigla nya naman akong hinila at patuloy na naglalakad papunta sa likuran ng school
Hoy t-teka! San mo ba ako dadalhin?
Tanong ko sa kanya
Mahirap na baka may masamang gawin sakin to wala pa namang ka tao tao dito
Pwede ba?! Kanina pa ako naririndi sa boses mo! Kung gusto mong makapasok manahimik ka nalang!
Iritang sigaw nya sakin na kinatahimik ko naman
Di na ako umimik at nagpahila’t sumunod nalang din kung san kami pupunta
May nakita akong gate na maliit tama lang para makapasok ang isang tao
May ganto pala dito? Ayos din ah ede pede na akong magpa late lagi.
Nasa harap na kami ng gate at bigla nanamang syang huminto na kinasubsob ko ulit sa likuran nya
Nananadya ka ba?
Sakit na ng ilong ko inang to!
Di naman sya nagsalita at hinila ako sa harap nya’t tinulak pa pasok sa gate muntik na akong masubsob sa pag tulak nya sakin
Ayan! Wag mo nang isumbat sakin yung pag tulak ko sayo sa restaurant. You owe me for this, now get out of my sight!
Tss inirapan ko nalang sya at naglalakd na papuntang room kung saan dun ang magiging room ko tinignan ko ang oras at mag na 9 na din pala baka tapos na orient nila
Nasa harap na ako ng room namin at naka sarado ang pinto
Tahimik naman sa loob kaya diko na naisipang kumatok
Pag pasok ko maraming matang nakatingin sakin na pinagsisihan ko na sana pala kumatok nalang ako
Nakikipagtitigan naman ako sa mga ka klase ko na nakatingin pa din sakin
May nahagip naman ang mata ko ng siraulong sarap patayin tangina mo kai mamaya ka sakin
Natuon ang atensyon ko sa harapan ng biglanv may nag salita
Oh looks like we have another new student here
Can you please introduce yourself? Come here
Ginantihan ko naman ng ngiti yung teacher saka pumunta na sa harap para mag pakilala
Goodmorning ma’am,
Tumango naman si ma’am bilang sagot at nag simula na akong magpakilala
Clarcke blight Saltina, bigla naman akong nailang dahil sa lahat sila titig na titig sakin nagtataka tuloy ako kung may dumi ba mukha ko’t ganon sila makatingin sakin tss
19 years old I’m from Saltina High University, sounds familiar right?
Kilalang kilala din kasi ang school na yun or sabihin na nating school namin lolo ko may ari.
Kung tinatanong nyo kung bat dito ako nag college, well walang college sa Saltina high
Hanggang Sr. High lang hawak nila dun
Nag react naman ang iba at ang iba nama’y tumatango tango
Oh i see your from Saltina high pala galing din ako dun
Sambit naman ng teacher namin na bigla namang napa woah yung iba
And your Saltina too right? If I’m not mistaken?
Tumango naman ako bilang sagot
Bigla namang may nag tanong kay ma’am na lalaki
Ma’am diba mga matatalino lahat ng nag aaral dun?
Ngumiti naman si ma’am bilang ganting sagot dun sa lalaki.
Hmm di naman sa pagmamayabang pero tama sya may mga utak lahat ng grumaduate dun
Di ka basta basta makakapasok dun pag wala kang utak
Bigla namang lumingon si ma’am sakin at ngumiti
Pili ka nalang kung san mo gustong umupo ms. Saltina and ..
Ka ano ano mo po ang may ari ng Saltina High?
Putol naman ng isa pang lalaki kay ma’am na mukhang naghihintay lang din ng sagot ko
Sasagot na sana ako ng biglang bumukas ang pinto tsk ka klase ko ba to?
Oh looks like we have another late comming student here, di ka parin talaga nagbabago mr. Brayden!
Bryaden? Pft ang panget pangalan nya ba yan o apelyedo?
Di nya naman pinansin si ma’am at dere deretsong umupo sa bandang likod
Tss kung minamalas ka nga naman ka klase ko pala tong ulupong nato
Nilibot ko muna paningin ko ng may mahagip ang mga mata kong isang lalaking titig na titig sakin
Familiar nakikipagtitigan naman ako at na alala kong sya yung nabasagan ng kotse haha dito ka din pala
Napansin kong wala dito yung dalawang bruha kong kaibigan, mukhang di kami magkakakasama ahh
Sige na ms. Saltina you can seat now
Sambit sakin ni ma’am, halatang bata pa si ma’am dahil sa itsura nya
Naghahanap ako ng upuang walang katabi mas gusto ko kasing walang katabi eh para tahimik lang
Nakakita naman ako ng blangkong upuan banda sa may bintana kaya dun ko na piniling umupo pero bago pa man ako makapunta dun madadaanan kong san nakaupo si kai
Gagong to mamaya ka sakin!
Goodmorning blight.
Nakangiti nyang bati sakin na parang nakalimutan na ginawa sakin kanina
Bigla namang napalingon yung katabi nyang lalaki na brayden yata? Basta yung mayabang na tumulak sakin sarap dukutin ng mata
Huminto kuna ako saglit sa tabi ng upuan ni kai para batukan sya, mahina lang naman tanging mga katabi nya lang nakapansin
Woah haha wala ka pala kai eh.
Sambit nung nasa may likuran ni kai
Nakipagtitigan naman sakin yung ulupong titig na parang ina alam nya kung kilala ko ba yung binabatukan ko tss alam kung magaling sa bakbakan tong gagong to pero walang wala to sakin
Inirapan ko nalang sila at umupo na sa may bintana na kung saan makikita mo dito yung basketball court may naka agawa naman ng atensyon ko may lalaking nag lalaro na kahit anong tira nya di nya na shoshoot yung bola pft ang lapit lapit na nga
Bigla nya na lang binato ang bola sa kung saan
So as I’ve mentioned earlier Ako yung Homeroom teacher nyo, I’m Katrina Vasquez, 27 years old and yeah single wala akong oras for relationship na yan and I’m from Saltina High
This is section A BSIT so student maiwan ko muna kayo kasi we have an meeting you can use this time para makilala ang bawat isa. I’ll be back so behave.
Mahabang pagpapaliwanag ni ma’am
Buti naman at yari saking gagong yun makakaganti na din ako
Papalabas na si ma’am tudo papansin naman ang mga ka klasi kong lalaking malandi tss
Hinahanap naman ng mata ko si kai at wala na sya sa upuan nya.
Bilis mawala ah san kaya nagpupunta yun
Naisipan kong matulog nalang ayuko din naman makipag usap
Yuyuko na sana ako ng may kumalabit sa likod ko.
Nilingon ko naman sya at tinignan, tingin na what? Look
Kitang kita ko yung panginginig nya habang parang may kinakati sa likuran tss nakakatakot ba mukha ko?
Hitsura nya pa lang alam mo ng mahinhin, may makapal na salamin tysaka naka ponytail
A-ah p-pwede bang umupo dito?
A-ano kasi -
Saka mo na ako kausapin pag tuloy tuloy ka ng magsalita
Putol ko sa sasabihin nya ang bagal kasi sayang ng oras antok pa ako eh.
Yuyuko na sana ako ng magsalita ulit sya
Ano kasi pina alis kasi ako dun sa ha-harapan
Tiningnan ko naman kung sang dereksyon sya nakatingin at.
May bruha ngang nakaupo na halatang binayayaan ng beauty comics ang mukha hitsura palang alam ko ng kontrabida to sa buhay ko HAHAHA wala lang feel ko lang
Wa-wala kasi akong ibang maupuan eh.
Sambit ulit ng babae sa likuran ko
Pa alisin mo.
Ah eh ano kasi..
Tss alam ko namang kung ano kinasama ng makeup nung babae sa harapan ganon din ka sama ugali ng bruhang yan
Sige.
Hinayaan ko nalang syang umupo sa tabi ko
Para makatulog na din ako
T-thank you. A-ako nga pala si ~
Diko tinatanong.
Kaya ayaw kong magkaron ng katabi eh
Natahimik naman sya, nakaramdam yatang di ako interesado. Buti naman
Makakatulog na din ako.