Brix Pov
Ilang oras na tulog pa din yung babae lunch time na at tanging kaming dalawa nalang ang natira dito
Wala ako sa mood kumain ngayon
Nilinga linga ko ang paligid kong may tao pa ba
Mukhang kami nalang talaga nandito eh di naman wala naman sigurong makakakita kung titigan ko sya
Napailing nalang ako ng maalala ko yung pakikipagtalo nya kaninang umaga kay kuyang guard
Sa tanang buhay ko ngayon pang yata ako nakakita ng babaeng hindi maarte kong gumalaw lalong lalo na pag nasa harap ko
Tss pati ba naman sa pagtulog nakakunot padin ang noo? Ket yata sa panaginip may kaaway to eh
Naalala ko naman kung pano nya sungitan yung babaeng nerd kanina, wala talagang pinipili to tsk tsk
Halatang di natulog ah almost 3 hours na din syang tulog
Diko maiwasang di sya titigan ang amo kasi ng mukha nya eh kabaliktaran pag gising sya
Di parin nababago posisyon nya at ganon pa din simula nung natulog sya
Naisipan kong lumabas na muna mahirap na baka magka issue nanaman ako
Naglalakad na ako pa labas ng bigla nalang syang umungol nakalantad na ngayon yung pusod nya tss bat ba ang hihilig ng mga babaeng mag suot ng ganyan? Mga kinulang sa tela
Hinayaan ko nalang sya at lumabas na sakto namang nakasalubong ko si lorren
Hi brix, nag lunch kana ba?
Malanding tanong nya diko nalang sya pinansin at sumabay na saking mag lakad hinayaan ko nalang sya
Mas mabuting di na muna sya pumunta sa room may natutulog eh alam ko kung anong ugali meron si lorren
Sabay na tayo? Kanina pa kita hinihintay di kita nakita sa canteen kaya bumalik ako dito
Malanding pagpapaliwanag nya
Naisipan kong pumunta nalang din sa canteen dahil dun naman talaga patutunguhan namin
Nauna na sakin yung apat pumuntang canteen dahil nga wala ako sa mood kumain
Oo apat, anim talaga kami pero alam kong di sasabay samin ngayon si felix lalo na’t mainit ulo ko sa kanya
At dahil di naman ako kakain at etong kasama ko lang ang kakain kaya napag desisyonan kong dito na lang kami sa pwestong malapit lang sa pinto
Walang ni isang may gustong umupo sa pwesto nato kasi center of attraction kung baga
Kitang kita ka ng lahat ng tao lalong lalo na yung mga papasok pa lang
Ano gusto mong kainan? I’ll order nalang for us
Umiling nalang ako’t alam kong naintindihan nya yun
Okay wait for me okay?
Diko nalang sya pinansin tss alam kong nagpaparinig lang sya dahil gusto nyang ako ang umorder para sa kanya
Pero diko ugaling gawin ang mga bagay na yun lalong lalo na pag diko gusto
Bigla namang pumasok sa isip ko yung babae kanina
Gising na kaya yun? Di ko maiwasang di maisip yung itsura nya bago ako umalis posible kasing pwede syang mabastos lalo na’t may ka sexy sihan din
Tss bat ba ako nag alala dun tss
Nilibang ko nalang ang sarili ko
Inikot ko paningin ko para tignan kung ano na ginagawa ng mga gago kung tropa alam kong magtatampo ang mga yun lalong lalo na’t mas pinili kong samahan si lorren,
Nakakatawa mang isipin pero may ganon silang ugali pero syempre di naman ganon ka seryoso talaga
Trip lang nilang magtampo
What’s with that face?
Omg? Look di ba uso sa kanyang mag suklay?
Uy pare may chix
Witwew
Ew di bumagay yung itsura sa suot nya
Di din naman kagandahan katawan
Rinig na rinig ko kung pano magbulangan yung mga andito habang naka tingin sa may pinto
Tinignan ko naman at tumama lahat ng mga binubulong ng mga naki usyoso dito sa canteen kong pano nila diniscribe yung babae ganon na ganon ang itsura nya ang gulo ng buhok nya na halatang kakagising lang
Rinig na rinig ko mga bulungan ng ibang babaeng kung ano ano ang sinasabi halatang gusto talaga nilang iparinig dun sa siraulong babae ano nga name nya? Pagkakarinig ko kaninang umaga Saltina eh
Bigla namang pumasok sa isip ko yung sikat na school Saltina din pangalan nun eh ano connection nya dun? Or baka nagkataon lang na Saltina lang din name nya
Halata naman aa mukha nyang wala syang pake at parang walang narinig
Nilibot nya naman paningin nya na halatang may hinahanap habang hinihila damit nya pa baba
Tss susuot suot ng ganyan ka ikli tapos tsk tsk crazy woman.
Bigla namang may nag salita sa likod ko na kinabigla ko, masyado yatang na pa tuon atensyon ko sa babaeng nasa pinto
Hey, kanina pa kita tinatawag
Rinig kong sambit ni lorren na ngayo’y nakatingin na din sa kung saan ako nakatingin
Kitang kita ko kung pano nya titigan yung babae sa pinto
Hanggang ngayon ba naman di nya padin ako nakikita? Tsk nasa harap na nga ng pinto
Hey brix do you mind if sumabay na ako sayo mamaya pag uwi? Di kasi ako masusundo ni dad eh
Tumango nalang ako at tinignan kong gano nya kahigpit hawakan kamay ko
Diko naman namalayang nasa tabi na pala namin yung siraulo at
Titingin tingin mo jan?
Sambit nya habang nakatingin kay lorren
Woah tapang!
Hala bhe did you heard it?
What the f did she said?
Omg? What a war freak
Ang kapa naman ng mukha nyang pagsabihan ng ganon si lorren
Rinig kong bulyaw ng mga babaeng naki usyuso dito nakakarindi
Naisipan kong ilabas ang earphone ko’t makinig nalang ng music
What? Haha titingnan? Who? You? Ikaw ba? Ang assuming mo naman masyado hindi ko naman ugaling tumingin lalo na sa basura.
Rinig kong sambit ni lorren sa babae nangangamoy gulo ah
Nagsimula nanamang magbulungan ng mga taong nakiki usyoso dito
Buti nga sa kanya haha what a trash
Ang yabang kasi
Halatang walang pinag aralan
Attention seeker amp
Ang kapal naman ng mukha nya haha assuming nga ew.
Tss ugali na yata ng mga babae yan eh
Na pag di nila gusto nakikita nila kung ano ano na sinasabi
Ganon ba? No wonder kaya pala na sobrahan ng kolorete mukha mo dahil di mo ugaling tumingin ng basura, sasusunod ugaliin mo na ha
Sambit nya habang nililibot pa din ang paningin
Tatayo na sana si lorren ng pinigilan ko sya
Alam kong pikon na sya sa babaeng to at baka magkagulo pa dito sa canteen
Napailing nalang ako dahil sa nakakatuwa hitsura nung babaeng siraulo halatang walang pake kung ano man hitsura nya ngayon
Ang yabang isang suntok lang nyan sa boyfriend ni ate lorren tulog na kagad yan
Papansin lang yan.
Halatang nag papapansin kay brix
Di nya ba kilala kung sino binabangga nya?
Walang tigil pading pangungutya ng iba
Hindi eh, di din naman ako interesadong makilala.
Sagot nya dun sa babaeng kakasabi lang
Na kinabigla nya nama’t halatang napikon sa sinagot ng babaeng siraulo sa kanya.
Boo!!!!!!
Ang hilig kasing makisali hahaha
Rinig kong sambit ng puro kalalakihan
Napahiya naman sya at bigla nalang nag dabog pa
Labas
Dere deretso namang naglakad yung babae at di pinapansin ang mga bulungan sa paligid
Clarcke Pov
Nagising akong wala ng tao sa paligid tss san ba nagpunta yung mga yun?
Nakarmadam naman ako ng gutom
Anong oras na ba
Shuta napahaba yata tulog ko ah lunch na pala
Bigla naman pumasok sa isip ko si kaii gagong yun di pa ako nakakaganti dun
Naisipan kong pumunta nalang sa canteen dahil alam kong sa canteen lang din naman pupuntahan nun at gusto ko na din talagang kumain
Wala pang laman tyan ko eh gagong yun pinagluto nga ako ng almusal pero nakakawalang ganang kainin! Sino ba namang gaganahan kumain nun eh puro tutong tss nagsasayng lang ng pagkain
Papasok pa lang ako ng canteen at ramdam na ramdam kong maraming matang nakatingin sakin
At rinig na rinig ko mga pinagbubulungan nila
Buti nalang wala kong pake
Diko alam kong sa hitsura ko ba sila na iingit oh sa tanginang suot ko ngayon na kitang kita pusod ko tangina kasi wala na akong damit puro na labahan tsaka nagmamadali na din ako kanina sakto naman at nagamit ko tong binili ni ate yena ket papano napapakinabangan.
Mas prefer kong mag suot ng oversized kesa dito pero no choice lang talaga
Nilibot ko paningin ko para hanapin ang gagong kai
Bigla namang may lumapit saking lalaki
Hi? May kasama ka ba? Nakangiting tanong nya
Diko nalang sya pinansin at tinuon ang atensyon dun sa babaeng nag pa alis kay nerd kanina tss kanina pa kasi sya nakatingin sakin at diko na gustohan yun
Mas mataas pa yata kilay nya kesa sa pasensya ko eh
Bago ka makakapasok sa loob madadaanan mo ang table kung san naka upo yung babaeng puno ng kolorete sa mukha lorren yata name neto eh
Halatang anak mayaman lakas maka LV ng bag eh
Nakatingin naman sakin yung jowa nyang si ulupong andito din pala to eh tss lahat ba ng tao dito ugaling tumingin sa maganda? Ngayon lang ba kayo nakakakita ng maganda?
Titingin tingin mo jan?
Tanong ko kay lorren nakakairita kasi mukha nya eh wala sa tamang oras para makakita ng clown ngayon.
Woah tapang!
Rinig kong sambit ng kung sinong nilalang na nakiki usyoso samin
Hala bhe did you heard it?
Isa pa to
What the f did she said?
Nyenye ang aarte!
Omg what a war freak!
Ang kapal naman ng mukha nya para pag sabihan ng ganon si lorren
Ano namang pake nyo? Bawal ba? Dapat ba dito sinasamba?
What? Tinignan? Who? You? Ikaw ba? Ang assuming mo naman masyado hindi ko naman ugaling tumingin tingin lalong lalo na sa basura.
Maarteng sabat nya na parang nasusuka
Gago kaya ayukong tumira sa lola ko eh baka ganto din ugali ko pag nagkataon
Nagsimula nanaman ang mga bubuyog magbulungan tss mga chismoso’t chismosa
Buti nga sa kanya haha what a trash!
Mama mo buti
Ang yabang kasi
Halatang walang pinag aralan.
Well iba kasi pinapasukan ko eh di tulad nyong puro make up at papakiki usyoso lang alam.
Hampas ko senyo mga award ko eh
Attention seeker amp
Ang kapal naman ng mukha nya, assuming nga haha ew
Tss ew ka din!
Ganon ba? No wonder kaya pala na sobrahan ng kolorete mukha mo dahil di mo ugaling tumingin sa basura, sasusunod ugaliin mo na ha?
Sagot ko at patuloy na hinanap ang gagong kai san na kaya yun
Alam kong pikon na pikon na sakin si lorren nakita ko namn kung pano sya pigilan ni ulupong
Ayan desiplinahin mo jowa mo kung ayaw ng gulo
Ang yabang isang suntok lang yan ng boyfriend ni lorren tulog kagad yan
Weh? Sinong boyfriend ba? Etong ulupong? Ede mag suntokan kami.
Papansin lang yan
Halatang nagpapansin kay brix
Sinong nilalang nanaman yun?
Di nya ba kilala kong sino binabangga nya?
Napalingon ako sa kung sino mang bruhang nag sabi nun
Hindi eh, di din naman akong interesadong makilala.
Nginitian ko nalang sya at naglakad na patungo sa kung saan man naka pwesto si kai
Andito ka lang palang gago ka
Hoy andito ka lang pala kala mo nakakalimutan ko na ginaw mo kanina?!
Aray ano ba?
Reklamo nya dahil mukhang napalakas hampas ko sa kanya
Gago ka bat dimo ko sinundo?
Uyy blight haha andito ka na pala hehe kumain kana?
Diko sya sinagot at masamang tinitigan
Eh ano kasi hinatid lang din naman kasi ako eh oo
Diba clay?
Tanong nya dun sa lalaking nakangiting nakatingin sakin
Yup.
Tss
Sumabay ka nalang samin. Libre na kita ano ba gusto mo? Ako na o order
Abat dapat lang!
Ket ano.
Umupo nalang ako habang hinihintay si kai
Panay titig naman sakin yung isang lalaki tss ka klase ko pala lahat ng andito eh
Nakatingin lang din sakin si clay habang nakangiti tss ugali ba lahat ng studyante ditong tumitig sa maganda? Tss
Ka ano ano mo si kai?
Tanong nang lalaking katabi ng inuupuan ko
Bat mo tinatanong?
Bigla naman syang natawa na sinabayan lang din ng mga andito tss mga siraulo ba tong mga to?
Masama bang malaman?
Tanong nya ulit
Oo masamang makialam kaya manahimik ka nalang
Bigla naman syang pinag tatawanan ng mga kasama at inasar na keso wala ka pa la eh tss
Diko nalang sila pinansin at sakto namang dumating na si kai dala dala ang tray na may lamang mga pagkain
Ayan bumuwi ka para ket papano mabawasan init ng ulo ko sayo
Sabay sabay na kaming kumain
Tudo tanong pa yung iba pero diko nalang pinansin gutom ako eh.